You are on page 1of 1

Gawain Bilang 2.

2
Panuto: Pumili ka ng isang suliranin o paksa sa ibaba. Mula sa napili mong suliranin magsaliksik ka ng mga
teorya o pamamaraan upang mabigyan mo ito ng solusyon o lunas. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
A. Pagiging Laging Huli o Liban sa Klase
B. Pagkakaroon ng Mababang Marka -----> (Paksa na aking napili)
C. Pisikal o Birtwal (Cyber) na Pambubulalas (Bullying)
D. Pagharap sa Hamon ng Covid-19
E. Depresyon: Dulot ng Covid-1
F. Mga Nawalan ng trabaho Dahil sa Covid-19
G. Buhay na kakaharapin ng mga Umuwing OFW dahil sa COVID-19

Batayang Teoretikal (Pagkakaroon ng Mababang Marka)

Tatlong teorya ang pinagbasehan ko sa ginawa kong pananaliksik ukol sa sanhi ng Pagkakaroon
ng Mababang Marka upang ako ay magabayan tungo sa aking pagkakaintindi sa naturang
suliranin sa araling aking tinatalakay.

Ayon kay Kohn (1999) ang mababang marka ay maaring makabawas sa interes ng mga mag-


aaral sa pagkatuto gayundin sa kagustuhan nila sa mga bagay na humahamon sa kanilang
mental na kapasidad. Ang marka ng pinakabasikong batayan ng performance ng isang
estudyante sa klase. Iba’t iba ang pananaw ng mga mananaliksik hinggil sa epekto ng marking
nakukuha ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Ayon sa iba, ang mababang marka ay
nagdudulot sa mga estudyante ng kawalan nila ng gana sa pag-aaral ng kanilang leksiyon.

Ayon sa pag-aaral, mas mababa ang grado sa eskwelahan ng mga mag-aaral nabumibisita sa
Facebook tuwing ika-15 minuto. Bukod dito ang mga kabataan na nahuhumaling sa naturang
social networking site ay may posibilidad na magpakita ng psychological disorder, maging
depress at maging mapagsarili. Bagaman wala pang ganitong pag-aaral sa pilipinas sinabi ng
ilang eksperto matagal na silang nagbabalak laban sa labis na pag gamit ng internet.

Ayon kay Dr. Bernadette Arcena ng St. Lukes Hospital, bukod sa nawawala ang quality time ng
mga bata, lumalawak din uman ang communication gap sa kanila at nawawala ang tutok nila
sa pag-aaral. Dahil may maganda rin naman daw naidudulot ang internet sa kaalaman ng mga
kabataan, sinabi ni Arcena na kailangan lamang gabayan ng husto ang mga bata. Sa panayam
ni Arcangel sa batang itinago sa pangalang Nick 12-anyos, inamin ng bata na nahumaling siya
noon sa internet particular sa Facebook kaya bumagsak ang kanyang marka ng hanggang 65.
Pero kung dati ay nagbababad si Nick sa mga internet shop ng mula hapon hanggang
hatinggabi araw-araw, ngayon ay dalawang oras na lang umano para makabawi sa kanyang
pag-aaral.

You might also like