You are on page 1of 3

oh akala nyo si coco na no?

nag kakamlai kayo malihilig lang ako sa pandecoco pero never magiging si
coco si Joshua Abella lang po ito.

Magandang araw at maligayang Pasko ang aming bati sa mga naririrtong may mga ngiti sa kanilang labi
ako sampu ng aking mga kasama ay nag mula pa sa malayong nayon 2 bundok at isang ilog ang address
ay bayan di marating baryo walang address paghanapin street ipagtanong village nawawala city sa may
tapat ng aso oppsss mabini lang pala ito.

Hayaan nyo na kayo ay aking handogan ng isang tulang aking nakalimutan kaya pag pasensyahan kung
ako man ay may titingnan halina at makinig at akin ng uumpisahan

Pasko nanaman, O! kay tulin ng araw

yan ang naririnig sa ganitong mga araw

kung saan pagibig ang nagingibabaw

yan dapat ang nag iisang ating pananaw

Teka! Teka! Alam nga ba ang halaga

Ng salitang Paskong sinasabi nila?

O ang makatnggap ng reagalo ba

Ang tunay na ipinagdiriwang na diwa?

Pasko ang Araw na isinilang

Ang hari ng Diyos ang may lalang

ang pinagpala mula bata pa lang

Ang Diyos na ipinako ng mga hunghang

Siya ang Diyos na Mahabagin

Mapagmahal at Maunawain

Pagmamahal niya sa iyo'y walang hangganan

Kahit siya ay ikahiya mo't talikuran

Siya ang kaibigang tunay kung mag mahal


Bukod pa sa malaking tigyawat mo sa katawan

Hinding-hindi ka rin niya iiwan

Umabot man ng ilang taon o magpakailanman.

Pag-ibig ang nais niyang ipalaganap

sa atin na anak niyang ganap

kaya ibigin mo ang iyong kaharap

upang pag-ibig ay lumaganap

Pag ibig ang iyong i-regalo

sa mga dating mong katoto

Matutong magpatawad ng totoo

Dahil pag papatawad at pag ibig ang tunay na diwa ng pasko..........

ngayon na tapos na ang aking pag tatanghal hayaan nyong aking ipakilala, isaisa sampu sa aking mga
kasamahan

uunahin ko na pila ang gurong nahuhuli man sa tangkad ay di naman papahuli sa pila ng kaguwapuhan

Kung sa mathematica ay kayo ay may problema siya ay inyong malalapitan sir jonel ang kanyang
pangalan sir tumaya kana at ako ay Samahan.

Hindi lang pogi at magagaling ang meron kami sapagkat ang gurong kasunod sa pila sa ganda ay tiyak na
kayo ay mahahalina lalo na kapag siya ay umindak pa maam Karen halina at kami ay Samahan na

Tutal napagusapan na ang ganda Siya ay hindi rin papatalo sa programming at database tiyak na kayo ay
matututo, Maam Nath ang kanyang pangalan maam tumayo kana

Kung sa programming kayo ay may problema pa meron pa kaming gurong napakaganda na ay mabait pa
maam Ailyn kami ay Samahan mo na
kung kalusugan naman ang inyong nais meron din kaming magandang guro na siyang sa inyoy
magtuturo maam Joed halina at kami ay samahan.

ngayon na kami ay kumpleto na hayaan nyo na kayo ay handugan ng ng isang sayaw n asana ay inyong
magustuhan sapagkat ito ay kanilang pinaghandaan.

You might also like