You are on page 1of 1

(Larawang may Kaugnayan sa Balita)

Ang balita ay tungkol sa COVID-19 Restrictions, kung saan isinasaad na


posibleng ipatupad muli ang granular lockdown kapag tumaas muli ang COVID-19
cases sa bansa. Ito ay inaasahan na mangyari kapag tapos ng nalalapit na halalan sa
Mayo 9 ayon sa Department of Health. Ngunit kung sakaling maipatupad ang
lockdown na ito ay ang sasailalim lamang dito ay ang mga lugar na mayroong
matataas na antas ng hawaan ng COVID-19.
Ang naturang balita ay nakakaapekto sa ating bansa dahil nagbibCOVID-19
ng impormasyon sa ating mga mamamayan upang malaman nila ang panibagong
kaganapan ukol sa COVID-19 Restrictions. Sa pamamagitan ng balita na ito ay
malalaman ng mga mamamayan kung ano ang nararapat na pag-iingat ang
kailangan gawin dahil mayroon muling mga lugar na may mataas na antas ng
hawaan. Bukod pa rito, magiging handa rin ang mga mamamayan kung sakaling
maisakatuparan nga ang naturang granular lockdown sa mga piling lugar sa bansa.
Ang aking reaksyon sa naturang balita ay pagkadismaya at pagkabahala.
Nakakadismaya dahil muli nanamang isasailalim sa lockdown ang ating bansa,
imbis na tuluyan tayong makabalik sa normal nating pamumuhay. At nakakabahala
dahil tumataas nanaman ang antas ng hawaan sa ibang lugar kung kaya’t kailangan
muling magdoble ingat upang hindi mahawaan ng COVID-19.

You might also like