You are on page 1of 201

Philippine Normal University

The National Center for Teacher Education


INSTITUTE OF TEACHING AND LEARNING
Taft Avenue, Manila

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Baitang 5

Learning Module
Table of Contents
Yunit I...................................................................................... 1
Aralin 1 – Mapanuring Pag-iisip ................................................................ 1
Aralin 2 – Pagiging Bukas ng Isipan..........................................................9
Aralin 3 – Pagpapahalaga sa Pag-aaral ................................................. 17
Aralin 4 – Pakikiisa sa mga Gawain ........................................................ 27
Aralin 5 – Pagkamatapat ..........................................................................34
Aralin 6 – Pagkamatapat ..........................................................................42
Yunit II .................................................................................. 49
Aralin 1 – Pagkamatulungin .................................................................... 49
Aralin 2 – Pagmamalasakit sa Kapwa .................................................... 57
Aralin 3 – Pagiging Magalang ................................................................. 65
Aralin 4 – Pagiging Mahabagin ................................................................ 73
Aralin 5 – Pakikiisa ................................................................................... 80
Aralin 6 – Pagiging Responsable ........................................................... 90
Yunit III................................................................................. 99
Aralin 1 – Kaugaliang Pilipino, Ipagmamalaki Ko! .............................. 99
Aralin 2 – Pagkamabuting Mamamayang Pilipino,
Pananatilihin Ko! .................................................................... 107
Aralin 3 – Masusi at Matalinong Pagpapasya para sa Kaligtasan .. 116
Aralin 4 – Kapaligiran Ko, Pagmamalasakitan Ko.............................. 126
I | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Aralin 5 – Pakikiisa sa Programa ng Pamahalaan ............................. 136
Aralin 6 – Kapayapaan at Kaayusan ....................................................144
Yunit IV ................................................................................ 154
Aralin 1 – Pagsasaalang-alang sa Kapakanan ng Kapwa at
Pamayanan .............................................................................. 154
Aralin 2 – Pakikiisa sa Pagdarasal ........................................................ 162
Aralin 3 – Pagkalinga at Pagtulong sa Kapwa .................................... 172
Aralin 4 – Pagmamahal sa Diyos........................................................... 181
Aralin 5 – Pananampalataya sa Diyos .................................................188

II | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at mga icon na dapat mong maunawaan

Sa parteng ito ay ang mga dapat mong matutunan sa huli ng aralin.

Motivate Sa bahaging ito, bibigyan ka ng gawain upang maging


handa at magkaroon ng interes sa aralin na ating pag-
aaralan.

Engage Sa bahaging ito, ikaw ay ihahanda sa aralin na


maghihikayat na magbahagi ng iyong mga paunang
kaalaman ukol sa paksa na tatalakayin.

Lesson proper Sa bahaging ito tatalakayin ang bagong aralin. Layunin


nitong matulungan kang mas maintindihan ang bagong
konseptong tinatalakay.

Innovate Sa bahaging ito, bibigyan ka ng gawain kung saan


mailalapat mo ang mga konseptong iyong natutunan sa
kabuuan ng aralin.

Assessment Sa bahaging ito ay naglalaman ng pagsasanay upang tayain


ang lalim ng natutunan mo sa aralin.

Sa katapusan ng modyul, makikita mo rin ang:

Mga sanggunian ng bawat impormasyong nakasaad sa bawat aralin

III | Edukasyon sa Pagpapahalaga 5


Yunit I
Aralin 1
Mapanuring Pag-iisip

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. natutukoy ang katotohanan sa mga nabasa o napanood na balita;


b. napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagiging mapanuri;
at
c. nasusuri ng tama ang mga balitang napakinggan, patalastas na nabasa o
narinig, napanood na programang pantelebisyon at nabasa sa internet.

1 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Magbigay ng mga salita sa patlang ukol sa mga kaalaman na nakukuha mo


mula sa balita sa radyo, telebisyon o diyaryo.

Mga Tanong:

1. Ano ang mga kaalaman na iyong nakukuha mula sa telebisyon, radio at diyaryo?

2. Paano ito nakatutulong sa iyo?

2 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Engage

PANUTO: Basahin at unawain ang diyalogo ng dalawang magkaibigan. Matapos itong


basahin ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Mga Tanong:

1. Dapat ba nating paniwalaan lahat ng ating napapanood na patalastas? Bakit?

2. Ano kaya ang maaaring mangyari kung agad tayong maniniwala sa mga balita o
patalastas na hindi gumagamit ng mapanuring pag-iisip?

3. Naranasan mo na bang bumuli ng produkto na nakita mo sa patalastas? Sinuri mo


ba muna ito o agad nalang binili? Bakit?

4. Mahalaga ba na gamitin ang mapanuring pag-iisip tuwing tayo ay mannoood at


makikinig sa balita o patalastas? Bakit?

3 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Mapanuring Pag-iisip

Ang pagsusuri o pagsisiyasat ay ang paggamit ng


isipan upang alamin ang katotohan. Ang taong mapanuri
ay hindi kaagad naniniwala o nagpapadala sa naririnig,
nababasa o nakikita. Hindi rin siya nagpapadalos-dalos
na ibalita sa ibag ang impormasyon. Tinitiyak muna niya
kung tama ang mga ito ay may batayan. Ang mapanuring
pag-iisip ay naipapakita sa pagtatanong, pagsusuring
mabuti sa mga posibleng kasagutan, at pamimili ng
pinakamahusay na sagot bago gumawa ng kahit ano. Kailangang makapaglaan ng
sapat na panahon sa pagtugon sa kinahaharap na suliranin o gawain gaano man ito
kaliit o kalaki.

Pag-isipang mabuti ang mga bagay o


sitwasyon na nangangailangan ng iyong
pagpapasiya. Dapat nating mapahalagahan ang
katotohan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga
balitang napakinggan, patalastas na nabasa o
narinig, napanood at napakinggan sa radyo.

Paano nga ba ang maging mapanuri? Narito


ang ilan sa mga kilos bilang palatandaan ng isang
taong mapanuri:

4 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Innovate

PANUTO: Magtala ng mga programa sa telebisyon at ibigay ang mga aral,


katotohanan at impormasyong ibinabahagi nito sa manonood. Ibahagi rin kung
papaano mo ito sinuri ng mabuti.

Programa sa Telebisyon Aral, katotohanan at impormasyon

5 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

PANUTO: Lagyan ng tsek () ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip


batay sa balitang napakinggan at patalastas sa radyo, nabasa sa pahayagan at ekis
() naman kung hindi.

_____ 1. Paglalaro ng computer games kaysa paggawa ng iyong takdang aralin.

_____ 2. Pagbabasa ng magasin at dyaryo upang maglaro lamang ng word puzzle.

_____ 3. Nakikinig ng balita upang madagdagan ang iyong kaalaman at kakayahan.

_____ 4. Paniniwala sa lahat ng patalastas na napanood o narinig sa telebisyon at


radyo.

6 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
_____ 5. Pagbabasa ng mga health tips mula sa mapagkakatiwalaang website para
maiwasan ang COVID-19.

_____ 6. Pagpapahalaga sa panonood ng mga telenobela kaysa mga balita at mga


programang hatid ay kaalaman.

_____ 7. Pagkalap sa iba't ibang sanggunian ng mga impormasyon sa tuwing


pinagagawa ka ng pag-uulat sa klase.

_____ 8. Pakikinig ng mga programa sa radyo at gamitin ang kaalamang nakuha


upang makapangdugas at makapangloko ng kapwa.

_____ 9. Pagpapahalaga sa opinyon ng ibang tao tungkol sa napakinggang balita


sa radyo at dyaryo kahit na ito ay iba sa opinyon mo.

_____ 10. Gumagamit ng mapanuring pag-iisip upang matimbang ang magkaibang


panig ng isang isyu bago ka maniwala at gumawa ng pagpapasiya.

7 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-69174652

Edukasyon sa Pagpapakatao - Unang Markahan Modyul 1: Mapanuring Pag-iisip,


Mayroon Ako. (2020). Retrieved from:
https://www.scribd.com/document/471573096/EsP5-Q1-Mod1-Mapanuring-
Pag-iisip-Mayroon-Ako-version3

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

8 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit I
Aralin 2
Pagiging Bukas ng Isipan

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:


a. natutukoy ang mga paraan upang maipakita ang pagiging bukas ng
isipan;
b. nakapagbabahagi sa wastong paraan ng sariling damdamin at kaisipan; at
c. nakagagawa ng tamang pasya ayon sa dikta ng damdamin at kaisipan sa
kung ano ang dapat at hindi dapat gawain.

9 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Iguhit sa patlang ang puso (❤) kung ikaw ay sang-ayon sa mga sumusunod
na sitwasyon at malungkot na mukha () naman kung ikaw ay hindi sang-ayon.

_____1. Tanggapin ang pagkakamali sa pagsusulit.


_____2. Magdabog kapag pinagsasabihan ng magulang.
_____3. Pakinggan ang mga ideya o opinyon ng kaklase.
_____4. Magalit sa magulang kapag hindi naibigay ang gusto.
_____5. Humingi ng tawad kapag may nagawang kasalanan sa kalaro.

Mga Tanong:
1. Magbigay ng isang sitwasyon na iyong sinang-ayunan at hindi sinang-ayunan
mula sa gawain. Ipaliwanag kung bakit.
2. Mula sa mga sitwasyon, ano sa iyong palagay ang wastong paraan upang
maipakita ang pagiging ng bukas ng isipan?

Engage

PANUTO: Basahin at unawain ang kwento ng “Alamat ng Keyboard”. Pagkatapos ay


sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.

“Alamat ng Keyboard”

Noong unang panahon sa mga mundo ng letra at numero, naghahari ang


grupo ng mga numero. Sila ang nagpapatupad ng mga batas, namumuno upang
mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Sabi ng grupo ng mga letra "dapat tayo

10 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
naman ang mamuno sa ating bayan upang magkaroon ng pagbabago at mas
mapaunlad natin ang ating bayan. Lagi na tayong alipin dito!" Dahil dito, naglunsad
ng pag-aaklas ang mga grupo ng mga letra laban sa pamumuno ng mga numero.

Nagkaroon ng digmaan at nagkasira-sira ang pamumuhay nila. Dahil sa


ginawang ito ng mga grupo ng letra nagalit ang Inang Diwata, maayos naman daw
ang pamumuhay nila noon hanggang sa magkaroon ng di pagkakaunawaan. Pilit na
pinag-aayos ng Inang Diwata ang dalawang grupo, ngunit ayaw pa rin nilang mag-
ayos. Sa galit ng Inang Diwata, sinumpa niya ang mga numero at letra na maging
keyboard sa ibang paaralan, establisyemento at marami pang iba.

Mga Tanong:
1. Sino ang dalawang pangunahing grupo sa kwento?
2. Bakit nagkaroon ng pag-aaklas ang grupo ng mga Letra sa grupo ng mga
Numero?
3. Ano ang kinalabasan ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang grupo?
4. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng mga tauhan sa kwento, ano ang iyong
gagawin upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
5. Paano mo maipakikita ang pagiging bukas ng iyong isipan sa iba’t ibang
sitwasyon?

11 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pagiging Bukas ng Isipan

Ayon kay Kendra Cherry, ang bukas na isipan ay ang pagtanggap sa iba't
ibang mga ideya, argumento, at impormasyon. Ang pagiging bukas ng isipan ay
karaniwang itinuturing na isang positibong kalidad. Ito ay isa sa mga kinakailangang
kakayahan upang makapag-isip ng kritikal at makatuwiran.

Mayroon din siyang ibinigay na mga paraan upang maipakita natin ang
pagiging bukas ng ating isipan.

Pagunawa sa nadarama at Pakikinig at paggalang sa


iniisip ng kapwa. mga ideya o opinyon ng iba.

Paghingi ng tawad kung may Tanggapin nang bukal sa loob


nagawang kasalanan sa kapwa. ang mga nagawang pagkakamali.

Pagpapakumbaba tungkol sa kanilang


sariling kaalaman at kakayahan.
12 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Innovate

PANUTO: Sumulat ng dialogue mula sa mga sumusunod na sitwasyon. Siguruhing


sinasalamin nito ang pagiging bukas ng inyong isipan.

Sitwasyon 1
Ken: “Sa tingin ko Ana, mali ang karamihan ng mga sagot mo sa takdang aralin natin.
Mababa ang magiging score mo.”
Ana:___________________________________________________________
______________________________________________________________

Sitwasyon 2
Sam: “Alam mo John, nakakasakit ka na. Pinagtawanan mo yung pagkanta ko sa
Music class kanina.”
John:__________________________________________________________
______________________________________________________________

Sitwasyon 3
Jen: “May naisip akong magandang ideya para mapaganda ang proyekto natin.”
Tin:___________________________________________________________
______________________________________________________________

13 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

A. Tama o Mali
PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang
TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng wastong paraan ng pagiging bukas ng
isipan at MALI naman kung hindi.

_____1. Ginagamit lamang ang pagiging bukas ng isipan sa pag-aaral.


_____2. Alalahanin lamang ang pansariling damdamin at kaisipan sa lahat ng
pagkakataon.
_____3. Kung hindi bukas ang iyong isipan ay maaari itong magdulot ng hindi
pagkakaintindihan.
_____4. Ang pag-unawa sa nadarama at iniisip ng kapwa ay isang paraan ng
pagiging bukas ng isipan.
_____5. Ang pakikinig sa ideyang nais ibahagi ng kapwa ay nagpapakita ng
pagrespeto sa kanila bilang tao.

B. Maraming Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Si Robert ay isang matalinong mag-aaral. Siya ay parating nakakukuha ng mataas


na grado. Nagkaroon sila ng pagsusulit sa EsP at ayon sa resulta, nakita niyang mas
mataas ang marka ni Erika kaysa sa kaniya. Kung ikaw si Robert, ano ang iyong
mararamdaman?
a. Magtatampo ako at hindi na siya kauusapin.
b. Iisipin ko na lamang na nagkataon lamang iyon.
c. Magagalit ako sa kanya dahil mas magaling ako sa kaniya.
d. Tatanggapin ko na mayroong mas magaling sa akin sa pagsusulit.
14 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
2. Nagpunta kayo sa palengke ng iyong magulang. Habang namimili ng pagkain sa
bahay ay nakakita ka ng isang magandang laruan. Pinabili mo ito sa iyong magulang
ngunit hindi sapat ang dala niyang pera. Ano ang iyong gagawin?
a. Agawin na lamang ang laruan ng ibang bata.
b. Pilitin pa rin ang magulang na ibili ka ng laruan.
c. Tanggapin na lamang ang sinabi ng iyong magulang.
d. Magalit sa nanay at pagsalitaan siya nang hindi maganda.

3. Pinaalalahanan ka ng iyong nanay na maghugas ng mga pinggan bago ka


magpatuloy sa pagglalaro ng Roblox. Pero nagkakasiyahan na kayong
magkakaibigan. Dahil dito, nakalimutan mo ang iniutos ng iyong nanay at siya ay
nagalit pagkauwi. Ano ang iyong gagawin?
a. Sasagot sa aking nanay nanay upang maipagtanggol ang sarili kahit alam
kong ako ay mali.
b. Tatalikuran ang nanayaking nanay habang nagsasalita upang hindi marinig
ang pangaral niya.
c. Aaminin ko ang nagawang pagkakamali, hihingi ng tawad, at ipapangakong
hindi na ito mauulit muli.
d. Idadahilan ko na inuna ko munang gumawa ng takdang- aralin kahit ang totoo
ay naglaro lamang ako mula nang siya ay umalis.

4. Nagkaroon kayo ng pangkatang gawain at ikaw ang napiling lider ng inyong


pangkat. Ikaw at si Jane, isa sa mga miyembro, ay nagbahagi ng inyong ideya upang
maisagawa ang gawain. Mas pinili ng karamihan ang ideya ni Jane. Bilang isang lider,
ano ang iyong gagawin?
a. Magdabog dahil hindi nasunod ang iyong ideya.
b. Huwag makilahok at hayaan na lamang sila sa gusto nilang gawin.
c. Tumutol sa gusto ng karamihan at ipilit ang iyong ideya.
d. Sumang-ayon nang bukal sa loob sa kagustuhan ng karamihan ng inyong
grupo.

15 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
5. Si Alex ay napiling sumagot sa tanong ng kanyang guro. Ngunit, hindi niya ito
masagot kaya siya ay naiyak sa harap ng klase. Bilang kaniyang matalik na kaibigan,
ano ang iyong gagawin?
a. Tutuksuhin siyang iyakin.
b. Pagtatawanan siya ng patago.
c. Mananahimik at walang gagawin.
d. Dadamayan siya pagkatapos ng klase.

Sanggunian

Cherry K. (2021). The Benefits of Being Open-Minded. Retrieved from:


https://www.verywellmind.com/be-more-open-minded-4690673

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-69174652

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

16 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit I
Aralin 3
Pagpapahalaga sa Pag-aaral

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. natutukoy ang mga paraan ng pagpapahalaga sa pag-aaral;


b. napagtitibay ang kahalagahan ng kawilihan at positibong saloobin sa pag-
aaral; at
c. naipakikita ang kawilihan at positibong saloobin sa pag-aaral upang mapa-
unlad ang sariling kakayahan.

17 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Magbigay ng isang salita o pariralang nauugnay sa salitang pag-aaral.


Ilagay ang iyong sagot sa kwaderno.

Mga Tanong:
1. Ano ang salitang
iniugnay mo sa pag-
aaral?
2. Bakit ito ang salitang
naiugnay mo sa pag-
aaral?
3. Paano ito nakaaapekto
sa iyong pag-aaral?

Engage

PANUTO: Panoorin at unawain ang bidyo na ipalalabas. Matapos itong panoorin ay


sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=0h7TqvE4FAc&t=1s

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang napanood na bidyo?
2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mapanood ang bidyo?
3. Ano ang iyong natutunan mula sa bidyong napanood?
4. Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang pag-aaral?
5. Bilang mag-aaral, paano mo ipinapakita ang pagpapahalaga sa iyong pag-aaral?

18 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pagpapahalaga sa Pag-aaral

Ang kawilihan at positibong saloobin ay hindi nararamdaman. Ito ay


kusang natatamo kung ang misyon sa sarili ay matuto na may kasamang
positibong pananaw sa buhay. Sa buhay ng isang mag-aaral, ang mga
nasabing katangian ay maaaring maipakikita sa iba’t ibang paraan.

Ang pagkakaroon ng
positibong saloobin ay
nakatutulong sa pagkatuto at
pagkuha ng magandang aral sa
buhay lalo’t higit sa pagtamo ng
kaalaman ng bawat indibidwal ay
dumadaan sa mahabang proseso
bago makamit ang tagumpay.

Bilang mga mag-aaral, sa papaanong


paraan ninyo maipapakita ang iyong
kawilihan at positibong saloobin sa
pag-aaral o maging sa pang araw-araw
mong buhay?

19 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Mga Paraan ng Pagpapahalaga sa Pag-aaral

1. PAKIKINIG

Sa pamamagitan nito, tayo ay nakakakuha


ng mga panibagong impormasyon mula
ating pinakikinggan tulad ng guro upang
mas dumami pa ang ating kaalaman
patungkol sa partikular na paksa.

2. PAKIKILAHOK SA PANGKATANG GAWAIN

Sa pamamagitan nito, natututo tayong


makisalamuha sa ating kapwa mag-aaral na
maaari ring makatulong sa ating pag-aaral.

3. PAKIKIPAGTALAKAYAN

Sa pamamagitan nito, nahahasa ang ating


kakayahan sa pagsasalita at napapaunlad
din natin ang ating kritikal na pag-iisip.

20 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
4. PAGTATANONG

Sa pamamagitan nito, lumalawak ang ating


kaalaman sa tuwing tayo ay nabibigyang-
linaw sa mga kasagutan ibinibigay sa atin.

5. PAGGAWA NG PROYEKTO

Isang tungkulin dapat nating gampanan


bilang mag-aaral ay paggawa ng mga
proyekto na ibinibigay sa atin ng ating guro.

6. PAGGAWA NG TAKDANG-ARALIN

Tungkulin din nating gawin ang ating mga


takda dahil ito ay nagsisilbing ekstensiyon
or pagpapatuloy ng ating mga tinalakay sa
klase upang lubos nating matandaan ito.

21 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
7. PAGTUTURO SA IBA

At kapag tayo ay may kakayahang tumulong


sa iba, maaaring tulungan natin ang mga
kapwa mag-aaral natin na nangangailangan
ng tulong lalo na sa pag-aaral.

Tandaan, ang kaalaman at edukasyon ang mga bagay na hinding-


hindi maaaring manakaw sa atin. Kung kaya’t lagi natin itong bigyan ng
pagpapahalaga.

22 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Innovate

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon na nagsasaad ng hindi


mabubuting saloobin sa pag-aaral. Iwasto ang mga sitwasyon gamit ang mga
ibinigay na paraan ng pagpapahalaga sa pag-aaral. Ilagay ang inyong mga sagot sa
iyong kwaderno.

1. Nagbigay ng takdang aralin ang guro na si Bb. Raga tungkol sa pangangalap ng


impormasyon sa malimit na pagbaha sa lugar nina Jayson. Kinakailangan nilang
kausapin ang mga taong may kaugnayan dito. Subalit tinatamad si Jayson dahil may
usapan sila ng kaniyang mga kaibigan na maglaro sa parke.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Nagkaroon ng pangkatang gawain sa klase ni Bb. Cruz. Inatasan niya si Mika na


maging lider ng unang grupo. Nawalan ng gana sa gawain si Tanya dahil inaasahan
niya na siya ang magiging lider dahil alam niya na siya ang pinakamagaling. Kaya
imbes na makiisa sa gawain, hindi siya tumulong at nakipag-kuwentuhan na lang sa
katabi.

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

23 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Ilagay ang iyong sagot sa patlang.

____1. Abalang naglalaro si Arthur nang kanyang maalala na sila pala ay may takdang-
aralin sa EsP. Agad siyang tumigil sa paglalaro at nagpatulong sa kanyang nakatatandang
kapatid upang gawin ang kanyang takdang -aralin. Sa iyong palagay, naipakita ba ni Arthur
ang kanyang pagpapahalaga sa pag-aaral?

a. Opo, dahil inuna muna niyang tapusin ang takda bago siya maglaro ulit.
b. Opo, dahil ipapagawa na niya lamang ito sa kanyang nakatatandang kapatid.
c. Hindi po, dahil kokopya na lamang siya sa kanyang kaklase kinabukasan kanilang
klase.
d. Hindi po, dahil marami pa naman siyang oras at ipinagpatuloy niya ang kanyang
paglalaro.

____2. Sina John, Tina, Sam at Yachi ang magkakagrupo para sa kanilang proyekto na
gagawin sa EsP. Sila ay naghati-hati sa kanilang gagawin at nagtakda sila ng oras ng
kanilang paggawa. Anong paraan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ang naipakita ng mga
mag-aaral?

a. Pakikinig
b. Pagtuturo sa iba
c. Pakikipagtalakayan
d. Pakikilahok sa pangkatang gawain

24 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
____3. Si Aki ay aktibong nakikilahok sa talakayan ng kanilang klase sa EsP. Siya ay
masaya ring nagbabahagi ng kanyang natutunan mula sa kanilang talakayan. Naipakita
ba ng pagpapahalaga si Aki sa kanyang pag-aaral?

a. Hindi po, dahil labag sa kanyang loob na makilahok sa kanilang talakayan.


b. HIndi po, dahil hinahayaan na lamang niya ang iba na makilahok sa talakayan.
c. Opo, dahil may positibong saloobin siyang nararamdaman sa pakikilahok.
d. Opo, dahil tinuturuan naman siya ng kanyang kaklase sa kanyang isasagot.

____4. Nagpagawa ng gawain sa EsP si Bb. Kris kung saan ang mag-aaral ay magbabahagi
sa kanilang isang kaklase tungkol sa kanyang natutunan sa talakayan. Si Jacq at Eri ay
masayang nagbabahaginan ng kanilang natutunan mula sa klase. Anong paraan ng
pagpapahalaga sa pag-aaral ang kanilang naipakita?

a. Pagtatanong
b. Pakikipagtalakayan
c. Paggawa ng takda
d. Pakikilahok sa pangkatang gawain

____5. Labis na nag-aalala ang magulang ni Ravi sa kanya. Palagi siyang lumiliban sa
klase at ang kanyang mga marka ay unti-unting bumababa. Bilang mag-aaral, ano ang
maipapayo mo kay Ravi upang kanyang pahalagahan ang kanyang pag-aaral?

a. "Ipagpatuloy mo lang iyan, Ravi. Marami kang mas matutunan diyan."


b. "Kung ang paggawa niyan ang ikasasaya mo aysusuportahan kita diyan."
c. "Ravi, sabi ng iyong magulang ay papaluin ka na raw nila kung ay liliban pa ulit sa
klase."
d. "Nako, Ravi. Ang pag-aaral ay makatutulong sa atin upang makamit ang ating
pangarap kaya tara na't pumasok sa klase."

25 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-69174652

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

Miralles, J. & Alas F. (2020). Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan - Modyul


3: Kawilihan at Positibong Saloobin. Retrieved from:
https://www.scribd.com/document/474047801/esp-q1-mod3-Kawilihan-at-
Positibong-Saloobin-FINAL07282020-pdf

26 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit I
Aralin 4
Pakikiisa sa mga Gawain

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. nauunawaan ang kahalagahan ng pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan;


b. nakapagpapakita ng kusang-loob sa pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan;
at
c. nakalalahok nang may kawilihan at positibong saloobin sa pakikiisa sa mga
gawaing pampaaralan.

27 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Suriing mabuti ang dalawang larawan. Tukuyin ang pinagkaiba ng mga ito.
Sagutin ang mga tanong sa ibaba pagkatapos.

Mga Tanong:

1. Ano-ano ang mga napansin mong pagkakaiba sa dalawang larawan?


2. Kung ikaw ang tatanungin, alin sa dalawang larawan ang pipiliin mo? Bakit?

Engage

PANUTO: Bumuo ng isang pangkat na may limang miyembro. Magbibigay ng isang


pangungusap ang bawat miyembro na magdurugtong sa ideya ng bawat isa. Sagutin
ang mga tanong sa ibaba pagkatapos.

Isang araw, nagbigay ng pangkatang gawain sa klase ng Grade 5- Mahusay si Bb.


Reyes at

28 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang nabuong kwento?


2. Kung mayroon kang nais baguhin sa kwento, ano ito at bakit?
3. Sa iyong palagay, naging matagumpay ba ang pagbuo ng kwento?
4. Paano naging matagumpay ang pagbuo ng kwento?
5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa mga gawin?

29 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pakikiisa sa mga Gawain

Kumuha ng isang pirasong walis tingting at subukan ninyong magwalis


gamit ito. Nakatulong ba sa inyong paglilinis ang isang piraso ng walis tingting?
Kung kayo ang papipiliin, ano ang mas nais ninyong gamitin sa paglilinis. Ang
isang piraso ng walis tingting o ang isang bigkis ng walis tingting?

Katulad ng isang bigkis ng walis tingting, mas mapagtatagumpayan ang isang


gawain kung sama-sama.

Ang pagkakaisa ay mahalaga upang matapos ang anumang gawain. Patunay


na may pagkakaisa sa pangkat ang pag-iral ng pagtutulungan, pakikilahok at
pagkukusa. May pagtutulungan kung sama-sama ang lahat sa paggawa upang
matamo ang layunin. Anumang gawain, basta’t tulong-tulong ang bawat miyembro,
ay magiging magaan ito. Bawat miyembro ng pangkat ay may mahalagang tungkulin
na dapat gawin.
Ang pagpapahalaga sa tungkulin ay naipababatid sa pakikilahok at
pagkukusang-loob. Ang pakikilahok o kooperasyon ay pahayag ng pagsuporta sa
ikatatagumpay ng gawain. Tanda rin ito ng pagpapahalaga sa iniatas na tungkulin
sa pangkat. Mas malalim ang kahulugan ng pakikilahok kung ito ay kinusa. Ang
pagkukusa o bolunterismo ay malayang pagkilos o pagganap para sa kabutihang

30 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
panlahat. Patunay ito sa pagmamahal at pagmamalasakit mo sa iyong gawain at
kapangkat.

Malaki man o maliit ang iyong ambag sa pagtatapos ng isang gawain o


proyekto ay may halaga. Laging tatandaan na kung kaya mo ng mag-isa, higit ang
magagawa kapag sama-sama.

Innovate

PANUTO: Gumawa ng pangako ng pakikiisa na nagpapakita ng iyong kawilihan at


positibong saloobin sa pakikiisa sa mga gawaing pampaaralan.

Ako si ay nangangakong

__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

31 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

PANUTO: Punan ang bawat patlang upang mabuo ang tamang kasagutan.

Ang anumang gawain basta may (_ _ _ _ _ _ _ isa) ay madaling matapos. Kapag


namamayani ang diwa ng (_ _ _ tu_ _ _ _ _ _ _ _) sa pangkat, gumagaan ang gawain.
Mapagtatagumpayan ang proyekto o gawain sa (paki_ _ _ _ _ _) sa pagtamo ng
layunin nito. Dapat mong mabatid na ang bawat miyembro ay may mahalagang
(_ _ _ _ _ _ lin) na dapat gampanan. Ang (_ _ _ ku_ _ _ _) o boluterismo sa paggawa
ng isang proyekto ay nagpapalalim sa kahulugan ng diwang pakikiisa.

32 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao: Unang Markahan Modyul 5: Pagkakaisa sa Pagtatapos


ng Gawain. Retrieved from:
https://www.scribd.com/embeds/496661661/content?start_page=1&view_
mode=scroll&access_key=key-
fFexxf7r1bzEfWu3HKwf&fbclid=IwAR02RrAy8EFfxhnEjPxb_FOExOtNK_RkcGKC
ZbloBY_aR6wzvpj_yPygbVE

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-6917465

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

33 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit I
Aralin 5
Pagkamatapat

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. nauunawaan ang kahalagahan ng pagkamatapat sa mga proyektong


pampaaralan;
b. naipamamalas ang katapatan sa paggawa ng mga proyektong pampaaralan;
at
c. nagagampanan ang mga tungkulin ng may katapatan bilang mag-aaral.

34 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Basahin at unawain ang kwento na pinamagatang “Si Pinocchio at ang


kanyang Proyekto”. Matapos ito ay sagutin ang mga sumusunod na tanong.

“Si Pinocchio at ang Kanyang Proyekto”

Inatasan ng guro ang klase nina Pinocchio na gumawa ng


isang proyekto kung saan gagawa sila ng palamuti sa tahanan
katulad ng paso na paglalagyan nila ng namumulaklak na halaman.
Ito ay maaari nilang ibenta at pagkakitaan. Binigyan sina Pinocchio
ng isang Linggo upang planuhin at tapusin ang kanilang proyekto
ngunit ipinagpaliban niya ang paggawa nito hanggang sa huling
araw. Dahil kapos na sa oras ay hindi na nakapagplano ng maayos
si Pinocchio at napagdesisyunan niya na ipagawa na lamang ito sa
kanyang kamag-aral. Nang araw na ng pasahan ay nakapagpasa si
Pinocchio ng kanyang proyekto, ngunit hindi naman siya ang
gumawa nito.

Mga Tanong:

1. Kung ikaw ang kamag-aral ni Pinocchio, gagawin mo ba ang kanyang proyekto?


Ipaliwanag.

2. Sa iyong palagay, ano ang dapat na ginawa ni Pinocchio sa kwento?

35 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Engage

PANUTO: Gaano mo kadalas ginagawa ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba?


Sagutin ng Palagi, Bihira, o Hindi Kailanman. Ilagay sa isang malinis na papel ang
iyong mga sagot.

1. Hindi nagpapagawa ng sariling proyekto sa magulang.

2. Inaangkin ang ideya mula sa iba sa paggawa ng proyekto.

3. Ginagawa ang proyekto upang matapos ito sa takdang araw.

4. Kumokopya mula sa internet para ipasa bilang proyekto nang hindi nagbibigay

ng tamang sanggunian.

5. Tumatanggap ng bayad upang gawin ang proyekto ng kaklase.

Mga Tanong:

1. Mula sa iyong mga sagot, ano ang katangian na iyong pinapairal?

2. Ano ang iyong naging batayan sa pagsagot?

3. Bakit mahalaga ang pagiging matapat sa paggawa ng mga proyektong


pampaaralan?

4. Paano mo mapapanatili ang iyong pagiging matapat sa paggawa ng mga


proyektong pampaaralan?

36 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pagkamatapat

Ang pagiging matapat ay isang magandang kaugalian na maaring


pamamaraan sa ating pakikisalamuha sa pamilya, sa paaralan at sa komunidad.
Bilang isang mag-aaral, dapat iyong isinasabuhay ang katapatan sa iyong mga
proyekto pampaaralan.

Upang maipakita ang pagiging matapat sa paggawa ng mga proyektong


pampaaralan, narito ang ilan sa mga paraan:

1. Huwag ipagawa ang proyekto sa iba.


Hindi masamang humingi ng tulong sa iba, ngunit ito ay
magiging mali kung sila na mismo ang gagawa dahil ito
ay iyong proyekto at hindi isa kanila.

2. Gumawa ng proyekto ayon sa sariling ideya


Bilang isang mag-aaral, nararapat lamang na sariling
ideya at talento ang iyong gamitin upang matapos ang
bawat gawain.

37 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
3. Gawin at ipasa ang proyekto sa tamang oras.
May oras na inilalaan sa bawat proyekto kaya’t bilang
responsableng mag-aaral, marapat lamang na ipasa
ito sa tamang oras na ibinigay ng guro.

4. Huwag kalimutang ilagay ang tamang sanggunian


kung kukuha ng ideya sa iba.
Bilang paggalang at pasasalamat sa ibinahagi ng iba,
dapat lamang na kilalanin natin sila sa ideyang sa kanila
nagmula.

5. Huwag kunsintihin ang pandaraya ng iba.


Mabuti ang pagtulong sa iba, ngunit hindi ito nararapat.

Laging tatandaan na ang pandaraya ay nagpapakita ng kahinaan ngunit


kapuri-puri naman ang katapatan.

38 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Innovate

Pagbuo ng Kasabihan

Panuto: Gumawa ng isang kasabihan tungkol sa pagiging matapat sa paggawa ng


mga proyektong pampaaralan. Matapos gawin ay ibabahagi ito sa klase. Gawin ito
sa loob ng tatlong (3) minuto.

39 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

PANUTO: Gumuhit ng heart reaction (❤) kung nagpapakita ng pagiging matapat ang
mga sumusunod na sitwasyon at sad reaction () naman kung hindi.

____1. Inuutusan ang ibang miyembro na tulungan ka sa proyekto.

____2. Dumadalo sa pagpupulong ng pangkat sa tamang oras.

____3. Laging hindi tinatapos ang dinadaluhang pagpupulong ng mga miyembro


ng pangkat.

____4. Ipinapasa ang proyekto sa tamang oras.

____5. Inaangkin ang ideya na galing sa iba.

40 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Kwarter 1 - Modyul 4: Matapat ng Paggawa sa


Proyektong Pampaaralan. Retrieved from:
https://www.scribd.com/embeds/480532337/content?start_page=1&view_
mode=scroll&access_key=key-
fFexxf7r1bzEfWu3HKwf&fbclid=IwAR1MVwb3T1lyMoD9M4yzKUifnMrwjGiBdS57
iQW_AXg_cZcqlEqcfh5O4UQ

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-6917465

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

41 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit I
Aralin 6
Pagkamatapat

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. nalalaman ang kahulugan ng katapatan sa sarili at pamilya;


b. nauunawaan ang kahalagahan ng katapatan sa bawat sitwasyon; at
c. napahahayag ang katapatan sa mga gawain, opinyon, at pakikitungo sa
kapwa.

42 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng mabuting asal, at
kung ito naman ay MALI, isulat sa patlang ang tama at dapat na gawin.

_____ 1. Nabasag ni Alex ang kanilang baso. Sinabi niya ito sa kanyang nanay kahit
siya ay mapapagalitan.
Kung mali, ano ang dapat na gawin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

_____ 2. Si Beatriz ay gumagawa ng takdang aralin tungkol sa climate change. Dahil


hindi siya makapag-isip ng kanyang opinyon, siya ay kumuha ng opinyon ng
iba mula sa internet.
Kung mali, ano ang dapat na gawin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

_____ 3. Si Julian ay nagsabi na hindi niya nagustuhan ang asal ng kaniyang


kaibigan kahit alam niyang masasaktan ang damdamin nito.
Kung mali, ano ang dapat na gawin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

43 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Engage

PANUTO: Ano ang iyong naiisip kapag nadidinig ang salitang MATAPAT? Ilagay ang
iyong mga sagot sa graphic organizer sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang iilang
mga katanungan.

__________

__________ MATAPAT __________

__________

1. Ano ang pagiging matapat?


_________________________________________________________
_________________________________________________________.

2. Mahalaga ba ang pagiging matapat? Ipaliwanag.


_________________________________________________________
_________________________________________________________.

44 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pagkamatapat
Ang katapatan ay may malawak na
pagkakahulugan. Para sa atin, ang pinakamabilis na
konsepto ng katapatan na ating maiisip ay ang
pagsasabi ng totoo at hindi pagsisinungaling. Pero
ang katapatan ay hindi lamang doon nakasentro,
kundi ito rin ay tumutukoy sa paggawa ng tama at
pagiging totoo sa lahat ng ating mga ginagawa,
opinyon, kilos, at pakikitungo sa ating kapwa.

Mahalaga na ating ipinapakita ang ating pagiging matapat dahil ito rin ay
nagpapahiwatig na tayo ay totoo sa lahat ng ating sinasabi at ginagawa.
Nagpapakita rin ito na tayo ay dapat pagtiwalaan sa lahat ng aspekto. Paano ba
natin maipapakita ang ating katapatan? Tayo dapat ay nagsasabi ng totoo lalo kung
tayo ay nakagawa ng mali. Kapag tayo ay hindi nagsabi ng totoo, maaring lumaki pa
ang isyu o usapin at mapagbintangan pa ang ibang tao. Gayundin naman, dapat tayo
rin ay nagsasabi ng sarili nating opinyon at nagpapakita ng sarili nating mga gawa
at hindi mula sa iba. Ang pagkuha ng opinyon
at ideya ng iba ay tinuturing plagiarism at ito
ay pagpapakita ng hindi tapat sa ating mga
gawain. Kapag tayo ay hindi naging tapat sa
ating mga gawain, ito ay nagpapakita na hindi
dapat tayo pagkatiwalaan at nagpapababa ng
ating kredibilidad bilang tao.

Ang katapatan ay hindi lamang nauuwi sa ating mga salita o sa pagsasabi ng


totoo. Dapat atin natin itong pinapakita sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at
pagiging totoo sa ating mga gawain at pagpapahayag ng ating mga opinyon. Kapag
ipinakita natin ang ating katapatan, mas napapakita natin na tayo ay dapat
pagkatiwalaan. Kaya ipakita at pagiging matapat sa isip, salita, lalo na sa gawa.

45 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Innovate

PANUTO: Sumulat ng isang liham na nagpapakita na ikaw ay nangangako na


magiging matapat sa iyong mga opinyon at sa iyong kapwa. Gamitin ang box na nasa
ibaba.

46 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

PANUTO: Basahin ang bawat tanong ng mabuti. Sagutin ito sa loob ng 3-5 na
pangungusap.

1. Bilang mag-aaral, bakit kailangan ipakita ang pagiging matapat sa ating mga
gawain at pagpapakita ng mga ideya?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ano ang iyong maipapayo sa kapwa mong kamag-aral tungkol sa kahalagahan


ng pagiging matapat?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

47 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

Honesty. (2017). Good Therapy. Retrieved from:


https://www.goodtherapy.org/blog/psychpedia/honesty

Tonibe, A. (n.d.). Pagiging Matapat at Masunurin. Retrieved from:


https://www.scribd.com/doc/295966271/Pagiging-Matapat-at-Masunurin

48 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit II
Aralin 1
Pagkamatulungin

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. natutukoy kung paano makapagbibigay ng tulong sa nangangailangan;


b. nakapagpapakita ng malasakit sa kapwa; at
c. nakapamumuno sa pagbibigay ng kayang tulong sa nangangailangan.

49 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Bilugan ang mga bagay na maaaring ilagay sa emergency bag tuwing may
paparating na bagyo.

First aid kit Toiletries Pagkain

Lubid Flashlight Swiss knife

Kumot Sipol Radyo

Mga tanong:
1. Ano ang mga bagay na nais mong ilagay sa emergency bag?
2. Bakit ito ang iyong mga napiling ilagay?
3. Paano makatutulong ang mga bagay na ito sa parating na bagyo?

50 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Engage

PANUTO: Mula sa mga litrato, isulat sa patlang ang mga nawawalang letra upang
mabuo ang mga salita na nakasaad sa ibaba.

F_O_ _R__E

Mga Tanong:

1. Ano ang iyong nabuong salita? Ilarawan ito.

2. Tutularan mo ba ang mga bata na nasa larawan? Ipaliwanag.

3. Bakit mahalaga ang pagtulong sa nangangailangan?

4. Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang pagbibigay ng kayang tulong


sa nangangailangan?

51 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pagkamatulungin
Ang pagtulong sa kapwa, lalo na kung may sakuna o kalamidad, ay likas sa
mga Pilipino. Hindi natin matiis na hindi tulungan at damayan ang ating kapwa sa
panahon ng kalamidad tulad ng sunog, baha, lindol, bagyo, at iba pa. Ito ay mas
lalong nagiging mabuti kung tao ay nagkakaisa at nagsasama-sama.

Upang maipakita ang malasakit sa kapwa, narito ang ilan sa ating magagawa:

Paghahandog ng mga kinakailangang gamit sa mga nasalanta


ng kalamidad
Likas sa mga Pinoy ang pagiging maunawain at matulungin.
Ito ay nanalaytay sa ating dugo. Ginagawa natin ito upang
makatulong tayo na makabangon muli at para maibsan ang
kalungkutan na nararamdan ng mga apektado ng kalamidad.

Pakikibahagi sa community pantry para sa mga


nangangailangan
Layunin nito na matulungan ang mga kababayan nating
nahihirapan sa buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng
libreng pagkain at iba pang pangunahing pangangailan sa
araw-araw.

Ibahagi sa mga kabarangay ang anunsyo sa radyo kung may


parating na kalamidad
Mahalaga na ibahagi sa iyong mga kabarangay ang tungkol sa
paparating na kalamidad upang sila ay makapaghanda ng
maigi at masigurado na mapanatili ang kanilang kaligtasan.

52 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Itawag sa malapit na himpilan ng pulisya kung may
nasaksihang krimen o sakuna
Maiging maipaalam agad sa awtoridad o pulisya ang
nasaksihang krimen upang ito ay agarang maaksyunan.

Tumawag ng saklolo sa mga kinauukulan kung may


nagaganap na emergency
Ang pagtawag ng saklolo sa kinauukulan tuwing may
emergency ay makatutulong upang mas mabilis matulungan
at maaksyunan ang pangyayari.

Ang pagbibigay ng tulong sa panahon ng kalamidad ay mahalaga upang


makapagligtas ng buhay. Ang pagbibigay ng babala o impormasyon ay nakatutulong
din para sa kaligtasan ng marami. Lahat ng tao ay may pangangailangan. Walang
tao na nasa kaniya na ang lahat. Ang mahihirap ay hindi nangangahulugang wala na
silang maibibigay o maitutulong sa ibang tao at mga kaibigan. Wala ring taong
sobrang yaman na hindi na mangangailangan ng tulong ng iba.

Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay kung ano ang mayroon ka nang


bukal sa kalooban. Ibahagi sa iba ang biyayang mayroon ka na maluwag sa
damdamin at walang inaasahang kapalit. Lubis na kasiyahan ang maidudulot nito
sa iyo. Kapag tapat at totoo ang damdamin sa pagbibigay o pagbabahagi, tiyak na
pagpapalain ka ng Maykapal at mapasasaya mo ang iyong kapwa.

53 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Innovate

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at pagpasiyahan kung ano ang
iyong gagawin tungkol dito. Isulat sa kahon ang iyong sagot.

1. May bagyong sumalanta sa inyong lugar at bumaha sa buong paligid. Tanging


bahay lamang ninyo ang naiwang nakatayo. Ilan sa inyong mga kapitbahay ay
nawasak ang mga tahanan. Ano ang iyong gagawin?

2. Namatay ang ama ng iyong kamag-aral. Paano mo maipadadama ang iyong


pagmamalasakit sa naiwang pamilya?

3. Noong inutasan ka ng iyong nanay na bumili ng tinapay ay may nakita kang bata
na kumukupit ng candy sa walang bantay na tindahan. Ano ang iyong gagawin?

54 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

PANUTO: Kumuha ng lapis o bolpen at ibakat ang iyong isang kamay sa kahon sa
ibaba. Sa bawat daliri, ilagay ang paraan kung paano mo maipapakita ang iyong
malasakit sa kapwa. Ilagay sa gitnang bahagi ng kamay ang iyong pangalan.

55 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-6917465

K to 12 grade 5 learner’s material in edukasyon sa pagpapakatao (q1-q4) (n.d.). Share


and Discover Knowledge on SlideShare.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-
in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

56 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit II
Aralin 2
Pagmamalasakit sa Kapwa

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. nalalaman ang konsepto ng pagmamalasakit sa kapwa sa panahon ng mga


kalamidad;
b. nakapagpapakita ng mga paraan kung paano magmalasakit sa kapwa; at
c. nakikibahagi sa mga pagkakawang-gawa at pagtutulungan sa komunidad
tuwing may kalamidad.

57 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Tignan maigi ang larawan sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang iilang mga
katanungan.

Larawan mula sa 89.3 KPCC (Retrieved on 28 January 2022)

1. Ano ang ipinapakita sa larawan?


_________________________________________________________
_________________________________________________________.

2. Kung ikaw ay nasa kanilang lugar, ano ang iyong gagawin at bakit?
_________________________________________________________
_________________________________________________________.

58 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Engage

PANUTO: Tukuyin ang kalamidad na ipinapakita sa larawan at pagkatapos ay ibigay


ang sanhi nito at ang uri ng pagmamalasakit na maari ibigay para sa mga biktima
nito.

1. Kalamidad:_____________________________

Sanhi: __________________________________

Pagmamalasakit: _________________

_________________________________________

2. Kalamidad: _____________________________

Sanhi: __________________________________

Pagmamalasakit: _________________
_________________________________________

3. Kalamidad: _____________________________

Sanhi: __________________________________

Pagmamalasakit: _________________
_________________________________________

59 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pagmamalasakit sa Kapwa
Ang pagmamalasakit sa kapwa ay
kusang loob na ibinibigay, hindi ipinagkakait
at higit sa lahat hindi nag hahangad ng
anumang kapalit. Tumu tukoy ito sa isang
damdamin kung saan inaalam natin ang mga
bagay na nakakabuti sa kapwa at ang mga
bagay na maaaring ikakasama nito. Nagagawa
nating magmalasakit sa kadahilanang ayaw nating makapanakit ninuman at higit sa
lahat malagay sila sa kapahamakan. Ang pagmamalasakit ay kaugalian na ng mga
Pilipino kadugo man o hindi, pinapahalagahan natin ang bawat isa.

Ang sumusunod ay pawang mga halimbawa ng pagmamalasakit sa panahon ng


kalamidad:

1. Pagtulong sa mga biktima lalo na para sa


mga bata at matatanda na mahina ang
pangangatawan sa pagharap sa kalamidad
2. Pagdamay sa mga biktima sa paraan ng
pakikipag-usap, pangangamusta at
pakikipagkita upang magpahatid ng suporta at
pakikiramay.
3. Pagbibigay ng tulong gaya ng mga damit,
lumang kagamitan at pagkain.
4. Pagpapaabot ng tulong medikal para sa mga
biktima.
5. Pagbabahagi ng impormasyon ukol sa
nangyayaring kalamidad sa pamamagitan ng
pagsshare sa social media tulad ng facebook at
twitter.

60 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Anuman uri ng tulong ang nagawa
nating maibahagi sa mga biktima ng
kalamidad, dapat maging malinaw sa atin na
ang pagmamalasakit ay hindi naghihintay ng
anumang kapalit. Ginagawa ito may
nakamasid man o wala dahil kung ang
hangarin mo ay ang makatulong, ito ay
ginagawa nang may pagkukusa.

Sabi nga sa isang kasabihan, “Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin sa iyo”.
Maaring sa ngayon, tayo ang may pagkakataon na makapagmalasakit at
makapagbahagi ng tulong sa iba kung kaya gawin na natin ang lahat ng ating
magagawa dahil darating ang panahon na tayo naman ang mangangailangan nito.
Isaalang-alang din na gawing bukal sa puso ang pagmamalasakit dahil nakikita ng
Diyos ang ating kabutihan at intensyon at Siya na ang bahalang magbalik ng
kabutihang ito sa atin sa tamang panahon.

Innovate

PANUTO: Tapusin ang kwento ng bawat pangyayari gamit ang iyong mga sariling
pananaw at mga natutunan tungkol sa pagmamalasakit sa kapwa.

1. May paparating na malakas na bagyo sa lugar nila Theresa. Sila ay nakatira sa


isang komunidad na malapit sa dagat, ngunit sa kabila nito, marami sa kanyang
mga kababayan ang hindi pa pala nakakaalam tungkol sa balita na ito…
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

61 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
2. Nabalitaan ni Andrei ang paghingi ng tulong sa mga naging biktima ng Bagyong
Odette sa Visayas at Mindanao. Ngunit ang kanyang mga magulang ay nagsabi
na hindi na sila makakapamahagi ng tulong dahil sa kakulangan ng inyong mga
maipapamahagi…
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

3. Si Ding na kapitbahay ni Regie ay nasunugan. Ang lahat ng kanyang mga gamit


pang-eskwela ay nasama sa nasunog, lalo ang kanyang mga modules na
ginagamit…

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

62 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

PANUTO: Isulat sa patlang ang tamang salita na angkop sa pangungusap.

1. Ang pagmamalasakit sa kapwa ay __________ na ibinibigay at ipinapakita.

2. Nagagawa nating magmalasakit tuwing may kalamidad dahil ayaw natinmalagay


sila sa ____________.

3. Ang pagdamay sa mga biktima sa paraan ng ____________ upang magpahatid


ng suportang moral at pangkaisipan.

4. Dapat na tayo ay nagbabahagi ng ____________ sa nangyayaring kalamidad sa


pamamagitan ng pagbahagi sa social media tulad ng Facebook at Twitter.

5. Ang pagtulong sa kapwa ay kailanman hindi naghihintay ng anumang


____________.

63 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-69174652

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

64 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit II
Aralin 3
Pagiging Magalang

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. nauunawaan ang kahalagahan ng pagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan;


b. napaninindigan ang paggalang sa mga dayuhan; at
c. naisagagawa ang paraan ng pagbibigay ng galang sa mga dayuhan.

65 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

SELF-ANALYSIS

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek () ang
kahon na tumutukoy sa kung gaano mo kadalas gawin ang bawat sitwasyon.
Paminsan- Hindi
Sitwasyon Palagi
minsan Kailanman
1. Hindi ko pinapansin ang mga kapitbahay
na dayuhan.
2. Sa tuwing may magtatanong ng direksyon
sa akin ang isang dayuhan, itinuturo ko
ito ng tama sa kaniya.
3. Pinagtatawanan ko ang batang dayuhan
dahil ito ay naiiba sa amin.
4. Minamahal ko ang aking kapwa kahit saan
man sila nanggaling.
5. Nagmamalasakit ako sa aking kapwa
kahit ito man ay dayuhan.

Mga Tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa bawat sitwasyon? Bakit?


2. Sa iyong tingin, dapat ba natin itong malaman? Ipaliwanag.
3. Paano mo maipapakita ang palaging paggalang sa dayuhan?

66 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Engage

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Ibigay ano ang iyong magiging
tugon sa bawat sitwasyon. Ilagay ang iyong sagot sa patlang na inilaan.
1. Ikaw ay nasa ikalimang baiting na. May bago kayong lipat na mag-aaral sa iyong seksyon
na mula pa sa ibang bansa. Kung titingnan ay siya ay may bilugang mata at kulot na buhok
na siyang naiiba sa inyo. Habang ikaw ay naglalakad papuntang palikuran ay nakita mo
ang iyong bagong kaklase na binubully ng iyong kapwa mag-aaral dahil sa panlabas na
itsura nito. Ano ang iyong gagawin dito?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. May kalilipat lang na pamilya sa katabing-bahay nila Rina na mula pa sa Japan. Isang
araw, mag-isa lamang si Rina sa kanilang bahay. Kumatok ang magulang ng bago niyong
kapitbahay upang sana ay makipagkilala ngunit ikaw ay hindi gaaanong marunong
magsalita ng Ingles at hindi mo rin maintindihan ang kanilang wika kung kaya’t
sinaraduhan na niya na lamang sila ng pinto at hindi sila pinansin. Sa iyong tingin, tama
ba ang ginawa ni Rina?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Mga Tanong:

1. Ano ang iyong naging batayan sa iyong tugon sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag.
2. Ano ang katangian na iyong ipinakita sa wastong pagtugon sa mga sitwasyon?
Bakit?
3. Bakit mahalagang ipakita ang paggalang sa mga dayuhan?
4. Mula sa gawain, sa paanong paraan dapat ipakita ang paggalang sa mga dayuhan?

67 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pagiging Magalang

Ang paggalang sa kapwa ay ating natututunan mula pagkabata. Kadalasan ay


ito ang nakikita natin sa mga nakakatanda sa ating paligid na siyang ginagaya natin.
Ang paggalang sa kapwa ay isang pagpapakita ng paggalang sa kanilang
karapatang-pantao. Ito ay marapat lamang na gawin lalo na sa mga dayuhan. Ito
lamang ay isa sa mga hakbang upang makamit ang isang mapayapa at ligtas na
pamayanan.

Bakit nga ba mahalaga ang paggalang sa mga dayuhan? Mahalaga ang


pagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan dahil gaya nga ng nabanggit, ito ay
pagpapakita rin ng paggalang sa kanila bilang isang indibidwal. Mahalaga ito upang
ang bawat isa ay payapang namumuhay sa isang pamayanan at nagkakaisa kung
kaya’t marapat lamang na atin itong laging ipakita sa kanila.

Pagpapakita ng Paggalang sa mga Dayuhan

Narito ang ilan sa mga paraan upang makapagpakita ng paggalang sa mga


dayuhan:

1. Kaibiganin ang mga dayuhan


Maayos na pakitunguhan ang mga
dayuhan. Alamin ano ang mga kulturang
nais nila ibahagi upang makatulong na
maging maalam ka sa kung paano
pakikitunguhan ang mga galing sa
kanilang lugar.

68 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
2. Huwag manghusga ng kapwa

Iwasang manghusga ng kapwa lalo na


sa mga dayuhan mula. Isang
pagpapakita ng paggalang sa mga
dayuhan ay ang pagtanggap sa kung
sino man sila at saan man sila
nanggaling.

3. Pahalagahan ang pagkakaiba

Ang pagkakaiba ay nakakapagpawili ng ating buhay. Kung kaya’t ating


yakapin at bigyang-halaga ang pagkakaiba-iba ng bawat isa – sa kultura
man, sa lugar na kinalakhan o panlabas na anyo or ano pa iyan. Ating
pahalagahan at galangin ang bawat isa.

Magkakaiba man tayo sa kulay ng ating mga balat, lugar na kinalakhan, wikang
sinasalita, tayo pa rin ay mga indibdiwal na bumubuo sa ating pamayanan. Kung
kaya’t marapat lamang na bigyan natin ang bawat isa ng pagpapahalaga at
paggalang upang makamit ang payapa at nagkakaisang pamayanan. Laging
tatandaan, ang paggalang ay isang katangiang dapat taglayin ng bawat isa.

69 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Innovate

PANUTO: Gumawa ng slogan na nagsasaad ng kahalagahan ng pagpapakita ng


paggalang sa mga dayuhan. Bilang isang kabataan, ano ang nais mong iparating sa
iba patungkol sa paksa? Matapos gawin, ipaliwanag ito sa loob lamang ng 5 limang
pangungusap. Narito ang rubriks bilang iyong gabay sa gawaing ito. Maging
malikhain sa paggawa.

Kraytirya 7-10 puntos 4-6 puntos 1-3 puntos


Katamtaman ang linaw
Hindi malinaw ang
ng mensaheng nais
Napakalinaw ng mensaheng nais
iparating sa iba. May
mensaheng nais iparating sa iba. Marami
ilang hindi wasto ang
iparating sa iba. Wasto sa mga napiling salita
pagkakapili ng mga
ang mga napiling salita ang hindi wasto at hindi
Nilalaman at ang mensahe ay
salita ngunit ang
makatotohanan ang
mensahe ay
makatotohanan. Ito rin mensaheng inilalahad.
makatotohanan pa rin.
ay may kaugnayan sa Wala ring kaugnayang
Hindi gaanong
paksang natalakay. ang mensahe sa
maiugnay ang mensahe
paksang natalakay.
sa paksang natalakay
Lubhang natatangi ang Natatangi ang
Hindi maayos ang
pagkakagawa ng poster. pagkakagawa ng poster.
pagkakagawa ng poster.
Ang mga disenyo ay May ilan sa disenyo ay
Ang mga disenyo ay
akma sa paksang hindi akma sa paksang
hindi akma sa paksang
Pagkamalikhain inilalahad at ito ay inilalahad at hindi
inilalahad. Mahirap
nakatutulong upang gaano kadaling
maunawaan ang
lubos na maunawaan maunawaan ang
mensaheng
ang mensaheng mensaheng
ipinararating.
ipinararating. ipinararating.
Maayos ang
Lubhang kahanga- Hindi maayos ang
pagkakabuo ng poster
hanga ang pagkakabuo pagkakabuo ng poster.
ngunit ang nabanggit na
ng poster at kakikitaan Ang nabanggit na gawa
Orihinalidad ng uniqueness ng
gawa ay masyadong
ay may kahawig sa
karaniwang sa mga
gumawa ang nabanggit ibang gawa na makikita
poster na makikita sa
na poster sa internet.
internet.
Kabuuan

70 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

PANUTO: Basain at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang TAMA sa patlang
kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tamang pagpapakita ng paggalang sa
dayuhan at MALI naman kung hindi.

__________1. Ibibigay ang maling direksyon kapag may dayuhan na nagtanong sa


iyo nito.

__________2. Kakaibiganin ang bagong lipat na kapitbahay na mula sa ibang


bansa.

__________3. Pagtatawanan ang dayuhang bata na kulot ang buhok.

__________4. Pakikitunguhan nang maayos ang bagong kaklase na mula pa sa


ibang bansa.

__________5. Huwag pansinin ang dayuhang bisita dahil hindi mo maintindihan


ang kanilang wika.

71 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

How to show respect towards people from other cultures : Unifrog blog. (2020).
Unifrog - The complete destinations platform.
https://www.unifrog.org/know-how/how-to-show-respect-towards-
people-from-other-cultures

K to 12 grade 5 learner’s material in edukasyon Sa pagpapakatao (q1-q…. (2016).


Share and Discover Knowledge on SlideShare.
https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-
in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

72 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit II
Aralin 4
Pagiging Mahabagin

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


a. natutukoy kung paano makagagawa ng kabutihan sa kapwa;
b. naipapakita ang pagiging mahabagin at pagmamalasakit sa kapwa; at
c. nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para sa kabutihan ng kapwa.

73 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

Panuto: Iguhit sa patlang ang puso (❤) kung ikaw ay sang-ayon sa mga sumusunod
na sitwasyon at malungkot na mukha () naman kung ikaw ay hindi sang-ayon.

_____1. Pagkutya sa kamag-aral dahil wala siyang nanay.


_____2. Pagsasawalang-bahala sa matandang nakatayo sa bus.
_____3. Pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyong Odette.
_____4. Pagboluntaryo sa pagbabahagi ng relief packs sa mga nasunugan.
_____5. Pagdarasal sa Diyos para sa pansariling kapakanan at kabutihan lamang.

Mga Tanong:
1. Magbigay ng isang sitwasyon na iyong sinang-ayunan at hindi sinang-ayunan
mula sa gawain. Ipaliwanag kung bakit.
2. Mula sa mga sitwasyon, ano sa iyong palagay ang wastong paraan upang
maipakita ang pagiging mahabagin sa kapwa?

74 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Engage

Panuto: Tingnan at suriin ang larawan. Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na
tanong sa ibaba.

Mga Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa larawan?
2. Ano ang naramdaman mo matapos makita ang sitwasyon ng mga jeepney
driver?
3. Ano ang gagawin mo upang makatulong sa mga jeepney driver?
4. Mahalaga ba na makagawa tayo ng kabutihan sa kapwa? Ipaliwanag.
5. Paano mo maipapakita ang iyong pagiging mahabagin sa kapwa?

75 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pagiging Mahabagin

Ang pagkamahabagin ay tumutukoy sa pagmamalasakit sa pagdurusa o


paghihirap ng iba taglay ang hangaring maibsan ito. Gaya ng isang basong malamig
na tubig sa napakainit na panahon, ang pagkamahabagin ay nakapagpapaginhawa
sa isang napipighati, nakababawas ng kirot, at nakapagpapasigla sa isang
nagdurusa.

Maipakikita natin ang pagkamahabagin sa pamamagitan ng salita at gawa—


sa pagmamalasakit sa iba at sa pagiging handang tumulong kapag kailangan nila.
Ang habag ay hindi lamang dapat ipakita sa mga kapamilya, kaibigan, at mga
kakilala. Puwede rin nating isali rito ang mga taong hindi natin kilala.

Narito ang ilan sa mga paraan kung paano natin maipapakita ang ating
pagiging mahabagin at malasakit sa kapwa.

1. Pagdarasal para sa kapakanan at ikabubuti ng kapwa.


2. Pakikiramay sa mga kakilalang nawalan ng mahal sa buhay.
3. Pagbibigay ng tulong sa mga taong nangangailangan sa panahon ng
kalamidad.
4. Pagtawag ng saklolo sa mga kinauukulan kung may nasaksihang krimen o
sakuna.
5. Pagboboluntaryo sa mga programa na nagbibigay ng tulong at serbisyo sa
mga mahihirap.

76 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Innovate

Panuto: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at pagpasiyahan kung ano ang
iyong gagawing aksyon tungkol dito.

1. Napanuod mo sa balita na ang inyong karatig barangay ay isa sa mga labis na


naapektuhan ng bagyong Santi. Apektado man kayo ngunit hindi ganoon
kalala. Nalaman mo na walang naisalbang gamit ang ilan sa mga ito. Ikaw ay
mga may pinaglumaang damit na maaari pang maisuot. Ano ang iyong
gagawin?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Ang pamilya ninyo ng iyong kaklase na si Ron ay isa sa mga lumikas


papuntang evacuation center dahil apektado ng baha ang inyong lugar. Nang
kayo ay lumikas ay isa sa inyong naisalba ay ang iyong gamit pang-paaralan
ngunit si Ron ay bigong magawa ito. Ano ang iyong gagawin?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

3. Nang dumungaw ka sa inyong bintana ay napansin mo na umuulan nang


malakas. Napatingin ka sa tindahan nila Aling Nena at nakita mo na may
taong nagnanakaw dito. Ano ang iyong gagawin?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

77 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang
T kung ang pahayag ay TAMA at M naman kung MALI.

_____1. Maipakikita natin ang pagkamahabagin sa pamamagitan ng salita at gawa.


_____2. Ang habag ay dapat ipakita lamang sa mga kapamilya, kaibigan, at mga
kakilala.
_____3. Ang pagtulong sa kapwa, lalo na kung may sakuna o kalamidad, ay likas sa
mga Pilipino.
_____4. Mayaman lamang ang maaaring makapagbigay ng tulong sa
nangangailangan.
_____5. Kapag tapat at totoo ang damdamin sa pagbibigay o pagbabahagi, tiyak na
pagpapalain tayo ng Maykapal.
_____6. Marapat lamang na tayo ay maging tapat sa ating saloobin sa pagtulong sa
kapwa sa panahon ng kalamidad.
_____7. Ang pagkamahabagin ay tumutukoy sa pagmamalasakit sa pagdurusa o
paghihirap ng iba taglay ang hangaring maibsan ito.
_____8. Ang pagbibigay ng tulong sa kapwa sa panahon ng kalamidad ay
pagpapakita ng hindi pagpapapahalaga sa buhay ng iba.

78 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-69174652

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

Maging “Mahabagin Na may Paggiliw” — Watchtower ONLINE library. (n.d.).


Watchtower ONLINE LIBRARY. https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/2007921

79 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit II
Aralin 5
Pakikiisa

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. naibibigay ang pagkakaiba ng mga kaugaliang dapat at hindi dapat taglayin


sa isang patimpalak upang makabuo ng pagkakaibigan;
b. natutukoy ang mga paraan kung paano mapananatili ang nabuong
pagkakaibigan mula sa sinalihang patimpalak; at
c. nakagaganap nang mabuti sa kabila ng mga hamon sa pagkakaibigang nabuo
sa isang patimpalak.

80 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Magbigay ng mga katangiang dapat at hindi dapat taglayin ng isang taong
sasali sa isang patimpalak na may layuning makipagkaibigan. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba pagkatapos.

Mga Tanong:
1. Ano ang naging basehan mo sa pagbibigay ng mga katangiang dapat at hindi dapat
taglayin ng isang taong sasali sa patimpalak?
2. Nagagawa mo ba ang mga katangiang ibinigay mo sa unang kolum? Ipaliwanag.

81 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Engage

PANUTO: Basahin ang kwento at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Si Bong Pagong at kanyang mga Kaibigan

Sa isang malayong nayon ng mga mabubuti ngunit sadyang makukupad na


nilalang, nananahan ang grupo nina Bong pagong - kanyang pamilya, kaibigan, at
ilan pang grupo. Para sa kanila, lahat ay magagawa basta sama sama. Kay ganda,
hindi ba? Ngunit, sa kabila nito, natatangi itong si Bong - isa sa pinaka-kilalang
pagong ng nayon. Siya ay masayahin ngunit sumpungin, palakaibigan ngunit pili
lang, at higit sa lahat maparaan ngunit tamad. Sa kanyang palagay ang lahat ay tama
na, na wala na siyang ibang kailangan pa - sa pamilya, kaibigan, at mga iba pang
nais.

Isang araw, "Ngok! Ngok! Bong Pagong, bakit nag-iisa ka? Halika na't susama
sa may ilog, manguha tayo ng pagkain", wika ni Myong. Ngunit, ito ay tumanggi.
"Ngok! Ngok! A, sya sige. May tinatapos pa ako e. Susubukan kong sumunod ha,
ngok!" sagot ni Bong. Bagamat di naman ganoon kaimportante ang kanyang gawain,
mas pinili parin ni Bong ang magpaiwan. Sa piling ng mga dahong nananayaw at
hanging bumubulong, ito ay nakararamdam ng saya. "Ngok! Ngok! Kay ganda ng
paligid. Kay sarap ng ganito", wika ni Bong. Sa kanyang pagmamasid, isa muling
grupo ng pagong ang bumati, "Kamusta Bong? Halika't sumama sa may talampas.
May bagong tanawin roon, ngok!" kanilang wika. "A, di na ho Kuya Gong Pagong. Sa
susunod na lamang", sagot ni Bong. Sapagkat ganap na kakaiba, di nanghinayang si
Bong na makasama ang mga grupo. Ang lahat ng ito ay nalalaman ng kanyang mga
magulang. Sa halos araw araw nga, lagi itongnapagsasabihang makihalubilo.
Bagamat sagot ay opo, di parin nito naisasapuso. Ayon kasi sa kanya, "may mga
kaibigan naman ako. Masaya naman ako, kahit nga ilan o kahit pa wala sila", ang
laging wika ni Bong Pagong.

82 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Hanggang sa dumating ang araw ng Pista ng mga Pagong. Dito, tampok ang
ilang gawain na nagdaragdag kaalaman at kakayahan sa mga pagong. May mga laro
rin at ilang paligsahan. Ngunit karaniwan, sa araw ng pista, tulog itong si Bong. Di
kasi nya nagugustuhan ang gawain ng ilang kaibigan na sila't sila rin ang
nagpapaligsahan sa ilang laro. Sapagkat sa kanyang palagay, nagdudulot ito ng pag-
aaway. Sa kabila nito, sa parehong pagkakataon, muling sumali sa paligsahan sa
pagtakbo ang lahat ngkaibigan ni Bong. Sa kantyawan nga, "Ngok! Hoy, Bong! Bakit
di ka sumali? Nung nakaraang tatlong taon, ako ang nanalo. Wala na yatang tatalo
pa sa akin. Ngok! Ngok! Ngok!" wika ni Long. "Nakaka-tsamba ka lang Long.
Nagkasakit kasi ako, kaya di ako ganun kasigla sa patimpalak", hirit naman ni
Myong. "Ngok! Ngok! Ngok!" tawanan ng mga pagong.

Sa kalagitnaan ng tawanan, nagpasya nang umalis si Bong Pagong. Wari'y di


niya nagustuhan ang takbo ng kwentuhan. "Ngok! Hay, pinagkakatuwaan nila ang
kanilang pagtatalo", aniya. Sa kanyang paglalakad, halos lahat ng makasalubong ay
nagsasabing dapat syang sumali sa paligsahan. Bagamat ang sagot ay opo, ni hindi
nito maisapuso ang sinasabi. Pag-uwi sa bahay, ganun parin. "Bong, makinig ka
naman, ngok! Ang paligsahan ay may saya. Mas higit pang masaya kesa sa'yong pag-
iisa", wika ng kanyang ina. At sumagot muli ito ng opo, bagamat di totoo. Sa kanyang
pagtulog, maging sa panaginip binubuyo itong sumali. Ang kanyang tanong, "Ano
bang mayroon sa paligsahan? Kailangan ko ba talagang makipaglaban? Ngok!
Ngok!"

Nang dumating ang araw ng paligsahan, di man nito nais ay siya ang
isinisigaw ng mga tao. "BongPagong! Bong Pagong!" ani nila. Kaya naman sumali ito.
Sa una puno ito ng kaba. Halos ayaw ng humakbang ng kanyang paa. Ngunit, nang
tapikin ngkaibigan, "Bong, tayu na. Mahuhuli na tayo." humayu na si Bong. Habang
nakikipaligsahan, dinig ni Bong ang kantyawan at tawanan ng mga kalahok. "Ngok!
Ngok! Bilisan mo, nandyan na ako!" wika nga ng isa.Sa kabilang dako naman, "Ngok,
pagod ka nanaman. Magpahinga ka muna kaya", ayon pa sa isa. Di malubos maisip
ni Bong ang ganoong pag-uusap ng mga kalahok sa gitna ng paligsahan. Sa
katunayan, habang nahuhuli na sya, may nagsabi pang "Ngok! Bong, sana iba naman

83 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
ang manalo." At ito ay nagulat ng nakitang iyon ay si Long, ang kaibigang laging
nanalo. Sa di maipaliwanag na pakiramdam, lubos ang saya ni Bong pagong. Di man
nya masabi, nakadama ito ng tunay na saya at higit na saya kesa sa pag-iisa. Nang
matapos ang paligsahan, bagamat di nanalo, higit sa pagkapanalo ang dala ni Bong.
Simula kasi noon, maging di nya dating kaibigan, dumagdag pa sa kanyang
katuwang. Kanya ring napatunayan, na tunay ngang sa ganitong samahan at
paligsahan, may nabubuong pagkakaibigan.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang binasang kwento?

2. Anong katangian ang ipinakita ni Bong Pagong bago at pagkatapos sumali sa


paligsahan?

3. Sa paanong paraan nakatulong ang pagsali ni Bong sa paligsahan sa pagkakaroon


niya ng mga bagong kaibigan?

4. Naranasan mo na bang makakilala ng mga kaibigan sa isang paligsahang iyong


sinalihan? Isalaysay.

5. Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaibigan sa mga paligsahang


iyong sasalihan?

84 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pakikiisa

Minsan ay may mga nakikilala tayong mga bagong kaibigan sa


patimpalak o paligsahang ating sinasalihan. Doon tayo nakatatagpo ng mga
taong kapareho natin ng interes kung saan lubos nating nakakasundo.

Gayunpaman, hindi lahat ng nagiging magkaibigan ay nananatili sa


habang panahon. Minsan, may mga magkakaibigang nagkakagalit dahil sa
prinsipyo o pagbabago ng kanilang ugali. Ang isa sa nagiging dahilan ng
paghihiwalay ng mga magkakaibigan ay ang kawalan ng paggalang sa isa’t isa.
Ito ay nangyayari kapag ang sari-sariling prinsipyo at katwiran ay hindi kayang
tanggapin ng bawat isa.

Sa kabila ng katotohanang maaaring magtapos ang isang pagkakaibigan,


mas mainam na alamin natin kung paano ito mapananatili.

Ang pagkakaibigan ay nagtatagal kung


may paggalang sa pamamagitan ng mabuting
asal at pananalita. Igalang mo at irespeto ang
iyong kaibigan sa lahat ng pagkakataon. Hindi
ibig sabihin na magkaibigan kayo at may
pinagsamahan ay may rason ka nang isawalang-
bahala ang kanyang nararamdaman.

85 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Ang kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng
panahon lalong lalo na sa oras ng kagipitan. Sila
ay parang kapatid na hindi magdadalawang isip
na tumulong. Ibig sabihin, walang pinipiling oras
at lugar ang pagiging kaibigan.

Higit sa lahat, ang tunay na kaibigan ay


hindi naghahangad ng kapalit sa kahit anong
tulong na naibigay at hindi nagkakalat ng
kahinaan ng kanyang kaibigan bagkus ito ay nag
iisip ng ikabubuti ng isa’t isa, may respeto sa mga taong mahalaga sa kaibigan
niya at hindi hinihikayat sa masamang landas ang kaibigan niya.

Innovate

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang bawat bilang batay
sa iyong mga natutunan. Isulat sa espasyo sa ibaba ang iyong sagot.

1. Ikaw at si Kyle ay ang maswerteng napili na irepresenta ang inyong pangkat


sa isang Math Quiz Bee. Ikaw ay matagal nang nagiging pambato ng inyong
pangkat kaya naman marami ka nang mga reviewer na naipon at naitabi. Sa
kabilang banda, si Kyle ay isang baguhang kasapi. Ano ang maaari mong
gawin?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

86 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
2. Palagian kayong sumasali ni Jayne sa mga duet singing contest sa inyong
paaralan. Pareho kayong magaling na mang-aawit at patunay nito ay ang
pagkapanalo ninyo sa lahat ng sinalihan ninyong patimpalak. Mas lumalim
din ang inyong samahan at tumibay ang pagkakaibigan dahil dito. Ngunit, sa
isang nagdaang patimpalak ay sumali kayo nang magkahiwalay at ikaw ang
nagwagi sa labang ito. Pagkatapos ng tagpong iyon ay lumayo ang loob sa iyo
ni Jayne, ano ang gagawin?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Assessment

PANUTO: Isulat sa patlang ang “Ako yan!” sa mga pahayag na naglalarawan sa iyo
at “Hindi ako yan!” sa mga pahayag na hindi.

_____1. Itinuturing kong kaaway ang lahat ng makakalaban ko sa isang patimpalak.


Nakatutulong ito upang maging pokus ako sa lahat ng oras.

_____2. Hangga’t maaari ay kinakamayan ko ang mga taong nakasalamuha ko sa


isang natapos na patimpalak. Naniniwala akong lahat kami ay karapat-dapat at may
kakayahang manalo.

87 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
_____3. Malugod kong tinatanggap ang pagkapanalo ng ibang kalahok sa isang
patimpalak. Binabati ko kung sino man ito at ipinapakita ang aking paghanga sa
kanyang angking galing.

_____4. Kapag hindi nanalo ang grupong kinabibilangan ko sa isang patimpalak ay


gumagawa kami ng kwento laban sa nanalong grupo. Sa pamamagitan nito, masisira
ang kanilang pangalan at kainisan ng marami.

_____5. Sumasali ako sa mga patimpalak upang ibahagi ang aking angking talent
at kakayahan. Bukod dito, inaabangan ko din ang mga pagkakaibigang mabubuo ko
sa panahong iyon.

88 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-6917465

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

89 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit II
Aralin 6
Pagiging Responsable

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. nauunawaan ang kahalagahan ng pagiging responsible sa paggawa ng


programa o proyekto gamit ang anumang teknolohiya sa paaralan;
b. naipamamalas ang pagiging responsible sa paggamit ng teknolohiya sa
pagbuo ng isang programa o proyekto; at
c. nagagampanan ang mga responsibilidad ng may katapatan bilang mag-aaral

90 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Suriing mabuti ang kahong naglalaman ng iba’t ibang uri ng teknolohiya.
Tukuyin kung alin sa mga ito ang parati, minsan, at hindi mo ginagamit at ihanay
ang mga ito sa talaan. Matapos matukoy ay sagutin ang mga tanong na inihanda.

Selpon
Telebisyon

Laptop

Kompyuter Radyo

Parating Ginagamit Minsang Ginagamit Hindi Ginagamit

91 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Mga Tanong:

1. Alin sa mga teknolohiya ang naihanay mo sa parati, minsan, at hindi mo


ginagamit?
2. Ano ang iyong naging batayan sa paghahanay ng mga teknolohiya?
3. Para sa teknolohiyang naihanay sa minsan/hindi ginagamit, bakit minsan/hindi
mo ito ginagamit?
4. Para sa teknolohiyang naihanay sa parating ginagamit, anong benepisyo ang
iyong natatanggap sa paggamit nito?
5. Sa limang teknolohiyang nabanggit, alin sa mga ito ang nanaisin mo ring gamitin
ng iba? Bakit?

Engage

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang kwento. Matapos Mabasa ay sagutan ang
mga tanong na inihanda.

“Si Matias at ang Kanyang Selpon”

ni John Logie L. Denubo

Si Matias ay isang batang masunurin.


Masigasig siyang mag-aral at parating nakakukuha
ng mataas na grado. Isang araw nang malapit nang
sumapit ang kanyang kaarawan, tinanong siya ng
kanya Ina kung anong regalo ang nais niyang
matanggap. Nuong una’y wala pa siyang maisip,
ngunit maya-maya pa sa kanyang pagmumuni ay
naalala niya ang kanyang kamag-aral na si
Bernadeth. Nakita niyang mayroon itong selpon at
minsan na siyang napahiram nito. Nang

92 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
mahawakan niya ito ay labis siyang namangha at ninais niyang magkaroon din.
Kaya’t sinabi niya sa kanyang Ina na ito na lamang ang bilhin at iregalo para sa
kanyang kaarawan. Sumapit na ang kaarawan ni Matias at tinanggap niya ang bago
niyang selpon. Nagalak siya at agad namang nagpasalamat sa kanyang mga
magulang. Araw-araw ay ginagamit ni Matias ang kanyang selpon. Mula nang
matanggap niya ito ay tila unti-unti na siyang nagiging pabaya sa pag-aaral.
Napansin din ng kanyang Ina na parati itong napupuyat dahilan upang mahuli sa
kanyang klase. Madalas rin siyang mahuli ng guro na ginagamit ito habang may
klase kaya’t pinatawag na ang kanyang mga magulang upang kausapin ng guro.
Nang makausap na ng kanyang Ina ang kanyang guro ay napagpasyahan niyang
kuhanin na lamang ang selpon upang maalis ang distraksyon sa anak. Labis naman
siyang nalungkot at mula noo’y may oras na lamang kung ipahawak sa kanya ang
kanyang selpon.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ng kwentong binasa?

2. Anong aral ang makukuha mula sa kwentong binasa?

3. Kung ikaw ang Ina ni Matias, gagawin mor in ba ang ginawa niya? Bakit?

4. Kung ikaw si Matias, paano mo maipakikita na naging responsable ka sa paggamit


ng iyong selpon?

93 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Discussion

Pagiging Responsable

Ang teknolohiya ay maituturing na isa sa pinakamagandang naimbento ng


tao. Ginagawa nitong mas madali ang bawat gawain at nagbibigay ng mas
magandang resulta. Ngunit sa kabila nito, ang teknolohiya ay maaari ring magdulot
ng hindi maganda kung tayo’y hindi magiging responsable at maingat sa paggamit
nito. Ayon sa pag-aaral, ilan sa mga maaring negatibong resulta ng hindi
responsableng paggamit nito ay ang kawalan ng interes sa pag-aaral, madalas na
pagliban sa klase at kawalan ng oras sa pakikipag-usap sa pamilya.

Upang maiwasan ang mga negatibong epekto ng labis na paggamit ng


teknolohiya, narito ang ilan sa mga paraan:

1. Tinitiyak na tama ang mga impormasyong nababasa


mula internet at iba pang media bago ibahagi sa iba.

2. Hindi paglalathala ng mga pribadong larawan at


impormasyon sa social media.

94 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
3.Paglimita sa paggamit ng internet.

4.Pag-iwas sa mga hindi angkop at hindi ligtas na


aplikasyon at sites sa internet.

5. Paglalagay ng sanggunian sa bawat impormasyong


nakukuha sa internet at iba pang media.

Laging tatandaan na anuman ang ating ginagawa, ang pagiging responsible


ay dapat na isaalang-alang. Gayang ng lagi nating naririnig, “think before you
click!”.

95 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Innovate

Pagbuo ng Kasabihan

Panuto: Basahin ang mga maling gawain sa paggamit ng mga teknolohiya at media.
Matapos basahin ay punan ang dalawang hanay sa kung ano ang maaaring epekto
nito at ang dapat gawin upang itama ang maling gawain. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

Mga Maling Gawi sa


Dapat Gawin upang
Paggamit ng Teknolohiya Epekto
Maitama
at Media
1. Ginagamit ang
teknolohiya upang
makapandaya at
makapasa sa pagsusulit.
2. Napupuyat sa paggamit
ng selpon.
3. Pagliban sa klase upang
makapanuod ng
paboritong teleserye.

96 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Assessment

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangyayari. Ilagay ang Tama kung
ang pangyayari ay nagpapakita ng tamang paggamit ng teknolohiya at Mali naman
kung hindi.

____1. Si Berto ay malimit na lumiliban sa klase upang makapagkompyuter at


makalaro ng paborito niyang online games.

____2. Nililimitahan ni Adriana ang kanyang sarili sa paggamit ng selpon.

____3. Tinatapos muna ni Miguel ang kanyang takdang-aralin bago maglaro ng


PlayStation.

____4. Pagpunta sa mga malalaswang sites at aplikasyon.

____5. Tinitiyak na tama ang impormasyon bago ito ibahagi sa kaibigan.

97 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-6917465

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

DepEdTambayan.Net. (2020). Grade 5 Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul:


Pagganap sa Tungkulin Gamit ang Teknolohiya. Retrieved from:
https://depedtambayan.net/grade-5-edukasyon-sa-pagpapakatao-modyul-
pagganap-sa-tungkulin-gamit-ang-teknolohiya/

98 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Yunit III

Aralin 1
Kaugaliang Pilipino, Ipagmamalaki Ko!

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. natutukoy ang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino;


b. napahahalagahan ang pagtataglay ng mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino;
at
c. naisasabuhay ang mga kanais-nais na kaugaliang Pilipino.

99 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Motivate

PANUTO: Subuking hanapin sa Word Hunt sa ibaba ang iba’t ibang kanais-nais na
katangiang Pilipino. Sagutin ang mga tanong patungkol dito pagkatapos.

Mga Tanong:

1. Ilang kanais-nais na katangiang Pilipino ang nagawa mong mahanap?


2. Alin sa mga nahanap mong katangiang Pilipino ang sa tingin mo ay iyong
tinataglay?
3. Paano mo ipinapakita ang mga katangiang ito? Ibahagi.

100 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Engage

PANUTO: Panoorin at unawain ang bidyo na ipalalabas. Pagkatapos ay sagutin ang


mga sumusunod na tanong.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=B-_xrBq4f-8&t=167s

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang napanood na bidyo?


2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong mapanood ang bidyo?
3. Tukuyin ang iba pang mga kanais-nais na katangiang Pilipino na nabanggit sa
napanood na bidyo.
4. Sa iyong palagay, bakit mahalagang taglayin ang mga ito?
5. Magbahagi ng isang pagkakataong naipakita mo rin ang mga kanais-nais na
katangiang Pilipino na tinataglay mo.

101 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Discussion

Kaugaliang Pilipino, Ipagmamalaki Ko!

May mga katangian at kaugalian tayong mga Pilipino na magpahanggang


ngayon ay naipakikita at nagagawa pa rin natin. Kilala tayo dahil sa ating mga
kaugaliang ito. Karamihan sa mga kaugaliang ito ay nagpapakita ng ating pagiging
mabubuting mamamayang Pilipino.

Bata pa lang tayo ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang ng


kahalagahan ng pagkakaroon ng mabubuting kaugaliang Pilipino na nagdudulot ng
kabutihan at magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ilan sa halimbawa ng mga
kanais-nais na kaugaliang Pilipino na naituturo sa atin ay ang mga sumusunod:

Ang pagbabayanihan o
pagtutulungan sa oras ng
pangangailangan lalo nasa panahon
ng kalamidad at sakuna. Sa mga
ganitong pagkakataon, ibinibigay
natin ang kahit anong tulong na
maaari nating maipaabot sa kapwa.

Ang malugod na pagtanggap sa


kapwa at sa mga panauhin kung saan
ipinapakita natin ang pagiging magiliw
sa iba. Marami ang natutuwa sa ating
mga Pilipino dahil sa maganda tayong
makitungo sa mga bisita.
Ipinamamalas natin sa ating mga bisita
ang kaginhawahang kaya natingibigay
habang sila ay nasa ating tahanan.

102 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Ang pagiging magalang sa lahat ng pagkakataon lalo
na sa ating magulang, kamag-anak, at nakatatanda.
Ipinapakita ito sa pamamagitan ng pagmamano at
pagsasabi ng magagalang na salita tulad ng po at opo.
Kilala rin ang mga Pilipino sa pagiging malapit sa
pamilya.

Bukod sa magagandang pasyalan at tanawin, kilala rin sa ating bansa sa


pagkakaroon ng mga mamamayan na may kanais-nais na pag-uugali. Ang mga
nabanggit ay ilan lang sa mga mabubuting kaugalian natin. Sikapin pa natin na ito
ay isagawa at panatilihin sa araw-araw nating pamumuhay.

103 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Innovate

PANUTO: Subuking ipamalas ang iba’t ibang kanais-nais na kaugaliang Pilipino sa


isang buong araw. Magpakita ng mga patunay para sa bawat isa. Gawing gabay ang
template sa ibaba sa gagawin.
Pagiging mabait Pagiging matulungin

Pagiging masipag Pagiging makadiyos

104 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Assessment

PANUTO: Piliin sa Word Bank ang katangiang inilalarawan sa bawat bilang.

Pagiging magiliw Pagiging makadiyos Pagiging matalino

Pagiging matulungin Pagiging matapat Pagiging magalang

1. Ito ay kaugaliang ipinakikita sa pamamagitan ng pagmamano


at pagsasabi ng po at opo sa pakikipag-usap.

2. Ito ay kaugaliang ipinakikita sa pamamagitan ng pagbibigay


ng anumang uri ng tulong na kaya nating ipaabot.

3. Ito ay kaugaliang ipinakikita sa pamamagitan ng


pananalangin at palagiang pagsisimba.

4. Ito ay kaugaliang ipinakikita sa pamamagitan ng pagiging


totoo ng lahat ng sinasabi sa anumang pagkakataon.

5. Ito ay kaugaliang ipinakikita sa pamamagitan ng malugod na


pagtanggap sa mga bisita.

105 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Sanggunian

ABSCBN News. (2020, June 23). Batang nangongolekta ng basura hinangaan dahil sa
kagandahang asal [Video]. YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=B-
_xrBq4f-8&t=167s

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-6917465

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan-Modyul 1: Kanais-nais na


kaugaliang Pilipino. (2020). Retrieved from:
https://www.scribd.com/document/503361319/EsP5-Q3-Mod1-Kanais-Nais-
Na-Kaugaliang-Pilipino1

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

106 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Yunit III
Aralin 2
Pagkamabuting Mamamayang Pilipino,
Pananatilihin Ko!

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. natutukoy ang mga paraan na nagpapakita ng isang mabuting Pilipino;


b. napapanatili ang pagiging isang mabuting Pilipino; at
c. nakalalahok sa mga usapin at gawain ukol sa ating bayan.

107 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Motivate

PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pinapakita ng sitwasyon ay tamang paraan, at
kung ito naman ay MALI, isulat sa patlang ang tama at dapat na gawin.

_____ 1. Si Patrick ay nagbabahagi ng kanyang opinyon ukol sa mga isyu na


nagaganap sa ating bayan tulad ng pandemya.
Kung mali, ano ang dapat na gawin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

_____ 2. Si Theresa ay tumulong sa mga gawain sa kanilang barangay na naka-


ugnay sa pagsugpo ng COVID-19.
Kung mali, ano ang dapat na gawin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

_____ 3. Nagkaroon ng “talk” sa pamayanan nila Dianne tungkol sa kahalagahan ng


pagiging Makabayan para sa mga kabataan. Tinuloy ni Dianne ang paglalaro
kasama ang kaniyang kaibigan.
Kung mali, ano ang dapat na gawin?
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

108 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Engage

PANUTO: Pakinggan mabuti ang awitin na Mabuting Pilipino ni Noel Cabangon.


Pagkatapos ay sagutin ang iilang mga katanungan ukol sa awitin.

MABUTING PILIPINO by NOEL CABANGON


Ako'y isang mabuting Pilipino puno Tinutupad ko ang aking mga
Minamahal ko ang bayan ko tungkulin
Tinutupad ko ang aking mga Hindi ako nagkakalat ng
tungkulin basura sa lansangan
Sinusunod ko ang kanyang Hindi bumubuga ng usok ang Sinusunod ko ang kanyang
mga alituntunin aking sasakyan mga alituntunin, whoa, whoa
Inaayos ko'ng mga kalat sa
Tumatawid ako sa tamang basurahan Ako'y isang tapat at totoong
tawiran Inaalagaan ko ang ating lingkod ng bayan
Sumasakay ako sa tamang kapaligiran Pabor o lagay ay 'di ko
sakayan pinapayagan
Pumipila at 'di nakikipag- 'Pagka't ako'y isang mabuting Tapat ang serbisyo ko sa
unahan Pilipino mamamayan
At 'di ako pasiga-siga sa Minamahal ko ang bayan ko Hindi ko ibinubulsa ang pera
lansangan Tinutupad ko ang aking mga ng bayan
tungkulin
Nagbababa ako sa tamang Sinusunod ko ang kanyang Ipinagtatanggol ko ang
babaan mga alituntunin, whoa, whoa mamamayang Pilipino
Hindi nakahambalang parang Mga karapatan nila'y
walang pakialam Lagi akong nakikinig sa aking kinikilala ko
Pinagbibigyan kong mga mga magulang Iginagalang ko ang aking
tumatawid sa kalsada Kaya't pag-aaral ay aking kapwa tao
Humihinto ako 'pag ang ilaw pinagbubutihan Ipinaglalaban ko, dangal ng
ay pula Hindi ako gumagamit ng bayan ko
bawal na gamot
'Pagka't ako'y isang mabuting O kaya'y tumatambay at sa 'Pagka't ako'y isang mabuting
Pilipino eskwela'y 'di pumapasok Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga Ipinagtatanggol ko ang aking Tinutupad ko ang aking mga
tungkulin karangalan tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang 'Pagka't ito lamang ang tangi Sinusunod ko ang kanyang
mga alituntunin, whoa, whoa kong kayamanan mga alituntunin
'Di ko ibinebenta ang aking
Hindi ako nangongotong o kinabukasan Ako'y isang mabuting Pilipino
nagbibigay ng lagay Ang boto ko'y aking Minamahal ko ang bayan ko
Ticket lamang ang pinahahalagahan Tinutupad ko ang aking mga
tinatanggap kong ibinibigay tungkulin
Ako'y nakatayo doon mismo 'Pagka't ako'y isang mabuting Sinusunod ko ang kanyang
sa kanto Pilipino mga alituntunin, whoa, whoa
At 'di nagtatago sa ilalim ng Minamahal ko ang bayan ko

109 | Edukasyon sa Pagpapakatao 5


Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang awitin ni Noel Cabangon?


_________________________________________________________
_________________________________________________________.

2. Anong liriko o bahagi ng kanta ang nakapukaw ng iyong damdamin? Bakit?


_________________________________________________________
_________________________________________________________.

3. Ikaw ba ay isang mabuting Pilipino? Sa paanong paraan?


_________________________________________________________
_________________________________________________________.

110 | Edukasyon sa Pagpapahalaga 5


Discussion

Pagkamabuting Mamamayang Pilipino, Pananatilihin Ko!

Bilang isang mamamayang Pilipino,


kailangan natin maisabuhay ang pagiging mabuti
sa ating sarili, pamilya, kapwa at bayan. Ito ay
nagtataglay na hindi ka lang nagiging mabuti para
sa iyong sarili kundi para sa ating kapwa Pilipino.
Madalas marami sa atin ay nakakalimutan
panatilihin ang pagiging mabuting Pilipino na
maaring mauwi sa hindi pagkakaunawaan at mga
pagkakamali. Mahalaga na ipinapakita natin ang
ating pagiging mabuting Pilipino dahil ito ay
pagpapakita ng ating pagmamahal sa ating Inang
Bayan.

Paano ba natin mapapanatili ang ating pagiging mabuting Pilipino?

1. Paggalang sa kapwa at nakatatanda. Mahalaga


na palaging igalang natin ang bawat isa, pati ang
nakatatanda sa atin dahil sila ang mga taong
gumagabay sa ating paglaki. Kapag atin silang
ginalang, ito ay nagpapakita ng pagmamahal at
pagkakaroon ng pakialam sa kanilang mga
pagkatao at pananaw.

2. Pagtutulungan. Dapat mapanatili ang


pagtutulungan. Ito ay hindi lamang sa simpleng
pagbibigay ng pera, kundi maaring pagtulong sa
oras ng kalamidad, pagtulong sa mga gawain sa
inyong komunidad o sa inyong tahanan. Ito ay
pagpapakita ng ating pakialam sa kapaligiran.

111 | Edukasyon sa Pagpapakatao


3. Pagpapahayag ng Opinyon. Hindi lang dapat
tayo nakikinig sa opinyon ng iba kundi dapat
tayo ay nakikilahok sa mga usapin sa ating
pamayanan o bayan nang sa gayon ay
maririnig ang ating pananaw na maaring
makatulong sa ikauunlad ng ating bayan.

Dapat mapanatili natin ito upang tayo


ay maging isang mabuting Pilipino. Ang
kabutihan na ating ipinapakita ay hindi para
tayo ay magpakitang gilas sa ating kapwa,
kundi ginagawa natin ito para sa kapakanan natin at ng ating kapwa at para sa
kinabukasan ng Inang Bayan. Tayo ay mabuting Pilipino at mahal natin ang bayan
natin!

112 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Innovate

PANUTO: Sa iyong paraan, paano mo maipapakita at mapapanatili ang pagiging


isang mabuting Pilipino? I-drawing ito sa box sa susunod na pahina at lagyan ito ng
pamagat at paliwanag.

________________________________________

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
113 | Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Assessment

PANUTO: Basahin ang bawat tanong ng mabuti. Sagutin ito sa loob ng 3-5 na
pangungusap.

1. Bakit kailangan natin makilahok sa mga gawain sa pamayanan at isyu ng bayan?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

2. Bilang mag-aaral, paano mo mahihikayat ang iyong kapwa mag-aaral na maging


mabuting Pilipino mula sa mga paraan na nabanggit?

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________.

114 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Sanggunian

Bayanihan. (n.d.). [Photograph].


http://makecommoningwork.fed.wiki/view/bayanihan

Cabangon, N. (2009). Mabuting Pilipino [Song Recorded by Noel Cabangon]. On


Byahe.
Katangian ng Isang Pilipino. (n.d.). Seasite.Niu.Edu. Retrieved January 28, 2022, from
http://www.seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_tagalog/mga_katangian_ng_
pilipino.htm

Makabayan ClipArt 4. (n.d.). [Drawing]. Clipart Station.


https://clipartstation.com/makabayan-clipart-4 /

Mano or Pagmamano. (n.d.). [Illustration]. Steem It.


https://steemit.com/culture/@grace44/mano-or-pagmamano-the-filipino-
gesture-of-showing-respect-to-elders

National Commission for Culture and the Arts. (2015, June 9). Pagmamano
[Illustration]. Flickr. https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18007562214

Toralba, A. (2016). Education [Photograph]. UNICEF.


https://www.unicef.org/philippines/education

115 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Yunit III
Aralin 3
Masusi at Matalinong Pagpapasya Para sa Kaligtasan

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. natutukoy nang masusi at matalinong pagpapasiya ang kilos para sa


pagpapanatili ng kaligtasan;

b. napananatili ang paalala para sa mga panoorin at babasahin; at

c. naisasagawa ang mga alituntunin tungkol sa pag- iingat sa mga paalala.

116 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Motivate

PANUTO: Ayusin ang mga letra sa loob ng kahon at ilagay sa patlang upang mabuo
ang salita sa larawan.

1. 2. 3.

DOLLIN UGSON GOYBA

4. 5.

AHAB NAMITUS

Mga Tanong:
1. Ano ang ipinapakita sa mga larawan?
2. May karanasan ka ba tulad nito? Ano ang iyong ginawa? Ibahagi.

117 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Engage

PANUTO: Basahin at tuklasin ang mga pagpapasiyang ginawa ni Dino sa kwento ng


“Sunog sa Barangay Maharlika”. Matapos itong basahin ay sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

Sunog sa Barangay Maharlika


Isinulat ni: Gina W. David

Araw ng Sabado, maagang gumising si Dino. Tuwang-


tuwa siya dahil sa wakas ay kumpleto ang kaniyang
buong pamilya. Tumulong siya sa mga gawaing
bahay. Nang matapos siya ay tinulungan niya ang
kaniyang nanay sa pagluluto ng kanilang
pagsasaluhang pagkain. Masayang nagsalo-salo ang
buong pamilya sa inihanda ni Nanay Lita para sa
kanilang buong pamilya. Matapos kumain binuksan
ni tatay ang kanilang karaoke upang magkantahan. Walang pagsidlan ang naging
saya ni Dino sa pangyayaring ito sa kanilang pamilya.

Habang sila ay nagkakasiyahan biglang napahinto si


Dino. Napatanaw siya sa bintana. Napansin niya na
nagkakagulo ang mga tao. Lumabas siya ng kanilang
bahay. Pinuntahan niya ang isang kakilalang
tumatakbo at nagtanong kung ano ang nangyayari.
Itinuro nito ang mga bahay at laking gulat niya ng
makita na may sunog pala sa kanilang barangay.
Napansin niya na dalawang bahay na lamang at
aabutan na rin ang kanila kaya dali-dali niyang pinuntahan ang kaniyang pamilya.

118 | Edukasyon sa Pagpapakatao


“Inay! Itay! May nasusunog po sa labas at
dalawang bahay na lamang po at
madadamay na rin po ang ating bahay” ang
sabi ni Dino. “Anong sunog? Naku! Ano ang
gagawin natin, Lito?” natatarantang tanong
ni nanay kay tatay. “Huwag po tayong
matakot at mataranta nanay. Nakahanda
naman po ang mahahalagang gamit natin
kukuhanin ko lamang po sandali”,
mahinahong sabi ni Dino sa kaniyang ina. Pagkakuha ng gamit ay kaagad na
lumabas ng kanilang bahay ang buong mag-anak. Laking pasasalamat nila Dino ng
kaagad naagapan ang sunog at hindi inabot ang kanilang bahay. Dahil sa nangyari
nagpasya ang buong mag-anak na ipatingin ang mga outlet ng kanilang kuryente na
naging sanhi ng sunog na naganap sa kanilang barangay, bilang pag-iingat na rin at
upang masigurado na wala ng sunog na mangyayari pa. Bukod dito, naging ugali na
rin nila Dino na alisin ang lahat ng kanilang kagamitang de-koryente sa saksakan sa
tuwing sila ay umaalis ng kanilang bahay.

Mga Tanong:

1. Ano ang okasyon sa tahanan nila Dino?

2. Bakit tuwang-tuwa si Dino?

3. Ano ang nakita niya nang sumilip siya sa kanilang bintana?

4. Ano ang ginawa ni Dino nang makitang natataranta ang kaniyang Nanay Lita?

5. Kung ikaw si Dino ano ang gagawin mo sa ganoong sitwasyon? Ipaliwanag.

119 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Discussion

Masusi at Matalinong Pagpapasya Para sa Kaligtasan


Lagi mong tandaan, upang makaligtas sa anumang banta ng panganib,
sumunod nang maayos sa mga paalala at gumamit ng matalinong pagpapasiya para
sa kaligtasan ng bawat isa. Hindi natin matitiyak kung kailan ito magaganap at kung
saan ito mananalasa kung kaya kailangan nating maging handa sa tulong ng mga
piling tanggapan ng ating pamahalaan na nangangasiwa sa mga paparating na
kalamidad o banta ng panganib.

Bukod dito, mahalaga rin na matutunan mo kung ano-ano ang mga hakbang
sa paghahanda na dapat gawin sa panahon ng kalamidad at sakuna. Ang kaalaman
na ito ay makatutulong sa iyo upang makapagbigay ng abot-kayang tulong sa
nangangailangan. Ang pag-unawa o pag-alam sa mga hakbang kung paano
maghahanda sa mga kalamidad man o pandemya ay isang pamamaraan upang
makatulong sa kapwa. Ang pagbibigay ng babala o impormasyon sa iyong kapwa ay
makatutulong naman upang sila ay maging ligtas sa anomang kapahamakan o
panganib.

Narito ang ilang mahahalagang paalala para sa mga panoorin at


babasahin na hindi angkop sa bata at ilang paghaha nda o hakbang na dapat gawin
sa banta ng panganib o kalamidad at sakuna.

Mga Dapat Gawin sa Panonood ng mga Eksena o Palabas sa


Telebisyon na Hindi Angkop sa Bata

1. Huwag gagayahin ang mga ginagawa ng mga paborito mong artista na alam
mong makasasama o makapagpapahamak sa iyong kapwa.

120 | Edukasyon sa Pagpapakatao


2. Maging matalino sa panonood at iwasan ang mga panoorin na hindi akma
sa isang batang tulad mo.

3. Kung may mapanood man na hindi maganda sa paningin mo, humingi ng


paggabay ng iyong magulang.

Paghahanda para sa Lindol

1. Ugaliing makiisa sa programa ng paaralan tulad ng Earthquake Drill

2. Pag-aralan o manood ng videos kung paano magbigay ng paunang lunas.

3. Maghanda ng isang bag na naglalaman ng mga emergency kits tulad ng first


aid kit, flashlight, kandila, posporo, pito, inuming tubig, de-latang pagkain at
iba pa.

Paalala sa Pananalasa ng Bagyo

1. Ugaliin ang pakikinig sa radio at telebisyon para sa mga balita mula sa


PAGASA hinggil sa parating na bagyo.

2. Sa pagdating ng bagyo, manatili sa bahay at huwag magpunta sa mga lugar


tulad ng ilog at baybaying dagat.

3. Kung nakatira sa mababang lugar pumunta na kaagad sa mga evacuation


centers para maging ligtas.

121 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Mga Dapat Gawin sa Oras ng Sunog

1. Habang maliit pa ang apoy ay subukan na itong apulahin, kung hindi mo


ito magagawa ay humingi ng tulong sa mga kalapit na bahay at tumawag ng
bumbero o sa BFP (Bureau of Fire & Protection).

2. Kung ikaw ay nasa ikalawang palapag o pataas, hintayin ang bumbero


upang ikaw ay masaklolohan.

3. Huwag tumalon, maliban na lamang kung ito na lamang ang paraan para
mailigtas ang sarili ngunit siguraduhin na ang iyong pagtatalunan ay ligtas.

Mga Dapat Gawin sa Panahon ng Pandemya

1. Manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang matataong lugar upang


maiwasang mahawa sa iba.

2. Maghugas palagi ng kamay pagkatapos humawak ng kung ano-anong


bagay, magsuot ng face mask sa tuwing lalabas ng bahay at panatilihin ang
isang metrong layo mula sa ibang tao (social distancing).

3. Panatilihing malusog at malakas ang resistensiya at kumain ng mga


masusustansyang pagkain.

122 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Innovate

PANUTO: Punan ng angkop na salita ang mga patlang upang mabuo ang kaisipan ng
mga talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

kapahamakan kalamidad kaligtasan

matalinong pagpapasya alituntunin

Mahalagang sumunod nang may masusi at _______________________ sa mga


paalala sa anumang panoorin at babasahin. Sa paraang ito tayo ay makaiiwas sa
_______________ at hindi inaasahang pangyayari. Tuwing may mga
_______________ tulad ng bagyo, lindol, sunog at iba pa, mahalagang sumunod
tayo sa mga ______________ at mahalagang paalala ng awtoridad upang
masiguro natin ang ating ______________, anumang oras at saan man dako tayo
naroroon.

pamilya gagawin pinakaligtas

magkasunog kaalaman

Magkaroon dapat ng _____________ ang lahat ng miyembro ng _____________


sa kung ano ang aksiyong _____________. Alamin ang _____________ na lugar
sa bahay at huwag lumapit sa mga bintana, malalaking salamin, mga nakabitin na
bagay, mabibigat na gamit, at mga lugar na madaling _____________.

123 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Assessment

PANUTO: Iguhit ang hugis puso ( ) sa patlang kung ang pangungusap ay nagsasaad
at nagpapakita ng tamang pagpapasya para sa kaligtasan at tatsulok ( ) naman
kung hindi.

_____1. Umakyat sa puno ng bayabas si Mario kahit malakas ang ulan.

_____2. Nakinig ng balita sa radyo si Ponce tungkol sa paparating na bagyo.

_____3. Inalis ni Ella ang pagkakasaksak ng telebisyon pagkatapos niyang gamitin.

_____4. Tumingin muna sa gawing kaliwa at sa gawing kanan ng daan si Loren bago
tumawid.

_____5. Inayos ng tatay ang bubong ng kanilang bahay upang maging handa sa
darating na bagyo.

_____6. Pinalitan ni tatay Doming ang lumang electrical wire na maaaring mag-init
at pagmulan ng sunog.

_____7. Lumayo si Christian sa mga bagay na maaaring mahulugan o mabagsakan


ng mga bagay habang lumilindol.

_____8. Hinayaan ni Mariel na maglaro pa rin sa labas ng bahay ang kaniyang


kapatid kahit matindi ang sikat ng araw.

_____9. Inilagay ni Angelo sa mataas na lugar ang posporo upang hindi


mapaglaruan ng kaniyang nakababatang kapatid.

_____10. Sumama pa rin si Maribeth sa kaniyang mga kaibigan na maligo sa dagat


kahit may babala ng pagtaas ng tubig dahil sa bagyo.

124 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-69174652

Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikatlong Markahan Modyul 3: Matalinong


Pagpapasiya para sa Kaligtasan. Retrieved from:
https://www.coursehero.com/file/91692121/ESP-Q3-WEEK3docx/

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

125 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Yunit III
Aralin 4
Kapaligiran Ko, Pagmamalasakitan Ko

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. natutukoy ang epekto ng pagpapakita ng pagiging responsableng


tagapangalaga ng kapaligiran;
b. napaninindigan ang responsibilidad bilang tagapangalaga ng kapaligiran; at
c. nakagaganap ng mga magagandang halimbawa ng pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran.

126 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Motivate

PANUTO: Suriin ang bawat larawan sa ibaba. Ano ang iyong masasabi sa bawat
larawan? Ipahayag ang iyong sagot sa loob ng hanggang dalawang pangungusap
lamang. Ilagay ang iyong sagot sa inilaan na patlang. Matapos ay sagutin ang mga
katanungan sa ibinigay.

1. 2.

_____________________________ ________________________
_____________________________ ________________________
_____________________________ ________________________

3. 4.

_____________________________ ________________________
_____________________________ ________________________
_____________________________ ________________________

127 | Edukasyon sa Pagpapakatao


5.
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

Mga Tanong:

1. Magbigay ng isang larawan na sa iyong tingin ay nagpapakita ng pagiging


responsableng tagapangalaga ng kapaligiran at isang larawan na hindi.
Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.
2. Mula sa iyong mga sagot, ano ang maaaring epekto ng hindi tamang
pangangalaga ng kapaligiran? Bakit?
3. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagiging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran?

128 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Engage

PANUTO: Basahin at unawain ang kwento sa ibaba. Matapos ay sagutin ang mga
katanungan na ibinigay.

Ang Paanyaya ni Raha

Isinulat ni: Jenifer A. Magsino

Si Raha at ang kaniyang pamilya ay aktibong nakikilahok sa mga gawaing may


kinalaman sa paglilinis ng kapaligiran. Ito na rin sa paniniwala ng kaniyang
magulang na kapag tayo ay mabuti sa kapaligiran ay malaki ang ibabalik na tulong
nito sa atin. Kung kaya’t lumaki si Raha na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
kapaligiran.

Isang araw habang nagwawalis ng kanilang tapat si Raha ay nakita na naman


niya ang grupo ng mga kabataan na madalas na nagtatapon na lamang ng kalat kung
saan-saan. Nililinis na lamang niya ito ngunit noong araw na rin na iyon ay hindi na
siya nakapagpigil at magalang na kinausap ang grupo.

“Excuse me po. Kung maaari po sana ay pulutin niyo po ang kalat na inyong
tinapon. Maaari po kase ito magdulot ng pagbara ng mga kanal na siyang magiging
dahilan ng pagbaha po. Kung maaari po ay ilagay niyo na lamang po muna sa iyong
bulsa at tsaka niyo po itapon kapag may nakita na po kayong basurahan,” ani ni
Raha.

Ngunit parang walang narinig ang mga grupo at hindi pinagtuunan ng pansin
ang pakiusap ni Raha. Nagpatuloy na lamang sila sa paglalakad. Walang nagawa si
Raha kundi ang walisin na lamang ang kalat.

129 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Makalipas ang ilang linggo ay may dumating na bagyo sa inyong lugar at ito
ay nagdala ng malakas na pag-ulan. Dahil sa malakas at matagal na pag-ulan, ito ay
nagdulot ng pagbaha ngunit mabuti na lamang ay maayos ang drainage system ng
inyong barangay dahil na rin sa madalas niyong paglilinis. Sa kasamaang-palad,
nabalitaan niyo na binaha ang karatig niyong barangay dahil sa mga baradong kanal
na punong-puno ng basura. Naalala mo na isa sa mga kabataan na iyong
pinakiusapan noong nakaraan ay nakatira roon.

Matapos ang bagyo at humapa na rin sa wakas ang baha. Habang naglilinis si
Raha ay nakita niya ulit ang grupo ng mga kabataan ngunit noong panahon na iyon
ay hindi sila nagkalat. Bagkus ay nagtanong sila kay Raha kung paano maglinis at
masayang inanyayahan ni Raha sila na lumahok sa mga gawaing pangkalinisan.

Mga Tanong:

1. Sa iyong tingin, tama ba ang naging tugon ni Raha sa grupo ng mga kabataan
sa kwento? Ipaliwanag.
2. Ano ang katangian na ipinakita ni Raha sa kwento?
3. Tutuluran mo ba ang ginawa ni Raha sa kwento? Bakit?
4. Bakit mahalaga na maging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran?
5. Paano mo maipapakita ang pagiging responsableng tagapangalaga ng
kapaligiran?

130 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Discussion

Kapaligiran Ko, Pagmamalasakitan Ko

Ang kapaligiran natin ay may malaking kinalaman sa ating araw-araw na


pamumuhay. Dito tayo kumukuha ng ating kinakain araw-araw at ang ating mga ginagamit
din upang mabuhay. Kung kaya’t bilang nakikinabang sa ating kapaligiran, tungkulin natin
itong pangalagaan nang sa ganoon ay mas matagal pa natin itong magamit. Ngunit bakit
nga mahalagang ipakita rin ang pagiging responsableng tagapangalaga ng ating
kapaligiran?

Sinasabing ang pagpapakita ng pagiging responsableng tagapangalaga ng ating


kapaligiran ay nagsisilbing magandang halimbawa sa iba na kung saan ay maaari silang
mahikayat na gawin din ito. Sa pamamagitan din nito ay nahihikayat natin ang iba na
maglinis ng kapaligiran. Kung ang buong komunidad ay naging responsableng
tagapangalaga ng kapaligiran, magdudulot ito ng mabuting epekto sa lahat. Ngunit kung
hindi pangangalagaan ang kapaligiran ay magdudulot ito ng masamang epekto tulad ng
pagbaha o polusyon na siyang may malaking epekto rin sa ating pamumuhay sa ating
komunidad.

Paano nga ba nating maipapakita ang pagiging responsableng tagapangalaga ng


ating kapaligiran? Narito ang ilan sa maaari nating magawa:

1. Makilahok sa mga tree-planting


activities.
Ang paglahok sa mga gawaing tulad ng
tree-planting ay pagpapakita ng pagiging
responsableng tagapangalaga ng
kapaligiran dahil dito ay ipinapakita natin
na ang mga puno, bilang isa nagbibigay-
tulong sa ating pamumuhay, ay ating
pinapahalagan. Maliban dito ay
nagpapakita rin tayo ng pagpapahalaga sa
ating kapwa sa pamamagitan nito.

131 | Edukasyon sa Pagpapakatao


2. Huwag magsayang ng tubig at
kuryente.
Patayin ang gripo at ilaw kung ito ay
hindi ginagamit. Ang mga ito ay
araw-araw nating ginagamit kung
kaya upang hindi dumating sa
pagkakataon na tayo ay maubusan
ng likas na yaman, atin na itong
gamitin nang wasto.

3. Mag-recycle
I-recycle ang mga itinapon na
maaari pang magamit tulad ng
mga bote. Maaaring gamitin pa ito
sa ibang bagay tulad na lamang
ng lagayan ng mga halaman o
lagyan ng mga palamuti sa bahay.

4. Ihiwalay ang mga nabubulok


sa hindi nabubulok na basura.
Matutong ihiwalay ang mga
basurang nabubulok sa hindi
nabubulok. Alamin ano-ano ang
mga basurang maaaring gawing
pataba at mga basurang maaaring
magamit sa ibang bagay.

Tandaan na malaki ang naitutulong ng kapaligiran sa ating pamumuhay sa araw-


araw. Kung kaya’t marapat lamang na bilang nakikinabang dito ay ating
pangalagaan ito upang mas matagal pa natin itong magamit. Tungkulin natin na

132 | Edukasyon sa Pagpapakatao


maging responsable sa paggamit ng likas na yaman na galing sa ating kapaligiran.
Laging tatandaan na tayo ay dapat maging bahagi ng solusyon sa pagtugon sa
anumang suliranin na may kinalaman sa ating kapaligiran. Huwag tayong makiisa
sa mga gawaing magdudulot ng polusyon at pagkasira ng ating kapaligiran.

Innovate

PANUTO: Gumawa ng talaan ng iyong gagawin para sa buong linggo. Ilagay sa talaan
ang iyong gagawin sa buong linggo na may kinalaman sa pagpapakita ng pagiging
responsableng tagapangalaga ng ating kapaligiran. Bilang mag-aaral at kabataan,
sa paanong paraan mo maipapakita ito sa loob ng isang buong linggo? Gamitin ang
talaan na ibinigay sa ibaba.

TALAAN NG AKING GAGAWIN


(Pagiging Responsableng Tagapangalaga sa Kapaligiran)
ARAW GAWAIN
LUNES

MARTES

MIYERKULES

HUWEBES

BIYERNES

SABADO

LINGGO

133 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Assessment

PANUTO: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng wastong


pagpapakita ng pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran at MALI
naman kung hindi.

_______1. Sina Roy at Tani ay madalas na nagpuputol ng mga punong-kahoy sa


kagubatan malapit sa inyong komunidad upang pagpakitaan.

_______2. Nagpadala ng sulat si Rica sa ahensyang pangkalikasan upang


magpahayag ng hindi pagsang-ayon sa iligal na pagtapon ng wastewater sa ilog
malapit sa mga may nakatirang mga tao.

_______3. Itinatapon ni Yachi ang balat ng kanyang pinagkainan sa tabi-tabi sa


tuwing siya ay walang makitang basurahan sa daan.

_______4. Iniiwan ni Kei sa sasakyan ang kanyang pinagkainan dahil may maglilinis
naman daw nito.

_______5. Araw-araw ay nagwawalis ng tapat ng bahay nila si Iwa. Dahil dito ay na-
enganyo niya ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng kanilang tapat araw-
araw.

134 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Sanggunian

10 ways to take care of the environment and make a difference. (2019, May 17). Ferns
N Petals. https://www.fnp.com/blog/10-ways-take-care-environment-
make-difference

ESP5_Module4_Pangangalaga Sa Kapaligiran, Responsibilidad Ko.pdf. (n.d.). Google


Docs.
https://drive.google.com/file/d/1hWqR4LweK0AcJNapOegVxOtvBa6Hdz_m/
view?usp=sharing

135 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Yunit III

Aralin 5
Pakikiisa sa Programa ng Pamahalaan

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


a. natutukoy ang mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa
pagpapanatili ng kapayapaan;
b. natutugunan ang responsibilidad at pananagutan sa lipunan bilang
mamamayan; at
c. nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may
kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan.

136 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Motivate

Panuto: Magbigay ng apat na salita o pariralang maaaring iugnay sa salitang


kapayapaan. Isulat ang iyong sagot sa concept map sa ibaba.

Mga Tanong:
1. Anu-ano ang mga salita o pariralang iniugnay mo sa kapayapaan?
2. Bakit ito ang mga salita o pariralang iniugnay mo sa kapayapaan?
3. Sa iyong palagay, paano natin makakamit ang kapayapaan sa lipunan?

137 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Engage

Panuto: Basahin at suriin ang tula ni Jhanie R. Lapid na pinamagatang “Kapayapaan,


Ating Ihatid.” Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.

Kapayapaan, Ating Ihatid


ni: Jhanie R. Lapid

Kaibigan, isa ka rin ba?


Sa pamayanan ika’y nakikiisa.
Alituntuning ipinapatupad nila
sinusunod at isinasabuhay pa.

Iba’t ibang programa hatid ng pamahalaan


Sa iyong pakikiisa, tiyak ang tagumpay
Paggalang sa karapatang pantao, bigyang kahalagahan
Maging sa opinyon ng iba o ideya man ‘yan.

Bilang isang bata, paggalang ay tupdin


Sa pakikipagkapwa-tao isaisip man din
Sa mahinahong pakikinig sa opinyon ng iba
Pagkakasundo-sundo ay iyong makikita.

Sa aking kababayan, aking mensahe


Sa ating pamahalaan, tayo’y makiisa parati
Ikaw at ako, tulong-tulong tayo
Sa pagpapanatili ng kapayapaan, kayang-kaya natin ‘to.

138 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Mga Tanong:
1. Ano ang mensaheng nais iparating ng tula?
2. Tulad ng unang linya sa unang saknong, isa ka rin ba? Ipaliwanag.
3. Ano ang dapat nating pairalin upang mapanatili ang kapayapaan sa lipunan?
4. Bakit mahalaga ang pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan?
5. Paano ka makikiisa sa mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa
pagpapanatili ng kapayapaan?

Discussion

Pakikiisa sa Programa ng Pamahalaan

Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng iba’t ibang programa na may


kaugnayan sa pagpapanatili ng kapayapaan upang pangalagaan at bigyan ng
proteksyon ang mga nasasakupan nito. Isa sa mga pangunahing responsibilidad ng
mga lider ng bayan ay ang panatilihing payapa ang bansa. Bilang responsableng
mamamayan, kailangan nating makiisa sa mga proyekto o programa ng
pamahalaan.

Narito din ang ilan sa mga programa na nangangalaga sa karapatang pantao:

 Bantay Bata 163 - may layuning protektahan ang mga bata laban sa anumang
uri ng pang-aabuso.
 Child Protection Policy – ipinapahayag nito na ang mga bata ay may
karapatan upang maprotektahan laban sa pang-aabuso at pananamantala.
 “Laban Kontra Droga” - isang programa na pumupuksa sa paglaganap ng
mga krimen sa ating bansa. Ang mga tao na sangkot dito ay binibigyan ng

139 | Edukasyon sa Pagpapakatao


pagkakataon na maipagtanggol ang kanilang mga sarili bilang paggalang sa
kanilang karapatang pantao.
 Human Rights Education – katuwang ng Commission on Human Rights ang
mga akademikong institusyon at mga civil society organizations sa
pagtataguyod ng mga programa para sa edukasyong pangkarapatang pantao
kagaya ng mga memorandum of agreement on human rights education,
pagdevelop ng mga education curriculum at teaching exemplars para sa mas
epektibong pagtuturo ng karapatang pantao sa kabataan.

Ang mga programang ito ay naglalayong panatilihin ang kaayusan at


kapayapaan sa ating bansa. Sa pamamagitan ng paggalang sa karapatang pantao,
nagiging matiwasay ang pamumuhay ng lahat. Sa ating pakikiisa sa mga programa
ng pamahalaan ay nabubuo ang kasiya-siyang samahan at magandang relasyon na
nagpapanatili ng pagkakaunawaan.

Innovate

Panuto: Gumawa ng isang Promotional Slogan-Poster na nanghihikayat na makiisa


nang may kasiyahan sa mga programa ng pamahalaan na may kaugnayan sa
pagpapanatili ng kapayapaan. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.

RUBRICS para sa Promotional Slogan-Poster


MGA Dalawang (2) Marka sa bawat
Tatlong (3) Puntos Isang (1) Puntos
PAMANTAYAN Puntos Pamantayan
Lubhang malinaw
May kakulangan
ang mensahe at Malinaw ang
Mensahe (Slogan) sa mensahe na
napakadaling Mensahe
nais ipabatid
maunawaan

140 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Kinakailangan na
Katamtaman ang
Lubusang malapit may kaugnayan at
lapit ang
ang ginawang kalapitan ang
Kalapitan sa ginawang
Promotional ginawang
Paksa Promotional
Slogan-Poster sa Promotional
Slogan-Poster sa
paksang tinalakay Slogan-Poster sa
paksang tinalakay
paksang tinalakay
Lubhang Kinakailangan na
Nakahahatak sa
nakahahatak sa magkaroon ng
Madla ang
Impresyon at Madla ang Impresyon sa
ginawang
hatak sa Madla ginawang madla upang
Promotional
Promotional maisabuhay ang
Slogan Poster
Slogan Poster Mensahe
Maganda at
Teknikal Hindi angkop ang
Mahusay ang
(Paggamit at Angkop ang mga mga salitang
pagkakagamit at
pagpili ng mga salitang ginamit o ginamit at
pagkakapili ng
salita at pinili ngunit may pinili
mga salita
kaaayusan sa mga maling
pagkakagamit ispeling Maraming maling
Walang maling
nito) ispeling
ispeling
Kailangan pang
Lubhang mahusay Katamtamang ang dagdagan ang
ang husay na pagiging
Pagiging pagkakadisensyo naipakita sa malikhain sa
Malikhain ng mga elemento pagdidisenyo ng pamamagitan ng
at pagpili ng mga mga element at pagpili ng angkop
kulay pagpili ng kulay na kulay at mga
elemento
Kabuuan

141 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Assessment

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang
TAMA kung ang pahayag ay tumutukoy sa paggalang sa karapatang pantao, opinyon,
at ideya ng iba at MALI naman kung hindi.

_____1. Pinayuhan ni Maris ang kaniyang anak na huwag gagawa ng bagay na


makakasakit sa kapwa.
_____2. Hinikayat ni Gng. Reyes ang kaniyang mga mag-aaral na laging igalang ang
ideya at opinyon ng kanilang kapwa.
_____3. Nagalit si Kobe sa kaniyang Lola Mameng dahil hindi siya nito pinayagang
umalis ng gabi kasama ang mga kaibigan.
_____4. Mataimtim na nakikinig si Kapitan Logie sa mga opinyon ng kaniyang mga
kagawad tungkol sa nalalapit na kapistahan.
_____5. Laging nakikipagdiskusyon si Aling Marites sa kaniyang kapitbahay tungkol
sa pagtatapon nito ng basura sa kaniyang bakuran.
_____6. Ipinahiya ni Tin ang kaniyang kamag-aral sapagkat hindi niya nagustuhan
ang ideya nito patungkol sa binubuo nilang proyekto.
_____7. Nagboluntaryo ang kuya ni Marie na magbantay sa checkpoint upang
pigilan ang pagpasok ng mga hindi residente ng kanilang baranggay.
_____8. Binalewala ng tatay ni Romeo ang paanyaya ng kanilang kapitan na makiisa
sa gagawing proyekto ng baranggay tungkol sa pagbabawal ng sabong.
_____9. Si Maya ay palaging nakikibahagi sa mga Baranggay Assembly at
nagbibigay pa siya ng kaniyang mga suhestiyon sa pagpapaganda ng mga programa.
_____10. Nakita ni Jen na nagnanakaw sa isang tindahan ang mga kaibigan ng
kaniyang kapatid ngunit hinayaan niya lamang ang mga ito dahil ayaw niyang
madamay sa gulo.

142 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-69174652

ESP5_Module5_Kapayapaan, Ating Ihatid.pdf - 5 Edukasyon Sa Pagpapakatao


Ikatlong Markahan. (2021, March 18). Course Hero | Make every study hour
count. https://www.coursehero.com/file/84915733/ESP5-Module5-
Kapayapaan-Ating-Ihatidpdf/

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

143 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Yunit III
Aralin 6
Kapayapaan at Kaayusan

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. nauunawaan ang tunay na kahulugan ng pakikilahok sa pangangampanya sa


pagpapatupad ng mga batas para sa kabutihang panlahat;
b. nakikibahagi sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan para sa
kabutihang panlahat; at
c. nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas para sa
kabutihan ng lahat.

144 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Motivate

PANUTO: Suriing mabuti ang bawat programang nakalagay sa talaan. Matapos


masuri ay ilagay ang sariling pagkakaunawa o pananaw patungkol sa programang
nabanggit at sagutan ang mga tanong na inihanda. Ilagay ang sagot sa inyong
kwaderno.

PROGRAMA PALIWANAG

Curfew Hour

Clean and Green Drive

Aso mo, tali mo campaign

Waste Segregation Project

Mga Tanong:

1. Alin sa mga programang nabanggit ang pamilyar ka? Alin ang hindi?

145 | Edukasyon sa Pagpapakatao


2. Sa mga programang nabanggit, alin sa mga ito ang aktibo kang nakikiisa?
Ipaliwanag
3. Sa iyong palagay, paano ka mas magiging aktibo sa mga programang hindi ka
masyadong dumadalo? Ipaliwanag

Engage

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang kwento. Matapos mabasa ay sagutan ang
mga tanong na inihanda.

Tutulong Kami!

Araw ng Sabado. Nagdaos ng pagpupulong ang mga pinuno ng Barangay Kapalaran.


Dinaluhan ito ng mga mamamayan ng nasabing barangay.

Punong Barangay: Nakakalungkot na ang mga nangyayari sa ating barangay. Panahon na para

pagtulung-tulungan nating lutasin ang mga problemang pangkalinisan, pangkaligtasan,


pangkalusugan,

pangkapayapaan at maging pangkalikasan.

Aling Susan: Sa aking palagay, dapat lahat ay kumilos sa mga problemang iyan at nang
mabigyan natin ng solusyon.

Mang Lito: Tama! Ang makakapagbigay ng solusyon diyan ay tayo ring naninirahan sa
barangay na ito.

Mang Juan: Kaya nga dapat tayo ay magkaisa upang mapanatili natin ang kapayapaan at
katahimikan dito sa ating lugar. Pati mga anak natin ay kakatulungin natin sa pagsugpo sa
mga problemang ito.

Mea: Bilang lider po ng mga kabataan dito sa ating barangay ay sumasang-ayon po ako sa
mungkahi ni Mang Juan. Nakahanda po kaming tumulong.

146 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Del: Ako po ay sasama sa pangangampanya sa usaping pangkalinisan. Ako na po ang gagawa
ng mga poster upang iparating sa lahat ang ating layunin hinggil sa kalinisan ng ating
barangay.

Toto: Ipagpaumanhin po ninyo na hindi nakadalo si Tatay sa papulong na ito dahil may
pinuntahan po siya. Ako na po ang magsasabi sa kanya na bilang isang barangay tanod ay
mas dapat sipagan pa niya ang pagroronda upang mapanatili natin ang kapayapaan at
kaligtasan dito sa ating lugar.

Ali: Tutulungan ko po ang nanay ko na makalap ang mga listahan ng mga malnourished sa
ating lugar upang maireport agad sa kinauukulan at ng mabigyan kaagad sila ng tulong.

Ella: Kakausapin ko naman po ang guro namin na hikayatin ang mga kaklase ko na lumahok
sa aming pinaplano ni Karen na pagtatanim ng mga puno sa tabi ng kalsada.

Barangay Captain: Nakakatuwa ang mga batang ito. Tunay nga ang sabi ng inyong mga
magulang na kayo ay mga responsableng anak. Hindi lang kayo responsableng anak kundi
isa rin kayong responsableng munting mamamayan. Maraming salamat sa inyo.

Paolo: Maaasahan po ninyo ang aming tulong. Marami rin pong salamat sa inyong
pagpapaalala sa amin ng aming mga tungkulin na dapat gampanan.

Lyn: Kung sakali pong may mga bagay na hindi namin kayang gawin, maari po bang humingi
kami ng tulong sa mga opisyal ng barangay at sa mga matatanda rito?

Lahat: Makakaasa kayo.

Mga kabataan: Marami pong salamat.

Natapos ang papulong na ang lahat ay may ngiti sa labi. Lahat ay umaasa na
matatapos na rin ang problema ng kanilang barangay.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ng kwentong binasa?


2. Anong aral ang makukuha mula sa kwentong binasa?
3. Kung ikaw ay isa sa mga miyembro ng barangay, makikiisa ka rin ba? Ipaliwanag
4. Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makatutulong upang mapanatili
ang kapayapaan at kaayusan sa iyong lugar? Ipaliwanag.

147 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Discussion

Kapayapaan at Kaayusan

Ang kapayapaan at kaayusan ay hangad nating maranasang lahat. Ang


pagkakaroon ng ligtas at pagkakaisa sa ating lugar ay tunay ngang nakasisiyang
mapagmasdan. Kaya’t bilang kasapi nito, inaasahan tayong makiisa rin sa mga
programang may kinalaman sa mga batas pangkalinisan, pangkaligtasan,
pangkalusugan, pangkapayapaan, at pangkalikasan. Bilang isang mag-aaral at
kasapi ng isang komunidad, may magagawa ka!

Narito ang ilan sa mga halimbawa kung paano makikiisa sa mga programang
pangkalinisan, pangkaligtasan, pangkalusugan, pangkapayapaan, at pangkalikasan:

1. Pagsama sa Clean and Green Drive Program ng Barangay.

148 | Edukasyon sa Pagpapakatao


2. Pagsunod sa itinakdang Curfew Hours.

3. Pagbibigay donasyon sa mga Feeding Programs.

149 | Edukasyon sa Pagpapakatao


4. Pagdalo sa pangangampanya ng Punong Barangay ukol sa kapayapaan.

5. Pagsasaayos ng mga basura ayon sa uri nito.

Laging tandan na ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ay tungkulin


natin bilang bahagi ng isang komunidad. Walang ibang magsasagawa nito kun’di
tayo rin, kaya upang maisagawa ito, simulan natin natin sa ating mga sarili.

150 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Innovate

Slogan Making

Panuto: Bumuo ng isang slogan na naglalaman ng pakikiisa sa mga programang may


kinalaman sa pangkalinisan, pangkaligtasan, pangkalusugan, pangkapayapaan, at
pangkalikasan. Gawin itong makulay at malikhain.

151 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Assessment

PANUTO: Tukuyin kung saang programa nakahanay ang mga sumusunod na


sitwasyon. Isulat kung ito ay pangkalinisan, pangkaligtasan, pangkalusugan,
pangkapayapaan, o pangkalikasan.

_________________1. Si Carlo ay sumali sa Save the Forest Campaign ng kanilang


barangay.

_________________2. Si Aling Lorder ay nakiisa sa Samahan ng mga Nanay sa


Wastong Nutrisyon ng mga Sanggol.

_________________3. Bilang isang barangay tanod, si Mang Ruben ay


nagbabantay ng 24 oras sa barangay.

_________________4. Masigasig na ginagampanan ni Mrs. Rosa ang paglilinis ng


tapat ng kanilang tahanan.

_________________5. Laging nagbibigay ng donasyon si Cerilo sa Feeding


Program ng kanilang barangay.

152 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Sanggunian

DepEd. (n.d.) Pakikilahok sa Pangangampanya sa Pagpapatupad ng mga Batas.


Retrieved from:
https://dipologcitydivision.net/superjembros/2021/06/EsP5_Q3_M7.pdf

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and Discover
Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-6917465

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

153 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Yunit IV
Aralin 1
Pagsasaalang-alang sa Kapakanan
ng Kapwa at Pamayanan

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. nauunawaan kung paano isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa at


pamayanan;
b. naisasapuso ang kahalagahan ng pagsasaalang-alang para sa kapwa; at
c. naisasabuhay ang paggalang at pagmamalasakit para sa kapakanan at
kabutihan ng kapwa.

154 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Motivate

PANUTO: Lagyan ng tsek () ang patlang kung ang mga pahayag ay nagpapakita ng
pagtulong o pagkalinga sa kapwa at ekis () naman kung hindi.

____1. Pagtulong sa kaklaseng nahihirapan sa klase.

____2. Magpahiram ng gamit sa kaibigan na kulang ang pambili.

____3. Hind pagpansin sa taong nakita mong nadapa sa daanan.

____4. Iwanan ang kapatid na may karamdaman upang makipaglaro sa kaibigan.

____5. Pag-abot ng konting tulong sa mga nakita mong taong walang tirahan sa
kalye.

Mga Tanong:

1. Naranasan mo na bang tumulong sa iyong kapwa? Ibahagi.

2. Ano ang iyong naramdaman matapos mong makatulong sa iyong kapwa?

155 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Engage

PANUTO: Hanapin at markahan ang mga sumusunod na salita na nakapaloob sa


kahon.

PAGTULONG

KAPWA

MALASAKIT

PAGKALINGA

KAPAKANAN

Mga Tanong:

1. Madali mo bang nahanap ang mga salita na nakapaloob sa kahon?

2. Pamilyar ba sa iyo ang mga salitang ito?

3. Paano ang iyong naging estratehiya sa paghanap ng mga salita?

4. Ano ang iyong naramdaman sa paghahanap ng mga salita sa puzzle? Ibahagi.

5. Tungkol saan ang mga salitang nahanap mo?


156 | Edukasyon sa Pagpapakatao
Discussion

Pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at pamayanan

Ang pakikipag-ugnayan sa kapwa ay ang pagtanggap na


kailangan natin ang ating kapwa at kailangan din nila tayo.
Ito ay nagpapakita ng tungkuling isinaalang-alang ang
kapakanan ng kapwa. Ipinapakita rito ang malasakit sa
isa’t-isa.

Bukod sa ating sarili, dapat din nating isaalang-alang ang


kapakanan ng ating kapwa. Hindi lamang tayo nabubuhay
para lamang sa ating sarili. Kailangan tayo ng ating kapwa at
kailangan din natin sila. Malasakit sa isa’t-isa ang susi ng
pagkakaroon ng matiwasay na pamumuhay. Maipapakita ang
pagsasaalang-alang sa kapwa kahit sa munting paraan. Kaya
kung may pagkakataon, huwag mag-aalinlangang magbigay
ng pagtulong o di kaya’y pagdamay sa kapwa. Sa ganitong
paraan, makamit natin ang kalutasan sa anumang pagsubok
at kasiyahan sa kapwa at sa ating sarili.

Ang tunay na pagmamahal sa kapwa ay naipapakita sa


pamamagitan ng pagkalinga at pagtulong ng bukal sa
kalooban. Ang mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa ay
isang gawaing ipinagmamalaki ng mga Pilipino. Kailangan
nating magtulungan at kalingain ang bawat isa upang
mamuhay tayo ng masaya sa mundong ating ginagalawan.

Tandan na ang tunay na pagpapakita ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa


ay taos pusong pagtulong sa kanila. Isinasagawa ang pagtulong na walang
hinihintay na kapalit o karangalan.

157 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Innovate

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na sitwasyon at pagpasiyahan kung ano ang
iyong gagawin upang maisaalang-alang ang kapakanan ng kapwa at pamayanan.
Isulat sa kahon ang iyong sagot.

1. Nakita mong may naglalakad na isang matanda sa daan. Hindi siya makatawid at
tila kinakabahan sapagkat wala siyang kasama sa paglalakad.

2. May paparating na malakas na bagyo. Pinayuhan kayong mag-ipon ng mga


pagkain at maiinom na tatagal ng tatlong araw o higit pa. Abalang-abala sa
paghahanda ang iyong pamilya samantalang ang iyong kapitbahay ay naghahanap
pa ng perang pambili ng pagkain.

158 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Assessment

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng
tamang sagot.

1. Nakita mong matamlay na nakaupo sa ilalim ng puno ang kamag-aral mo. Ano ang
iyong gagawin?

a. Titingnan lamang siya sa malayo.


b. Iiwan siyang mag-isa baka gusto niyang mapag-isa.
c. Ipagbigay alam sa iba pang kamag-aral ang iyong nakita.
d. Lalapitan siya at magtatanong kung anong problema niya.

2. Madalas mong nakikita ang isang batang natutulog lamang sa isang upuan sa
parke. Marumi ang damit at mukhang gutom ang bata. Ano ang gagawin mo?

a. Ipagbigay-alam sa pulis upang hulihin siya.


b. Hayaan siyang matulog sa parke baka wala siyang bahay.
c. Bibigyan ng regalo para kahit papaano ay magiging masaya siya.
d. Pakiusapan ang mga magulang na ipagbigay-alam sa DSWD upang
matulungan siya.

3. Nakiusap sa iyo ang iyong kaibigan na huwag ipaalam sa kanyang ina na bagsak
siya sa inyong ginawang pasulit. Kapag sinabi mo sa kanyang ina ay magagalit siya
sa iyo. Ano ang gagawin mo?

a. Hindi sasabihin sa kanyang ina ang totoo.


b. Mas mahalaga sa iyo ang inyong pagkakaibigan kaya manahimik ka lamang.
c. Hihingi ng pera ka kanya upang hindi mo sasabihin ang totoo sa kanyang ina.
d. Kahit magalit siya sa iyo ay sasabihin mo pa rin sa kanyang ina upang
matulungan siya sa mga susunod pang mga pasulit.

159 | Edukasyon sa Pagpapakatao


4. Marami ang nawalan ng tirahan at ari-arian sa nagdaang bagyo sa inyong lugar.
Isa kayo sa naging biktima ngunit kaunti lang ang pinsala ng bagyo sa inyong
pamilya. Ano ang gagawin mo?

a. Hayaan silang lutasin ang kanilang problema.


b. Ibahagi sa ibang mga biktima kung anong mayroon kayo.
c. Itago kung anong mayroon kayo para handa ka sa susunod na bagyo.
d. Pagsabihan ang ibang biktima na lumapit sa inyong mayor upang humingi ng
tulong.

5. Nanawagan ang inyong kapitan na kung maari ay magbigay ng donasyon sa mga


biktima ng bagyo. Tatanggapin kahit ano gaya ng damit, pagkain at pera. Ano ang
gagawin mo?

a. Magpaalam sa magulang na ibibigay mo ang iyong naipon sa alkansiya.


b. Pumili ng mga hindi na gagamiting damit at ibigay ito bilang donasyon.
c. Ipagbigay-alam sa iyong mga kamag-anak na nasa ibang bansa baka may
maitulong din sila.
d. Lahat ng nabanggit.

160 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-69174652

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Markahan Module 1: Isinasaalang-alang


ko ang Kapwa Ko. Retrieved from: https://grade5.modyul.online/edukasyon-
sa-pagpapakatao-ikaapat-na-markahan-modyul-1-isinasaalang-alang-ko-
ang-kapwa-ko-linggo-una/

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

161 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Yunit IV
Aralin 2
Pakikiisa sa Pagdarasal

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagdarasal para sa kabutihan ng lahat


bilang isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa;
b. napaninindigan na ang pagdarasal para sa kabutihan ng lahat ay isang
paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa; at
c. nakabubuo ng isang maikling panalangin para sa kabutihan ng lahat bilang
paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

162 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Motivate

PANUTO: Sa iyong kwaderno ay ilagay ano ang mga nais mong ipagdasal sa Diyos
ngayong may pandemiya. Ano ang iyong nais na sabihin sa Diyos kung Siya ay iyong
makakaharap? Ilagay ang iyong sagot sa kwaderno. Matapos ay sagutin ang mga
katanungan.

Maaaring pakinggan ang meditation song na ito habang ikaw ay nagninilay.

Link: https://www.youtube.com/watch?v=Z4rRjGhN-gs – Two-Minute Meditation

Mga Tanong:

1. Ano ang iyong nais na ipagdasal sa Diyos? Bakit?


2. Sa iyong tingin, maaari mo bang ipagdasal ang kapakanan ng iyong kapwa?
Ipaliwanag.
3. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataon na ipagdasal ang iyong kapwa,
ano ang iyong ipagdarasal?

163 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Engage

PANUTO: Basahin at unawain ang maikling kwento sa ibaba. Matapos ay sagutin ang
mga katanungang ibinigay.

Ang Dalangin ni Aki

Isinulat ni: Jenifer A. Magsino

Hindi na pinayagang lumabas ng kanyang ina si Aki upang sana ay


makipaglaro sa kanyang mga kaibigan. Ito ay dahil sa kumakalat na virus ngayon at
wala pang natutuklasan na bakuna para rito. Labis na pinag-iingat si Aki ng kanyang
nanay dahil sa wala pa ngang bakuna rito, dumadami na rin ang bilang ng mga
nasasawi dahil dito. Nalulungkot si Aki para sa pamilya ng nawalan dahil alam niya
rin ang pakiramdam ng nawalan ng mahal sa buhay nang mawala ang kanyang itay.
Gusto niyang makatulong sa kanyang kapwa ngunit alam niyang wala pa siyang
kakayahan upang gawin iyon. Habang kumakain ay nagtanong siya sa kanyang inay
kung ano ang pwede niyang gawin.

“Inay, kawawa naman ang mga anak na nawalan ng Nanay at Tatay dahil sa
COVID-19. Gusto ko silang tulungan para hindi na sila malungkot.” sabi ni Aki.
“Anak, paano mo ba sila gustong matulungan?” tanong ng kanyang Inay.
“Gusto ko sila yakapin isa-isa kase kahit na wala na sila Nanay at Tatay, hindi
sila malulungkot kase niyakap ko sila.” sagot ni Aki sa kanyang Inay.
“Nako! Mukhang malabo iyan ‘nak. Hindi natin sila puwedeng basta-basta
na lang yayakapin.” ani ng kanyang Inay.
“Eh, ano na lang po gagawin ko? Hindi ko sila puwede yakapin at tsaka gusto
ko sana bilhan sila ng regalo para hindi sila malungkot pero wala naman ako pera.

164 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Ano po puwede ko gawin Inay para matulungan sila?” tanong ni Aki sa kanyang
Inay.

“Ipagdasal na lang natin sila ‘nak na sana makayanan nila ‘yong pagsubok na
kinakaharap nila ngayon.” sagot ng kanyang Inay.
“Puwede ko rin po ba isama sa dasal ‘yong mga doktor, ‘nay? Kase ang galing
po nila na alagaan ‘yong mga maysakit kaya gusto ko po paglaki ko, ganoon din po
ako. At tsaka po pala ‘nay ipagdadasal ko rin po na sana matapos na po itong COVID-
19 para makapaglaro na po kami nila Shoyo at Tobby sa slide po.”
“Oo naman! Oh, sige. Isulat mo sa isang papel lahat ng gusto mong ipagdasal,
lalo na ngayong may pandemiya tayong nararanasan. Pagkatapos ay babanggitin
natin siya mamaya kapag nagdasal na tayo bago matulog. Okay ba ‘yon sa iyo?”
tanong ng kanyang Inay.

“Oo naman po ‘nay! Tatapusin ko na po itong pagkain ko para maisulat ko na


po siya.” sagot niya sa kanyang Inay.
Napangiting pinagmasdan si Aki ng kanyang Inay habang masigla siyang
kumakain ng kanilang hapunan. Matapos kumain ay kumuha agad ng papel si Aki at
isinulat niya ang mga gusto niyang ipanalangin sa Diyos, kasama na rito ang
panalangin niya para sa kanyang kapwa, lalo na ang mga nawalan ng mahal sa
buhay dulot ng COVID-19.

Mga Tanong:

1. Ano ang naramdaman mo matapos mapakinggan ang kwento?


2. Sa iyong palagay, mabuti ba ang ginawa ni Aki sa kanyang kapwa? Bakit?
3. Ano sa tingin mo ang mararamdaman ng mga taong ipinagdasal ni Aki?
4. Kung ikaw naman si Aki, sa paanong paraan mo matutulungan ang mga taong
nawalan ng buhay dulot ng pandemiya?

165 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Discussion

Pakikiisa sa Pagdarasal

Ang lahat ng nakikita natin sa ating paligid ay nilikha ng Diyos. Maging


tayong mga tao ay nilikha Niya na may pagkakahawig sa kanya. Maraming
paraan upang ipakita ang pananalig sa Kanya at isa na rito ay ang pagmamahal
sa ating kapwa na siya ring nilikha Niya. Maipapakita natin ang pagmamahal
sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagdarasal natin para sa kabutihan ng
lahat.
Bakit nga ba dapat din nating ipagdasal ang ating kapwa? Ano nga ba
ang kahalagahan nito? Ano ang epekto nito sa ating bilang isang indibidwal at
sa mga taong ating ipinagdasal?

Panalangin para sa Bayan (Intercessory prayer) ang tawag sa


pagpapanalangin ng isang tao para sa kanyang kapwa tungkol sa isang
partikular na sitwasyon. Maaaring ang sitwasyon na ito ay para sa paglunas ng
isang maysakit, pagpapasalamat sa natamong tagumpay, para sa
ikakapanatag ng kaibigan, pamilya, at iba pa. Ito rin ay isang ginawa ni Hesus
– na ang kanyang pagdarasal para sa kabutihan ng lahat ang naging
tagapamagitan ng mga tao at Diyos. At ito ay nagpapakita lamang na sila ang
kapwa para sa isang indibidwal ay may halaga at ang kanyang hinihiling ay
may halaga rin para sa iyo. At itong pagbibigay-halaga sa ating kapwa ay
pagpapakita na rin ng pagmamahal sa kanila.

Itong gawain na ito ay ikaw ay handang makinig sa kahit anong gustong


sabihin o hinaing ng iyong kapwa. Kung kaya’t nababanggit minsan na ang
ipagdasal ang iyong kapwa ang pinaka-magandang gawin mo para sa kanila.

Ayon nga sa bersikulo mula sa Bibliya na James 5:16,

166 | Edukasyon sa Pagpapakatao


“Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan,
at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling. Malaki ang
nagagawa ng maningas na panalangin ng taong matuwid.”

Narito ang kahalagahan bakit dapat mong ipagdasal ang para sa kabutihan ng
iyong kapwa:

Sa kapwa:
 Nararamdaman ng iyong kapwa na may nakikinig sa kanila na siyang
nagpapagaan ng kanilang dinadala;
 Ito ay nagpapalaki ng pagmamahal at pagmamalasakit natin sa ating
kapwa na maaaring magdulot ng pagkakaisa natin;
 Ito ay isang paraan ng pagbibigay-halaga sa mga bagay na nilikha ng
Diyos, kung kaya’t isang paraan din ng pananalig sa Kanya; at
 Nagpapakita rin ito na ang Diyos ay nandyan lang para sa iyong kapwa
at ikaw ang ginamit na instrumento Niya para rito.

Sa iyong sarili:
 Napapalalim ang ugnayan na mayroon ka sa Maylikha;
 Ito ay nagsisilbing gabay tungo sa pagkakaroon ng positibong
kalusugang pangkaisipan; at
 Natutulungan tayo nito na mapatalas ang ating memorya.

Ang pagdarasal para sa kabutihan ng lahat hindi mahirap gawin. Wala


ito sa dami ng taong ipinagdarasal mo o sa habang dasal na binanggit mo para
dito. Ang dapat lang ay hindi totoo ka sa bawat salitang iyong sinasabi.

Ayon kay Norton (2013), may tatlong hakbang upang ipanalangin ang
kabutihan ng lahat nang mas maayos.
1. Tukuyin kung ano ang mga pangangailangan. (Hal. Ang aking tatay na
maysakit…). Maaaring itong isulat sa papel upang may gabay sa
paggawa ng hakbang.

167 | Edukasyon sa Pagpapakatao


2. Mula rito, tukuyin kung ano ang kanyang partikular na kinakailangan.
(Hal. Paglunas para aking tatay na maysakit.) Maaari ring isulat ito sa
papel.
3. Ipanalangin ang mga naisulat nang taimtim at bukal sa puso.

Bago gawin ang mga ito ay maaaring taimtim munang magnilay,


magpasalamat ang kausapin ang Maylikha at manghingi ng gabay para sa iyong
gagawin. Matapos ay maaaring mong kausapin ang isa sa mga taong iyong
ipinagdasal tungkol dito para malaman nilang sila ay iyong ipinagdasal.

Narito ang ilang pang paraan upang ipanalangin ang kabutihan ng lahat:
 Taimtim na magnilay kung ano nga ba ang dapat mong ipanalangin
para sa kabutihan ng lahat. Maaaring isulat sa papel ang iyong mga
napagnilayan.
 Kung may magsabi man sa iyo na siya ay ipagdasal mo, gawin ito
agad.
 Maaaring gamitin ang mga pahayag mula sa Bibliya bilang gabay
habang ikaw ay nagdarasal para sa iyong kapwa.
 Ipagdasal sila nang may hangad na tulungan sila sa kanilang gusto
matanggap o mangyaring mabuti.

Ang pagdarasal ay isang pagpapakita ng pananalig sa Diyos. Ang


pagdarasal para sa kabutihan ng lahat ay pagpapakita ng pagmamahal sa
kapwa at Diyos. Makikita rito na hindi lang pansarili ang iyong naiisip bagkus
ay ang kalagayan din ng iyong kapwa at isa itong pagpapakita ng
pagpapahalaga sa kapwa at sa Diyos na may likha ng lahat.

168 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Innovate

PANUTO: Gumawa ng isang panalangin para sa kabutihan ng lahat lalo na ngayong


may pandemiya. Ilagay sa iyong nagawa sa kwaderno.

169 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Assessment

PANUTO: Ilagay ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng tama ayon sa
naging aralin at MALI naman kung mali. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_______1. Panalangin sa Bayan (o Intercessory prayer) ang tawag sa paraan ng


pagdarasal para sa sariling interes.

_______2. Ang pagbanggit ng hinaing ng iba sa iyong panalangin ay halimbawa ng


pagdarasal para sa kabutihan ng iyong kapwa.

_______3. Sa tuwing ipinagdarasal mo ang kabutihan ng lahat, ikaw din ay


nagpapakita ng pagmamahal sa mga ito maging sa Kanya na lumikha ng mga ito.

_______4. Mas mahaba ang iyong panalangin para sa iba, mas malalim ang
ugnayan na mayroon ka sa Maylikha.

_______5. Isang paraan ng pagdarasal para sa kabutihan ng lahat ay taimtim at


bukal sa pusong gawin ito.

PANUTO: Sagutin ang bawat katanungan sa loob lamang ng tatlo hanggang limang
pangungusap.

1. Magbigay ng isang kahalagahan ng pagdarasal para sa kabutihan ng iyong


kapwa at ipaliwanag ito.
2. Magbigay ng isang karanasan na ikaw ay nagdasal para sa kabutihan ng iyong
kapwa.

170 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Sanggunian

4 Benefits of Praying for Others [Video]. (2019, October 25). YouTube.


https://www.youtube.com/watch?v=uZ8CTAjZRYg

Arohl, L. (2016, 29). K to 12 grade 5 learner’s material in edukasyon sa pagpapakatao


(Q1-Q4). Share and Discover Knowledge on SlideShare.
https://www.slideshare.net/mobile/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-
material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

Brady, H. (2015, April 16). HAL BRADY: The benefits of praying for others. Albany
Herald. https://www.albanyherald.com/news/hal-brady-the-benefits-of-
praying-for-others/article_905d9f12-1b33-5541-bfa2-90ab2e378c5b.html

Kosloski, P. (2019, October 30). Praying for others benefits our own soul. Aleteia —
Catholic Spirituality, Lifestyle, World News, and Culture.
https://aleteia.org/2019/10/30/why-praying-for-others-benefits-our-own-
soul/

Norton, A. (2013, March 7). How to pray for others more . . . better. FOCUS.
https://focusoncampus.org/content/how-to-pray-for-others-more-better

Pagmamahal sa Diyos Espiritwalidad. (n.d.). In Edukasyon sa Pagpapakatao 5 (pp.


142-145). https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-
material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

Two-Minute Meditation [Video]. (2016, January 1). YouTube.


https://www.youtube.com/watch?v=Z4rRjGhN-gs

171 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Yunit IV
Aralin 3
Pagkalinga at Pagtulong sa Kapwa

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. nauunawaan ang mga paraan at kahalagahan ng pagkalinga at pagtulong sa


kapwa;
b. nakapagpapakita ng tunay na pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng
pagkalinga at pagtulong kapwa; at
c. nakagagawa ng pagtulong at pagkalingan nang walang hinihintay na kapalit.

172 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Motivate

PANUTO: Suriing mabuti ang talaang naglalaman ng iba’t ibang uri ng pagtulong sa
kapwa. Tukuyin kung alin sa mga ito ang ginagawa o nagawa na at alin naman ang
hindi. Iguhit ang (❤) kung ito ay nagawa na at () kung hindi.

____1. Pagtulong sa matandang tatawid sa kalsada.

____2. Pagbubuhat ng mga pinamiling ulam ng Nanay.

____3. Pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyo at nasunugan.

____4. Pagbibigay ng limos sa mga batang na sa lansangan.

____5. Pagbabalik ng wallet sa tinderong nakahulog nito.

Mga Tanong:

1. Alin sa mga uri ng pagtulong ang iyong mga nagawa na? Alin naman ang hindi?

2. Ano ang naramdaman mo matapos mong magawa ang tulong sa iba at kapwa?

3. Kung magkakaroon ka muli ng pagkakataong gawin ang mga uri ng pagtulong na


hindi mo nagawa, ano ang iyong gagawin? Ipaliwanag.

173 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Engage

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tula. Matapos mabasa ay sagutan ang
mga tanong na inihanda.

174 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Mga Tanong:

1. Tungkol saan ng tulang nabasa?

2. Anong aral ang makukuha mula sa tulang nabasa?

3. Sang-ayon ka ba sa tulang nabasa? Ipaliwanag.

4. Kung bibiyan ka ng pagkakataon baguhin ang tula, alin ang linya/ mga linya na
iyong babaguhin? Ipaliwanag.

Discussion

Pagkalinga at Pagtulong sa Kapwa


Ang pagtulong sa mga nangangailangan ay isang katangian nating mga tao,
lalo na ang pagtulong sa ating kapwa. Ang ating mga kapwa ay ang mga itinuturing
natin hindi na iba para sa atin. Sila ang mga taong pinahahalagahan at tunay na
mahal sa atin. Bagama’t may mga pagkakataons na hindi natin sila kamag-anak,
nangingibabaw pa rin ang pagnanais na sila’y kalingain gaya ng ginagawa natin sa
ating mga kapatid.

Ayon sa isang kwentong mababasa natin sa bibliya, ang tunay nating mga
kapwa ay yaong mga taong nagbibigay ng tulong sa oras ng ating mga
pangangailangan. Sila ang mga taong hindi nagdadalawang na ibigay ang tulong at
kalinga ayon sa kanila kakayahan. Ang kwentong ay mababasa natin sa Lucas
10:25:37.

Upang mas lalo pang maunawaan ang mga paran kung paano matutulungan
ang ating mga kapwa, narito ang ilan sa mga halimbawa:

175 | Edukasyon sa Pagpapakatao


1. Pagtulong sa matandang tatawid sa kalsada.

2. Pagbibigay ng donasyon sa mga nasalanta ng bagyo at nasununugan.

3. Pagtulong sa mga gawaing bahay.

176 | Edukasyon sa Pagpapakatao


4. Pagsasauli ng wallet na nahulog.

5. Pagbibigay ng tulong sa mga batang na sa kalsada.

Ang pagtulong sa kapwa ay pagpapakita ng ating pagmamahal, hindi lamang


sa kanila kun’di maging sa Diyos. Sa pamamagitan nito, naipararanas natin ang pag-
ibig na siyang maaring maging tulay sa ating pagkakaisa at pagkakaunawaan.

Laging tandan na ang tunay na pagbibigay ng tulong at masakit sa kapwa ay


hindi naghihintay ng kapalit. Ito’y bukal sa puso at magaan sa kalooban.

177 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Innovate

Panuto: Gumupit o humanap ng mga larawang nagpapakita ng pagtulong sa kapwa


na iyong nagawa. Ipaliwanag ang larawan at ang karanasang may kinalaman dito.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

178 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Assessment

PANUTO: Basahin at unawain mabuti ang bawat sitwasyon. Matapos mabasa ay


tukuyin kung ito’y nagpapakita ng pagtulong at pagkalinga sa kapwa. Isulat ang
Tama kung ito’y nagpapakita ng pagtulong at pagkalinga sa kapwa at Mali naman
kung hindi.

_____1. Pinagtabuyan at sinabihang mabaho ang batang pulubi na nanghihingi ng


pagkain.

_____2. Naghuhugas ng plato pagkatapos kumain.

_____3. Hinahayaan ang Nanay na buhatin mag-isa ang mga pinamili sa palengke.

_____4. Pinagtawanan ang kaibigang nadapa.

_____5. Ibinahagi sa mga nasunugan ang ma damit na hindi na ginagamit.

179 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Sanggunian

DepEdClick. (2022). 4th Quarter Self-Learning Modules (SLMs) Per Subject Area.
Retrieved from: https://www.deped-click.com/2021/05/4th-quarter-self-
learning-modules-slms_30.html

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-6917465

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

180 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Yunit IV

Aralin 4
Pagmamahal sa Diyos

Mga Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


a. natutukoy ang iba't ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos;
b. napagtitibay ang pananampalataya at pagmamahal sa Diyos; at
c. naipapakita ang pasasalamat sa mga biyayang mula sa Diyos sa pamamagitan
ng pagdarasal.

181 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Motivate

Panuto: Maglista ng apat na biyayang iyong natanggap mula sa Diyos at ibigay ang
dahilan kung bakit mo ito lubos na ipanagpapasalamat sa Kaniya. Isulat ang iyong
sagot sa mga kahon sa ibaba.

Mga Tanong:
1. Anu ano ang mga biyayang iyong natanggap mula sa Diyos?
2. Bakit mo lubos na ipinagpapasalamat ang mga ito sa Kaniya?
3. Sa iyong palagay, dapat ba nating pasalamatan ang Diyos sa mga biyayang
ipanagkakaloob Niya sa atin? Ipaliwanag.

182 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Engage

Panuto: Basahin at suriin ang maikling kwento ni MC M. Caraan na pinamagatang


“Salamat Po!” Pagkatapos ay sagutin ang mga gabay na tanong sa ibaba.

“Salamat Po!”
ni MC M. Caraan

Ikaanim ng umaga nang magising si Lisa. Agad siyang nagdasal at


nagpasalamat sa Diyos sa magandang umaga na nakita niya Linggo noon kaya
kinuha niya ang magandang bestida na isusuot niya sa pagsimba. “Salamat po sa
magandang damit na aking isusuot.” Agad siyang naligo at naghanda ng kanyang
sarili.

Tinawag siya ng kanyang nanay dahil handa na ang kanilang almusal.


Dumulog siya sa hapagkainan upang mag-almusal. Bago sila kumain, nagdasal
muna ang mag-anak at pinangunahan ito ni Lisa. “Salamat po sa masarap na
pagkaing nasa harapan namin,” ang sambit niya. Matapos kumain, samasamang
nagsimba ang maganak.

Mga Tanong:
1. Ano ang mga ipinagpasalamat ni Lisa sa kwento?
2. Sa paanong paraan siya nagpasalamat sa Diyos?
3. Napapalapit ba tayo sa Diyos tuwing tayo ay nagdadasal? Ipaliwanag
4. Ano kaya ang ating napagtitibay tuwing nagdadasal?
5. Paano mo ginagawa ang mga ginawa ni Lisa sa kwento?
6. Sa paanong paraan mo pa ipanapakita ang iyong pananampalataya sa Diyos?

183 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Discussion

Pagmamahal sa Diyos

Ang Diyos na Dakilang lumikha ang ating sandigan sa lahat ng pagkakataon.


Hindi matatawaran ang mga ibinibigay Niyang biyaya sa ating lahat. Marapat
lamang na ating pasalamatan ang mga pagpapalang ipinagkakaloob Niya sa atin.
Huwag tayong makalimot na pasalamatan ang Kaniyang patuloy na paggabay at
pagpapala sa atin araw-araw.

Narito ang iba't ibang paraan upang maipakita natin ang ating pasasalamat
sa Diyos.
1. Alalahanin ang Diyos sa isip, salita at gawa.
2. Kilalanin ang Kanyang kamay sa ating buhay
3. Pasalamatan Siya sa pamamagitan ng panalangin
4. Sundin ang Kanyang utos at isabuhay ang Kanyang mga salita.
5. Pagsisihan ang mga nagawang kasalanan.
6. Paglilingkod sa Kanya sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba.
7. Magkaroon ng positibong saloobin at mamuhay ng may kagalakan.
8. Laging piliin ang maging mapagkumbaba.
9. Paggawa at pagpapanatili ng isang bagong layunin.

184 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Innovate

Panuto: Bumuo ng isang dasal sa Diyos na naglalaman ng iyong pasasalamat sa


lahat ng mga biyayang iyong natatanggap sa araw-araw. Malaya ka sa pagbuo nito
basta’t siguruhin lamang na bukal sa puso ang iyong bawat salita.

“Dasal ng Pasasalamat”
Mahal Kong Panginoon,
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Assessment

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang ang
TAMA kung ang pahayag ay tumutukoy sa pagpapasalamat sa mga biyayang mula
Diyos at MALI naman kung hindi.

_____1. Tinapon ni Alan ang pagkain niya dahil hindi niya gusto ang ulam.
_____2. Nagdadasal si Joy tuwing umaga upang magpasalamat sa Diyos.
_____3. Nagsisimba ang aming pamilya tuwing araw ng Linggo.
_____4. Sinisipa ni Anna ang asong pumupunta sa kanilang bahay.
185 | Edukasyon sa Pagpapakatao
_____5. Si Limuel ang nangunguna sa pagdarasal tuwing sila ay kakain.
_____6. Nakikinig si Betty sa misa tuwing sila ay nagsisimba.
_____7. Inapakan ni Harold ang mga bulaklak sa parke.
_____8. Tinirador ni Hannah ang mga ibon sa puno.
_____9. Bago matulog ay pinagdarasal ni Joey ang paggaling ng kaniyang alagang
pusa.
_____10. Sumasama si Mina tuwing nag nonobena tuwing Miyerkules ang kaniyang
ina.

186 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Sanggunian

Bruner, R. (n.d.). 11 Mga Paraan upang Magpakita Ng Pasasalamat Sa AMA Sa Langit.


TL.EFERRIT.COM. https://tl.eferrit.com/11-mga-paraan-upang-magpakita-
ng-pasasalamat-sa-ama-sa-langit/

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-69174652

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

187 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Yunit IV
Aralin 5
Pananampalataya sa Diyos

Mga Layunin

Pagkatapos ng aralin, inaasahan na matutunan ang mga sumusunod:

a. nakapagbibigay ng iba’t ibang paraan ng pasasalamat sa Diyos;


b. naisasapuso ang pananampalataya sa Diyos; at
c. nakagaganap sa araw-araw na buhay nang naaayon sa utos ng Diyos.

188 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Motivate

PANUTO: Magbigay ng mga paraan upang maipakita ang pasasalamat at


pananampalataya sa Diyos.

189 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Mga Tanong:

1. Paano mo nalaman ang mga paraang iyong ibinigay sa itaas?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.
2. Anong epekto sa iyo ng pagsasabuhay ng mga paraang ito?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.

3. Ibahagi kung paano mo naipapakita sa tuwina ang mga paraang iyong


binanggit.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.

190 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Engage

PANUTO: Pakinggang mabuti at suriin ang liriko ng kantang “May Bukas Pa” ni
Rico J. Puno. Sagutin ang mga tanong na inihanda pagkatapos.

May Bukas Pa
Ni Rico J. Puno

Huwag damdamin ang kasawian Sa daigdig ang buhay ay ganyan


May bukas pa sa iyong buhay Mayroong ligaya at lumbay
Sisikat din ang iyong araw Maghintay at may nakalaang
Ang landas mo ay mag-iilaw bukas

Sa daigdig ang buhay ay ganyan May bukas pa sa iyong buhay

Mayroong ligaya at lumbay Tutulungan ka ng Diyos na may


Lalang
Maghintay at may nakalaang bukas
Ang iyong pagdaramdam
May bukas pa sa iyong buhay Idalangin mo sa Maykapal
Tutulungan ka ng Diyos na may Na sa puso mo ay mawala nang
Lalang lubusan
Ang iyong pagdaramdam Idalangin Ang iyong pagdaramdam
mo sa Maykapal Idalangin mo sa Maykapal
Na sa puso mo ay mawala nang
lubusan

191 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Link: https://www.youtube.com/watch?v=CnSgwrxPFM4

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang awiting “May Bukas Pa”?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.

2. Ano ang naramdaman mo pagkatapos mong mapakinggan ang awit?


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.

3. Ipaliwanag ang linyang “May bukas pa sa iyong buhay. Tutulungan ka ng Diyos


na may lalang . Ang iyong pagdaramdam Idalangin mo sa Maykapal na sa puso
mo ay mawala nang lubusan.”
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.

4. Sa paanong paraan mo maipapakita ang pagpapasalamat sa Maykapal sa


lahat ng naitulong niya sa iyo?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________.

192 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Discussion

Pananampalataya sa Diyos

Nilalang tayo ng Diyos na puno ng pagmamahal. Dahil diyan gusto niya na


matutunan din natin itong ibahagi sa lahat ng mga tao. Kailangan na ipakita natin
ito sa gawa at hindi lang sa salita. Laging tandaan na kung ang ano ang ipinadama
at ipinakita natin sa kapuwa ay ito rin ang ating ginagawa sa Diyos.

Gusto ng Diyos na mamumuhay tayo sa mundong ito na matiwasay at punong


pananalig sa kanya. Lagi nating isaisip na Siya lamang ang ating masasandalan at
mahihilingan ng tulong sa oras ng ating pangangailangan at kagipitan. Oo nga at
nariyan ang ating mga pamilya, kaibigan o kakilala na handang tumulong sa atin.
Ngunit sa usaping ispiritwalidad, may higit pa na makatutugon sa lahat ng ating
kahilingan sa buhay.

Bilang pasasalamat sa mga biyayang natatanggap na galing sa Diyos,


kailangan nating siyang pasalamat at ilan sa mga paraang ito ay ang mga
sumusunod:

1. Paglingkuran ang Diyos


Upang maipakita na pinaglilingkuran mo ang
Diyos, gawing kaugalian ang palagiang
pagsisimba. Sa pamamagitan nito,
naipararating natin sa Diyos ang lubos na
pasasalamat sa mga biyayang patuloy nating
natatanggap.

193 | Edukasyon sa Pagpapakatao


2. Sundin ang Kanyang mga Utos
Ang Diyos ay may sampung utos na nais
Niyang sundin ng lahat ng tao. Sa pagsunod
natin sa mga utos na ito ng Diyos, naipakikita
natin na inirerespeto natin ang Poong Lumikha.

Ang Sampung Utos ng Diyos


1. Ibigin mo ang Diyos nang lalo at higit sa lahat.
2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Galangin mo ang iyong ama at ina
5. Huwag kang papatay.
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa
7. Huwag kang magnakaw.
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

3. Palagiang Pagdarasal
Sa pamamagitan ng pagdarasal,
naipaaabot natin ang pasasalamat sa
Diyos sa kahit na anong oras at kahit
na anong pagkakataon. Sa
pagsasagawa rin nito, nagkakaroon
tayo ng mas malalim na koneksyon sa
espiritwal na aspeto sa Poong
Lumikha. Higit pa rito, naipakikita
natin sa pagdarasal na ang Diyos ang
pinaghuhugutan natin ng lakas, pag-
asa at pananampalataya.

194 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Bilang mga anak ng Diyos, mahalaga na ating naipapakita ang ating
pananampalataya sa kahit anong panahon, oras at lugar. Sa ating panahon ngayon,
kung saan pabago-bago ang mundo at maraming nangyayari, maigi na tayo ay
lumapit sa ating Panginoon, ilapit natin ang ating mga hinaing, problema, at higit
lalo na ang ating mga pagpapasalamat. Dahil kapag tayo ay dumalangin, anuman
ang nasa atin na mabigat sa kalooban, ito ay mawawala ng lubusan.

Innovate

PANUTO: Sumulat ng isang panalangin na nag-aalay ng iyong mga nais


ipagpasalamat o ipagdasal sa ating Panginoon. Isulat ito sa kahon na nasa ibaba.

195 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Assessment

PANUTO: Basahin at unawain at bawat tanong. Sagutin ito sa loob ng 3-5


pangungusap.

1. Bakit mahalaga ang Pananampalataya sa Diyos? Ipaliwanag.


_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Bukod sa pananalangin, sa paanong paraan mo nais na maipakita pa ang


iyong pananampalataya at pasasalamat sa Diyos? Bakit?
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

196 | Edukasyon sa Pagpapakatao


Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum Guide Grade 1-10. (2016). Share and


Discover Knowledge on SlideShare. Retrieved from:
https://www.slideshare.net/mobile/RheaBalictar/edukasyon-sa-
pagpapakatao-curriculum-guide-grade-1-10-6917465

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Nananalig ako sa


Diyos. (2020). Retrieved from:
https://www.scribd.com/document/504137308/EsP5-Q4-Module-2-1

K-12 Grade 5 Learners’ Materials in Edukasyon sa Pagpapakatao (Q1 - Q4). (2016).


Retrieved from: https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-
learners-material-in-edukasyon-sa-pagpapakatao-q1q4

Pure OPM Lyrics. (2020, September 24). May Bukas Pa (lyrics) Rico J. Puno - Pure OPM
[Video]. Retrieved from https://www.youtube.com/watch?v=CnSgwrxPFM4

197 | Edukasyon sa Pagpapakatao

You might also like