You are on page 1of 5

BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

Main Campus

Ipinasa ni: Mervin Loyd P. Mallari

Pangalan/seksyon: GEC_CEA21

Ipinasa kay: Mr. Vonhoepper N. Ferrer, MAF


WIKA AT LIPUNAN

Pamagat: Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimple ni Ricardo Ma. Nolasco,
Ph.D.

Hindi lingid sa ating kaalaman na kailangan ng tao ang wika upang


magkaintindihan. Ano nga ba ang wika na ginagamit upang mas magkaintindihan ang
mga tao kahit na galing sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas?

Importante ang wika upang tayo’y magkaunawaan. Ang ating pambansang wika
ay Filipino na siyang ginagamit sa Pilipinas. Ito ang nagsisilbing koneksyon ng mga tao
dahil sa marami na ang nakakaalam sa wikang ito. Kahit na tayo ay may iba’t ibang wika
na nakalakihan ay natutunan natin ang wikang Filipino. Kumplekado ang wikang Filipino
dahil sa paglipas ng panahon ay maraming salitang nadadagdag dito.

“Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at
lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito.”, sumasangayon ako sa
pahayag na ito. Hindi tama na isa lamang ang kilalanin na wika. May iba’t ibang lugar
tayo sa ating bansa na may iba’t ibang wikang ginagamit.

Ang wikang Filipino ang nagbubuklod sa ating lipunan. Kung walang wikang
pambansa ay walang magkakaunawaan. Wika ang siyang magsisilbing komunikasyon
ng bawat isa sa atin. Kahit na maraming bagong wika ang umusbong ay wikang Filipino
pa rin ang ating pagyamanin.
WIKA AT KULTURA

Pamagat Ang Filipino sa Inhenyeriya ni Carlito M. Salazar, PhD

Isang paraan upang makilala ang isang tao ay sa kanyang wikang sinasalita. “Ang
wika ay salamin ng kultura”, sa pahayag na ito ay sinasabing wika ang magpapakita kung
ano at sino ka. Matutukoy mo ang pinanggalingan ng isang tao kapag siya ay narinig.

Ang wikang Filipino ay ginagamit na rin sa pagtuturo dahil hindi lingid sa ating
kaalaman na lubos nating mauunawaan ito. Mas napapadali din ang komunikasyon ng
guro at ng mga estudyante kapag ang wikang ginamit ay Filipino. Subalit merong mga
salitang hindi maaaring ituro sa Filipino dahil wala itong katumbas kapag ito’y isinalin mo.

Hindi masamang gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo, ngunit dapat ay may
kaalaman ang lahat dito upang hindi maituro ang mal isa mga estudyante. Ang mga
Pilipino ay may likas na talino. Kaya nilang matutunan ang iba’t ibang wika kaya kahit
Ingles o Filipino man ang gamitin sa pagtuturo ay mabilis nila itong matututunan.

Hindi na maiaalis sa mga Pilipino ang wikang kanilang nakagisnan dahil ito ang
parte na ng ating kultura at ng ating pagkakakilanlan. Ito na ang nakatatak sa ating lahat
kaya atin itong pagyamanin.
WIKA AT EDUKASYON

Pamagat: Wika sa Edukasyon: Hanggang Salita Lamang ni Isagani R. Cruz

Isa ring dahilan upang makamit ang edukasyon ay ang wika. May ba’t ibang wika
ang ginagamit sa pagtuturo gaya ng Ingles, Filipino at ang iba ay merong Mother tounge.
Kung walang wika sa edukasyon ay walang kaalamang makukuha ang mga tao.

Hindi kailangan pagtalunan kung anong wika ang gagamitin sa loob ng isang silid-
aralan. Sa aking sariling opiniyon ay dapat gamitin ang wika na siyang mas lubos na
maiintindihan ng bawat isa at kung saan mas mapapaliwanag ng maayos ang mga dapat
ituro at makasagot ang mga estudyante ng maayos. Hindi kailangan pagtalunan ito,
hanggat ang guro at estudyante ay nagkakaintindihan sa kanilang wikang ginagamit ay
ito dapat ang kanilang gamitin.

Mas kailangan bigyan ng pansin ang ibang kakulangan sa paaralan kaysa sa


pagtatalo tungkol sa wikang gagamitin sa isang silid-aralan.
WIKA AT GLOBALISASYON

Pamagat: Ang Wikang Filipino sa Taong 2000 ni Andrew Gonzalez, FSC

Isang magandang ideya na isama ang wika sa pagpapaunlad ng bansa. Ang


wika ay isang malaking parte ng globalisasyon. Magagamit ito sa pakikipagugnayan sa
iba’t ibang bans ana magagamit sa pakikipagkalakalan.

Isa ring indikasyon na maunlad ang ating bansa ay dahil sa wika, Sa paglipas ng
panahon ay kasabay ng pagunlad ng ating bansa ay umuunlad din ang ating wika.
Maraming bagong salita ang umusbong sa ating bansa na siyang naging dahilan sa
pagkakakilanlan natin.

Ipinapakita rin sa akda na kailangan din natin tuklasin ang nakaraan upang lubos
itong maunawaan at magagamit hanggang sa hinaharap kung saan magagamit ito sa
pagunlad. Sa patuloy na pagunlad ng ating wika ay alam nating hindi na tayo
mapagiiwanan ng iba pang mga bansa.

You might also like