You are on page 1of 2

PAGSASALITA

Ang pagsasalita ay pagsasatunog sa pamamagitan ng boses.

Gamit ng ating boses.

Anumang tunog o salitang nais ipahayag sa iba tulad ng ating naiisip, nadarama, at binabalak ay
naipaparating sa pamamagitan ng matagumpay na pagsasalita. Kapag Nakumpleto ang mga
pangangailangan sa mabisang pagsasalita.

Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

● Kaalaman

● Kasanayan

● Tiwala sa Sarili

PANGANGAILANGAN SA PAGSASALITA

KAALAMAN

● Kakayahang magbahagi ng mga impormasyon o kaalaman tungkol sa paksang tinatalakay

Kailangan alam mo ang paksa sa isang usapan.


Kailangang may sapat kang kaalaman sa gramatika.
May sapat na kaalaman sa kultura, at maging sa kultura ng iyong kausap.
At alam paano

KASANAYAN

*Batay sa kakayahang magbahagi ng kaalaman, nahuhubog ang kasanayan sa pagsasalita

TIWALA SA SARILI

● Sa angking kaalaman at kasanayan nalilinang ang tiwala sa sarili

Dapat may confidence para makuha ang atensyon ng iyong takapakinig, di sila magiging interesado

KASANGKAPAN SA PAGSASALITA

TINIG

BIGKAS

TINDIG

KUMPAS

KILOS

TINIG
Pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita, may mga pagkakataon na nangangailangan ng
malakas at mahinang tinig upang maipahayag ang saloobin ng nagsasalita.

Katulad ng lakas, kinakailangang iniaangkop din ang himig ng pagsasalita sa sitwasyon at damdamin at
maging sa kaisipan o mensaheng ipinapahayag ng isang nagsasalita.

BIGKAS

Kailangang maging wasto ang pagbigkas upang di mabigyan ng ibang interpretasyon ang sinasabi ng
nagsasalita.

Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay ng diin (stress) sa mga salita at sa
paghinto at paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata sapagkat nakatutulong din ito upang maging
malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.

TINDIG

Kinakailangan upang maging kapani -paniwala ang tagapag-salita.

Kailangan din maging kalugud-lugod sa paningin upang makahikayat ng tagapakinig

Sa tindig , pag hakbang ng kaliwa o kanang kamay habang sa nagsasalita, ibat ibang posisyon

Sa tindig, iisa alang alang ren ang mata. EYE CONTACT

KUMPAS

Nagbibigay buhay sa nagsasalita gamit ang pagkumpas ng mga kamay.

Hindi magandang tingnan ang labis o kulang at alanganing kumpas ng mga kamay.

Sa pamamagitan ng kumpas ng kamay, nakakatulong ito upang maipahayag ang nadarama ng puso at
kalooban sa tunay na ipinahahayag ng isang damdamin.

KILOS

Maaari ring gamitin ang ibang bahagi ng katawan upang magbigay buhay sa pag sasalita.

Sa pagkilos at sa ekspresyong ibinibigay ng mata ay naipapahatid ang mensahe ng binibigkas na


pahayag.

You might also like