You are on page 1of 2

Group T

Ang Past, Present at Future Naman


Members:
Francis John Villo Gezel Shane Pajulas
Angel Megumi Quiamco Shirnyl Hannah Magos

Setting: Noon sa Isang Paaralan ng Leyte

Sa isang sekondaryang paaralan ng Leyte, may tatlong magkaklase na naghahanda


para sa paligsahan ng Intramurals. At ang tatlong magkaklase ay sina Megumi, Gezel at
Rachel.

Rachel: Pare! Gusto kung sana maglaro ng basketbol. Sasali sana ako sa inyo.
Gezel: Sorry Bro, ang pandak-pandak mo kasi
Rachel: Kasi pandak ako, hindi na ako pwede maglarao ng basketbol?
Megumi: Oo, matatalo lang kami kung sasali ka.
Rachel: Sige... (at siya’y umalis )
Tagapagsalaysay: Naglaro na lamang si Rachel ng mag-isa at siya’y nakita ni
Megumi at nahanga sa kanyang kagalingan.
Megumi: Ang galing mo pala Rachel. Hindi kong inaakala. Patawarin mo kami sa
aming paghuhusga sa iyo.
Gezel: Sorry nga talaga.
Rachel: Ok lang ‘yon.
Sama-samang naglaro ang tatlo at dahil sa kagalingan ni Rachel, nanalo ang tatlo
at mula noon sila’y naging magkakaibigan. Pagkalipas ng sampung taon, tinamaan ng
bagyo ang Leyte at hindi inaakala ni Megumi na magkikitan naman niya muli ang
kanyang kaibigan. At sa panahon na iyon, nais ng kanyang amo, na si Señora Shirnylia
na magbigay ng mga relief goods para sa mga biktima at nais niyang ipapasama sa
kanya si Megumi.

Setting: Tacloban, Leyte


Bago lang natapos ang Bagyong Buling dito sa Leyte. Nandoon ang dalawa para
magbahagi ng relief goods.

Shirnyl: Megumi, samahan mo ako sa Leyte para maibahagi ang mga relief goods
na inihanda ko para sa mga biktima doon. Ayaw ko makarinig sa mga tao na maramot
ako na mayamang tao ...
Megumi: Opo, Señora.
Shirnyl: O hali na kayo!
Megumi: Sige na, maglinya na po kayo dahil magbabahagi na po kami ng mga
relief goods para sa inyo.
Francis: Ako muna
Gezel: Hindi, ako ang umuna nandito.
Francis: Umalis ka dtio!
Megumi: Sinong susunod?
Gezel: Ako po! Ako po! Kailangan-kailangan ko ‘yon. Mayroon akong dalawang
kawawang mga anak.
Shirnyl: Nasaan ba ang asawa mo?
Gezel: Nasawi siya sa bagyo at patay na siya.
Megumi: O sige, heto na po.
Francis: Kailangan mas marami ‘yong sa akin dahil napakapayat ko talaga. Tingnan
mo.
Gezel: Hindi! Kailangan mas marami ‘yong sa akin dahil may pamilya akong
ipapakain.
Megumi: Huwag na kayong mag-away, pantay-pantay ang ibinigay ko sa inyo
dalawa at sa iba para ma masigurado na ang lahat ay makakuha ng sapat na pagkain
na kinakailangan nila.
Shirnyl: Ang kawawa naman ninyo talaga, sa lugar na ito hindi na kaya makakaya
ninyong makakapaghanapbuhay. Pwes, tatanggapin kita para magtrabaho sa aking
napalaking Hacienda at nais kung ipaalam sa iyo na malaki talaga ang maiibigay kung
sahod sa inyo kung magtatrabaho kayo ng maigi.
Francis: Sige Ma’am, nasi kung magtrabaho para sa iyo.
Shirnyl: Oo sige, basta mula ngayon tawagin mo akong Doña o Señora.

Pagkalipas ng tatlong buwan, nakapagtrabaho si Francis sa Hacienda ni Señora Shirnylia


kasama ni Megumi.

Shirnyl: Francis! Francis! Pumunta ka nga dito! Nasaan na ba yong ipinapakuha ko


sa iyo?
Francis: Nandito na po, Ma’am.
Shirnyl: Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na tawagin mo akong Señora or Doña. Pwes, maari
ka nang bumalik sa iyong tabaho

Bumalik si Francis sa kanyang pinagtatrabahuan sa Hacienda at nagsimula sa


kaniyang trabaho. Si Megumi naman, walang ginagawa doon kundi umupo at
nagpahinga lamang at uminom ng juice.

Megumi: Ay! Francis. Sabi ni Señora Shirnylia na isaayos daw ng mabuti ang mga
kinuhang tubo ng mga magsasaka doon.
Francis: Talaga? O sige, gagawin ko na ‘to

Pagkalipas ng ilang panahon, bumisita ang Señora sa Hacienda upang kamustahin


ang dalawa.

Shirnyl: O, kamusta na ang ipinagpatrabahuan ko sa inyo???

Bago nakita ng Señora ang dalawa, nagsimula na magtrabaho si Megumi habang


nagpahinga si Francis dahil sa pagod.

Shirnyl: Hoy, Francis! Ano ba ang ginagawa mo diyan? Tingnan mo si Megumi,


naghihirap sa pagtatrabaho at ikaw nagpapahinga ka lamang.

Francis: Pero Señora . . .


Shirnyl: Pwes.... Heto po Megumi ang iyong sahod ngayon. Dinoble ko na ‘yon dahil
sa iyong katiyagaan.
Megumi: Salamat po, Señora!
Shirnyl: Sige, magpahinga ka na diyan at magmirienda ka na diyan. At ikaw Francis,
wala po akong maibibigay ko sa iyo dahil sa iyong katamaran, kaya bumalik kana sa
iyong pagtatrabaho!

Umalis ang dalawang babae at iniwan nalang mag-isa si Francis sa silid at siya’y
umiyak. Hindi alam ng Señora ang katutuhanan na si Megumi pala ang nagtatamad at
nagpapagawa ng trabaho para kay Francis.

Francis: Ok lang. Ang Diyos na ang bahala sa kanila para sa aking hustisya.

- WAKAS -

You might also like