You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

PUBLIC ATTORNEY’S OFFICE


(Tanggapan ng Manananggol Pambayan)
Kagawaran ng Katarungan
Calamba District Office, New Hall of Justice
Chipeco Avenue extension Bacnotan road
Barangay Real, Calamba City, Laguna

26 July 2021

ATTY. JOSEPH R. MIGRIÑO


The Law Offices of MIGRIÑO AND DACANAY
Counsel for Mr. Marcus Aliwalas

RE: Andy Serote vs. Decker Cargo Logistics Corporation, et al.


NLRC CASE RAB NO. IV-01-00099-20-L

701 7th foor, Tycoon Corporate Center


Ortigas Center, Pasig City 1600

RE: Demand Letter dated 14 June 2021

Dear Atty. Migriño,

Para sa inyong kaalaman ay lumapit sa aming opisina si Ginoong Marcial


Jimenez (“Ginoong Jimenez”) upang humingi ng gabay sa pag-sagot sa inyong Demand
letter dated 14 June 2021 (“Demand letter”).

Bilang sagot sa inyong Demand letter, nais ipaabot ni Ginoong Jimenez na walang
katotohanan ang bintang sa kanila na paninira sa bakod na ipinatayo ni Ginoong
Marcus Aliwalas (“Ginoong Aliwalas”) na siyang nagdulot ng pinsala na sinasabing
nagkakahalagang Php 116,972.00.

Sa katunayan po niyan ay simula ng patayuan ng bakod ni Ginoong Aliwalas


ang nasabing lupa ay hindi na dumaan doon sina Ginoong Jimenez. Bilang dagdag pa,
sa pagkakalaam niya ay ang pagkakasira ng nasabing bakod ay dulot ng dumaan na
bagyo sapagkat nadatnan pa niya na buo ito bago ang nasabing bagyo at sira na
pagkatapos nito.

Sa katunayan pa ay nagulat na lamang si Ginoong Jimenez ng bigla na lamang


isinisisi ni Ginoong Aliwalas sa kanila ang pagkakasira ng nasabing bakod gayong
inamin mismo ni Ginoong Aliwalas sa kanilang mga paghaharap sa barangay na hindi
niya alam kung sino ang sumira ng kanyang bakod.

Kaugnay nito, hindi makita nila Ginoong Jimenez ang basehan sa kung bakit nila
kailangang magbayad ng nasabing danyos gayo’t hindi naman sila ang nakasira ng
nasabing bakod.

Lubos na gumagalang,
ATTY. MARIA THERESA D. BAUTISTA
Public Attorney I

You might also like