You are on page 1of 3

FDS

FLORENTINA R. SUMAYLO

012821023-6361-00047

1. Anong bagay o pangyayari ang ninanais mong hindi nakamit dulot ng kakulangan sa pera? Bakit?
Palawigin ang sagot.

-ANG BAGAY NA NINANAIS KO NA HINDI NAKAMIT DULOT NG KAKULANGAN SA PERA AY ANG PAGBILI SANA
NG MUMURAHING LAPTOP PARA SA PAG AARAL NG AKING MGA ANAK NGUNIT HINDI KO KAYANG BILHIN
DAHIL HINDI NASASAPAT ANG AKING KINIKITA AT BENEPISYO O TULONG NG PANTAWID PAMILYANG
PANGKABUHAYAN PROGRAM. ANG LAPTOP AY LUBHANG KAILANGAN NILA SA PAG AARAL LALO NA ANG
DALAWA KONG KOLEHIYO. KUNG KAYA ANG KAPAMARAANANG PAG IIPON AY NAKAKATULONG UPANG
MABILI O MAKAMIT KO ANG AKING NINANAIS NA BAGAY O PANGYAYARI.

2. Nais mo bang mapagdadaanan din ito ng iyong mga anak? Bakit? Palawigin Ana sagot.

HINDI KO NAIS NA MAPAGDAAN PA NG AKING MGA ANAK NA MARANASANN ITO DAHIL MAHIRAP ANG
GANITONG SITWASYON NA KAILANGAN PANG MANGHIRAP ANG AKING MGA ANAK SA KAPIT BAHAY UPANG
MAY MAGAMIT LANG SILA.

YDS
Reynante R. Sumaylo

Lalake

Grade 11

Ang kasalukuyang buhay namin ngayon ay mas nakakaraos kaysa noon. Ganon pa man sa pag aaral
nagkukulang parin ang kagamitan tulad ng laptop at pambayad sa load para sa online class . Ang nararanasan
ko ngayon na gusto kung baguhin ay ang online class dahil bukod sa kakulangan sa kagamitan mas may
natutunan kami kung sa paaralan mismo kami mag aaral . Ang pag aaral sa online class ay mas mahirap
maunawaa ang klase kaysa kung nasa paaralan kami mas marami kaming matututunan dahil nakikita namin
mismo ang nagtuturo.
YDS

Florben Sumaylo

Lalake

Grade 10

Ang kasalukuyang pamumuhay ay mahirap dahil para sa pandemya na dulot ng Covid 19, na siyang nag
bibigay pasakit sa marami nating kababayan at siya ring nararanasan ng lahat ng mamayan ngayon. Ang
pandemyang ito ay naging dahilan ng pagkawala ng maraming mga trabaho at hindi pagka labas ng mga
ibang tao upang makapamuhay . Gaya ng aking nararanasan na iliulangan sa pinansyal na kailangan sa mga
materyales na gagamitin sa paaralan tulad ng kahoy at plywood na gagamitin sa aming proyekto sa industrial.
Ang kalayuan ng lugar kung saan makakabili ng gamot sa mga maysakit at tindahan ng mga materyales sa pag
aaral tulad ng mga art material.

You might also like