You are on page 1of 1

INTERGRIDAD AT KATAPATAN SA PAGSULAT

Ang sanaysay na ito at naglalaman ng patungkol sa integridad at katapatan sa


pagsulat. Masasabi natin na mahalaga ang pagiging tapat sa pagsulat kung ito ay
nang-gagaling sa ating puso’t isipan. Ang katapatan sa pagsulat ay isang mahalagang
bagay na kinakailangan ng bawat tao dahil ito’y nagsisilbing obligasyon sa ating
buhay. Lahat tayo ay may integridad buhay kaya naman bagkus sa atin na alam natin
kung ano ang dapat nating ginagawa dahil dito natin maisasagawa kung gaano ba
tayo katapat sa ating pagsulat.

Bilang studyante alam natin sa ating mga sarili kung tayo ba ay tapat sa ating sariling
sulat dahil aminin natin kumukha din tayo ng sagot na galing internet para sa ating
assignatura at di rin mapagkakaila na nakasanayan ito. Isa pang halimbawa ng
katapatan sa pagsulat ay ang pagiging tapat mo sa iyong mga sinasabi na sayo mismo
nanggaling o sariling mong opinyon at doon masasabi mo na tapat ka sa pagsusulat.
Ang pagiging tapat sa pagsusulat ay di lamang tungkol sa mga nabanggit na
halimbawa kundi ito rin ay isang pamamaraan na kung saan ay para maipahayag ng
isang tao ang kanyang saloobin sa iang tekstuwal na pamamaraan halimbawa na
lamang nang konseptong papel, thesis, at isang sanaysay katulad na lamang ng aking
ginagawang sanaysay na patungkol sa katapatan at integridad sa pagsulat.

Sa aking pananaw alam ko sa aking sarili na minsan ay kumukuha ako ng sagot sa


google o internet at hindi rin mapipigilan iyon dahil sa kasanayan lalo’t noong
nangyare ang panahon ng pandemya at hindi pwedeng pumasok ang mga studyante
dahil sa Covid-19 kaya naman doon nagkaroon ng modular at online class. Kaya
naman nasasanay akong tumitingin sa google ngunit napipigilan naman ito dahil
kinakailangan ko rin maging tapat sa aking pagsulat dahil hindi sa lahat ng panahon
at oras ay aasa ka lamang sa google o internet dahil sa takdang panahon hindi naman
ito magagamit. Sinasanay ko ang sarili ko na magsagot ng pagiging tapat at hindi
galing sa ibang tao o sa google.

Masasabi ko na integridad ako sa aking pagsulat kung ako ay nagpapahayag ng isang


katotohanan at pagiging tapat sa aking sarili pati narin sa ibang tao. Napakahalaga
ng isang integridad sa pagsulat dahil dito mo maipapakita kung gaano ka katapat sa
iyong mga sinasabi o sinusulat. Ito ay isang pag-iisip at paggawa ng tama na alam
mong makakabuti sa iyong pagsulat ng isang pangyayari o mga impormasyon na
iyong nasasagap.

Karamihan satin ay alam na kung gaano kahalaga ang isang gawa ng isang tao at
dahil dito natututo din tayong rumespeto sa kanilang gawa dahil ito ay kanilang
pinaghirapan. Kaya naman kapag mayroon tayong thesis o research dahil alam
naman natin na kinakailangan natin kumuha ng impormasyon sa internet kaya kung
tayo ay kukuha ng impormasyon sa internet tayo ay naglalagay ng credit para din
makaiwas sa plagiarism. Mahalaga na maging tapat at may integridad tayo sa
pagsulat dahil napakahalaga na maipahayag mo ang isang makatotohanan na
impormasyon at kapanipaniwalang pagsulat.

You might also like