You are on page 1of 1

RHIEL BREX ZYMER BUNAO FILIPINO 8 PT

GRADE 8 SCL

Pangarap Ko

Nagsimula ang aking pangarap sa isang imahinasyon,


Na sana ay maging ganoon.
Lagi ko itong idinadalangin sa ating Panginoon,
Na sana’y makamtan ang pangarap na iyon.

Isang pangarap na nais kong makamit,


Kahit na ang pag-asa’y ka’y liit.
Sa isang kislap ng tala ako ay nakatingin,
Hiniling na sana’y ako’y dinggin.

Ako ay isang estudyante na nais maging inhinyero,


Kapag nasa paaralan ako,
Ang utak ko’y parang lumilipad na yero,
At laging nakaharap sa numero.

Kahit mahirap ang aking ginagawa,


Alam kong sa pag-aaral ko buhay namin ay giginhawa,
Dadating din ang panahon,
Na ang lahat ng aking pangarap ay magkatotoo at ako ay tatawaging isang inhinyero.

You might also like