You are on page 1of 2

CLEO AMOR SUMALACAY BSED FILIPINO 3-E

SANAYSAY

ANG BASIC EDUCATION CURRICULUM

Napakalaki ng gampanin ng kurikulum sa buhay ng bawat estudyante at mga guro. Malaki


ang naitutulong nito upang matugunan ang pangangailangan ng bawat estudyante sa pagkatuto ng
asignaturang Filipino bilang isang pambansang wikang nagpapasigla sa literasi , pag - unlad, at
pambansang pagkakaisa’t identidad.

Ang paglinang ng kurikulum sa Filipinas aynagsimula noong 1970. Ang rasyonale ng paglinang
na ito ay ang mithiing ang estudyanteng Filipino sa mundong mabilis ang pagbabago sa ay isang mag -
aaral na may sapat na kakayahan tungo sa panghabambuhay sa na pagsisikap na matuto, isang
aktibong tagalikha ng kahulugan, may sapat na kakayahang matuto sa ano mang ibig niyang tuklasin,
may kaalaman kung paano matuto. Gaya ng nilalahad sa dokumento ng BEC, “ We have to educate
our Filipino learners to filter information critically, seek credible sources of knowledge, and use data
and facts creatively so that they can survive, overcome poverty, raise their personal and national self -
esteem, and realize a gracious life in our risky new world” (DepEd Curriculum sa Mendoza). Nilalayon
ng Basic Education Curriculum na maiangat ang kalidad ng mga mag - aaral na Filipino at mga
nagtapos na nan may taglay na panghabambuhay na kakayahang matuto. Upang matulungan ang mga
mag - aaral na maging functionally literate, ang kurikulum ay nafomula gamit ang ,ga area ng
pagkatuto o basic tool subject: Filipino, English Science, Mathematics, Makabaya, at Values
Development. Ang BEC ay kasalukuyang kurikulum sa elementarya at sekondarya (mula pa noong
2002). Ano man ang mga pagbabago, isang dekada ang hihintayin para sa mga susog at
rekonstruksyon NESC/NSEC 1992; BEC sa Mendoza.

Isang huwarang guro ang kailangan bng BEC, ang huwarang guro ay mapagkakatiwalaang
tagapamahala sa pagtuturo. Siya ang gurong gumagabay sa mga estudyant para maging aktibo sa mga
gawaing pampagkatuto. Sa interaksyon at kolaboratibong karanasan ang nalilikha niya, naiiwasan ang
uri ng mga mag - aaral na naghihintay lamang ng isusubong kaalaman o impormasyon. Taglay niya ang
kaalaman sa aralin habang bukas sa iba pang bagong kaalaman sa kanyang area. Nagbabahagi siya ng
kaalaman at kagamitan at karanasan. Ankin niya ang katangiang intelektuwal, emosyonal, sosyal,
ekonomiko at pisikal. At dahl ang kurikulum ay interaktibo, inaasahan siyang maglumsad ng mga
gawaing magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataon magtagisan ng talino o magpalitan ng mga
ideya. Ang kurikulum na ito ay ay siyang magiging daan at gabay sa mga estudyante na matuto na
ayon sa kanilang kagustuhan at kakayahan. Mabibigyan ng mga iba’t - ibang oportunidad na
maipakitang gilas nga estudyante ang angkin nilang kalakasan sa mga kanilang gustong gawin.

You might also like