You are on page 1of 8

1st slide

PAGLALARAWAN/DESCRIPTIVE

2ND slide

PAGLALARAWAN/DESCRIPTIVE

- Ang paglalarawan ay nagpapatingkad at nagbibigay kulay, hugis, anyo at katangian sa mga tao
lugar o pangyayari. Nagbibigay rin ito ng kulay sa salaysay. Layunin nito na makapagmalas sa isip ng
tagapakinig o mambabasa ng isang malinaw at buong larawan.

3rd slide

KATANGIAN NG PAGLALARAWAN/DESCRIPTIVE

4RTH SLIDE

A. ANGKOP NA PANANALITA

- Mahalaga ang paggamit ng angkop na pananalita sa pagpapalutang ng kalikasan at katangian ng


inilalarawan. Makakatulong din ang pagpili ng mga angkop na pananalita sa pagbuo ng pangunahing
larawan at sa pagiwas sa mga bagay na walang kaugnayan sa inilalarawan.

5th slide

B. MAAYOS NA PAGTANGI-TANGI NG MGA DETALYE

- Sikaping ang mga detalyeng pipiliin ay mag-iiwan ng isa lamang kakintalan. Mahalaga rito ang pagkuha
muna ng kabuuang kakintalan bago isa-isahin ang mga detalye.

6th slide

C. PAGPAPASYA SA BATAYANG KAALAMAN.

- Sa pagpili ng paksa isaalang-alang ang pamilyaridad upang maisigurado kung ano ang pananaw na ang
magagamit. Makakatulong ito upang maging mabisa at detelyado ang paglalarawan.

7th slide

D. PAGBUO NG PANGUNAHING LARAWAN.

- Matapos makapili ng paksa aang susunod na bibigyang pansin ay ang pangunahing larawan. Mahalaga
dito ang pagkakaroon ng iisang kakintalan at kaisahan.

DALAWANG URI NG PAGLALARAWAN. ANG KARANIWAN AT ANG MASINING.

Nagbibigay lamang ito ng mga tiyak na impormasyon batay sa pisikal o kongkretong katangian. Madalas
na ang ginagamit sa ganitong uri ng paglalarawan ay mga karaniwang salitang panlarawan. Dahil dito,
napakadaling mapag-iba-iba ang mga katangian ng mga bagay-bagay.

Masining/Abstraktong Paglalarawan
Naghahatid ng buhay na buhay na paglalarawan batay sa pagmamasid, guniguni at damdamin ng
naglalarawan. Nagbibigay ito ng mga kaisipan at damdaming hinango sa sariling pakahulugan at
impresyon. Makatutulong ang paggamit ng mga salitang angkop na angkop sa inilalarawan.

KARANIWANG PAGLALARAWAN

Mga Bida at Kontrabida

Guwapo siya. Matipuno ang katawan. Matikas kung manamit. Idol- image ang dating. Pikit-dilat ang
manonood habang nangungusap sa screen. Pakiramdam mo'y siya 'yong sweetheart mo na kiliting-kiliti
ka. Wholesome kasi ang karakter. Walang depekto para sa iyo. Para bang paglumapit sa iyo, hinding-
hindi mo tatanggihan. Kilig to the bones. Ayaw na ayaw mong masasaktan siya. Siya yong bida sa
pelikula.

Bida rin yong kakilala ko. Sa bidahan laging bida. Tingin niya sa sarili, matalinung-matalino. Parang siya
lang ang may alam at ang mga kausap ay parang walang alam. Pasikat ba ang dating. Akala mo kung
sino. Nagdudunung-dunungan pero nungka, ang sinasabi naman ay alam na namin. Bida siya sa lahat ng
kuwento. Para siya lang ang laging tama, ang laging okey. Kaya ayun, iniwan na ng mga kasama. Wala
nang gustong makinig sa kanya, buti nga!

Bida rin ang batang ito. Cute na cute. Anghel ng pamilya. Sa kanya imiinog ang buhay ng mag-asawa.
Tubo raw sa bunga, sabi ng Lolo. Aba'y bibung-bibo. Napakamasayahin. Aliw na aliw kami sa kanya. Ang
kulit-kulit. Ang daldal-daldal. Pa-flying-flying kiss pa at kumikindat.Parang isip-matanda na. Ang bilog-
bilog. Napakataba at makinis, parang anak milyonaryo.

Bida rin lang ang pinag-uusapan, si Juan ang tunay. Hindi na siya tutulug-tulog. Masigasig na siya at
masipag. Kung dati'y lagi siyang nakahiga, ngayon ay hindi na. Maagang gumigising at halos liparin ang
opisina. Bida siya sa mga kasamahan pagdating sa kasipagan. Bida siya sa mga ugali at nakapamihasnang
mabuting gawi. Bida dahil namumupo at nagmamano. Nakatapak pa rin sa lupa ang kanyang mga paa
gayong napakalaki na ang kanyang naihakbang sa buhay. Titulado siya. May sinasabi, may kaunting
salapi, may magandang tahanan at magarang sasakyan. Ibang-iba na ang bikas ngunit nanatiling mababa
ang loob at mapagpakumbaba. Mapagmahal sa kanyang kapwa at bayan.

Kontrabida, ayaw ko riyan. Asungot ang tingin ko. Walang galang. Walang magaling kundi siya. Kung
lahat ay oo na, siya hindi pa. Kontra nang kontra. Laging nakasingit, laging may papel. Kalaban siya ng
bida sa lahat ng oras. Lagi silang magkatunggali. Puwersa laban sa puwersa. Ayaw patatalo, ayaw
pauuna. Laging "anti." Laging nasa kabilang panig. Kung minsan, ayaw makinig. Laging galit Laging gusto,
may kaaway. Mahirap kaibiganin. Pero tao. Pusong mamon din kapag nakokorner, Bumibigay rin.
Palibhasa'y may puso!

MASINING NA PAGLALARAWAN Halimbawa:

Ang Fertile Crescent: Sa Pagsisimula ng Sibilisasyon

Matabang lupa. Mayamang lupain para sa agrikultura. Buhay na pumipintig noong unang panahon.
Nabusog sa iyong kandungan ang santinakpan. Ang mga uhaw na labi ay binasa mo upang ang pagka-
uhaw ay maibsan. Hindi ka nagkait. Pinag-ugat mo ang mga bitak na lupa. Sinagip mo sa pagkagutom
ang tao. Inilatag mo ang mga binhing pampabuhay. Binuhay mo ang mga dugo ng mga sinaunang tao.
Pinalasap mo sa kanila, kung paanong mabuhay nang mahaba na may pagpapala hanggang...

Maging sentro ka ng paglinang, pagkalat at pagpapalitan. Umagos sa iyong paanan ang pagsisimula ng
sibilisasyon.

Bakit nga ba itinabi pa sa iyo ang dalawang ilog ng buhay- ang Tigris at Euphrates na nagpataba sa iyong
kalupaan, kung saan sa paligid nito tumira ang sinaunang kultura ng mga tao: Ang Sumerian, Akkadian,
Babylonian, Hittite, Phoenician, Hebreo, Assyrian, Chaldean, Mede at Persian.

Tinawag kang "Fertile Crescent" dahil napakapintog mo sa pagbibigay biyaya. Tila inukit kang kalahating
buwan at sa paligid mo'y naroroon ang mga bansang Israel, Jordan, Lebanon, Syria, Turkey at Iraq.

Ang namimitak mong lupa'y nilatagan ng punla ng mga tao. Ipinaglihi mo sa iyong sinapupunan ang
buhay ng iyong kinabukasan. Pinagalaw mo ang tao. Binigyan mo ng dangal ang kanilang pagiging tao-
ang mabuhay nang walang pinipinsalang iba pa. Bawat anihan mo'y nalulukob ng ginto. Bawat butil ay
nagpapataba...nagbibigay Ikinalat mo ang liwanag ng sangkalupaan na sa paggawa uunlad at aagos ang
buhay.

PALAD

Sariwang-sariwa pa ang sugat sa kanyang binti. Walang puknat ang pagdampi ng mga langaw sa sugat na
di-pansin ng bata. Walang kakurap-kurap na nakatitig sa babaeng naglalabas ng mga barya sa kanyang
pitaka. Naglalagkit ang makapal na banil sa katawan. Yayat ang katawan, mapusyaw na labi na uhaw sa
pagkain. Nangangating ulo sa tagal nang di pagpaligo, t-shirt na itim na itim na di nalabhan nang matagal
na panahon. Pupungas-pungas at patuloy sa pagsinghot. Nangunguluntoy at marungis ang nakalahad na
palad. Nanlilimahid ang mukha bunga matagal na paghigop ng itim na usok sa kalsada ng buhay. Hindi
na yata siya nag-iisip. Ayaw nang gumana ng utak. Nabugok na dahil sa hindi pagkain sa oras.

Habang labas-masok ang tao sa tapat ng tindahan, patuloy siyang nag aabang...humihingi ng awa.
Pagdamutan sana ng kaunting limos. Pero wala...matigas na ang dibdib ng tao sa kanilang paligid. Raket
lang yan! Sigaw ng isa. Sabay ismid sa batang nanlilimos na walang patid ang hawak sa sikmurang
kumakalam; mariing pinipisil at pinapalu-palo ang tiyan dahil sa kagutuman.

Kinabukasan...wala na ang mga palad na nakalahad...wala nang nag aabang. Nang ipagtanong
ko..."dinala sa morge," sagot ng guwardiya.

LUSAK

Lalakad na naman si Magdalena. Manipis na manipis ang suot na blusa habang hapit na hapit ang
pantalong nakasuot. Pulang-pula ang labi. Halos matakpan ng kulay kapeng make-up ang buong pisngi.
Pinakulayan ng ginto ang buhok. Mestisang-mestisa ang dating. Pagiray-giray siyang naglalakad sa
makitid na iskinitang iyon. Kung hindi putikan, baku-bako at mabato. Walang tigil sa kabubulong ang
kanyang kapitbahay habang siya'y naglalakad. Aalug alog ang kanyang malaking dibdib. Mabangung-
mabango siyang tingnan sa gitna ng kapaligirang iyon.
Doon siya isinilang. Ulila sa ama't ina. May apat na kapatid na pinakakain at sinusuportahan. Nang
mamatay ang magulang, ibinilin ang pag aalaga sa mga kapatid. Hindi niya maaaring takasan ang
pananagutang ito.

Kaya...

Kahit umiiyak ang kanyang puso, pinatatatag niya ang kanyang dibdib dahil kung bumigay siya,
mamamatay sila sa gutom. Anim na bibig ang umaasa sa kanya. Di bale na lang siya, huwag lang ang iba
niyang kapatid. Madaling araw kung siya'y dumarating. Habang tulog na tulog pa ang kanyang mga
kapitbahay, gising na gising pa ang kanyang ulirat. Nagpapababa na lang siya sa kanto upang di mahalata
ng taong naghatid sa kanya kung saan siya nakatira. Pagdating sa bahay, balot na balot na naman ang
kanyang katawan. Wala na ang mataas na heels at makapal na make-up. Tatakbo na siya sa palengke
upang may maipantawid-gutom ang maliliit na kapatid. May pambili na siya dahil pinahirapan na naman
niya ang kanyang katawan noong nakaraang gabi.

1st SLIDE - PAGLALARAWAN NG TAO

– PAGLALARAWAN NG TAO

Pagbabalik Gunita: Pangulong Ramon Magsaysay

- Marso 27,1957 – Nagimbal ang sambayanan matapos ang hatinggabi ng nang bumagsak ang “Mt.
Pinatubo C-47” na eroplanong lulan ang Presidente ng Pilipinas, Ramon Magsaysay sa liblib ng bundok
ng Manunggal sa Cebu.

- Agosto 21, 1907 -Isinilang si Ramon Magsaysay sa Iba, Zambales anak nina Exeqiuel at Perfecta
Magsaysay.

- Katutubong paniniwala ang kanyang mahabang buhok sa bumbunan at di-umano’y bukol sa dibdib ay
nagbabadya ng palasakiting bata, maagang pagkamatay o pagkabuhay Bilang dakilang tao.

- Ayon kay Jose V. Abueva sa kanyang sinulat “ Ramon Magsaysay:

A Political Biography”, nakaranas siya ng maraming karamdaman at aksidenteng maaari niyang


ikinamatay noong bata siya. Likas siyang mapagbigay ng “baon” at mahilig makihalubilo sa mga anak ng
kanilang tauhan at kapitbahay na pinatunayan mula sa mga larawang naiwan niya noong bata pa siya.

BILL CLINTON: EHEMPLO NG KATATAGAN AT KKAHUSAYA

- Isang matatag na pangulo – ito ang mga katagang higit na naglalarawan kay Pangulong Bill
Clinton.

- Matatag dahil bilang kasalukuyang pangulo ng Estados Unidos ay nagawa niyang labanan ang
mga kontrobersya sa kanyang pagkapangulo.

Sa likod ng lahat ng mga kontrobersyang hinarap ni Pangulong Clinton,Nanatili siyang matatag at


matapang. Ipinamalas niya sa kanyang kabiyak at kaisa isang anak na babae ang kanyang tunay na
pagmamahal bilang isang matapat na asawa’t ama.

Bill Clinton- larawan ng katatagan, pagkamaginoo, kagitingan at kababaang-loob.

SOCRATES, PLATO AT ARISTOTLE


Socrates –

-Si Socrates ay guro ni Plato.

-May mga nagsasabing isang simbolo lang ni Socrates na ginamit ni Plato upang katawanin ang layuning
hanapin ang katotohanan.

- Sa mga dayalogo ni Plato, binanggit niya ang katapangan ni Socrates na nanindigan sa harap ng
kanyang kamatayan.

Plato –

Galing sa pamilyang aristokrata si Plato na tinaguriang isa sa tatlumpung oligark sa Athena matapos
bumagsak ang demokrasya rito.

Aristotle –

Ang pinakabantoog na mag-aaral ni Plato.

Marami siyang naisulat na aklat sa iba’t ibang karunungan tulad ng biyolohiya, etika, lohika, pisika,
metapisika at politika.

Tinawag siyang “Renaissance Man”

ANG PAGLALARAWAN NG BAGAY AT TAO.

ANG PINAKA.... AYON SA GUINESS BOOK OF WORLD RECORDS

Ang "Pinakamatalinong" Bahay

(1st slide)

Ang bahay ni Bill Gates, tinatayang pinakamayamang nilalang sa Mundo ngayon ay inistimeyt Ng mg
County Assessors na nagkakahalaga Ng $55 milyon na itinayo sa loob Ng pitong taon. Gumagamit iyo Ng
mga sopistikado ay state-of-the-art teknologi upang umayon sa kagustuhan o hilig Ng mga bisita. Ang
bawat pumapasok dito ay binibigyan ng pin na nadedetek Ng mga sensors sa bawat kwarto, na
nagbibigay-data ipamh magbigay o istimahin Ang mga bisita ayon sa kanilang serbisyo at enterteynment.
Ang mga sensors ay kumokontrol din ng ilaw at aplayanses, na namamatay tuwing may aalis sa silid. Ang
bahay na ito ni Bill Gates ay nasa silangang bahagi ng lake Washington sa Washington, USA.

(2nd slide)

Ang Pinakamalaking Shopping Mall

Ito Ang west Edmonton Mall sa Alberta Canada na binuksan noong 1981 at nakumpleto makaraan ang
apat na taon. Ang mall ay Kay suoat na 110 soccer pitches, may eryanh 483,000 square meter( 5.2
milyon square feet) sa 49 ha (121 acre) na lupain. Sa loob nito'y naroroon Ang 800 tindahan at bauay
kalakal at 11 meyjor dept. Stores tinatayang sinerbisyuhan nito ang 200 milyong customer taon-taon at
may parking erya ito na Kayang ilulan ang 20,000 sasaktan. Mayroon itong Parke, golf course, ice rink
chapel sa loob.
(3rd slide)

Ang Iran Mall ay ang pinakamalaking shopping mall sa mundo noong 2020. Ang mall ay matatagpuan sa
hilagang-kanluran ng Tehran, Iran, sa tabi ng Chitgar Lake. Binuksan ang unang yugto nito noong 2018,
na sumasakop sa isang lugar na 1.4 milyong metro kuwadrado na may kabuuang napapaupahang lugar
na 300,000 metro kuwadrado. Ang mga bahagi nito ay ginagawa pa rin.

Ang bubong ng mall ay nagsisilbing isang sports complex na may mahabang ruta para sa hiking,
pagbibisikleta, at mga pampublikong aktibidad. Kabilang dito ang 15 sports field, tennis court, 12,000
square meter ice rink, at swimming pool.

(4th Slide)

Ang Pinakamataas na Gusali

Noong 1996, ang Petrona Towers sa Kuala Lumpur ang tinanghal na pinakamataas na gusaling pang-
opisina nang ang 73.5 m. taas (241 ft) na pinakel (pinnacles) ay idinugtong sa 88 storey towers at
umabot sa 451.9 m (1,482 ft 8 in.) Hindi nagpatalo ang Tsina, kapag natapos na ang UniversAl Financial
Centre sa Pudong, Bagong Erya sa Shanghai ay mas higit na mataas ito kaysa Petronas. Tinatayang 454
m. (1,490 ft) ang magiging taas nito kapag natapos sa taong 2001.

(5th Slide)

Burj Khalifa, mixed-use skyscraper sa Dubai, United Arab Emirates, iyon ang pinakamataas na gusali sa
mundo, ayon sa lahat ng tatlong pangunahing pamantayan kung saan hinuhusgahan ang naturang mga
gusali. Ang Burj Khalifa ("Khalifa Tower"), na kilala sa panahon ng pagtatayo bilang Burj Dubai, ay opisyal
na pinangalanan upang parangalan ang pinuno ng kalapit na emirate ng Abu Dhabi, si Sheikh Khalifa ibn
Zayed Al Nahyan. Bagama't pormal na binuksan ang tore noong Enero 4, 2010, hindi pa kumpleto ang
kabuuan ng interior noong panahong iyon. Itinayo upang paglagyan ng iba't ibang commercial,
residential, at hospitality ventures, ang tore—na ang nilalayong taas ay nanatiling mahigpit na
binabantayang lihim sa buong pagtatayo nito—ay umabot sa pagkumpleto sa 162 palapag at taas na
2,717 talampakan (828 metro). Dinisenyo ito ng architectural firm na nakabase sa Chicago ng Skidmore,
Owings & Merrill. Si Adrian Smith ay nagsilbi bilang arkitekto, at si William F. Baker ay nagsilbi bilang
structural engineer.

1ST SLIDE

Ang Pinakamataas na Gusali - The burj Khali

Noong 1996, ang Petrona Towers sa Kuala Lumpur ang tinanghal na pinakamataas na gusaling pang-
opisina nang ang 73.5 m. taas (241 ft) na pinakel (pinnacles) ay idinugtong sa 88 storey towers at
umabot sa 451.9 m (1,482 ft 8 in.)

Hindi nagpatalo ang Tsina, kapag natapos na ang Universl Financial Centre sa Pudong, Bagong Erya sa
Shanghai ay mas higit na mataas ito kaysa Petronas. Tinatayang 454 m. (1.490 ft) ang magiging taas nito
kapag natapos sa taong 2001.

2ND SLIDE

Ang Pinakamayamang Royal


Si Hassanal Bolkiah, ang sultan ng Brunei ay may kayamanan na tinatayang $30 bilyon mula sa kinita sa
langis at gas. Siya rin ang pinakamayamang tao sa Asya, ang pinakamayamang oil tycoon na nagmamay-
ari ng pinakamalaking palasyong tahanan sa mundo. Siya ang Punong Ministro, Ministro ng Depensa at
Ministro ng Pinans sa kanilang bansa. Sa kanyang bansa ay libre ang edukasyon at tulong pangkalusugan.

Siya rin ang tinatayang may pinakamaraming koleksyon ng mga magagarang sasakyan (luxury cars).
Tinatayang 150 Rolls Royce ang kanyang koleksyon. Kasama ang kanyang kapatid na si Jefri, ang Sultan
ng Brunci at ang kanyang kapatid ay tinatayang may 1,998 luxury cars.

3RD SLIDE

Ang Pinakabatang Bilyonaryo

Si Athina Onassis Roussel, ang apo ng shipping magneyt na si Aristotle Onassis ay nagmana ng $5-bilyon
emperyo at ang Isla sa Gresya na kung tawagin ay Skorpios noong 1988 sa gulang na tatlong taon. Sa
pagsapit niya ng labing walong taon (18) siya na ang may kontrol ng lahat ng ito.

1st slide

Paglalarawan ng Damdamin

2nd slide

PAG-IBIG...

Mula sa mapagpalang kamay ng Dakilang Manlilikha, ang mundo ay Kanyang nilikha, kaalinsabay nang
pagkuha ng kapirasong putik sa tipanan ng buhay...nililok, isinalang sa kordero ng buhay...mula sa mainit
na hininga Kanya itong hinipan at ang putik na animo'y kawangis Niya ay tinawag niyang tao...may
mataas na intelektwal ng karunungan kaysa sa ibang nilalang. Ang kauna unahang taong nilikha ay isang
lalaki, at ito'y tinawag niyang Adan.

Luumipas pa ang mga saglit namalayan niyang ang paraisong Kanyang nilikha ay kulang ng kulay...si
Adan ay nag-iisa, dahil sa matinding pagmamahal ng Diyos sa kanyang nilalang, muling gumalaw mula sa
kaitaasan, ang mapagpalang kamay. Mula sa tadyang ni Adan, nalilok ang bagong nilalang...tao, babae at
tinawag na Eva. Si Eva at Adan ang nagbigay kulay sa munting paraiso, ang paraiso ng pag-ibig. Ngunit,
hindi naglaon ang mapagpalang kamay rin ang bumawi ng lahat, itinaboy mula sa paraiso, ibinaba sa
lupa at doon na nagmula ang walang hanggang kalbaryo ng mga nilalang.

3rd slide

Kahit saan pa mang sulok ng mundo na ating tingnan...ang pag-ibig ang siyang gulong ng mundo;
makapangyarihan at makapangyayari, isang anting anting sa mga mangingibig. Ang pag-ibig, ang siyang
dahilan kung bakit ako, ikaw, tayo ay naririto, kung walang pag-ibig na namamagitan sa ating mga
magulang, disin sana'y walang nilalang na tumatapak at nakatatapak sa paraisong Kanyang hinugisan ng
mapagpalang kamay.
Ngayon, masdan mo? Tingnan mo?, pakinggan mo? Ano ang nangyayari sa mundong dati-rati'y tigib ng
pag-ibig? Wala, wala na! Balot na balot na ang paraiso ng kasamaan, kahalayan, kamunduhan...hindi ito
ang mundo na inilagay ng "Ama" sa kanyang mga kamay. Ang dating pagbibigayan, paggalang, at
pagmamahalan ay unti-unting nilalamon at nilalason...Sino ba ang dapat sisihin? Apat lamang ang sulok
ng daigdig, ngunit mamamasid mo ang sali-salimuot at walang hanggang patayan,
nakawan...krimenalidad...ito ang sakit ng bayan.

Pag-ibig...pa nga ba ang nangingimbabaw? Napupuyos ngayon ang aking damdamin, isang damdaming
nais sumabog tulad ng isang bulkan. Hindi pa sana huli ang lahat!

4th slide

Paglalarawan ng Karanasan

5th slide

Boeing Jet

Tila nagkukulay itim ang himpapawid.

Makulimlima ang panahon dala ng panaka-nakang patak ng ulan. Ang sabi, madawag na madawag ang
kasukalan ng kagubatang fufunguhin namin. Baka hindi umubra ang dala naming andap-andap na
flashlight. Panay ang kaba ng dibdib habang patuloy na nagrorosaryo ang ilang madre na kasama namin
sa sasakyan. Tila nahihintakutan kaming hindi namin mawari. Habol ang hininga ni G. San Pedro habang
pilit na tinatago ang pagpahid ng luha sa kanyang mga mata. Bubulung-bulong si Aling Maria, asawa ni
G. San Pedro. Palinga-linga. Hindi mapalagay sa kanyang kinauupuan. May bahid ng kalungkutan ang
kanyang katanungan.

"Malayo pa ba?"

"Sandali na lang, ho"

Ilang sandali pa,... "Narito na po tayo. Maaari nang bumaba". Nagkumahog sa pagbaba ang

You might also like