You are on page 1of 5

ANG NOBELANG PILIPINO

Ang NOBELA ay naglalahad ng isang kawili-wiling mga pangyayari na pinaghabi-habi sa


isang mahusay na balangkas, na ang pinakapangunahing sangkap ay ang paglalaban ng
hangarin ng bayani sa isang dako at hangarin naman ng kanyang mga katunggali.
Ang nobela ay tinatawag sa wikang tagalog na KATAMBUHAY. KATHA sapagkat likha ng
panulat at BUHAY sapagkat ang mga kasaysayan na isinasalaysay ay kung hindi man lubos
na gawa sa isip ay hinahango naman sa pangayayaring tunay na naganap sa buhay na
maaaring nasaliksik, nasaksihan o naobserbahan, napanayam o kaya’y naranasan.

LAYUNIN
1. Gumising sa diwa at damdamin
2. Nananawagan sa talino ng guni-guni
3. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sap ag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing-daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

KASAYSAYAN
 Panahon ng KASTILA – ang Kasaysayn ng Nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong
panahon ng Kastila na may paksang tungkol sa Rehiliyon-katolisismo, kabutinhang-
asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang
panahon.
Ang Nobela ay isang sangay ng panitikang hindi nakuhang umunlad sa
panahon ng Kastila.
Nakilala ang kauna-unahang Nobelang salin sa tagalog mula sa wikang
Griyego, ang BARLAAN AT JOSAPHAT na isinalin ni Padre Antonio de Borja
noong 1712.
 1708 – Barlaan at Josaphat
 1864 - Urbana at Feliza
 1887 – Noli me Tangere
 1891 – El Filibusterismo
 1899 – Kababalaghan ni P. Bravo

 Panahon ng AMERIKANO – kapansin pansin ang masiglang pagpasok ng nobelang


Pilipino sa panahon ng Amerikano. Maraming Pilipinong manunulat ang sumikat
subalit matangi parin sa hanay ng mga kilalang manunulat. Ang mga sumusunod ng
taon ay tinuring na “panahon ng Ginto” ng Nobelang Pilipino. Nagpatuloy sa
paglalathalang mga nobelang lungguhang “Liwayway. Subalit noong taong 1921 at
sumunod pang taon ay itinuturing na paglubog ng araw nobelang tagalog. Sa
kadahilanang lubos na sumikat ang maiikling kwento na siyang mas kinagiliwan ng
mga makabagong mambabasa.

MGA NOBELISTANG NAGING TANYAG


 1852 – Valeriano Hernandez – Pena. Siya ay tanyag bilang makata, mandudula at
higit sa lahat nobelista. Kilala sa sagisag na “KINTIN KULIRAT”.
 1879 - Lope K. Santos. Isang batikang nobelista bukod sa pagiging mandudula at
makata. Itinuturing na “AMA NG PAMBANSANG WIKA AT BALARILA” ng Pilipinas.
 1888 – Inigo Ed. Regalado ay tanyag noong sa sagisag ng Odalager. Naging patnugot
siya ng pahayagang Mithi, Watawat, Pagkakaisa, at ng lingguhang magasin na Ilang-
Ilang. Isa siya sa mga Taliba ng panulaan.
 1904 – Dr. Fausto Galauran – isa sa mga Pilipinong manunulat na may
pinakamaraming nasulat na nobela.

 Panahon ng KALAYAAN – sinasabing ang nobela ay napaglalamanan ng kultura’t


lipunang Pilipino. Ito’y unang lumabas nang paserye sa mga unang pahayagan tulad
ng “ANG KAPATID NG BAYAN”, “ANG KALIWANAGAN’ at “MULING PAGSILANG”.
Mula sa unang dekada ng ikadalawampung taon, ang nobela o kathambuhay ay
tinatangkilik na ng mambabas lalo na ng dumami ang mga mamamayang marunong
bumasa’t sumulat dahil sa pagbubukas ng mga paaralang publiko.

 Panahon ng BAGONG LIPUNAN - sa panahong ito APAT na NOBELA ang natatangi.


 1977 – Lumabas ang nobelang “MAY TIBOK ANG PUSO NG LUPA” – Gawa ni
Bienvenido Ramos na naging patnugot ng Liwayway. Sa nobelang ito nailalarawan
ng isang anak ng mayamang porpotaryo na nagsikap wakasan ang piyudalismo sa
lupain ng kanyang ama.
 1974-1975 – Naisulat ang “GINTO ANG KAYUMANGGI’ ni Dominador Mirasol na
nalathala sa magasing sagisag. Ang nobela ay pumapaksa tungkol sa kwento ng
magbubukid na nabigo sa kaniyang panahinio na magkaroon ng sariling lupa.
Nagkamit ito ng gantimpala sa timpalak sa pagususlat ng Nobela noong CCP noong
1979.
 1978 - Lumabas ang nobelang “FRICCION’ ni Edel Cancellano. Ang Nobelang ito ay
naglalarawan ng buhay ng tatlong pamilyang may pagkakaibang pananaw,
paninindigan at katayuan sa buhay.
 1980 - “GAPO” akda ni Lualhati Bautista. Ito ang pangatlong nobelang nagwagi sa
Planca Memorial Awards noong 1980. Isinasalaysay nito ang pakikibaka ng mga
manggagawang Pilipino sa base military ng mga Amerikano sa Olongapo upang siya
ay tingnan tratuhin bilang kapantay dito sa ating bansa.
Naging malaking suliranin sa nobela ay ang kamahalan sa pagpapalimbag. Ang mga
mambabasa at nasiyahan na lamang na mabasa ang mga ito sa serye ng mga lingguhang
babasahin.
Isang nobela, Dekada ’70 ni Lualhati autista ay masasabing mapangahas na akdang
naglalarawan ng mga pangyayari sa panahon ng Martial Law. Sumasalungat ito sa
patakaran ng panulat noo: Development Journalism o mapagbuong panulat ayon sa
pambansang layuning itinakda ng batas militar.
 Panahon ng KONTEMPORARYO – sa muling pagkakatatag ng Bagong Demokrasya,
naipalaganap ang mga nobela ng sinundang panahon, layuning makilala at
maunawaan ng mga Pilipino sa bagong panahon. Ang pagbibigay ng gatimpala sa
mga natatanging nobela ay nagpatuloy pa rin Carlos Planca Memorial Award na
sinimulan noong 1980.
 Si Lualhati Bautista ay ang siyang nagningning sa larangang ng nobela sapagkat
tatlong beses siyang ginawaraan niyaon.
 GAPO (1979-1980)
 DEKADA 70’ (1983)
 BATA,BATA, PAANO KA GINAWA? (1984)
Sa kasalukuyang patuloy ang pag unlad ng nobela dahil nagkaroon na ng pagkakataon
na mailimbag ang mga obramaesstra ng mga dakilang nobelista sa bansa.
Mga palimbagan nga mga pamantasan na nagtataguyod ng ganitong layunin
 Pamantasan ng Ateneo
 UP
 De La Salle

URI NG NOBELA
 Nobela ng BANGHAY – Isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayaring
ikinawiwili ng mga mambabasa.
 Nobela ng TAUHAN – Isang akdang nasa mga hangarin, pangangailangan at
kalagayan ng mga tauhan ang ikinawiwili ng mga mambabasa.
 Nobelang ROMANSA – pumupukaw sa emosyon at nagdadala sa kanila sa ibang
mundong puno ng mga sari-saring kwento ng pag-ibig, interesante na sikaping
alamin o intindihin bakit ng aba nagdudulot ito ng mga reaksyong ito.
- Kumbaga, sobrang “click” ito sa masa. Sadyang napakalaganap at popular ng mga
akda at Gawaing may koneksyon sa romansa o pag-ibig.
 Nobela ng KASAYSAYAN - uri ng nobelang humango ng material sa mga
pangyayaring naganap sa kasaysayan ng Pilipinas.
Halimbawa:
Anino ng kahapon ni Francisco Lacsamana
Dalagang Marmol ni Isabelo delos Reyes
 Nobelang MASINING – paglalarawan sa tauhan at pagkakasunod-sunod na
pangyayari ang ikawiwili ng mga mababasa.
 Nobelang LAYUNIN – mga layunin at simulant, lubhang mahalaga sa buhay ng tao.
KATANGIAN NG NOBELA
 Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan
 Pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
 Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
 Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito naging kawili wili
 Kailangang isaalang – alang ang ukol sa kaasalan
 Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
 Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
 Malinis at maayos ang pagkakasulat
 Magandang basahin
 Maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa lalo ang mga tauhan.
MGA SANGKAP NG NOBELA
Tatlong uri ng Sangkap na matatagpuan sa karaniwang mahusay nobela:
 Isang kwento o kasaysayan
 Isang nag-aaral
 Paggamit ng malikhaing guniguni
Upang basahin, ang isang nobela ay dapat na naglalaman ng isang mabuting kwento. Dapat
ding magtaglay ang nobela ng isang pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ng
sangkatauhan – ng ibat ibang uri ng taong nakakasalamuha natin sa araw araw na
umaasang gaya na rin natin, nagpapabaya, nagsisikap, nagagalit, napopoot, naghihiganti at
nagpapatawad. Ang kwento at ang pag aaral ay dapat pagsamahin ng malikhaing guniguni
na siyang humihinang o lumilikha ng ibat ibang tanawin, tauhan, mga pangyayari, at siyang
nag aayos sa lahat ng ito.
ANG BALANGKAS – ang pangunahing sangkap ng balangkas ay ang paglalaban ng hangarin
ng pangunahing tauhan o bayani ng nobela at ng hangarin naman ng iba pang tauhan o
kaya’y ng mga salungat na pangyayari.
- Mga pangyayari at paglalarawan ng Pagkatao.
Sa isang mahusay n nobela, ang mga tauhan ay hindi pinapagalaw nang may akda. Sila’y
gumagalaw ng kusa, lumuluha, nalulugod, nagtataksil, nagtatapat, nang-aapi, tumatangkilik,
- alingsunod sa angking nilang likas na katangian, mga hangarin at mga nakapaligid sa
kanila.
Ang mga kilos nila’y siyang mga kilos na hinihingi ng katutubo nilang ugali at mga
pangyayaring inilalarawan ng kumatha.
Ang mga masasaklaw na simulain ng pagsasalaysay. Ang nobelay’ mga panimula na
tumutugon sa mga kabanata’y inilalahad naman ang pangyayari.
Dapat ding tumalima ang nobelista mga simulain ng kwento: ang mga simulain ng kaisahan
ng kaugnayan at ng diin sa bawat pangungusao sa bawat kabanata sa kabuuan ng nobela.
Ang isang nobela’y nakakaakit basahin kung:
 Mahusay ang pagkakapili ng pananalitang ginagamit
 May bahaging masaya at nakakatawa o malungkot at nakalunos lunos
 May sariling tatak ng kumatha na mababakas sa kanyang mga pananalita at sa
kanyang kawili wiling pamamaraan.

You might also like