You are on page 1of 2

Halina't Pumunta at Makisaya sa Baguio City

Tunay ngang napakaganda ng bansang Pilipinas. Hindi maikakaila ang mga tanawing nakamamangha na
siyang pumupukaw sa mga paningin ng mga Pilipino at pati na rin sa maraming turista na nanggaling pa
sa iba't ibang bansa. Ang pakikisama ng mga Pilipino na nagnanais na magkaroon ng maganda at
mabuting pakikitungo sa mga tao ay isa rin sa mga katangian na nagustuhan ng mga turista kaya't
nagpapabalik-balik sa lugar na ito. Aking ipinagmamalaki ang bansang ito, ang bansa kung saan ako
ipinanganak at lumaki.

Gusto nyo bang mag enjoy at makakita ng mga magagandang tanawin na pam-patanggal stress at
pagod? Pwes, Halina't magpunta at makisaya sa Baguio City na kilala rin sa tawag na "City of Pines".

Ang Baguio City ay matatagpuan sa Hilagang Isla ng Luzon. Napapalibutan ito ng probinsya ng Benguet.
Ayon sa aking nasaliksik, Itinatag ito ng mga Amerikao noong taong isang libo at siyam na raan bilang
isang bakasyunan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na
Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong ika-isa ng Hunyo, taong isang libo siyam na
raan at tatlo ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika- isa
ng Setyembre, taong isang libo syam na raan at siyam. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi
na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang na isang libo at limang dang
metro( o limang libo at isang daang talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at
pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak. Isa sa naiisip kong dahilan kung bakit
hindi nawala-wala sa listahan ng bakasyunan ng mga pinoy at turista ang Baguio ay dahil na din sa
kakaibang klima nito, tag-araw man o tag-ulan , malamig pa din ang hangin dito kaya gustong-gusto
itong pasyalan ng karamihan sa atin.

Narito ang mga lugar na maituturing na "Tourist Spots" na matatagpuan sa Baguio City.

Burnham Park

Sa Burnham Park, May mga bangka at bisekleta na maaari mong sakyan kasama ang iyong mga kaibigan
o kapamilya, at tiyak na kayo’y makakarelax sa napakagandang tanawin dito.

Mines View Park

Ang Mines View Park ay isa rin sa kilalang pasyalan na matatagpuan sa lungsod ng Baguio. Dito maaring
matanaw ang Benguet's gold and copper mine at ang mga nakapalibot na kabundukan. Mayroon ding
mauupahang largabista kung nais makita ang mga tanawin dito.

Wright Park

Ang mahabang lanaw ng Wright Park na may pino at mga bulaklak sa loob nito ang pangunahing
atraksiyon. May lugar sa pagsakay sa kabayo at puwede ring magpakuha ng larawan kasama ang mga
Igorot.

Botanical Garden

Sa mga lugar na ito, makikita mo ang mga nakakamanghang bundok at mga minahan, mga nag
gagandahang bulaklak at ang mga taong masayang nakikipagkwentuhan, karamihan ay mga
magkakapamilya at magkakaibiganng namamasyal. Pwede ka din magpapicture sa mga aso at kabayo
doon. Madami ding mabibiling souvenir dito na karamihan ay gawa sa kahoy at tsaka mga palamuti sa
katawan. Kung ikaw naman ay biglang nagutom, wag kang mag-alala dahil marami ding tindahan dito na
mapagbibilhan ng mga masasarap na pagkain.

Chinese Temple (Taoist Bell Church)


Ang Taoist Bell Church ay isa sa mga atraksyon sa Baguio City na nakakakuha ng maraming mga bisita.
Ito ay matatagpuan sa ibaba ng La Trinidad Benguet. Dito makakahanap ka ng mga makukulay na mga
templo, kaakit-akit na pagodas at magandang landscape ng hardin. May mga aklat na magagamit para
sa mga nais na malaman ang kasaysayan at kultura ng Tsina. Laging matao t’wing Chinese New Year
dahil karamihan sa mga Intsik ay bumibisita sa templo upang manalangin at saksihan ang makulay na
Chinese New Year Parade. Ito ay isang napaka-malaking kaganapan kung kaya’t pumunta na upang di
mo makaligtaan ang mga pangyayari lalong lalo na ang kasiyahan dito.

Baguio Catholic Cathedral

Ang Katedral ng Baguio o Katedral ng Ina ng Kalubagang-loob ay isang Romano Katolikong Katedral na
matatagpuan sa Cathedral Loop, malapit sa Daang Session sa Lungsod ng Baguio. Natatangi ito dahil sa
kaniyang kulay rosas na panlabas na kayarian at isa sa mga pinaka-nakukuhanan-ng-litratong gusali sa
Lungsod ng Baguio. Nagsilbi itong isang sentro ng paglikas noong kapanahunan ng pananakop ng mga
Hapones sa Pilipinas noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Maaari ring mag renta ng mga magandang kasuotan ng mga Igorot na eksklusibo lamang para sa mga
turistang nagpupunta dito.

Strawberry Farm

Ang Strawberry Farm ay ang pinaka gusto namang puntahan ng mga turista dahil dito, may tinatawag
silang "Strawberry picking" kung saan ikaw mismo ang mangunguha ng sariwang prutas na nanggaling sa
kanilang mga pananim.

May mga sariwang samu't saring gulay, prutas at mga halaman din silang mga pananim kung saan
maaari kang makabili sa mas murang halaga.

Ano ang unang bagay na pumapasok sa ating isipan kapag naririnig natin ang lugar ng Baguio City?

Strawberry! Hindi makokompleto ang saya kung wala ang masarap na prutas na ito sa inyong pag uwi.

Kaya, halina't magpunta at makisaya sa Baguio City!

You might also like