You are on page 1of 1

Iskript

Pakikipanayam sa Isang Guro

Marlon: Magandang araw po titser Melissa L. Cagalawan. Ako po si Marlon mula sa


ikalimang baiting. Kumusta po kayo?

Guro: Mabuti din po.

Marlon: Hindi po biro ang maging isang guro tulad niyo na nagsilbing pangalawang
magulang namin sa paaralan. Ano po ang mga bagay na nag-udyok sa inyo maging
isang guro at magbigay serbisyo sa mga kabataan?

Guro: Pinag-aral ako ng tiyo ko ng Education pagkatapos niyang makita ang potential
kong maging guro. Mahilig kasi akong magturong magbasa sa mga pamangkin ko.

Marlon: Sa pagiging isang guro, ano po ang mga magagandang karanasang inyong
nadaanan?

Guro: Bawat araw ng isang guro ay magandang karanasan, pero ilan sa hindi ko
makakalimutang karanasan ay noong nakita kong marami akong nabigyan ng
inspirasyon para mag-aral at nahipo ko ang mga puso nila na mag-aral nang mabuti.

Marlon: Bago po matapos ang ating panayam, ano po ang gusto ninyong imensahe sa
mga kabataan?

Guro: Sa mga kabataan, patuloy nilang pangarapin ang maningning na bukas. Piliin
nila ang mabubuting gawain. Mag-aral nang mabuti. Magkaroon ng respeto at
disiplina.

Marlon: Maraming salamat po, titser Melissa L. Cagalawan, sa pagpapaunlak ninyo


sa panayam na ito! Marami po akong natutuhan at tiyak akong marami pang
magkakaroon ng inspirasyon dahil sa inyo at dahil dito.

You might also like