You are on page 1of 56

Jayden, The Pretentious Playboy (COMPLETED)

Author's Note
Dear Reader,

Thank you for your interest in reading this story. Book 5 na po ito ng
International Playboys at kuwento ng ating twin playboy na si Jayden. Sana
magustuhan niyo po ang story niya! Advance sorry po sa wrong grammars/spellings.
This is an unedited copy.

Magbabago na po ako ng updating method ngayon. 2 parts per day na po para mas
mabilis tayong matapos. Hehe!

Love,

Cady Lorenzana

Playboy Profile
Playboy Profile:

Name: Jayden Harris

Age: 26

Profession: Doctor

Race: Half Australian, Half Filipino

Whereabouts: Philippines
1
"WHAT'S up, mate?"

"I'm your twin, Jayden," naka-angil na wika ni Jaxon, hindi pa man siya
nililingon. Naabutan niya ang kakambal na mag-isang nag-iinom sa bar ng Golden Cash
Clubhouse and Resort.

Amused na tinabihan niya ito. "And how do you know it's your handsome
twin?"

Nilagok nito ang alak na umiinom pagkatapos ay iiling-iling na tumingin


sa kanya. "Our voices are also identical,"

Nagkibit-balikat si Jayden. Umupo rin siya sa tabi nito. "May problema


ka ba?"

Bumuntong-hininga si Jaxon. "Kaya ko na ito,"

"So may problema ka nga," Tinapik niya ang balikat ng kakambal. "Alam
mo, puwede mo naman akong pagsabihan. We are twins. We are the best buds,"

Umiling pa rin si Jaxon.

"Nagtatampo na ako. Una, hindi mo sinabi sa akin na balak mong mag-inom


mag-isa. Ngayon naman, ayaw mo rin na sabihin ang problema ko. Nawawalan ka na ba
ng tiwala sa kaguwapuhan ko?"

"This is not a good time to crack a joke,"

Natigilan sandali si Jayden. Mukhang seryoso nga ang kakambal niya.


Minsan lang kasi na hindi siya nito pansinin.

Huminga nang malalim si Jayden. "Ok, fine. Hindi na ako magdyo-joke.


Pero hindi pa rin ako titigil na kulitin ka kung ano nga ba ang nangyari,"

"I'm in deep shit,"

"Naka-buntis ka?"

Inikutan siya nito ng mata. "Tigilan mo ang mga ganyang side comments,"

"So hindi ka nakabuntis. In love lang siguro,"

Umiling rin ito. "But it's almost the same..."

"Oh man! Problema nga. Pero paano?"

Umungol ang kapatid. "I think I'm going to lose my freedom soon..."

"May pumikot sa 'yo..."

Lumagok ulit ng alak si Jaxon bago sumagot. "Parang ganoon na nga,"

"Patay na nga! Pero paano?"

"Alam mo naman na maloko ako sa buhay. Pero mahina ang puso ko sa mga
pasyente ko. I'm doing a favor for one of them..."

"Maganda ba?"

Inirapan siya ulit nito. "Lalaki siya,"

Nanlaki ang mata ni Jayden. Napahawak siya sa dibdib. "We are now a gay
magnet---"

"Hindi iyon kagaya ng iniisip mo. Matanda na siya. At hindi rin para
iyon sa kanya. It's for his daughter..."

"Maganda 'yung anak?"

Kinuha ni Jaxon ang cell phone. Ilang beses siyang napakurap nang
makita ang babae. Maputi at makinis ito. May kapayatan at kaliitan. Mahaba rin ang
buhok nito na medyo wavy. Mukha itong manika. "Maganda nga. Pero hindi ko type,"

"Pero type ko,"

"Iyon naman pala, eh! Bakit ayaw mong papikot? Pero teka, paanong
klaseng papikot ba?"

"Gusto niyang bantayan ko ang anak niya kapag namatay na siya hanggang
sa maging okay ito,"

"Okay lang 'yun. Iyon lang naman, eh. Type mo nga 'di ba?"

Naging unease ang itsura ni Jaxon. "Pero ayaw ko..."

"Bakit?"

"Natatakot akong ma-fall,"


"Kung maganda naman, eh. There's nothing to worry about,"

"I don't want commitment right now. Isa pa, busy ako. Gusto ko munang
mag-focus sa residency. Ayaw kong mag-leave,"

"Pumayag ka ba sa sinabi niya?"

"I can't say no to a dying man. Comatose na siya ngayon. Base sa


observation, ilang araw na lang ay puwede ng mamatay ang pasyente. I can't do it,
Jayden. But I can't also fail the man. Mahina ang puso ko pagdating sa kanila,"

Napailing-iling si Jayden. Aminado naman siya---silang magkakapatid na


palikero sila. Pero may kabutihan rin naman sila sa puso.

"Anong plano mo?"

"Hindi ko kayang multuhin ako, Jayden..."

"Takot ka lang pala sa multo!"

"Seryoso ako. May konsensya rin naman ako kahit papaano..." Nakaka-awa
ang mukhang sinalubong ng mga mata nito ang mata niya. "Anong gagawin ko?"

Hindi nakasagot kaagad si Jayden. Kung siya rin ang nasa katauhan ng
kapatid ay malilito rin siya. May konsensya rin siya. Madali siyang maawa, lalo na
sa mga malapit ng mamatay. Nang unang beses nga siyang mamatayan ng pasyente ay
umiyak siya. Napapaiyak rin siya sa tuwing may namamatayan pa rin siya kahit halos
dalawang taon na siya sa residency year niya para maging Doctor.

Huminga nang malalim si Jayden. Tumingin ulit siya sa larawan ng babae.


Not bad... "Puwede kitang tulungan,"

"Paano?"

"Puwede akong magpanggap na ikaw,"

Tinaasan siya ng kakambal ng isang kilay. "Babantayan mo siya?"

"Hmmm... Bakit ba siya kailangang bantayan?"

"Ayaw niya kasi itong maiwan na mag-isa. Mahal na mahal niya ang anak
niya. Nag-iisa lang ito. Bata pa lang kasi raw ito ng mamatay ang asawa nito. Siya
na lang ang pamilya nito..."

"Aw, that's sad..."

"The trust that was given to me, priviledge rin naman iyon. Isipin mo,
sa lahat ng tao sa buong mundo, ako ang pinagkatiwalaan niya para magbantay sa
prinsesa niya. I don't know what he sees in me. But I am honoured..." wika ni
Jaxon. "Naawa rin rin ako sa anak niya. She will be left alone. Naiintindihan mo na
kung bakit nahihirapan ako?"

"Yeah..." Mabigat nga sa dibdib iyon. "Pero nandito na naman ako 'di
ba?"

"Sigurado ka ba talaga?"

"I don't think it's bad to be someone's companion for at least a month.
I need a break, too. Nakaka-toxic rin naman ang residency."

"Maluwag nga pala sa ospital niyo. Puwede ka palang mag-leave,"


Magkaibang ospital ang pinapasukan nila ngayon ni Jaxon for residency. Pinili
nilang maghiwalay para sa pagbabago. Hindi rin sila nag-residency sa ospital na
pagmamay-ari ng Daddy niya para naman ma-challenge sila.

"At wala naman akong pagagamitan sa ngayon. Your problem is solve


now..."

Tinitigan siya ni Jaxon. Parang ayaw pa nitong maniwala. Kumunot ang


noo niya. "What is your problem?"

"Maganda si Hailey. Paano kung ma-fall ka?"

Umiling si Jayden. "Yeah. But remember, hindi ko siya type."

May pagngisi pa si Jayden. Nakumbinsi rin naman niya sa huli ang


problemadong kakambal. Kaya nga lang, parang siya naman ang namroblema nang hindi
maalis sa isip niya ang itsura ng babaeng babantayan kuno niya.

Parang nagkaroon ng pakiramdam si Jayden na kakainin niya ang mga


sinabi niya.
2
"PATI BA NAMAN ikaw ay iiwan ako?" Nakalabing wika ni Hailey sa kababata at best
friend niyang si Lucio. Ngayong araw ay nagpaalam ito sa kanya na aalis na ito ng
farm nila sa Batangas.

Ginulo ng lalaki ang buhok niya. "Kapag kailangan mo ako, puwede mo


naman akong tawagan palagi. Bibigyan pa rin naman kita ng oras. Puwede rin kitang
dalawin kapag libre ako..."

"Mami-miss kita, eh."

Napakamot ng ulo si Lucio. Pero sa huli ay napangiti rin ito. Pinisil


nito ang pisngi niya. "Mami-miss rin kita,"

Hindi na napigilan ni Hailey na yakapin ang kaibigan. "'Wag ka ng


umalis, please?"

Umiling ito. "Kailangan ko..."

"Makakaya mo ba talaga na iwanan ako?" Lumabi pa si Hailey. Inilagay


niya ang kanang kamay sa likod at nag-cross fingers. In her mind, she wished he
will say the things she wanted to hear.

Huminga nang malalim si Lucio. "Hindi naman kita totally na iiwan.


Aalis man ako pero puwede mo pa rin naman akong kausapin. Kung makakapunta ka ng
Maynila, puwede mo akong bisitahin."

Bumagsak ang balikat ni Hailey. "Ayaw ko naman ng ganoon..."

"Kailangan ko rin ng bagong environment para sa future ko, Hailey.


Matagal ko na dapat naggawa ito. P-pero ang Daddy mo, palagi na lang akong
pinipigilan..." Naging ilang ang mukha ni Lucio. "Sana ay maintindihan mo ako."

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nasa isip ni Hailey. Ilang beses siyang
nakiusap kay Lucio na huwag umalis. Bukod kasi sa masyado na siyang nasanay na
kasama rito, matagal na rin siyang in love sa kaibigan at kababata na rin.
Lumaking mahirap lang si Lucio. Anak ito ng isa sa mga taga-alaga nila
ng baka sa farm nila. Ganoon pa man, matalino at masipag ito. Nakitaan ito ng
potensyal ng Daddy niya kaya ito na rin ang nagpa-aral kay Lucio hanggang makatapos
ito ng kursong Accountancy. Si Lucio rin ang tumayong Accountant ng may kalakihan
at sikat rin naman nilang farm sa Batangas.

Pero bago pa man mamatay ang Daddy niya ay nagpaalam na ito sa kanya na
magre-resign na ito. Nakiusap lang siya rito na huwag munang gawin iyon. Bukod kasi
sa pagiging Accountant, marami rin na alam sa pagmama-manage si Lucio sa farm.
Kapag nawala ito ay mahihirapan lalo siya. Hirap na nga siya sa pinagdadaanan ng
ama ay mahihirapan pa siya sa pag-iisip kung paano ima-manage ang farm. Pumayag
naman ito pero sa oras raw na maging magaling ang ama o mamatay ay aalis rin ito.

Mahigit isang linggo na nang mamatay ang Daddy niya. Kung tutuusin,
naging mabait pa si Lucio. Nagdesisyon itong lumuwas ng Maynila nang matapos ang
libing ng Daddy niya.

Sa huli ay tumango rin si Hailey. Pero nanatiling nakayakap pa rin siya


sa lalaki. "I wish you all the best..."

"Thank you," ngumiti lang ito at tinanggal na ang yakap niya.

Awts! Pati yakap ko mukhang hindi na rin niya need! Nakaramdam ng


pagtatampo si Hailey. Pero ano nga ba ang karapatan niya? Wala sinasabi sa kanya si
Lucio kung ano ba ang totoong nararamdaman nito sa kanya. Well, parang alam na rin
naman niya---kaibigan lang.

Pero hindi iyon matanggap ni Hailey. Umaasa pa rin siya na magugustuhan


rin siya ni Lucio balang araw. Wala naman kasi siyang nababalitaang girlfriend nito
o nagugustuhan man lang. Naisip niyang baka kulang lang talaga siya pagpapa-cute
rito. Hindi niya kasi maggawang aminin ang totoong nararamdaman niya para rito.
Nahihiya siya. Palaging sinasabi ng Daddy niya na ang lalaki daw muna ang dapat na
umamin.

Wala na ang Daddy niya ngayon. Pakiramdam ni Hailey ay may freedom na


siya para lumandi. Pero paano pa niya gagawin ngayong aalis na ang lalandiin niya?

Dapat ay tigilan na ni Hailey ito. Wala na siyang pag-asa. Pero


nanghihinayang siya. Ang laki na ng in-invest na feeling ni Hailey sa kaibigan.
Mula ng malaman niya ang salitang crush, wala na siyang iniisip kundi si Lucio.
Wala siyang pakialam kung mahirap man ito. Ang mahalaga sa kanya ay masipag, may
pangarap at mabait ito sa kanya.

Alam ni Hailey na maganda siya. In fact, pumipila ang mga manliligaw


niya. Pero wala siyang kahit sinong pinag-interesan dahil si Lucio pa rin ang
nanatili sa puso niya. Hindi niya naman kayang basta-basta bitiwan na lang iyon.

Hailey will find a way. Hindi pa lang siguro ngayon ang tamang oras.
Mas kailangan niyang asikasuhin ang farm at ipagluksa rin ang namatay niyang ama.

Tuluyan ng nagpaalam si Lucio. Inihatid niya pa ito hanggang sa gate ng


farm. Maiyak-iyak siya habang pinapanood ang pag-andar palayo ng sasakyan nito.
Hanggang sa makaalis rin ito ay matagal lang siyang nakatingin sa dinaanan ng
sasakyan nito. Mami-miss niya talaga ito. Malulungkot siya. Pakiramdam niya ay mag-
isa na talaga siya.

Wala ng iba pang pamilya si Hailey kundi ang Daddy niya. Tapos ngayon
ay iniwan pa siya ng lalaking halos ituring na niyang pamilya. Wala na rin siyang
ibang malapit pang kaibigan kundi si Lucio lang. May pagkamahiyain kasi siya sa
school. Bukod pa sa masyado rin siyang family oriented. Sa Daddy niya, sa farm at
kay Lucio lang umiikot ang buhay niya. Sapat na ang mga ito para sa kanya.

But again, Hailey has to face it. Nasa adulthood na naman siya. Twenty
three years old na siya. She has to move on and start a new life.

Bago pa man makaalis si Hailey sa gate ay may natanaw siyang sasakyan.


Dead end na ang kalsada kaya sigurado siyang papunta ang sasakyan sa farm. Tumigil
naman nga ito sa gate at sa harapan niya. Nang bumaba ito ay ilang beses siyang
napakurap.

"Doctor Jaxon Harris?"

Nagbaba ng suot na shades ang lalaki. Ngumiti ito. Doon niya nakompirma
na isa nga ito sa mga naging Doctor ng Daddy niya noong nasa ospital pa ito. "Yes.
Hello, Hailey..."

Napakurap ulit si Hailey. Naguguluhan siya. "Bakit ka nandito? Gusto mo


bang dumalaw kay Daddy? I'm sorry. Nailibing na kasi siya..."

"Alam ko. And I'm sorry na hindi ako nakapunta sa libing niya. I've
been busy..."

"That's okay. Naiintindihan naman namin. I just didn't expect you


here..."

Tinangala ni Hailey ang lalaki. Dahil isa ito sa naging Doctor ng Daddy
niya ay ilang beses na rin niyang nakasalamuha ito. Hindi rin iilang beses na
narinig niyang pinag-uusapan ito ng mga bisita sa ospital o kahit ang mga nurse.
Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil pinagpala talaga ang lalaki. Guwapo
ito. Matangkad, maganda ang pangangatawan at charming rin ito. Sa pagkakakaalam
niya, half-Australian, half-Filipino ito. Pero ang pinaka-kilala raw sa lalaki ay
ang pagiging matinik nito sa mga babae. Narinig niya na kaya nga sumikat ito dahil
na rin na-feature ito at ang mga kapatid raw nito na playboy rin. But then, wala
namang interes doon si Hailey kaya wala siyang alam. Hindi siya mahilig sa mga
lifestyle magazines at sino pa man na tao, mapa-celebrity man iyon.

Kaya naman para sa kanya ay balewala rin ang Doctor. After all, palagi
lang naman na si Lucio ang lalaking nasa puso at isip niya. Kaya nga lang, ewan ba
niya at parang naging guwapo ito sa paningin niya ngayon. Siguro dahil hindi ito
nakasuot ng Doctor's coat. Mas charming itong tignan. At parang naapektuhan rin
yata ang puso niya. Parang medyo bumilis yata ang puso noon nang ngumisi rin si
Jaxon.

"Really? Mukhang hindi mo rin yata inaasahan na ipagkakatiwala ka ng


Daddy mo sa akin..."

"Ha?"

"Your Dad asked me to take care of you for the time being..."

Napakunot noo si Hailey. Bakit naman siya ipagkakatiwala ng Daddy niya


sa isang wild playboy?
3
NAPAUNGOL si Hailey nang maalalang Sabado nga pala ngayong araw. Day-off ng
kasambahay nila. Iisa lang ang ibig sabihin noon---kailangan niyang mag-asikaso ng
bahay at ang mas masaklap, magluto.
Mahilig lang kumain si Hailey pero hindi ang pagluluto. In fact, itlog, hotdog at
noodles lang ang kaya niyang lutuin. Ang kasambahay at ang Daddy niya lang ang
nagluluto sa bahay. Pero ngayong wala na ito, kailangang siya na ang gumawa ng
lahat noon.

Mabigat ang dibdib at mga mata ni Hailey na bumangon. She is alone now. Kailangan
niyang matuto na tumayo sa mga sarili niyang paa. Pumunta siya sa kusina at nagulat
na mukhang hindi naman talaga siya nag-iisa. Naging makakalimutin lang siya. May
tao nga pala siyang kasama pa sa bahay---ang taong sinabihan ng Daddy niya na
bantayan kuno raw siya.

"Good morning," bati ni Doctor Jaxon nang makita siya. Napalunok siya nang
mapatingin sa kasuotan nitong apron na nakapatong sa puting sando at Capri shorts.
Masama man ang naisip sa paggising ay parang bulang nawala iyon sa ayos at sa ngiti
rin nito. Kumalam rin bigla ang sikmura niya nang maamoy ang niluluto nito kahit
hindi pa naman niya siguado kung ano.

"G-Good morning," Nilapitan niya ito at tinignan rin ang niluluto nito. Longganisa,
itlog at fried rice ang inihanda nito. Tinatapos na lang nitong lutuin ang itlog.
"Nakakahiya naman. Ikaw pa talaga ang nagluto,"

"Naabutan ko ang kasambahay bago umalis. Namomroblema nga siya dahil hindi ka nga
raw mahilig magluto. Eh nagmamadali na siya kaya hindi niya maggawa. You're lucky
that I am here,"

"Mukhang masarap nga 'yan. Ang talented mo pala, Doc."

"Just call me Jay, I mean Jaxon," Parang medyo nagulo sandali ang Doctor. Napakamot
pa ito ng ulo. Pero sa huli ay kinindatan pa siya nito. "Well, isa lang 'yan.
Marami ka pang malalaman sa akin sa mga susunod na araw,"

Napakurap si Hailey. "Magtatagal ka pa dito?"

Pinatay ni Jaxon ang kalan. Inilagay nito ang niluluto sa plato at nilagay sa
lamesa. Pagkatapos noon ay binalikan siya nito at ginulo ang kanyang buhok. "Nasabi
ko na naman sa 'yo kahapon 'di ba? Babantayan kita. Of course, I have to stay.
Nagiging makakalimutin ka na yata,"

"Hindi naman kita kapamilya. Isa pa, may trabaho ka---"

"I'm kind of stress. Nag-leave muna ako sa work. Hindi lang ako ganoon kabilis na
pinayagan kaya ngayon lang ako nakapunta. Nahihiya nga ako na hindi ko man lang
nakitang nailibing si Daddy..."

"Daddy?"

"Yeah, si Daddy mo..."

Napakunot noo si Hailey. Tito kung tawagin ni Doctor Jaxon ang Daddy niya. Bakit
biglang nag-level up naman yata iyon?

"May mali ba?" wika ni Jaxon at sinalubong ang tingin niya.

"Ha? Ah, eh, wala naman..." Ngumiti siya. Bakit ba nga niya binibigyang big deal
ang pagtawag nito sa Daddy niya ng Daddy rin? Nakilala na naman niya ang charming
at playboy na Doctor. Sweet ito. Kaya okay lang dapat na parang na-sweet-an rin
siya na nakiki-Daddy na rin ito. Close na rin naman ito sa Daddy niya. Isa ang
lalaki sa Doctor ng ama.
Ngumiti rin ang lalaki. Mas maganda iyon kaysa sa unang ngiti nito at parang
natigilan rin siya, particularly ang puso niya. It feels so good looking at that
smile. At ewan ba niya at parang naging malaki ang impact noon sa kanya samantalang
dati naman ay hindi.

Palangiti si Doctor Jaxon. Pero ngayon lang yata niya napuna na nagiging guwapo ito
lalo kapag ngumingiti. Parang nawawala rin ang lungkot sa puso niya. Parang ang
gaan-gaan lang ng lahat. Ang weird nga lang dahil inisip niya na nararamdaman niya
lang ang ganoong damdamin sa best friend na si Lucio.

Pero gustong isipin ni Hailey na nagha-hallucinate lang siya. Hindi naman niya
pinapansin dati ang lalaki. Pero ngayon ay bigla-bigla na lang parang may magandang
pakiramdam siya rito.

Siguro sa sobrang lungkot niya kaya binabaling niya ang atensyon sa lalaking hindi
naman niya gustong pansinin. Nawalan siya kaya normal na maghanap rin siya ng mga
taong makakasama at magbibigay ng saya sa kanya.

At nahiling ni Hailey na sana nga ay ganoon nga talaga ang sitwasyon.


4
NAPANGIWI si Jayden habang inililibot siya ni Hailey sa farm. First stop: ang
poultry. Hindi pa man sila nakakapasok sa loob ay nakikinita na niya na masusuka
siya kapag nakalabas sila. Amused naman na tinignan siya ni Hailey.

"'Wag kang mag-alala. Puwede ka namang magsuot ng face mask," wika nito at inabot
sa kanya ang face mask.

Kinuha at sinuot iyon ni Jayden. Pero nagtaka siya nang kahit makapasok sila ay
wala itong sinuot.

"Bakit?" wika ni Jayden at tinuro ang face mask.

"Twenty three years na akong nakatira sa farm. Wala na sa akin ang lahat ng anumang
amoy rito,"

Parang napahiya naman si Jayden. Dapat nga ay sanay na siya sa maseselan na


sitwasyon. After all, Doctor siya. Marami na siyang maseselan na kaso na nahawakan.
Kaya nga lang, sanay rin kasi siyang naka-face mask kapag nasa ganoong sitwasyon.

Pero wala naman kay Hailey ang lahat. Magiliw na ipinaliwanag nito sa kanya ang mga
ginagawa sa poultry. May kalakihan rin iyon at may ilang tauhan. Ipinakilala pa
siya nito sa ilan sa mga iyon. Mabait na binati naman siya ng mga ito. Feeling niya
ay welcome siya. It made him feel good somehow.

Pagkatapos sa poultry ay dinala naman siya nito sa stable ng mga baka. Karamihan sa
mga iyon ay ginagatasan.

"Wow, you produce milk here, too..."

Tumango si Hailey. "At ibinebenta rin namin sila. Maliit lang ang kita dahil hindi
naman ganoon karami ang mga baka na puwede naming gatasan. But still, we can get
fresh here..."

Tumingin si Hailey sa isa sa mga baka na ginagatasan ng tauhan sa stable. "Do you
want to try it yourself?"

"Ha?"

"I mean kung gusto mong matutong gatasan ang baka..."


"Tuturuan mo ako?"

"But of course..."

"Marunong ka?"

Na-amused na naman si Hailey kay Jayden. "As I said, twenty three years ng buhay ko
ay madalas lang akong nasa farm. Nandito ang bahay namin. It's my home. Besides,
nakakalimutan mo yata na agriculture graduate rin ako,"

"O-oh yeah. I'm sorry," napakamot ng ulo si Jayden. Hindi naman niya nakalimutan
dahil ang totoo ay hindi niya alam.

Na-brief naman ni Jaxon si Jayden tungkol sa pagpapanggap nila. Pero hindi naman
ito nagbigay ng maraming details kay Hailey. Ang sinabi lang nito ay mapagmahal na
anak ang babae sa ama kaya siguradong mahihirapan ito kapag nawala iyon. Other than
that, mukhang ordinary lang ang pamumuhay ng dalaga. Hindi rin kasi ito close kay
Jayden. Nakakaramdam raw kasi ang kakambal niya na ilag ang dalaga rito---
nararamdaman yata na playboy ito at may masamang balak.

"It's okay. After all, hindi naman ako ganoong ka-special para matandaan,"

"Of course not. Ako ang hindi special kasi mayroon akong defective brain para hindi
matandaan iyon. Paano ko naggawang kalimutan ang lahat ng sinasabi ng babaeng
kasing ganda mo?"

Namula ang babae. For a while tuloy ay napatitig lang siya rito. She looks so
pretty. Parang gusto niyang hilingin na tumigil ang mundo dahil ang sarap lang
nitong tignan. Pero maya-maya rin ay tumikhim si Hailey. Niyaya na siya nitong
pumunta sa isa sa mga baka na puwedeng gatasan.

Tinuruan siya nito ng step by step procedure. Magaling naman itong magturo kaya
natuto kaagad siya. It amazed and amused him. Napapalakpak at ang ganda ng ngiti ni
Hailey pagkatapos. Again, parang gusto niya ulit na tumigil ang mundo. Parang
nagliwanag kasi ang lahat. Ang ganda-ganda nito.

Kung sa iba, malamang ay nagbitaw na ng joke si Jayden na masarap siguro kung ito
mismo ang "ginagatasan" niya. Kilala kasi siya bilang straight-forward sa mga
babae, lalo na kapag nagugustuhan niya. But then, attracted man siya kay Hailey ay
hindi niya nakikita ang babae sa mga klaseng "ginagatasan lang". She is something
else.

And something in Jayden is telling that it is trouble.


5
HAILEY can't help but pace on the floor. Nag-aalalala siya. Para siyang nanay na
hindi mapaanak. Kakatanggap lang kasi niya ng tawag mula sa taga-bantay ng poultry
nila. Sabay raw na nanganak ang tatlong inahing baboy roon. Dahil mag-isa lang ito
ay nahihirapan itong asikasuhin ang mga nanganak na baboy at ang mga anak nito.

Only Hailey can help. Naka-bakasyon kasi ang ilan pa sa mga tauhan nilang marunong
ng mga ginagawa kapag nanganak ang baboy. Marunong naman siya at balak niyang
tumulong. Pero napakalakas ng ulan at hindi niya kayang mag-drive ng pick up truck
nila papuntang poultry house. Wala siyang ma-contact na puwedeng mag-drive.
Delikado naman kung maglalakad siya papunta roon dahil bukod sa alas dose na ng
hating gabi at malakas ang ulan ay may kalayuan rin iyon.

Pero hindi naman nagtagal ay nakahanap ng solusyon si Hailey. Maya-maya ay bumangon


si Jaxon at tinanong ang problema.
"I can drive you there,"

Nagliwanag ang mukha ni Hailey. Naisip naman niya na puwede niyang pakiusapan si
Jaxon na ipag-drive siya sa poultry house. Kaya lang ay nahihiya siyang gisingin
ito. Sabihin man na inutusan ito ng Daddy niya na bantayan siya for some time,
bisita pa rin ang turing niya rito. Ayaw naman niyang abalahin ito, lalo na at
nakita niyang hindi ito komportable sa poultry house.

"Bumalik ka na ulit sa bahay. I can manage. Salamat sa paghatid," wika niya rito
nang makarating sa poultry house.

"Paghatid?" Natawa si Jaxon. "Siyempre, sasamahan kita sa loob. I will also try to
help. After all, Doctor rin naman ako,"

"Pero hindi ng mga hayop,"

"Yeah. But I'm a pedia. I take care of kids. Kayang-kaya kong alagaan ang mga biik
na 'yan," May pagkindat pa ito.

"Pedia? 'Di ba nasa Internal Medicine ka?"

Namawis ang mukha ni Jaxon. Napakamot ito ng ulo. "I-I mean, Pediatrician ang una
kong choice na i-practice. Madalas na rin akong nagre-research tungkol roon kaya
naman marami akong alam. I just shifted due to some reasons..."

"Hmmm..." A part of Hailey is in doubt. Pero alam niyang hindi iyon ang oras para
magtanong. Mas importante ang mga baboy.

Pumasok na si Hailey sa poultry house kasunod ang Doctor. Dahil ubos na ang face
mask ay hindi tuloy maitimpla ang mukha nito. Ilang beses niyang sinabihan na
lumabas na ito. Pero nagpumilit pa rin ito na tulungan siya. Ito ang naging
assistant niya sa pagtatanggal ng ngipin ng baboy. Mag-aalas singko na nang umaga
matapos sila dahil mahigit tatlumpu ang anak ng tatlong nanganak na baboy.

Pagod na pagod si Hailey na napahiga na siya sa mahabang upuan sa poultry house


pagkatapos. Pinagtatawanan siya ni Jaxon at halos hilahin siya paalis roon. Pero
hindi siya nagpapigil rito. Ipinikit niya ang mga mata. She intended to make some
nap. Pakiramdam kasi niya ay bibigay na ang katawan niya.

Nang imulat ni Hailey ang mga mata ay nanibago siya. She feels warm at hindi rin
nanakit ang likod niya. Parang malambot rin ang paligid. Nang tumingin siya sa
paligid ay saka lang niya na-realize na wala na siya sa mahabang upuan. She was now
cocooned in the arms of a man. Si Jaxon! Buhat-buhat siya nito papunta sa kanyang
kuwarto.

Namula si Hailey. What's this guy up to? At bakit ba parang kinikilig siya? Her
heart is racing. Parang may maliliit na daloy ng kuryente rin na kumikiliti sa
katawan niya.

Nag-alinlangan si Hailey kung tama ba na magpatuloy pa rin siyang magpabuhat sa


lalaki. She loves the feeling. Pero hindi naman dapat iyon. Hindi na siya bata. At
may kabigatan rin siya. Nakakahiya kay Jaxon na nag-effort pa itong buhatin siya.

Pero nang maramdaman ni Hailey na tutungo si Jaxon para siguro ay i-check siya ay
pumikit ulit siya. She closed her lips and eyes. But after some moment, she also
smiled. Natatawa kasi siya sa ginagawa niyang pagkukunwari. Nahihiya man ay
nagugustuhan rin naman niya iyon.
Nang dahan-dahan ulit na tumingin si Hailey maya-maya kay Jaxon. Hindi na ito
nakatingin. Pero kita niyang ngiting-ngiti ito. Teka, nakita ba nito na gising na
siya at napiling magkunwari na tulog? Nakakahiya!

Mas namula pa si Hailey. Pero kung ano pa man, bakit ba nga siya mahihiya? Tagapag-
bantay kuno niya nga ito. Isa pa, sa ginagawa niya ay pinipigilan lang niya ang
sarili na maging masaya. Hindi naman yata maganda iyon. Simula nang ma-diagnose ang
Daddy niya na may stage four liver cancer ay naghihirap na siya. She at least
deserved to be happy.

Sana lang ay hindi pagsisihan ni Hailey ang pagpili sa kasiyahan kaysa sa pagpili
ng tama.
6
"HOW'S your heart?"

Napaungol si Jayden sa bungad na sagot ng kakambal nang tawagan niya ito. Mas nauna
pa itong magsalita kaysa sa kanya na mismong tumawag.

"Wala ka man lang bang baon na hello?"

Tumawa ito. "I just want to be straight-forward. So ano nga?"

"Nakakapagsalita pa ako kaya tumitibok pa naman," sarkastikong sagot naman niya


rito.

"Na-fall na ba?"

"Scientifically, hindi nahuhulog ang puso,"

"You know that's not what I mean,"

"Let's talk about it. Kumusta kayo diyan sa Manila?"

"We're fine. I'm happy. Walang nang-aagaw ng korona sa pagiging totoong guwapo dito
sa bahay,"

Napailing-iling si Jayden. "Wala diyan sina Kuya?"

"Bumibisita. Pero naniniwala pa rin ako na mas guwapo tayo sa kanila,"

"Napaka-vain mo talaga,"

"Wow! At nagsalita ang hindi vain,"

"I'm just not the mood to be one..."

"Mukhang problemado ka nga, ah. Parang namamaos rin ang boses mo. Okay ka lang ba?"

"Finally, you have asked what I expected you to ask," Huminga nang malalim si
Jayden. "I'm not. And that's why I called you. May hihingiin sana akong pabor,"

"Sa usaping pampuso?"

"Saka na natin pag-usapan 'yang pampuso na 'yan. I'm not feeling well. Feeling ko
ay tatrangkasuhin ako. What's the best medicine for this?"

"We studied medicine. Anong kalokohan at ako pa ang tatanungin mo tungkol sa


gamot?"
"I mean some herbal o something na hindi na kailangan ng gamot pa talaga. I don't
want to ask something from Hailey. Ayaw kong malaman niya na may sakit ako,"

"At bakit?"

"As simple as ayaw ko lang na mag-alala at istorbohin siya,"

"Edi sa iba ka magpabili,"

"Tatlo lang kami sa bahay. Wala ang kasambahay ngayon dahil nagpaalam kay Hailey na
may aasikasuhin pagkatapos ng almusal. Malayo ang tindahan rito at na kay Hailey
ang susi ng pick up truck. Wala akong baon na gamot," Huminga ulit ng malalim si
Jayden. "Sometimes you don't believe in medical medicines, Jaxon. And you know that
I'm not like that. I'm always on the medical side. Ngayon ay kailangan ko ang mga
pinaniniwalaan mo..."

"Just rest and drink a lot of water,"

"Magtatanghalian na. Kailangan kong magluto,"

"Don't be silly. You need a lot of rest. Gusto mo bang dalawin pa kita diyan?"

Napapikit si Jayden. He feels helpless. Parang gusto niyang pumayag sa gusto ng


kapatid. Madalas kasi kapag nagkakasakit siya ay mas inaalagaan pa siya ng kapatid
kaysa sa magulang niya. They are each other's back. Pero malaki na siya para umasa
pa sa kakambal. Isa pa, kapag dinalaw siya nito ay malalaman ni Hailey na may
kakambal siya. Wala itong alam dahil hindi naman sila sa iisang ospital
nagreresidency ng kakambal.

Sa huli, pinutol na lang ni Jayden ang tawag. Bumangon siya kahit na ba parang may
magnet ang kama. Dahil hindi nagluluto si Hailey at wala ang kasambahay, siya ang
kailangan na gumawa. Tulog pa rin si Hailey para matulungan siya kahit papaano.

Ang kakulangan ng tulog, lakas ng ulan at pagod kagabi ang dahilan kung bakit
masama ang pakiramdam ni Jayden. Pero lalaki siya. Nakakahiya kung magpakita siya
ng kahinaan.

Lumabas nang kuwarto si Jayden. Saktong pagbaba naman ng hagdan ni Hailey. Kunot-
noong tinignan siya nito.

"Namumutla ka. May sakit ka ba?" tanong nito at inilagay ang kamay sa leeg niya
bago pa man niya maiiwas ang sarili. "Mainit ka!"

"O-okay---" Natigilan si Jayden. Kahit ang boses niya ay pinagkanulo siya. Namamaos
talaga iyon.

Parang namutla rin si Hailey. Hinawakan siya nito at dinala sa kuwarto niya.
"Magpahinga ka na lang,"

"K-kailangan kong magluto..."

"Kaya ko,"

"You don't cook,"

"Kakayanin ko," Napangiwi si Hailey. "Basta kailangan mong magpahinga,"

Pinahiga siya ni Hailey. Parang lalo siyang na-magnet sa kama. Hindi na siya
makapagmatigas. Lumabas naman ito ng kuwarto. Pagbalik nito ay may dala itong basa
na tuwalya.

"Mamaya na kita papainumin ng gamot kapag nakakain ka na. For now, magpahinga ka na
muna," wika nito habang pinupunasan siya.

Napaungol lang si Jayden. Sa ginagawa ni Hailey, nawalan na siya ng lakas na


magmatigas. All he wanted is to enjoy the feeling of being caressed by her. Masarap
rin na tignan ang nag-aalalang mukha nito. It just means that she cares.

Balewala na kay Jayden kung magmukha man siyang mahina kung iyon ang magiging
paraan para maalagaan siya ng babaeng hindi man niya type sa una pero parang
nagugustuhan na niya.
7
MAIYAK-iyak si Hailey nang matikman ang lasa ng niluto niyang lugaw. Dahil may
sakit si Jaxon ay inisip niya na magluto ng paborito niyang pagkain kapag may
sakit---lugaw. Inisip niya na baka makakaya naman niya kung susubukan niyang
magluto. Gamit ang Google at Youtube ay pinag-aralan niya ang recipe. Pero palpak
pa rin ang ginawa niya. Napakaalat ng lugaw. Nasobrahan yata siya sa nailagay na
patis.

Halos dalawang oras na niluto iyon ni Hailey kaya frustrated siya. Bukod pa sa
halos magkanda-sugat-sugat ang kamay niya sa paghihiwa ng mga ingredients, lalo na
sa luya. Kung kasing laki iyon ng kamay niya noong una, nang matapos siya ay halos
ga-kuko na lang. Nahirapan siyang talupan iyon dahil daig pa ang coca cola sa
"ganda" ng curves. Pero masasayang lang pala ang lahat ng efforts niya.

Alam ni Hailey na kailangan na rin niyang magmadali. Kahit tulog pa naman si Jaxon
ay kailangan na niya itong gisingin para makakain at uminom ng gamot. Sa tingin
niya ay trinangkaso ito dahil sa ginawa nila kagabi.

Sa huli, walang choice si Hailey kundi magluto na lang ng pritong itlog. Iyon lang
ang kaya niyang i-perfect. Ininit na lang niya ang natirang kanin kaninang umaga.
Pagkatapos noon ay pumunta na siya sa guest room kung saan natutulog si Jaxon para
dalhin ang pagkain. Ginising niya ito.

"Kumain ka na," wika niya at itinaas ang kutsara rito.

"Susubuan mo ako?" Groggy man pero mukhang na-amuse ang mukha ni Jaxon.

"Mukhang hindi mo yata kaya, eh."

Ngiting-ngiti lang ang Doctor. Nagpasubo nga ito sa kanya. Naka-ilang subo siya
rito nang mapansin nito ang mukha niya.

"Wait, hindi ka naman yata masaya, eh."

Bumuntong-hininga si Hailey. "Baka nga ikaw. Ito lang ang nakaya kong iluto sa
'yo,"

"This is enough. Masarap naman siya,"

"Mas masarap pa rin sana kung lugaw," Sa sobrang lungkot, naikuwento ni Hailey ang
tungkol sa rejected niyang lugaw.

"Nasaan na? I'll try to taste and eat," Mukhang excited pa si Jaxon.

"Nababaliw ka na,"

"Come on. Nagbigay ka ng effort sa lugaw na iyon. Kailangan kong i-appreciate


iyon,"

Hindi tinigilan ni Jaxon sa pangungulit si Hailey. Sa huli, binigyan niya ito ng


isang maliit na mangkok.

"Maalat nga. Pero masarap pa rin naman," naka-ilang subo pa ito.

Parang natunaw ang puso ni Hailey sa ginawa ng lalaki. "You see the things on
negative..."

"But of course. I'm a Doctor. I treat the negative," wika ni Jaxon.

Napakurap si Hailey. "And that's why you are here with me. Dahil malungkot ako..."

"Pero mukhang hindi na naman 'di ba? You look okay..."

Hindi kaagad nag-react si Hailey. Ganoon nga ba? Kinapa niya ang nararadaman niya.
Hindi niya nga masyadong naiisip ang Daddy niya simula nang dumating si Jaxon.
Bukod kasi sa busy, parang napo-focus rin ang nararamdaman niya rito. Pero mako-
consider rin naman niya iyon as a good thing. Gusto ng Daddy niya na maging masaya
pa rin siya kahit wala na ito. Kaya nga siya nito pinabantayan sa Doctor nito. He
wants the best for her. At kahit may pagka-delikado, nakikita naman niya na good
decision iyon.

"But I-I still need you. Aalis ka na ba?"

Umiling si Jaxon pagkatapos ay ngumiti. "I'm starting to like it here. At hindi ko


maisip na aalis pa ako..."

Nagliwanag ang mukha ni Hailey. Doctor nga si Jaxon. He really knows how to give a
good treatment to someone.

Kaya lang, may isang bahagi rin ni Hailey ang nagsasabing baka charming lang talaga
ito dahil sa pagiging playboy. At marupok naman siya kaya kilig na kilig siya.
8
"KUMUSTA ka na?" May halong excitement at pagkapahiya na tanong ni Hailey kay
Lucio. Halos mag-iisang linggo na simula nang umalis ito sa farm house nila at
ngayon lang niya ito naalalang tawagan. Samantalang dati ay hindi siya mapakali
kapag hindi niya ito makita kahit isang araw lang. Hindi kompleto ang araw niya.

"Okay naman,"

"Busy?"

"Hmmm... Medyo. Bakit ka napatawag?"

Napangiwi si Hailey. Bakit parang minasama pa yata nito ang pagtawag niya.
"Nangangamusta lang. Hindi mo ba ako na-miss?"

"Hmmm..."

"Mukhang hindi nga," mahinang wika ni Hailey. Gusto niyang mapabuntong-hininga.


Naunahan naman siya ni Lucio.

"Wala pang isang linggo simula nang maghiwalay tayo, Hailey. Don't be so clingy..."

"Yeah..." malungkot na wika ni Hailey. Mas lalo pa siyang nalungkot nang pagkatapos
noon ay nag-excuse si Lucio. Nagpaalam na ito.
Pakiramdam ni Hailey ay wala tuloy siyang halaga sa lalaki. To think na ito lang
ang nag-iisang lalaki bukod sa Daddy niya na minahal niya. Napakalaki ng in-invest
na feeling niya rito. Pero kahit yata kaunting pagmamahal ay wala siyang nakuhang
kapalit.

Malungkot na ibinaba ni Hailey ang cellphone. Pinili niyang huwag na lang munang
isipin ang pangyayari. Baka naman mainit lang ang ulo ni Lucio o kaya wala ito sa
mood. Tumingin siya sa paligid. Napakurap siya nang makita si Jaxon. Blangko ang
ekspresyon nito habang nakatingin sa kanya. Narinig kaya nito ang pagtawag niya kay
Lucio?

"Hey," bati ni Hailey sa lalaki.

Tumango ito. Lumapit ito sa kanya. "Sino 'yung kausap mo?"

"Ah, si Lucio. Kababata ko at malapit na kaibigan,"

"You looked so much excited when you first talked to him,"

So narinig nga niya... "Ah, na-miss ko kasi siya..."

"At ngayon ay mukhang malungkot ka," wika nito at tinitigan ang mukha niya.

"P-pakiramdam ko kasi ay balewala na ako sa kanya..."

"Gusto mo ba siya?"

"Ha?"

"Mukhang gusto mo siya base sa observation ko sa mga naging kilos at sinabi mo..."

"Hmmm..."

Sa huli ay napaamin si Hailey kay Jaxon. Ikinuwento niya rito ang nararamdaman sa
lalaki.

"I see," blangko ang ekspresyon ng mukha ni Jaxon pagkatapos. Ilang sandali rin at
nagpaalam na ito. Nagkulong ito sa kuwarto.

Ewan ni Hailey at parang lalong bumigat ang pakiramdam niya sa biglang pag-iwan
nito sa kanya. May mali ba siyang nasabi?
9
DALAWANG araw ang nakalipas at mas lumaki ang hinala ni Hailey na mali nga na
ipinagtapat niya kay Jaxon ang tungkol sa nararamdaman niya kay Lucio. Ilang oras
kasi pagkatapos noon ay nagpaalam itong babalik ng Maynila. May kailangan daw itong
biglang asikasuhin. Pero bago naman ito umalis ay sinigurado nito sa kanya na
babalik naman ito.

Kaya nga lang, iba ang pakiramdam ni Hailey. Iba ang timpla ng mukha nito ng
umalis. Parang malungkot ito. Parang nasaktan. Kaya nga lang, bakit naman ito
masasaktan?

Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ni Hailey. Nami-miss na rin kasi niya ang
lalaki. Kaya lang, wala man lang siyang phone number nito. Hindi niya ito
matawagan.

Pinili na lang ni Hailey na maging abala sa farm. After all, marami naman talagang
gagawin. Kulang pa rin sila ng tauhan as of this moment. Kaya naman nang kailangan
niyang magpunta sa poultry house at malakas na naman ang ulan ay nahirapan siya.
Bigla rin niyang naalala si Jaxon.

I wish you were really here... Napayakap pa si Hailey sa sarili habang nakatanaw sa
sasakyan at umuulang paligid. Naalala na naman niya ang guwapong Doctor. Mas lalo
lang siyang nalungkot dahil bigla niyang naisip na sana ay ito ang yumakap sa
kanya.

Pero dapat rin na isaisip ni Hailey na hindi naman talaga magtatagal si Jaxon.
Babalik man ito pero may buhay pa rin ito sa Maynila. Kinausap lang ito ng Daddy
niya para bantayan siya for the meantime. Hindi ito magiging permanenteng bahagi ng
buhay niya. Iiwan rin siya nito kagaya ng ama at pati na rin ni Lucio.

Kaya hindi dapat maging malungkot si Hailey. Hindi dapat siya masanay na palaging
may nandiyan para sa kanya. She needs to stand on her own. Kagaya na lang ngayon.
Kailangan niyang magtrabaho. Pero hindi dapat siya maghintay ng himala para may
magdala sa kanya sa poultry house.

Napatingin si Hailey sa susi ng truck. Minsan na naman siyang naturuan ng Daddy


niya na i-drive iyon. Kaya nga lang, tumigil siya nang minsang nagpa-practice ay
may nasagasaan siyang kuting. Hindi na siya umulit pagkatapos ng insidente na iyon
dahil natakot siya. Pero marunong na siya. Sabi nga ng Daddy niya ay puwede na
siyang kumuha at pumasa para sa driver's license.

It was just a few years ago. At hindi naman siguro ganoon kabilis mawawala ang
skills kahit hindi na pina-practice 'di ba? Kailangan lang niyang maging matatag at
matapang. Isa pa, kahit naman wala siyang lisensya ay hindi siya mahuhuli. Nasa
farm lang rin naman ang poultry. Hindi siya lalabas ng highway. Walang pulis na
puwedeng manghuli sa kanya.

Determinadong kinuha ni Hailey ang susi ng pick up truck. Successful na napa-start


at napa-andar rin naman niya iyon. Ngiting-ngiti siya kahit nahihirapan sa pagda-
drive dahil napakalakas talaga ng ulan. Pero nawala rin ang ngiti nang makitang may
kasalubong siyang sasakyan. Nakilala niya na kay Jaxon iyon.

Nataranta si Hailey. Pero mas lalo pa siyang nataranta ng parang ayaw kumagat ng
preno ng sasakyan. Namawis siya. Pakiramdam niya ay hindi niya makontrol ang
sasakyan. It was approaching Jaxon's car.

Namamawis si Hailey. Malalim ang parte sa gilid ni Jaxon kaya hindi naman siya nito
puwedeng iwasan. Mas maaksidente ito. Kailangang siya mismo ang umiwas rito.

Napapikit si Hailey. Nagdasal siya habang patuloy pa rin na sinusubukan na tapakan


ang preno. Pagkatapos ay naalala niya ang handbreak. She immediately pulled it.

Tumigil ang sasakyan. Napamulat at nanlaki ang mata ni Hailey at nakitang hindi
sapat ang pag-pull niya ng handbreak para maiwasan niya ang sasakyan ni Jaxon...
10
PULANG-pula ang mukha ni Hailey habang nasa ospital. Kausap ngayon ni Jaxon ang
tumingin na Doctor sa kanya.

"I think, mas better yata na mag-stay siya overnight for some observations."

Napangiwi ang Doctor. Ilang beses na kasing s-in-uggest ng Doctor na puwede na


naman siyang umuwi. Dinala siya ni Jaxon sa ospital pagkatapos ng aksidenteng
nangyari sa kanila sa farm house.

Ganoon pa man, pakiramdam naman ni Hailey ay no need na iyon. Wala naman siyang
sugat. Hindi naman nabagok ang ulo niya. Ganoon rin si Jaxon. Nagdikit lang ang mga
sasakyan nila pero hindi naman malakas ang impact. Nagasgasan niya lang ang kotse
nito.

Sa tingin rin ng Doctor ay okay na naman siya. Normal lahat ang basic results na
isinagawa sa kanya sa ospital. Na-paranoid lang si Jaxon kaya dinala pa siya nito
roon.

"How many times will you insist, Sir? She is perfectly fine," Tumingin ang Doctor
kay Hailey. "Are you?"

Tumango si Hailey. Tumingin siya kay Jaxon. Hanggang ngayon ay namumutla pa rin
ito. Nag-aalala raw ito nang husto dahil sa nangyari. "Umuwi na tayo,"

"I want to make sure you are really alright,"

"Ikaw na nga yata ang hindi,"

"Sinabi ko na sa 'yo na tinakot mo ako kaya namumutla---"

"Yeah. Pero ang hirap mo kasing umintindi. Ayaw mo pang umuwi samantalang sure na
nga ang Doctor na puwede na akong umuwi. Isa pa, okay na naman ako. Maliit na
aksidente lang iyon. Doctor ka rin naman. Kung may mangyayari man na masama sa akin
pagkatapos ay babantayan mo naman ako 'di ba?"

Huminga nang malalim si Jaxon. "Tama ka naman. I'm sorry to act this way. Nag-alala
lang talaga ako..."

Humingi rin ng tawad si Jaxon sa Doctor. Ngiting-ngiti ito. "It's okay.


Naiintindihan ko naman. You just care too much for your girlfriend."

"Girlfriend?" Napangiwi si Hailey. "Hindi ko po siya boy---"

"We will go now," putol ni Jaxon sa sasabihin niya at pinaalis na ang Doctor. Hindi
niya tuloy alam ang mararamdaman, lalo na at parang sumama ang timplada nito sa
pag-correct niya sa Doctor. Tama na itanggi niya ang inakala ng Doctor. Pero kung
mali man ang tingin roon ni Jaxon...well, parang kinilig yata siya ng slight. Gusto
ba nitong isipin ng mga tao na girlfriend siya nito?

Ang landi mo, Ate girl! Wika ng isip ni Hailey. Bakit nga ba siya kinikilig sa
isipin na iyon?

"Okay ka na ba talaga? Bakit namumula ka?"

"Ha?" Nagpanic naman si Hailey. Pati pala pisngi niya ay nadamay na sa kalandian
niya. "Wala. Naiinitan lang siguro ako,"

"Malamig naman, ah. Malakas ang aircon at malakas rin ang ulan sa labas."

"Uhmmm... Weird lang ako minsan,"

"Hmmm..." Mukhang alanganin pa rin si Jaxon. Pero save by the bell naman si Hailey
nang dumating ang nurse at binigay ang discharge slip nila. Umalis si Jaxon para
bayaran ang bill. Nang matapos ay todo alalay ito sa kanya habang papunta sa
sasakyan. Sa halip na ang nurse ang magtulak ng wheel chair niya, ito pa ang nag-
insist.

Ngiting-ngiti ang nurse. "Ang sweet talaga ng boyfriend niyo, Ma'am."

Namula si Hailey. Itatama niya sana ang nurse pero sumagot si Jaxon. "Thank you..."
"Ang suwerte niyo po, Ma'am..."

Si Jaxon ang sumagot ulit. "Mas masuwerte ako sa kanya," may pagkindat pa ang
nurse.

Pulang-pula si Hailey. Nang makasakay na lang siya sa kotse ay saka niya ito
kinompronta. "Bakit mo ginawa iyon?"

Ngiting-ngiti na si Jaxon. "Bakit hindi? Hindi ka ba masaya na boyfriend mo ako?"

Inikutan niya ito ng mata. "Alam mo na hindi iyon totoo. Mali iyon..."

"That's just for fun,"

Ouch! Isa ba ako sa mga babaeng paglalaruan niya?

Natahimik si Hailey sa sagot. Inalis niya ang pantasya at mga kalandian sa isip
niya. Playboy si Jaxon. Hindi ito magse-settle. Kaya hindi dapat siya kiligin rito.
Paasahin at sasaktan lang siya nito sa huli.
11
MAY PANIC sa katawan na kinatok ni Jayden ang kuwarto ni Hailey. Wala pang alas
otso ng gabi ay nakapatay na ang ilaw sa kuwarto nito. And worst, naka-lock pa ang
pinto. Pero kaagad rin naman siya nitong pinagbuksan ng pinto at ilaw.

"Bakit?" Tumingin ito sa kanya at sa mga dala niya. Napakunot ang noo nito.

"Anong bakit? I'll be sleeping in your room,"

"Ha? May sira ba sa kuwarto mo?"

Umiling ito. "Kailangan kitang obserbahan kaya dito ako matutulog sa kuwarto mo,"

Napalunok si Hailey. "Pero isa lang ang kama sa kuwarto."

"I'll sleep on the couch,"

"Wala rin couch,"

"Fine. Sa sahig na lang,"

"Hindi komportable roon,"

Ngumisi siya at tumingin sa nag-aalinlangang mukha nito. "Gusto mo bang tabihan


kita sa kama?"

In an instant, namula ang mukha ni Hailey. Umiling ito. "Pero hindi mo naman ako
kailangang samahan na matulog. Okay na naman ako,"

"Ayaw mong magpa-under observation sa ospital, puwes, ako mismo na lang ang mag-
oobserba sa 'yo."

"Gusto ko na talagang isipin na ikaw ang talagang naapektuhan ng maliit na


aksidente na iyon. Napaka-paranoid mo,"

"Whatever you will say, I still insist. I won't take no for an answer."

Nagkibit-balikat si Hailey. "Sige na nga. Tatawagin ko si Manang para makahanap ng


banig man lang na mahihigaan mo."
Ten minutes later ay nakahiga na silang dalawa. Naayos na ang higaan niya. Pero
hindi masasabi ni Jayden na maayos ang pakiramdam niya. Hindi nga komportable na
matulog sa sahig kahit may banig naman. First time niya kasi. All his life, he has
lived a wealthy life. Mayaman ang Daddy niya. May sarili rin silang ospital sa
Pilipinas.

Pero challenge para kay Jayden ito. Talo lang kaagad siya dahil hindi niya
napigilan si Hailey maya-maya. Nakabukas ang lampshade sa beside table kaya
nakikita niya ang payapa at tulog ng mukha nito. She's like an angel. At natetempt
naman siya ngayong hawakan ang napakalambot na pisngi nito. Or maybe do more than
that...

Huminga nang malalim si Jayden. Kailangan niyang pigilan ang kanyang sarili.
Nandito siya para alagaan si Hailey, hindi ang pagnasaan ito. Besides, he will just
take care of her temporarily. Kailangan rin niyang bumalik ng Maynila. May buhay
siya roon. Pero palaging ginugulo ni Hailey ang utak niya. When he tries to remove
her from his mind by going home, mas lalo pa itong pumapasok sa utak niya. Naiinis
siya nang malaman niyang may gusto pala itong iba. Nag-aalala naman siya nang husto
nang magkaroon sila ng maliit na aksidente sa daan. A part of him also blames
himself. Kung hindi sana siya nag-inarte at umalis, sana ay hindi nagdrive ng pick
up truck si Hailey. Sana ay natulungan niya ito.

Siguro nga ay dapat siya ang nagpa-ospital. Pakiramdam kasi niya ay naloloko na
siya kay Hailey.
12
SUMAMA si Hailey kay Jaxon nang kukuhanin na nito ang pinaggawang pick-up truck sa
talyer. Nagbiyahe lang sila papunta roon. Ayon sa mekaniko ay nagkaproblema raw sa
brake pedal ng sasakyan. Iyon ang dahilan kung bakit naging less responsive at
nakadagdag pa ang malakas ng ulan kaya naman hindi ito na nga ito gumana.

Isang araw rin ang lumipas bago naggawa ang sasakyan. Nagpasalamat sila sa mekaniko
sa pag-aayos noon bago nagpaalam. Si Jaxon na ang nag-drive pabalik sa farm house.

Nang makapasok sa farm house ay pinatigil niya ito. Kunot ang noong sumunod naman
ito. "Bakit?"

"Gusto kong mag-drive," wika niya at lumabas ng sasakyan. Nang makalabas siya ay
nakalabas na rin ng sasakyan si Jaxon. Madilim ang mukha nito.

"What the hell do you think you are doing?" Pumamaywang pa ang lalaki.

"Magda-drive," inosenteng sabi niya.

"Hindi kita papayagan. After that mini accident---"

Huminga nang malalim si Hailey. "Hindi ako maaksidente kung magaling sana akong
mag-drive."

"So ano ang gusto mong palabasin?"

Tinangala niya si Jaxon. "P-puwede mo ba akong turuan pa? Tinuruan na naman ako
dati ni Daddy. But I am out of practice..." Kinuwento niya rito ang karanasan noon.

"Hmmm..."

"Please?"

"Nandito naman ako palagi. Ipagda-drive kita,"


Umiling si Hailey. "Hindi. May buhay ka sa Maynila. In a few days or weeks,
kailangan mo na ulit na bumabalik roon. I'll be on my own again. Kaya hindi dapat
ako umaasa sa 'yo. Isa pa, na-realize ko na hindi lahat ng tao ay palaging nandiyan
para sa akin. Kaya kailangan ko rin matutong tumayo na mag-isa. Kailangan kong
maging matapang. Independent..."

Alinlangan pa rin si Jaxon. Pero sa huli ay pumayag rin naman ito. Pinaupo siya
nito sa driver seat. Tumabi ito sa kanya. Pinagkasya nito ang sarili sa driver seat
na kahati siya.

Tinaasan ng isang kilay ni Hailey ang lalaki. "Puwede namang nasa passenger seat ka
habang tinuturuan kita, ah."

"This is better. You feel so close to me..." Paungol pang wika ni Jaxon. Ikinapula
iyon ni Hailey. It feels sexy.

Hindi na umuulan pero mahangin sa farm kaya naman napaka-weird na habang nagpa-
practice mag-drive ay parang pinagpapawisan siya. Pinasalamat na nga lang niya na
nakapag-concentrate pa siya habang nagda-drive. Parang kinikiliti rin kasi ang
buong katawan niya sa buong durasyon ng pagda-drive dahil magkadikit ang katawan
nila. Her heart is racing so fast, too.

Ah, higit na yata sa attraction ang nararamdaman niya kay Jaxon. Pero bakit? Paano?
Sandali pa lang naman silang nagkakakilala. Isa pa, 'di ba at si Lucio ang mahal
niya? Bakit parang nababaling yata ang atensyon niya sa iba?

Hindi maintindihan ni Hailey ang nararamdaman niya. Pero gusto niyang isipin na
kaya siya nagkakaganoon ay dahil sa nami-miss lang talaga niya ang kababata.
13
NAGKAROON ng Oplan si Hailey sa sarili---Oplan Independent. Lahat ng mga bagay na
kinainisan o hindi niya kayang gawin ay pag-aaralan niya. She at least needs to
know everything. After all, mag-isa na nga siya sa buhay ngayon. May mga araw na
hindi available para sa kanya ang mga tauhan, kasambahay at lalong-lalo na si
Jaxon. She needs to do things without asking for help.

Unti-unti na siyang gumagaling sa pagda-drive. Kaya naman ang gusto niyang


asikasuhin ngayong i-develop na skills ay ang pagluluto. Tamang-tama at day off na
ulit ngayon ng kasambahay nila. Maaga rin siyang gumising para makapagluto siya ng
almusal.

Naisip ni Hailey na magluto ng sopas. Lahat naman ng ingredients na kailangan ay


nasa kusina nila. Naisip niyang hindi siya mahihirapan. Pero sa pag-saute pa lang
ng bawang at sibuyas sa margarine ay palpak na siya. Nasunog iyon.

"Try again," nakangiwing wika ni Hailey. Naghiwa ulit siya ng sibuyas at bawang.
Nang isasalang na niya ulit iyon ay saka naman may pamilyar na pigurang pumunta sa
kusina. Nilingon niya ito. At hindi pa man niya binubuksan ulit ang kalan ay parang
nag-apoy na iyon. Well, parang ang paligid yata.

Bagong ligo si Jaxon. Basa-basa pa ang buhok nito sa ulo at ganoon rin ang sa
dibdib. And she can clearly see that dahil boxers lang ang suot nito! He looked
freaking hot. Nag-init rin ang kanyang pisngi.

Nagulo ang puso ni Hailey. Bakit ba masyadong feel at home naman yata ang lalaki?
Hindi man lang ito nag-T-shirt. Hindi na ito nahiya. But then, bakit nga ba niya
pinapansin pa iyon? Eh gustong-gusto naman niya ang nakikita niyang ulam, este
katawan nito.

"Good morning," Nakakaloko pa ang ngiting pagbati sa kanya ng lalaki. Medyo nautal
tuloy siya nang sumagot.

"G-Good morning rin. Ang aga mo naman maligo,"

"Hmmm... I feel uncomfortable last night. Naiinitan ako. Naisip ko lang na kung
maliligo ako pagkagising ay magiging okay ang pakiramdam ko..."

"Okay ka na ba?"

"More than okay..." wika nito at lumapit sa kanya. At parang siya yata ang hindi
okay. Nangangatog ang tuhod niya.

"What are you cooking?"

"S-sopas..."

Tinitigan siya nito. "At kinakabahan ka habang magluluto?"

"Ha?"

Hinawakan ni Jaxon ang kamay niya. "You are trembling..."

Kinagat ni Hailey ang ibabang labi. Sa ginawa kasi ni Jaxon ay parang gusto yata
niyang mapatili sa kilig. "Y-yeah, kinakabahan nga ako..."

"Naiintindihan na kita ngayon. It's good that you are trying to be independent.
Pero huwag ka dapat kabahan. Instead, you need to feel determined..."

"Yeah..."

Binitawan na nito ang kamay. Sumandal ito sa kitchen counter at pagkatapos ay


kinindatan siya. "But don't worry. Nandito pa naman ako. Puwede rin kitang turuan
sa pagluluto. Marunong rin akong magluto. I will help you..."

"Salamat..."

Pinili ni Hailey na mag-concentrate sa ginagawa. Nang matunaw at mag-bubbles na ang


margarine sa pot ay iginisa na niya ang bawang at sibuyas. She stirred it a little.
Doon ay nilapitan ulit siya ni Jaxon. Nasa likod niya ito. At sa gulat niya ay
hinawakan pa nito ang kamay niya.

"Stir harder,"

Nagsunod-sunod ang paglunok ni Hailey. Pakiramdam kasi niya ngayon ay natutuyuan na


ng tubig ang lalamunan niya. Iba yata ang naiisip niya sa salitang "harder".

NBSB man ay hindi naman maituturing na inosente talaga si Hailey. May mga kaklase
siya noong college na ma-green ang utak. Natuto rin siya ng kalokohan sa mga ito.

"Uhmmm... Kaya ko na..."

Hindi nakinig si Jaxon. He continued to help her. At mas inilapit pa nito ang
katawan sa likod niya. Napapikit siya para samyuin ang bagong paligong amoy nito.
He smells so fresh. Pero kaagad rin siyang nagmulat nang maalalang hindi nga pala
siya ganoon. Nakakahiya!

"Ako na talaga," wika ni Hailey at bahagyang tinulak si Jaxon sa huli.

"Are you sure?"


Tumango si Hailey at pinili na huwag pansinin si Jaxon na lumayo rin naman.
Hinayaan na siya nito. She felt a bit sad. Masarap ang pakiramdam na magkalapit
silang dalawa. But it feels so dangerous. Pakiramdam niya ay kaunti na lang kasi ay
sasabog na ang puso niya sa lakas ng tibok niya. Kailangan niyang huwag masanay
roon.

Haay, ano na ba talaga itong nararamdaman niya? Kainis!


14
SANAY si Hailey na mag-manage ng operations sa farm house nila. Pero pagdating sa
administration at management ng pera ay kakaunti lang ang alam niya. Kaya naman
ngayong araw ay iyon ang gusto niyang matutunan. Wala na kasi si Lucio para
tulungan siya kung magkaka-problema man sila. Hindi rin niya dapat pagkatiwalaan
masyado ang kapalit nito dahil hindi naman niya ito ganoon kakilala pa. Dapat ay
may alam rin siya.

As usual ay sinamahan na naman ni Jaxon si Hailey papunta sa opisina ng farm. Nang


makapunta roon ay parang gulong-gulo ang bagong hired na Accountant. Pero in-expect
na naman niya. Ilang araw lang kasi itong na-train ni Lucio. Pero ang pinagtataka
nga lang niya ay pati ang ibang staff sa office ay parang mga ngarag rin. Nang
makita rin siyang dumating ng mga ito ay namutla ang mga ito.

"M-may kailangan po kayo, Ma'am?"

"Wala naman. Gusto ko lang sanang mangamusta rito. Pero mukhang hindi yata maganda
ang araw niyo, ah."

Walang kahit sino ang ngumiti. Biglang kinabahan si Hailey.

"May problema ba?"

Lahat ng staff ay tumingin sa bagong accountant. Huminga ito nang malalim.


Pagkatapos ay pinalapit siya nito sa table nito. May mga ipinakita itong papel sa
kanya.

"There are some discrepancies in the statements. Hula ko ay kumukuha ng pera sa


farm ang dating Accountant. Malaki ang nakuhang pera. At dahil diyan ay nanganganib
ang assets natin. Hindi na sapat ang pinagsama-samang cash in hand at pati na rin
ang perang nasa bangko para mabayaran ang mga supplier natin..."

Natulala si Hailey. Parang ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng bagong Accountant.


Napakatagal na nilang magkaibigan ni Lucio. Dahil din sa Daddy niya kaya nakapag-
aral ito. Malaki ang utang na loob nito sa kanila. Malaki ang tiwala niya rito.

Pero bakit nga ba naging kating-kati ito na umalis? At kung dati naman ay okay
itong kausap siya, ngayon ay parang nilalayuan siya nito. Iniiwasan siya nito.

It can lead to one thing: he is keeping a secret. At nabunyag na ito ngayon.

Mukhang hindi lang pala sasaktan ni Lucio ang puso niyang sumisinta. Mukhang pati
ang future niya at ng business nila ay ganoon rin.

How dare him...


15
KAKAIBA ang bigat ng katawan ni Hailey nang makalabas sila sa huling opisina na
pinuntahan nila ngayong araw. Maghapon siyang naglakad ng mga papeles ng Daddy
niya. Inayos niya ang mga makukuhang claims nito sa insurance at ilang government
agencies. Ilang araw na niyang ginagawa iyon.
Nadagdagan ang lungkot ni Hailey dahil sa ginagawa. Hindi pa sana niya planong mag-
ayos ng claims ng Daddy niya. Pakiramdam kasi niya, sa pag-aayos noon ay mas lalo
niyang mararamdaman na wala na talaga ito. Mahirap pa rin na tanggapin.

Pero kailangan ni Hailey ng pera dahil sa masamang balita na nalaman tungkol sa


finances ng business nila. May mga utang iyon na kailangang bayaran. Pero kahit na
matatagalan pa ang proseso ng claims, at least alam niyang may darating na pera.
Nakiusap na lang muna sila sa suppliers at pumayag naman ang mga ito na mag-extend
sila sa pagbabayad. Halos wala na kasi siyang ipon at ganoon rin ang Daddy niya.
Wala itong naiwang cold cash. Nailagay nila iyon sa pagpapa-ospital ng Daddy niya.

Hindi naman ma-contact ni Hailey si Lucio. Nang unang tawagan niya ito para i-
question ay halatang guilty ito. Iniwasan kaagad siya nito. Nang tawagan niya ito
ulit ay hindi na nito iyon sinasagot. Hindi naman niya alam ang exact address nito
kaya hindi niya ito mapuntahan.

Nakakalungkot ang ginawa ni Lucio. Minahal niya ito at pinagkatiwalaan. Ganoon rin
ng pamilya niya. Pero ni hindi ito marunong tumanaw ng utang na loob. Niloko pa
siya nito. Ang problema pa sa lalaki ang isa rin sa dahilan kung bakit mabigat ang
loob niya nitong mga nakalipas na araw.

"Kumain na tayo bago umuwi," yaya sa kanya ni Jaxon. Kahit pagod ay nagpapasalamat
pa rin siya na nasa tabi niya ito. He became his physical and emotional support.
Ipinag-drive siya nito at sinamahan sa pag-aasikaso ng mga papeles. Kaya kung
tutuusin, hindi pa naman ganoon kahirap ang pinagdaanan niya. Hindi lang talaga
siya sanay na mag-asikaso ng ganito.

Umiling si Hailey. "Sa bahay na lang para hindi magastos,"

Tinawanan siya ni Jaxon. "It's my treat,"

Inikutan niya ito ng mata. "'Yung lunch natin ay treat mo na rin kanina. Ayaw ko ng
maging burden sa 'yo,"

"I like to treat you. Hindi 'yun burden,"

"Pero kahit na. Ayaw ko pa rin. Gusto ko ako na lang ang gagastos. Pero one hundred
pesos na lang ang natitirang budget ko ngayong araw,"

"We can eat a cheap dinner,"

"Like a fifty pesos savers meal?"

"'Di ba may mga nakakain namang tig-thirty pesos lang sa carinderia?"

Namilog ang mata ni Hailey. "Kakain ka roon?"

"Why not?"

"Doctor ka. Metikoloso ka dapat. At hindi lahat ng pagkain sa carinderia ay


malinis..."

"There should always be a first time in everything. Tara na," Hinawakan ni Jaxon
ang kamay niya. Naghanap sila ng carinderia. Pero wala silang makita. Sa halip,
isang isawan ang nakita nila.

"Dito na lang. Mura rin dito. Game ka ba?"

Nakangiting tumango si Jaxon. Um-order sila ng isaw, betamax, barbeque at kanin.


Dinagdagan na rin nila iyon ng soft drinks. May sukli pa nga naman ang one hundred
pesos niya.

"First time kong kumain nito. And even though they said it's dirty, masarap pala."
Wika nito nang maubos ang isang stick ng isaw at betamax.

"Yeah. Paborito ko rin ito."

"Ako naman, paborito ang kasama ka."

"Ha?"

Kinuha ni Jaxon ang kamay niya. Pinisil pa nito iyon. "I am not used to poverty,
Hailey. Pero itong ipinakita mo sa akin ngayon, it can passed as a description of
poverty. But then, I still enjoy. Hindi dahil sa bago ito o na-discover ko na
masarap pala ang ganitong streetfoods. Iyon ay dahil gumaganda ang lahat sa paligid
kapag kasama kita..."

Namula si Hailey. May parte niya ang nagsasabing binobola lang siya ni Jaxon. Pero
kung totoo man, napakasarap naman na pambobola iyon. At gusto niyang maniwala.

Pero kakaloko lang kay Hailey ng isang lalaking ni hindi niya akalaing magagawa
iyon. She knew Lucio since childhood. At si Jaxon ay ilang buwan pa lamang. Mabait
man ito sa kanya at pinapakilig siya, hindi sapat pa rin ang mga iyon para ma-
guarantee na hindi siya nito sasaktan. Bukod pa sa may masamang reputasyon rin ito.
And sooner, iiwan rin siya nito. Babalik ito sa buhay nito sa Maynila.

Tama bang magtiwala at maniwala na siya basta-basta? Lalo na at nararamdaman niyang


ang puso na naman niya ang masasaktan.
16
MABIGAT ang pakiramdam ni Jayden. Ngayong araw kasi ay kailangan na niyang
magpaalam kay Hailey pabalik ng Maynila. Hanggang ngayon na lang na araw ang
ibinigay sa kanya na bakasyon ng ospital.

Kagabi pa naka-empake ang gamit niya. Pero kahit ready na ang mga iyon, hindi pa
ang sarili niya. Mahirap para sa kanya na magpaalam kay Hailey.

"Malapit ng dumilim. Mas mahihirapan ka lalo sa daan kung hindi ka pa aalis


ngayon," wika sa kanya ni Hailey nang mag-aalas singko na ay hindi pa siya
makaalis. Sinamahan niya pa ito sa buong araw na paglilibot at pag-aasikaso sa
operations ng farm. Alas kuwatro na sila nakabalik sa bahay.

Tinitigan ni Jayden ang babae. "Mami-miss kita,"

"Salamat,"

Kumibot ang labi ni Jayden. "Salamat lang?"

Natawa si Hailey. "Ano ba ang gusto mong sabihin ko?"

"Na siyempre, mami-miss mo rin ako..."

"Alam mo na naman siguro iyon. Mahirap rin na wala akong taga-bantay at extra
tulong sa farm,"

Napasimangot si Jayden. It felt like his heart was pricked. "Iyon lang ba ang
tingin mo sa akin?"

Inabot ni Hailey ang balikat niya. "Silly. I'm just kidding you. Mami-miss kita
kasi dahil napalapit na ako sa 'yo. You became a good friend for me. Tinulungan mo
ako at pinasaya na walang hinihiling kapalit,"

Good friend... Hindi pa rin nagustuhan ni Jayden ang sagot ni Hailey. It feels like
he wanted more than that. "Sandali pa lang tayo na nagkasama ay mahalaga ka na sa
akin, Hailey. You're a wonderful girl."

"And so are you. Pero kung makapagsalita ka naman ngayon, parang huli na nating
pagkikita,"

Nagliwanag ang buong paligid kay Jayden. Napangiti na siya. He felt hope. "Will we
meet again?"

"Depende 'yan sa 'yo kung maalala mo pa ako. For sure magiging busy ka na,"

Hinawakan ni Jayden ang pisngi ni Hailey. "I will call you everyday..."

"Hmmm..."

"I promise. At kung may oras ako, bibisitahin kita rito. Once a month, twice a
month or kung puwede every off ko pa, eh. I'm going to missed you and this
place..."

"Okay..." wika ni Hailey at ngumiti na rin. "Mami-miss rin kita at ang lugar na
ito..."

It was music in Jayden's ears. Hindi na niya napigilan na mas ilapit pa ang sarili
kay Hailey. Hinalikan niya ang noo nito.

Bahagyang itinulak ni Hailey si Jayden. "What was that?"

Kumindat lang si Jayden. Lumayo na lang siya kay Hailey at tumalikod na. Hindi niya
pa kasi kayang sagutin kung bakit nga ba hinalikan niya ito. He just feels like it.
At nagustuhan niya iyon kahit sa noo lang.

Kaya lang, hindi sigurado ni Jayden pa sa ngayon kung ano ang totoong nararamdaman
niya. Napakabilis pa ng lahat. Hindi niya nga sigurado kung kaya na ba niyang mag-
commit. Sa buong buhay niya, sanay lang siyang maglaro ng babae. At alam niyang
hindi si Hailey ang babaeng dapat na nilalaro. She's the girl that is rightfully
deserved to have something serious commitment.

Pero sa ngayon ay iisa lang sigurado ni Jayden: babalik siya. Babalikan niya si
Hailey. Gusto niya pang i-discover at hopefully ay mas ma-develop ang magandang
nararamdaman niya para dito.
17
JAXON is calling...

Matagal rin na naghintay at nakatingin lang si Hailey sa cell phone niya nang
makita sa phone screen niya ang pagtawag ni Jaxon. Pero kahit na ito talaga ang
dahilan ng paghihintay niya, hindi niya kaagad sinagot ang tawag. Ayaw niyang
maramdaman nito na excited siya.

Naka-pitong ring muna bago sumagot si Hailey. Masigla ang boses ni Jaxon. "Hello.
How are you?"

"Okay naman. Ikaw?" Pinanatili rin ni Hailey na kalmado ang boses niya.

"Okay lang rin. Walang masyadong pasyente. I'm on my way home,"


"Okay, take care. Drive safely,"

"Yeah,"

Hindi alam ni Hailey kung ano pa ang sasabihin kaya pinatay na niya ang tawag. Ayaw
rin naman niya na istorbohin ito sa pagda-drive. Pero mabilis rin naman kaagad
itong tumawag.

"Bakit mo pinatay? Busy ka ba?"

"Ha? Hindi naman. Kaya lang, sabi mo ay pauwi ka na. Baka nagda-drive ka. Baka
maaksidente ka."

"Yes. Pero naka-bluetooth naman ang cell phone ko sa kotse. Isa pa, mas maaksidente
ako kung hindi kita makakausap. I'm longing to hear your voice. I'm longing to see
you..."

Napapikit si Hailey. It feels so good to hear those words. Lalo na at ganoon rin
ang nararamdaman niya.

Isang linggo na ang nakalipas simula nang umalis si Jaxon sa farm. Tinupad naman
nito ang pangako. Araw-araw siya nitong tinatawagan. Ilang beses pa nga---sa umaga,
pagkatapos ng trabaho nito at bago matulog. Pero parang hindi pa sapat ang lahat.
Nami-miss niya rin ang lalaki.

"T-thank you..." Napalunok pa muna si Hailey bago nagsalita.

"Nagtatampo na ako, ah. Feeling ko ay hindi mo man lang ako nami-miss."

"Gusto rin naman kitang makasama. Ang hirap kaya ngayon ng buhay ko sa farm simula
ng mawala ka," Tumawa si Hailey.

"I'm serious, Hailey."

Tumikhim si Hailey. "Well, nakaka-miss ka naman talaga. Parang matamlay ang


presence ng farm ngayong wala ka na..."

"I'll come there soon..."

"Hmmm..."

Nag-open ng panibagong topic si Jaxon. Kaya naman hanggang makarating ito sa bahay
ay magkausap pa rin sila. Naputol lang iyon ng kailangan nilang maghapunan pareho.
Pero pagkatapos naman ng isang oras ay magkausap pa rin sila hanggang sa pareho na
rin silang nagpaalam para magpahinga.

Talking with Jaxon is becoming a routine. May isang bahagi pa rin niya ang
natatakot. Nasasanay na kasi siya. Pero may bahagi rin niya ang gustong umasa na
may mas malalim pa na development ang mangyayari sa kanila ni Jaxon. Gusto niya.
After all, wala namang signs ng pagiging babaero nito.

Puwedeng magbago ito.

Kaya lang, tama ba talaga na umasa siya? Nasa Maynila ang mundo ni Jaxon. Nasa
Batangas siya. Kahit na ba ilang oras lang naman ang pagitan ng biyahe ay malayo pa
rin kung maituturing iyon. Magkaiba rin ang pamumuhay nila. Busy si Jaxon sa
magulong mundo ng medisina. Samantalang siya ay sa piling naman ng mga hayop at
pananim nila.
Magwo-work nga ba talaga ang isang long distance relationship at magkaibang mundo?
Pero teka nga, wala pa ngang inaalok si Jaxon sa kanya ay kung anu-ano na ang
iniisip niya.

Haay, bakit nga ba ang dali niyang mauto? Ganito ba talaga karupok ang puso niya o
sadyang magaling lang talaga si Jaxon na mambola?
18
LUMUWAS si Hailey nang Maynila para mag-ayos ng ilang business matters. Maaga
siyang natapos kaya naman naisip niyang tumambay muna at gumala sa mall. Mamayang
hapon na lang siya babalik sa Batangas. After all, nasa oplan independent pa rin
siya. Hindi siya sanay na umalis ng walang kasama, lalo na ang mag-mall. Hindi rin
siya kumakain ng mag-isa kapag nasa labas. Palagi kasi siyang natatakot na
mawawalan siya ng makakainan na table at malalagay sa awkward moment. But it turned
out well naman.

Ilang beses rin na pinagtinginan si Hailey dahil mag-isa lang siya. Pero kiber. She
felt liberal with what she did. Masaya rin naman siya.

Pagkatapos kumain ng lunch ay nagpaikot-ikot pa siya sa mall. Hanggang sa


mapagpasyahan niyang manood ng sine. Malayo rin ang sinehan sa bayan nila kaya
naman minsan lang siya makanood ng sine. Tamang-tama naman at showing ang romantic
film ng paborito niyang local actor. Bagong experience rin sa kanya ang manood ng
sine na mag-isa.

Nakapila si Hailey para bumili ng ticket nang tawagan siya ni Jaxon. Nagulat siya
dahil ang alam niya ay may trabaho ito. Pero sinagot pa rin niya ang tawag.

"Hello. May problema ba?"

"Yeah. Miss na agad kita, eh."

As usual, kinilig si Hailey. "Magtrabaho ka na nga,"

"Nah. Tapos na ang trabaho ko ngayong araw. Puwede na akong umuwi,"

"That's good,"

"Ikaw? Anong ginagawa mo?"

Sinabi ni Hailey ang plano.

"Bakit? Teka, nasaan ka ba? Anong ginawa mo ngayong araw?"

Hailey told what is needed.

"'Wag ka munang bumili. Hintayin mo ako. Pupuntahan kita diyan,"

"But---"

"No buts. Basta hintayin mo ako diyan,"

Nasira ang plano ni Hailey. Pero parang nakompleto naman ang puso niya nang makita
si Jaxon. Wala pang thirty minutes ay nakarating na ito sa sinehan. Hingal na
hingal pa ito.

"I'm sorry. Natagalan ba ako? Halos tinakbo ko na nga ang parking lot para
mapabilis,"

Napangiwi si Hailey. "Hindi mo naman kailangang magmadali. Willing naman akong


maghintay."

"Ayokong pinaghihintay ka,"

So hanggang kailan mo ako paghihintayin ng pag-amin mo sa akin? Nasa isip-isip ni


Hailey. Pero siyempre, nakatatak pa rin sa isip niya ang sinasabi ng kanyang Daddy:
hindi dapat ang mga babae ang gumagawa ng first move. After all, na-realize niya na
tama naman talaga iyon. Kung siya pala ang nag-first move kay Lucio noon, baka mas
lalo pa pala siya nitong naloko.

Hindi isinaloob ni Hailey ang nasa isip. Hindi rin niya ipinahalata na kinikilig
siya. Kung gusto talaga siya ni Jaxon, aamin ito.

"I'm okay. Ikaw ang hindi. Kaya magpahinga muna tayo sandali,"

Tumango si Jaxon. "I'm sorry. Nasabik lang kasi ako na makita ka. Pero na-realize
ko na hindi naman pala ako dapat na magmadali. Kapag kasama kasi kita, parang
napakahaba ng oras. Tumitigil kasi ang mundo ko kapag nakikita ka," wika nito at
may pagkindat pa sa kanya.

Siyempre, kinilig si Hailey. Pero kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang
pamumula. Bahagyang tinampal rin niya ang braso ni Jaxon. "Puro ka bola,"

Kinuha naman ni Jaxon ang kamay niya. "I mean what I say. Sometimes, you just have
to trust me,"

Hindi nagkomento si Hailey. Ayaw niyang magread between the lines. Niyaya na niyang
bumili ng ticket si Jaxon. Iginiit nito na ito ang magbayad kaya naman nagpunta na
lang siya sa snacks area. Bumili siya ng makakain nila. Ayaw pa rin nitong pumayag
na siya ang gagastos pero naging mapilit siya.

Pinayagan na lang ni Hailey na hawakan nito ang kamay niya pagpasok sa sinehan. At
kahit nagsisimula na ang pelikula ay nakahawak pa rin ito. Hindi niya tuloy masabi
kung ano ang mas na-enjoy niya---ang pelikula ba o ang pagmoment nila sa sinehan.

Hindi rin ba alam ni Hailey kung ano ba ang lahat ng ito. Bakit niya ba pinapayagan
si Jaxon? Kailangan niya ng kasiguraduhan. Puro pambobola si Jaxon. Magtiwala raw
siya rito, pero paano nga ba siya maniniwala kung wala itong kasiguraduhan na
sinasabi?

Pero masaya si Hailey. Kaya naman kahit natatakot ay parang ayaw niya iyong
pansinin. After all, nakikita rin naman niya na parang wala rin siyang ikakatakot.
Playboy man si Jaxon pero mukhang nagbabago na ito. Kahit kasi malayo, madalas na
nasa sa kanya pa rin ang atensyon nito. Binibigyan siya nito palagi ng oras. At may
bahagi man niya na kahit gustong pigilan ay nagtitiwala talaga kay Jaxon.

Malapit na talagang bumigay si Hailey. Sana nga lang sa pagkakataong ito, hindi na
siya maloko.
19
ALAS singko pa lang ay gising na si Hailey. May usapan kasi sila ni Jaxon na
mamasyal ngayong araw. Susunduin raw siya nito sa farm ng alas nuwebe. Excited
siya. At mukhang ganoon rin naman si Jaxon. Alas otso pa lang ay nasa bahay na ito.
Wala itong pasok ngayon.

"Maaga rin akong nagising. And surprisingly, mabilis ang biyahe..." Niyakap siya ni
Jaxon nang makita siya. "I missed you..."

Ngiting-ngiti si Hailey. Noong isang araw lang naman sila huling nagkita nang
lumuwas siya ng Maynila. Inihatid pa nga siya nito pauwi. They spent time. Kahit
kahapon ay halos maghapon rin silang magkausap. But then, they still both missed
each other. The feeling is mutual.

Sabay silang kumain ni Jaxon ng almusal. Pagkatapos noon ay niyaya na siya nitong
sumakay ng sasakyan para makapunta na sila sa lugar na papasyalan nila.

"Pupunta ba tayo ng Maynila?" tanong niya nang pumasok sila sa tollway. Hindi kasi
sinabi ni Jaxon kung saan siya nito igagala.

Ngumisi si Jaxon. "Yeah. Pero 'wag ka ng magtanong kung saan roon. Let yourself be
surprised,"

"Hmmm..." Curious man ay pinili na rin ni Hailey na huwag magtanong.

Nakarating sila ng Maynila bago magtanghali. Pumasok sila sa isang exclusive


subdivision at tumigil sa isang malaking bahay.

Lumakas ang kabog ng puso ni Hailey. Napalunok muna siya bago nakapagsalita.
"Kaninong bahay ito?"

"Mine,"

"Sa 'yo lang?"

Umiling si Jaxon. "I also live with my parents. You'll meet them today," Bumaba na
si Jaxon ng sasakyan. Inalalayan siya nitong makalabas. Halos nanginginig siya.

"Do not fret. I am here," Kinandatan siya ni Jaxon.

Inirapan niya ito. "Sobrang surprised naman ito!"

"But I'll promise it will be a good one," Pinisil nito ang kamay niya. "Let's go,"

Wala ng naggawa pa si Hailey. Sumama na siya kay Jaxon. Mabuti na lang pala at
nagdress siya ngayong araw. Mukha naman siyang presentable.

Sinalubong si Hailey ng mag-asawa sa pinto. Mukhang ito ang parents ni Jaxon. Pero
alinlangan pa siya dahil parang napakabata pa nito, lalo na ang babae. She looks
stunning even though she just wore a simple blouse and pants.

Pinakilala siya ni Jaxon sa dalawa. Tama naman siya.

"It's nice to meet you, hija." Niyakap at bineso pa siya ng Mommy ni Jaxon. "You
looked lovely,"

Ibinalik ni Hailey ang papuri. After all, she deserves it. Gumaan rin ang
pakiramdam niya dahil parang napaka-welcoming nito. Niyaya na siya ng mga ito na
magpunta sa dining room.

Habang naglalakad ay nauna ang mag-asawa. Nakita niyang sumiko ang Ginang sa asawa
nito. Bumulong ito pero dahil malakas iyon ay narinig niya.

"Mukhang malapit na tayong mawalan ng sakit ng ulo. Mukhang seryoso siya. Ang isang
kambal na lang..."

Nilingon naman siya ng Daddy ni Jaxon. Ngumiti ito at pagkatapos ay tumingin ulit
sa asawa. "Yeah..."

Kumapit naman ang Ginang sa asawa nito. Bahagyang inihilig pa nito ang ulo sa braso
ng asawa habang naglalakad. Tumaba ang puso ni Hailey. They looked so great to
watch. Kahit matanda na ay mukhang in love na in love pa rin. She silently wished
she have that kind of love...

Hindi imposible, Napatingala si Hailey kay Jaxon. Kung ganoon ka-sweet ang magulang
nito sa isa't isa kahit matanda na ay baka ganoon rin si Jaxon. Ganoon rin sila---
kung may sila man in the future. Hindi na dapat niya ikabahala na may hindi ito
magandang simula bilang playboy. After all, narinig na mismo niya sa magulang nito
na mukhang seryoso na si Jaxon.

Everything seems so well, hanggang sa makarating sila sa dining room. Napakunot ang
noo niya nang makitang may lalaking nakaupo roon na kamukhang-kamukha ni Jaxon.
Nasa lap nito ang sa tingin niya ay may tatlong taong gulang ng bata.

"Bakit nandito 'yan?" Kunot na kunot rin ang noo ni Jaxon.

Ngumiti ang kamukha ni Jaxon. "Well, nalaman ko lang kasi na ipapakilala mo na raw
ngayon si Hailey sa pamilya natin. So I thought of coming..."

"Oo nga, Anak. Mabuti nga iyon. After all, madalas ka namang nagseshare ng
experience sa kakambal mong si Jaxon, ah."

"Jaxon?" Base sa sinasabi ng Mommy ni Jaxon, ang tinutukoy nitong Jaxon ay ang
lalaking nasa lamesa.

Tumikhim si Jaxon. Tumingin ito sa ina. Pero napansin niyang medyo nawalan ng kulay
ang mukha nito. "N-nalito na naman si Mommy. Ako si Jaxon. Si Jayden ang kasama ni
MM,"

Umiling ang Ginang. "No. Ikaw si Jayden. Hindi ako puwedeng magkamali. Ako lang ang
nakaka-distinguish sa inyong dalawa na kambal,"

"Well, you are wrong this time. I am Jaxon," Hinawakan ni Jaxon ang likod niya.
"'Wag na nga tayong magtalo. Let's eat. I'm hungry. Mahaba rin ang binyahe namin ni
Hailey,"

Alinlangan man ang Ginang ay sumunod na rin naman ito sa gusto ng anak. Habang
kumakain ay ipinakilala siya ni Jaxon sa kakambal raw nitong si Jayden. Ganoon rin
sa tatlong taong gulang na pamangkin nitong si MM. Anak raw iyon ng panganay nitong
kapatid na si Mikhail. Dahil out of the country daw ang mag-asawa, iniwan muna ang
anak sa poder ng grandparents nito.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na may kakambal ka pala?" Walang kaalam-alam
si Hailey. Hindi nagkuwento sa kanya si Jaxon. Wala rin siyang narinig sa iba na
may kakambal pala ito.

Napakamot ng ulo si Jaxon. "Well, ayaw ko lang isipin mo na may nakakapantay sa


kaguwapuhan ko,"

"Insecure kasi 'yan sa kaguwapuhan ko," sabat ng isa pang kambal.

"Pareho lang tayo ng mukha,"

"Whatever," Nagkibit-balikat ang kakambal. Kumakain ito habang pinapakain rin ang
pamangkin. Maya-maya ay tumingala ito. "But anyway, bakit mo nga pala naisipan na
dalhin si Hailey dito sa bahay?"

"Gusto ko siyang ipakilala sa inyo,"


"That's given. Pero bakit? Sa dami ng babae na nakasama mo, ngayon ka lang nagdala
ng babae sa bahay..."

"Nagbago na ako..."

Tinaasan ito ng kilay ng kakambal.

Hinawakan ni Jaxon ang kamay niya. Pinisil nito iyon. "Can't you just be happy for
me? I finally found the girl that I am serious for. Gusto ko si Hailey kaya naman
gusto ko rin na ipakilala siya sa inyo."

Lahat ay napangiti. Si Hailey naman ay napatulala. Can't this day stop to be a day
full of surprises? Pero dapat pa nga ba siya na ma-sorpresa? Gusto niya na
mangyari.

But it feels so damn good that Hailey is having a hard time to believe it.
Pakiramdam niya ay siya na ang pinaka-masuwerteng babae sa mundo.
20
EXCITED si Hailey. Ngayong araw ay dadalawin siya ni Jaxon sa farm. Off ulit nito.
Pero medyo nabawasan ang saya niya nang makitang may kasama ito.

"Tita Hailey!" Hindi pa man naalis ni Jaxon sa car seat si MM ay inilabas na nito
ang pagkabibo. Kinawag nito ang kamay para mas mapansin niya. Tumakbo naman ito
kaagad sa kanya at nagpayakap nang maalis ang seat belt.

Binuhat ni Hailey si MM. Medyo alinlangan ang ngiti niya. Hindi niya kasi inaasahan
na kasama ito ni Jaxon.

"I missed you, Tita!" Pinugpog siya ng halik ng bata.

"I missed you, too. You surprised me,"

Sumagot si Jaxon. Nagkamot ito ng ulo. "I was surprised, too. Bigla kasing umalis
sina Mommy at Daddy. May trabaho ang iba ko pang kapatid. Hindi ko naman siya
maiwan na mga kasambahay lang ang kasama. I hope it's okay that I bring her
today..."

Kung bibigyan ng chance, gusto niyang si Jaxon lang sana ang kasama. Pero hindi
naman siya selfish. Naiintindihan niya na may responsibilidad rin si Jaxon sa
pamilya. Nang halikan rin siya ulit ni MM ay okay na siya. Mabait at sweet itong
bata. She knew it will be an enjoyable day because of their cute companion.

Nang ikuwento ni Hailey na may mga baka sila sa farm ay nagyaya roon ang bata.
Tuwang-tuwa ito nang makitang may mga nagpapagatas doon. Nakipagkulitan ito at
nagpaturo rin kung paano mag-gatas ng baka. Buong umaga nila ay ginugol nila sa
stable ng mga baka. Amused na amused rin kasi si MM sa mga iyon. Sabi ni Jaxon,
mahilig raw ito sa mga hayop.

Nang tanghalian na ay saka lang sila umalis sa stable ng mga baka. Niyaya niya ang
mag-Tito sa may ilog sa farm para doon kumain ng tanghalian. Dinaanan na lang nila
sa bahay ang pinaluto niyang lunch sa kasambahay.

Nakatuwaan rin ni MM na maligo sa ilog. Halos isang oras itong naglangoy. Napagod
ito kaya naman nang umahon at mabihisan ay nakatulog ito. She slept on her lap
while she was brushing her hair.

"Alone time finally," parang napunta naman ang energy ni MM kanina kay Jaxon. Kahit
mukhang napagod rin naman sa kakahabol kay MM sa paliligo nito sa ilog kanina ay
ngiting-ngiti pa rin ito ngayon.
Napangiti rin si Hailey. Siyempre, gusto rin naman niya ng solo time kasama si
Jaxon. Lalo na ngayong may kasiguraduhan na siya sa nararamdaman nito. She wanted
to spend more time with him as days passed.

Inihiga ni Hailey si MM sa picnic cloth nang maramdamang malalim na ang tulog nito.
Tumabi siya kay Jaxon. Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang ulo niya. "I
love spending time with you. Thanks for the day-off's,"

Tuwing day off ni Jaxon ay routine na nito na dalawin siya. Natatawa na lang tuloy
siya sa sarili niya nang minsang isipin niya na baka hindi naman talaga nagwo-work
ang long distance relationship. Mali siya. No matter how complicated the
relationship is, kung willing na i-work out pareho ay magiging matagumpay iyon.

Inihilig ni Hailey ang ulo sa braso ni Jaxon. Wala pa namang sila pero kung ano-ano
na ang iniisip at ginagawa niya. Pero umamin na sa kanya si Jaxon. Gusto siya nito.
Masama bang iparamdam rito na pareho rin naman sila ng nararamdaman?

Tumikhim si Jaxon. "May ibibigay nga pala ako sa 'yo..."

"Ano?"

May inilabas si Jaxon mula sa bulsa nito. Pagkatapos ay tumayo ito at pumunta sa
likod niya. Naramdaman niyang may isinuot ito sa leeg niya. It was a necklace with
a heart shaped pendant.

Napalunok si Hailey. "B-bakit?"

"Kailangan ba talaga na may dahilan para bigyan kita ng regalo?"

"Ayaw kong tumanggap---"

Umiling si Jaxon. "Kapag di mo tinanggap 'yan, parang hindi mo na rin tinatanggap


ang puso ko,"

Hindi nakapagsalita si Hailey. Siyempre, hindi naman ganoon ang ibig sabihin niya.
Huminga siya nang malalim. "Nahihiya kasi ako sa 'yo. You don't have to give gifts
to me."

"Bakit naman? Ganoon naman talaga kapag nililigawan 'di ba? Binibigyan ng regalo?"

Napakurap si Hailey. "Nililigawan?"

"Inamin ko na gusto na kita, hindi lang sa 'yo kundi sa harap na rin ng pamilya ko.
At 'di ba, once na sinabi mo iyon ay considered na rin na nanliligaw ka?"

Natulala lang si Hailey. Hindi naman siya experts sa relationships.

Napakamot naman ng ulo si Jaxon. "Kasalanan ko nga siguro. Hindi ko nililinaw sa


'yo ang lahat. Hindi ako nagtanong. Hindi kasi ako eksperto kapag ganito. I mean, I
met and date a lot of girls. But you're extra ordinary. You're special to me. First
time kong magseryoso sa babae at nalilito ako. But now, I am asking. Puwede ba
kitang ligawan?"

Dapat ay nagluluksa pa si Hailey sa pagkamatay ng Daddy niya. Pero alam niyang


hindi rin naman iyon ikatutuwa ng Daddy niya. Isa pa, pinagkakatiwalaan ng Daddy
niya si Jaxon para bantayan siya. Ano pa ba ang ikinatatakot niya para hindi ito
pagkatiwalaan sa puso niya? Pinapasaya rin siya nito. Just a sight of him makes her
day complete.
Hailey allowed herself to be happy. She said yes...
21
NANG magmulat ng mata si MM ay napangiwi si Jayden. Parang may nagsabi sa utak niya
na times up! Wala na silang alone time na paglalambingan ni Hailey. Pero
naiintindihan rin naman niya. Hindi lahat ng oras ay palaging sa kanila lang ni
Hailey umiikot ang mundo. Isa pa, responsibilidad niya si MM. Masaya rin naman na
kasama ito dahil sweet at bibo ang panganay niyang pamangkin.

"Are we going home na, Tito?" tanong ni MM nang maggising. Nilapitan siya nito.

Tumingin si Jayden sa relo niya. Alas tres pa lang. Umiling siya. "We'll go home
later,"

"Kailangan ko na pong makauwi bago mag-dark,"

"Bakit? Kasama mo naman ako. You'll be safe,"

"Yeah. Pero sabi po ni Tito Jaxon ay bibilhan niya akong ice cream kapag sinalubong
ko siya pag-uwi. He will arrive before it's dark,"

"Tito Jaxon?" sumabat si Hailey sa usapan. Nakakunot ang noo nito.

Napangiwi si Jayden. Ginulo niya ang buhok ng pamangkin. "You're wrong, Baby. It's
Tito Jayden,"

Umiling si MM. "You are Tito Jayden. I know you. I can recognize both of you,"

Gulong-gulo ang mukha ni Hailey. Parang pinagpawisan naman si Jayden. Hanggang


ngayon ay wala pa itong alam tungkol sa ginawa nilang switching ng kakambal. Hindi
pa siya handa. Wala rin siyang mahanap na tiyempo. Natatakot rin kasi siya na baka
masamain iyon ng babae.

Tumingin si Jayden sa bata. "Sige nga, ano ang pinagkaiba namin ni Tito Jaxon mo?"

"Tito Jaxon spoils me with ice cream. And Tito Jayden don't. He's a pediatircian
and he always says that ice creams are not good for kids,"

Namutla si Jayden. Hindi na siya nagtataka na pamangkin niya ang bata. Matalino
talaga ito kahit tatlong taong gulang pa lang. Nasa genes nila. Pero hindi pala
tama na ipagpasalamat iyon. Dahil sa pagkabibo ng bata, mukhang mahuhuli siya. He
felt caught off guard.

Naningkit ang mata ni Hailey. "Ano ba talaga ang totoo, Jaxon? Nalilito ako. Kahit
ang Mommy mo, Jayden rin ang tawag sa 'yo..."

Huminga nang malalim si Jayden. Dapat ay alam na niyang darating ang araw na ito.
At siguro nga, kung patatagalin niya pa ang lahat ng ito ay baka mas ikasama lang
iyon ng sitwasyon.

He confessed everything.

"I'm not your Dad's Doctor. Pinakiusapan lang ako ng kakambal kong si Jaxon na ako
ang tumayong tagapagbantay mo. Ilang beses na rin naman naming ginawa na mag-shift
bilang kambal kaming dalawa. But I hope you understand why we did it. Hindi ko
naman intensyon na lokohin ka..."

Namutla si Hailey nang matapos siyang magkuwento. "N-niloko mo pa rin ako..."


Clearly, hindi nagustuhan ni Hailey ang nalaman. Pero mas hindi niya nagustuhan na
parang nasaktan ito. He felt hurt, too. Pero mas masakit dahil siya ang dahilan
kung bakit naramdaman iyon ng babae.
22
DUMALAW si Hailey sa puntod ng Daddy niya ngayong araw. Nagdala siya ng bulaklak at
nagsindi ng kandila. Nagdasal rin siya habang inaalala ang ama. Muntik na siyang
mapaiyak pagkatapos.

"I missed you so much, Daddy..." Niyakap ni Hailey ang sarili. But she wished she
was hugging her Dad. Parang ngayon niya pa lang lubos na naramdaman na wala na
talaga ito sa buhay niya.

May bahagi ni Hailey ang nagsasabing kasalanan rin niya iyon. Kung pinatawad niya
si Jaxon---este si Jayden naman pala ay baka may kasama rin siya ngayon. Hindi rin
niya masyadong maiisip ang ama niya dahil ito palagi ang tumatakbo sa isip niya.

Pero mali na isipin pa at papasukin ni Hailey sa buhay niya si Jayden. Mali na


niloko siya nito. They were just starting. At sa una pa pa lang pala ay niloko na
siya nito. Nagpanggap ito.

Hindi maintindihan ni Hailey kung bakit kailangan pa nitong magpanggap. Puwede


naman nitong aminin na hindi ito ang Doctor na kilala niya at kilala ng Daddy niya
noon. And to think na inisip niya pang safe siya sa piling nito dahil
pinagkatiwalaan naman ito ng Daddy niya. But it was his twin. Jayden has a
different kind of personality. Dapat ay nalaman niya na iyon noon pa lang. After
all, naramdaman naman niyang parang iba ang pakiramdam niya sa lalaki noong Doctor
pa ito ng Daddy niya at ang lalaking kasama niya sa farm. Iyon naman pala ay dahil
magkaiba talaga ang dalawa.

Marami silang pinagdaanan ni Jayden. Kaya niyang aminin na hindi lang talaga niya
ito gusto---nahuhulog na rin ang loob niya rito. Pero hindi pala sapat ang
nararamdaman niya para hayaan na lang ang nalaman niyang pagpapanggap nito. Maybe
not now. After all, kaka-betray lang rin sa kanya ni Lucio. Kung ito nga na mas
matagal niyang kilala ay niloko siya. Paano pa si Jayden na sandali pa lang niyang
nakilala at sa una pa lang ay niloko siya? Idagdag pa na may masama itong nakaraan.
Paano na ang hinaharap?

Mahirap man ay pinili ni Hailey na layuan na lang si Jayden. Nang umalis rin ito ay
pinaramdam niyang masama ang loob niya rito. He tried to reach out by calls and
messages. Pero kahit isa ay wala siyang sinagot. She made it clear to him by her
coldness that she is no longer interested. Other than the messages and calls naman
ay wala pa itong ginagawang pagri-reach out. May bahagi niya ang nagsasabing baka
hindi naman talaga ito seryoso. O ganoon na lang ang gusto niyang isipin para
mawala rin ang guilt sa puso niya.

Kung tutuusin, mababaw lang ang dahilan ni Hailey para magalit kay Jayden
samantalang napakadaming naggawa nito para sa kanya. But then, it hurts. Dapat ay
alam ni Jayden na masakit ang maloko, lalo na sa mga pinagdaanan niya sa mga
nakalipas na linggo at buwan.

Nasasaktan si Hailey. Pero sinusubukan niyang maging positibo. Siguro kaya ibinigay
sa kanya ang pagsubok na iyon para tumigil na siya na maging mapagtiwala. Ngayong
nag-iisa na siya, mas kailangan niyang ingatan ang sarili niya. Wake up call na rin
siguro iyon dahil kailangan rin niyang magluksa muna bago hayaan ang sarili na
maging masaya talaga.

"Pero magiging okay rin ako, Daddy. Malaki na ako 'di ba? Pero nakakainis ka naman,
eh! Hindi ko kailangan ng taga-bantay. Kaya ko naman. Kakayanin ko. Pero parang mas
lalo pa akong nahirapan dahil sa ginawa mo," hindi maiwasang magtampo tuloy ni
Hailey sa ama.

But then, Hailey thinks she just needs to pour her heart out. Nang mapagdesisyunan
rin niyang umalis na ng sementeryo ay gumaan rin ang pakiramdam niya. Nakakangiti
na ulit siya. Nawala lang ulit iyon nang may makita siyang magkasintahan sa may
labas ng sementeryo. Mukhang ang saya-saya ng mga ito---magkaholding hands pa.

Napatingin tuloy si Hailey sa kamay. Ipinagdikit niya ang mga iyon. From now on,
sariling kamay na lang niya ang hahawakan niya. May bago na namang nadagdag sa
oplan independent niya.

But again, she felt empty.

Nagkaroon ng mga "sana" sa isip si Hailey. Sana ay hindi siya nag-iisa. Sana ay may
kahawakan rin siya ng kamay. Sana ay nasa tabi niya si Jayden...

Ipinikit ni Hailey ang mga mata. Gusto niyang maiyak. But she holds her tears. It's
not worth it. Ipinilig niya ang kanyang ulo at tumingala. She asked for guidance
instead.

Kung kinakaya nga niya na wala ang Daddy niya na buong buhay niyang kasama, paano
pa si Jayden na wala pang isang buwan niyang nakalapit at nakasama? Makakaya niya
na wala ito sa buhay niya.

Sana.
23
"TITO Jayden, can you give this to Tita Hailey?"

Hindi pa man nakikita ang ipabibigay ni MM kay Hailey ay nakaramdam na kaagad siya
ng lungkot. Hearing and remembering her name makes him feel sad. At mas nalungkot
pa nga siya nang makita ang inabot sa kanya ng pamangkin. It was a stick man
drawing of him, Hailey and the kid herself. May label ang drawing nito. May puno at
ilog roon---parang ang lugar kung saan nila ipinasyal ito.

"I missed her. Gusto ko rin sanang pumunta ulit sa farm nila. But Daddy and Mommy
is here na. Baka matagal na ulit bago ako makasama sa 'yo kapag bumalik ka. Kaya
bibigyan ko na lang siya ng gift," dugtong pa ulit ng bata. Tama ito. Kakauwi lang
ng stepbrother niyang si Mikhail at ang asawa nitong si Sari mula sa out of the
country trip ng mga ito.

"That's so nice. I'll try to give it to her," sagot na lang niya at ngumiti.

"Try? Why can't you just tell that you'll give it to her. Gusto ko makita talaga
niya 'yung drawing ko. Ganda 'di ba?"

"Yes, it's nice. And yes, she will have it and she will love it," wika na lang niya
para wala ng maging pagdududa si MM.

"Thank you, Tito! You're the best!"

Kung tutuusin, nakakatuwa ang sinabi ng pamangkin. Pero hindi niya iyon na-
appreciate. Best nga ba siya kung ngayon ay nilayuan siya ng babaeng gustong
regaluhan ng pamangkin niya? Ng babaeng gusto nito at gustong-gusto rin niya?

Naiintindihan naman ni Jayden ang galit sa kanya ni Hailey. Kasalanan naman niya na
pinanlalamigan siya nito. Pero nasasaktan siya. Kahit na anong suyo niya sa text ay
wala itong sagot. Hindi rin nito sinasagot ang tawag niya.

Siguro ay kulang pa, naisip ni Jayden. After all, napaka-cheap rin naman kung sa
text at tawag niya lang ito susuyuin. But he is also busy. Marami siyang regular na
pasyente na sabay-sabay na nagkasakit ngayon. Hindi niya basta-basta na maiiwan ang
trabaho niya. Ganoon pa man, kapag nagkaka-oras siya ay sinusubukan pa rin niyang
tawagan at i-text ito. Ayaw niyang mawalan ng pag-asa.

Pero parang unti-unti ng nawawalan ng pag-asa si Jayden. Hindi niya kasi matanggap
rin na kaya siyang tiisin ni Hailey. Handa naman siyang bumawi rito. Isa pa, buong
akala niya ay nagugustuhan rin siya nito. Pero kung ganoon nga, bakit napakatigas
naman ng puso nito?

May nagsasabi kay Jayden na baka mali siya. Baka hindi naman talaga siya gusto ni
Hailey. It made him feel sad. Pero mas nakakalungkot yata kung susuko na lang siya.

Tumingin ulit si Jayden sa binigay na drawing ni MM. Lahat sila ay nakangiti roon.
And he imagined Hailey's real smile. It was so beautiful. She is so special.

At ang mga taong special, hindi dapat basta-bastang sinusukuan.


24
ALAM ni Hailey na malaki na ang naging self-improvement niya. Nakakapagluto na siya
ngayon ng hindi lang basic na lutuin. Gumagaling na rin siya sa pagda-drive. In
fact, balak niyang kumuha na ng student driver license sa isang araw. Pagkatapos
noon ay non-professional driver's license na para puwede na rin siyang makapag-
drive sa labas.

Hindi na rin masyadong umaasa si Hailey sa mga tauhan nila sa farm. Kaya sa halip
na magpahatid sa errand boy sa farm papunta sa stable ng mga baka ay siya na mismo
ang nagdrive ng pick up truck papunta roon. Nakabalik na sa farm ang ilan sa mga
nagbakasyong tauhan. Hindi na siya mahihirapan. Pero gustong matuto talaga ni
Hailey. Isa pa, ilang beses na rin naman na ginawa niya iyon. Marunong na siya.
Hindi na rin siya natatakot.

Pero nang may makasalubong siya sa daan ay kinain niya ang sinabi. Natakot siya
nang makilala kung kanino na namang sasakyan ang nakasalubong niya.

Jayden...

Inalala ni Hailey ang araw ngayon. It was Jayden's day off. Malamang ay ito talaga
ang nakasakay sa kotse.

Bakit pa? Hindi ba siya marunong umintindi? Naiinis si Hailey. Pero mas lalo siyang
nainis nang maisip naman ang puwedeng gawin ni Jayden. Malamang ay susuyuin siya
nito. Paano kayang pagsuyo? Haharanahin? Pagsisilbihan? O baka mamaya ay daanin
siya nito sa dahas!

Namula si Hailey. Ano ba naman ang pinag-iisip niya? At bakit parang natataranta
rin siya? Kung naiinis siya rito, bakit naapektuhan siya sa lalaki?

Parang nawala si Hailey sa sarili niya dahil sa presensiya ni Jayden. And she
didn't expect that she will suffer the consequences of it so soon...

Bumalik lang sa realidad ang isip ni Hailey nang makaranig siya nang parang
bumanggang tunog. Nanlaki ang mata niya nang makitang may usok sa harapan ng kotse
niya. And then she realized, hindi na pala sila magkasalubong na lang ni Jayden.
Magkalapit na rin sila---ang mga sasakyan nila!

Nakagat ni Hailey ang ibabang labi. Bakit ba siya palaging naaksidente kapag nagda-
drive at nakakasalubong si Jaxon? It was all her fault. Kagaya ng dati, malalim rin
ang tabihan ni Jayden. Mahihirapan itong iwasan siya.
Sa pangalawang pagkakataon, nabangga na naman niya ang sasakyan ni Jayden. Pero ang
mas ikinabahala ni Hailey ay mukhang hindi na lang basta gasgas iyon...
25
HAILEY hated Jayden. But now, she hated more herself. Pabalik-balik siya sa
paglalakad sa waiting area ng emergency room. Dinala roon si Jayden matapos
makitang may dumugo sa ulo nito dala ng impact ng pagkabangga niya rito. Naumpog
raw ang ulo nito.

May malay naman si Jayden nang dalhin sa ospital. In fact, ito pa ang nag-drive rin
papunta sa ospital. Sasakyan rin nito ang gamit nila. May sira rin iyon dahil
nabasag ang isang headlight. Pero mas safe naman iyon na sakyan kaysa sa pick-up
truck. Umusok kasi bigla iyon. Pero bago pa man sila umalis ay nawala rin ang usok.
Pinabantayan na lang muna nila iyon sa isa sa mga tauhan ng farm na nakakita ng
insidente.

Pero kung ano pa man na mangyari sa pick up truck ay wala ng pakialam si Hailey.
Mas mahalaga ang buhay nila---ni Jayden. Kahit mukhang magiging okay rin naman ito
dahil maliit lang naman ang sugat sa ulo ay natatakot pa rin siya. Paano kung
magkaroon ng bukol? Paano kung sa loob? Paano kung magkaroon ito ng sakit sa utak?

Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas mula sa cubicle ang Doctor ni Jayden.


Pagkatapos nitong i-CT scan ay nakipag-usap muna ito sa Doctor.

"Ano na pong lagay niya, Doc? May dapat po ba kayong ikabahala?"

"He will stay here for the night. He will be under observation. Sumasakit raw kasi
ang ulo niya,"

Napalunok si Hailey. "Oh God..."

Hinawakan ng Doctor ang balikat niya. "It's normal. Naalog ang ulo niya. Kung
tutuusin, puwede ko na siyang pauwiin. It's my suggestion, too. But he insists. To
follow na lang sana ang result ng CT scan niya. Pero mas mabuti raw na makasigurado
kaya dito na muna siya ngayong gabi,"

"But will he be fine?"

"It's just a minor injury," Napakamot ang Doctor. "Hindi ko rin sana nga isa-
suggest ang CT scan. Pero dahil siya na mismo ang nag-open up at may gusto noon ay
hinayaan ko na. He is fine."

Huminga nang malalim si Hailey. Mukhang sigurado naman ang Doctor. Pero hirap pa
rin siyang kumbinsihin.

Nagpaalam na ang Doctor. Ang nurse na daw ang bahala sa kanila ngayon at kung paano
sila lilipat sa hospital room. Habang naghihintay ng go signal nang paglipat ay
pinuntahan niya ito.

"K-kumusta ka na? Sumasakit daw ang ulo mo?"

Matagal na tinitigan siya ni Jayden. Parang natutulala ito.

"Jayden?"

"Sino ka?"

Namutla si Hailey. "Seryoso ako, Jayden!"

Muntik ng matampal sa braso ni Hailey si Jayden nang tumawa ito. "Papasa na ba


akong best actor?"

Inirapan niya ito. "Manloloko ka talaga,"

"At ikaw naman, palagi na lang hinahabol ng aksidente," Napailing-iling si Jayden.


"Magpatingin ka rin. Baka mamaya ay may nadali rin sa 'yo na hindi mo lang kaagad
maramdaman,"

"I'm fine. Naka-seatbelt ako,"

"We have to be sure---"

"Isipin mo muna ang sarili mo, Jayden."

"Hmmm... Pero paano ka naman, Hailey? Iniisip mo rin ba ako?"

"What do you mean by that?"

"Ngayon. Nag-aalala ka ba sa akin o nakokonsensya lang? Aalagaan mo ba ako ngayong


kailangan kong i-admit?"

"I don't have any choice..."

Bumagsak ang balikat ni Jayden. "I see. Nakokonsensya ka lang."

Hindi na sumagot si Hailey. But it's clear to her that he hurt the guy. Pero kahit
may kasalanan siya rito ngayon, ayaw niyang iparamdam rito ang totoo. Ayaw niyang
lumaki ang ulo nito.

Natatakot si Hailey. Nag-aalala siya. But it's not because she is the one to blame
for the accident. It is because somehow, she still cares. And somehow, kinaiinis
rin niya iyon.

Kung galit nga siya rito, bakit nag-aalala pa siya rito? Pambihira! Ano kayang
klaseng witchcraft ang ginamit sa kanya ng lokong lalaking ito?
26
"PUPUNTAHAN ka namin!" Nag-aalalang wika ng Mommy ni Jayden. Tinawagan niya ito at
ipinaalam ang lagay niya.

"It's okay, Mom. Minor accident lang naman ito. Bukas ay lalabas na rin ako,"

"Kahit na! Nag-aalala ako. Isa pa, sinong magbabantay sa 'yo diyan sa ospital?"

"Iyon na nga, Mommy. Gusto kong si Hailey lang ang magbabantay sa akin kaya 'wag
niyo na akong alalahanin,"

"Willing ba siyang alagaan ka?"

"Wala siyang choice. Kasalanan niya kung bakit ako nandito," Ngingisi-ngising wika
ni Jayden.

Lumabas si Hailey para bumili ng hapunan. Mag-isa lang siya sa hospital room niya
kaya puwede siyang magkuwento tungkol rito.

"At mukhang masaya ka pa,"

"Siyempre. I can use this chance to be with her again, especially that I was given
a one-week additional leave," Nang ipinaalam niya sa ospital ang tungkol sa lagay
niya ay kinonsider nito ang nangyari at binigyan siya ng isang linggong sick leave.
Hindi naman mahigpit ang ospital. After all, may bagong dating na pediatrician sila
sa ospital. Ito muna at ang isa pang pedia roon ang hahawak sa pasyente niya.

"So you're not really hurt?"

"As I said, it's just a minor accident. Puwede na nga akong umuwi. Gusto ko lang
magpa-confine para naman ma-feel ko na maalagaan,"

"Nagkukunwari ka na naman," Napapalatak ang Mommy niya. Alam nito ang panlalamig na
ginawa sa kanya ni Hailey. "Baka ikapahamak mo na naman 'yan, ah."

"No, Mommy. Magpapa-bebe lang," Tumawa si Jayden. Ilang sandali pa ay nagpaalam na


siya sa mukha namang kalmado ng Mommy niya.

May isang bahagi rin ang nagsasabi kay Jayden na mali itong ginagawa niya. Oo,
naaksidente siya. But he is a Doctor and he clearly knew that he is just totally
fine. Hindi rin sumasakit ang ulo niya---sinasabi lang niya para mag-alala sa kanya
si Hailey. Gusto niyang makitang nag-aalala ito, na inaalagaan siya nito. At
mukhang effective naman ang drama niya.

Ilang sandali rin pagkatapos ang tawag ay dumating na si Hailey. Infairness, mas
mabilis kaysa sa inaasahan niya ang pagbalik nito. Mukhang ayaw siya nitong maiwan
nang matagal. Gusto niyang mapangiti dahil sa naisip. Kaya lang, masisira ang drama
niya. Kailangan niyang magmukhang may sakit para mas maalagaan siya nito at
mapalapit ulit ito sa kanya.

"Anything wrong?" May pag-aalala ang boses ni Hailey nang makita siya nitong
hinahawakan ang ulo. Lumapit ito sa kanya kaagad pagkatapos ibaba ang biniling
pagkain.

"Medyo masakit lang," Ngumiwi pa si Jayden bilang parte ng drama niya.

"Baka gutom na 'yan," Hinawakan ni Hailey ang kanyang ulo. Medyo nanginginig pa ang
kamay nito. "Kumain na tayo,"

"Hmmm..."

Inasikaso siya ni Hailey. Pansin niyang nanginginig pa rin ang kamay nito. Medyo
nakokonsensya tuloy siya. Nag-iinarte siya samantalang mukhang nahihirapan ang
babae.

Nang maayos na ni Hailey ang pagkain ay akmang susubuan siya nito. Pero pinigilan
niya ito. "Kaya ko na,"

Umiling si Hailey. "'Wag na. Baka kapag gumalaw ka pa, mas lalong sumakit ang ulo
mo. Susubuan na kita,"

Hindi nagpapigil si Hailey. Sinubuan na nga siya nito. Na-appreciate naman niya
iyon. Kaya nga lang, nakokonsensya lalo siya. Dapat ay hindi niya ginagawa ito kay
Hailey. Hindi dapat siya nagpapanggap na naman.

Pero natatakot si Jayden. Paano kung hindi nangyari ang aksidente? Magiging mabait
ba sa kanya si Hailey? Hindi siguro. Malamang ay hindi rin niya ito malalapitan.
Ramdam niyang galit pa rin ito sa kanya. Inaalagaan man, iba pa rin ang pakikitungo
nito sa kanya noon kaysa sa ngayon.

This is Jayden's only choice. Kung hindi niya ito madaan sa santong dasalan, mas
mabuti pa ngang daanin niya ito sa santong paspasan.
Pero maging successful nga kaya?

Hmmm...May bahagi niya ang nagsasabing hindi. But then, he wanted to take chances.
Bahala na!
27
DAHIL sa nangyaring "aksidente" ay sa farm na muna pinatuloy ni Hailey si Jayden.
Pumayag naman si Jayden. Makakabuti nga raw iyon dahil fresh ang hangin sa farm.
Mas magiging maganda ang recovery nito---kahit na ba naka-recover na naman talaga
ito. Ang sabi ng Doctor, wala talagang dapat ipag-alala sa lalaki. Clear at maayos
ang mga test nito. Kahit may sugat rin sa ulo, kung gugustuhin ay puwede na ulit
itong bumalik sa trabaho.

Pero susulitin raw ni Jayden ang leave na ibinigay rito ng ospital. Okay lang naman
sa kanya. After all, nakokonsensya pa rin siya sa aksidente na nangyari.

Inasikaso pa rin ni Hailey si Jayden nang makauwi. Halos nagpahinga lang rin naman
ito at ganoon rin siya. Nakakapagod rin ang bantayan ito sa ospital. Mabuti na lang
at naroroon ang kasambahay. Ito na ang naging abala sa pagluluto ng hapunan nila.

Pagkatapos ng hapunan ay nagpababa lang sila ng kinain at nagpahinga na ulit.


Inasikaso niya ang tutulugan ni Jayden. Pero nang matapos ay hindi siya nito
pinaalis kaagad.

"Bakit ka aalis?"

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Magpapahinga na rin ako,"

"Yeah. Pero hindi ba dapat ay sa tabi kita matutulog?"

"Ano?!"

Tinapik ni Jayden ang space sa tabi ng kama nito. It's a queen sized bed kaya
malaki. "Dito ka na matulog. Kailangan mo pa akong bantayan,"

"You are already fine on your own,"

"I don't feel so,"

"Ibabalik na ba kita sa ospital?"

Hindi nagsalita si Jayden. Sa halip, napahawak ito sa ulo. Biglang lumakas ang
tibok ng puso niya. Nag-alala at natakot siya. "B-bakit?"

"Medyo sumasakit pa rin, eh. I think you still need to observe me,"

Nag-alinlangan si Hailey. Naniwala siya sa Doctor na okay na naman si Jayden.


Napakaliit na aksidente lang naman ang nangyari. Pero hindi naman ang Doctor ang
nakakaramdam 'di ba? Puwede rin itong magkamali. At baka nga hindi pa talaga kayang
mag-isa ni Jayden.

Nakokonsensya rin si Hailey na iwan si Jayden sa lagay nito ngayon. Parehong nasa
itaas ng bahay ang kuwarto nila ng kasambahay. Paano kung sa gitna ng gabi ay
makaramdam ng sakit si Jayden? Walang tutulong rito. Mas mabuti nga siguro na doon
na siya matulog.

Pero makakabuti man kay Jayden, mukhang hindi naman para kay Hailey. Makakatulog
nga ba siya kung katabi niya ito sa kama? Well, puwede naman siyang matulog sa
sahig. Pero takot siya. Baka kasi mamaya ay may ipis o daga na makapasok sa kuwarto
at gumapang sa kanya. Baka lalo siyang hindi makatulog sa takot.
Ah bahala na nga!

Pumayag si Hailey. Kinuha niya ang unan, kumot at pati na rin ang isa pang mahabang
unan sa kuwarto niya. Tumabi siya kay Jayden at pinangharang ang mahabang unan sa
pagitan nila.

Ngiting-ngiti si Jayden. Gusto rin niyang mapangiti. Pero bakit? Hindi niya gusto
ang set-up 'di ba? Medyo napipilitan rin siya. Pero hindi niya maitanggi na masarap
rin sa pakiramdam ang katabi ito kahit may space pa. Nararamdaman niya ang init
nito. It feels good.

"What?" tanong niya rito nang medyo nailang na siya sa ngiti nito.

Umiling si Jayden, pero nakangiti pa rin. "Nothing. Good night,"

"Good night," wika rin ni Hailey at tumalikod na rito. Pumikit siya. Pero sampung
minuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya makapag-concentrate. At mukhang
ganoon rin naman si Jayden. Maya-maya ay umungol ito.

Nilingon ni Hailey si Jayden. Binuhay niya ang beside table lamp. "Is there
something wrong?"

Tumango si Jayden. "Kailangan ko yata ng gamot,"

"Anong gamot? Teka, titingin ako sa---" Naputol sa pagsasalita si Hailey nang
kuhanin ni Jayden ang ulo niya. Sa gulat niya ay hinalikan nito ang labi niya.

Ngiting-ngiti ang loko nang matapos. "'Yan ang kailangan kong gamot,"

Natulala si Hailey. Pero alam niya sa sarili niyang namumula siya. What the hell
did he do? And why the hell did she let it happen? At parang malaking bahagi rin
niya ang ayaw magprotesta. It was unexpected and rough, yet she likes it.

Parang natutunaw ang puso ni Hailey sa nangyari. All she can see now is the beauty
of the kiss, hindi ang kasalanan ng nanghalik sa kanya. Ganito na ba talaga siya
kabilis magpatawad? O siguro ay desperada na siya? Uggh! Sinasabi na nga ba at mali
ang alagaan niya si Jayden. Iyon tuloy at napapalapit pa siya rito.

Everything that is happening is torture. Pero sino ba ang may kasalanan? At bakit
ba kinikilig siya kahit alam niyang mali?

Uggh talaga!
28
"SAAN ka pupunta?"

Natigil sa pagkausap sa errand boy sa farm si Hailey nang marinig sa likuran niya
si Jayden. Gising na pala ito. Nang lingunin niya ito ay nakakunot rin ang noo
nito.

"Uhmm... Mag-grocery, bakit?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Napahalukipkip si Hailey. "Bakit ko naman kailangang sabihin? Isa pa, akala ko ay


tulog ka pa."

"Yeah. Medyo na-late ako ng gising. Napasarap yata ako ng tulog kasi may katabi
akong maganda,"
Ngumisi si Jayden. Awtomatikong namula naman ang mukha niya. Naalala na naman niya
ang pagtabi nila sa pagtulog. Nakatulog naman siya. Kaya lang, ilang beses rin
siyang naggising. At sa tuwing nagigising siya ay nahihirapan ulit siyang
makatulog. Para kasi siyang nagkape ng ilang beses. Nagpapa-palpitate ang puso niya
kapag naalalang magkatabi sila ni Jayden. Ilang beses rin siyang natutuksong
tumingin sa payapang mukha nito, lalo na sa mga labi nito. It was so kissable and
she remembers how well the kiss they shared. Ilang beses rin siyang na-tempt na
nanakawan ito ng halik habang tulog.

Naglihis ng tingin si Hailey. Mahirap man na hindi ipahalatang kinikilig siya ay


sinubukan pa rin niya. "Kumain ka na,"

"Mamaya na. Sasamahan muna kitang mag-grocery,"

Umiling si Hailey. "Baka kailangan mo pang magpahinga,"

"Err, I'll be restless when you are not around,"

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Medyo OA na yata 'yan,"

Nagkamot ng ulo si Jayden. "Is it bad that I just want you forever in my side,
Hailey? After all, ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko rito. Kaya 'wag mo naman sana
akong pabayaan. Gusto kitang makasama,"

"Mapapagod ka lang kapag nag-grocery,"

"Kahit naman hindi mag-grocery, pagod na talaga ako. Paano, ang makita ka pa lang
ay parang inaatake na ang puso ko sa lakas ng pagtibok nito. Nakakapagod rin 'yun,
ha!"

Inirapan ni Hailey ang lalaki. "Then better that I'll be gone,"

Natatawang pinigilan naman siya ni Jayden. "Ikaw naman. Banat lang 'yun. Pero
nakakapagod man, napakasarap rin naman na pakiramdam iyon..."

"Hmmm..."

"So please, can I come with you?" Nag-puppy eyes pa ang lalaki.

Napabuntong-hininga si Hailey. Mukhang wala na naman siyang magagawa. "Sige na.


Pero kumain ka muna,"

Hinintay ni Hailey si Jayden. Pagkatapos ay nag-ayos na rin ito. Ang errand boy ang
pinagdrive niya papunta sa malaking grocery store sa bayan. Natakot na kasi siyang
sumubok ulit na magdrive dahil na rin sa pangalawang aksidente niya. Ayaw naman
niyang magdrive si Jayden dahil na rin sa recently na pagkaka-ospital pa lang nito.

Habang naggrocery ay pinilit ni Jayden na ito pa mismo ang magtulak ng cart.


Inirapan na niya ito at lahat ay hindi pa rin ito nagpapigil. Sa huli, hinayaan na
rin niya ito. After all, nasa tabi naman siya nito. Kung may mangyayaring masama
man rito ay madali niya itong matutulungan.

Pero mukhang okay na talaga ang lalaki. Ngiting-ngiti ito habang nag-grocery.
Tinutulungan rin siya nitong mamili ng products na dapat ay bilhin niya.

"Mukhang sanay na sanay ka, ah."

Nagkibit-balikat si Jayden. "Sinanay kami ni Mommy. Madalas kaming sumama sa kanya


kapag nag-grocery siya o magshopping,"

"Bakit?"

Ngumisi si Jayden. "Maraming babae ang nagkakagusto sa mga lalaking malapit at


mabait sa Mommy nila. They always thought they are nice kind of guy. Madalas kaming
may nakukuhang date kapag sumasama kay Mommy sa shopping,"

"Ah," Napatango-tango lang si Hailey. Hindi niya alam ang mararamdaman. May bahagi
niya ang naiinis. Nauungkat kasi ang pagka-playboy ng lalaki. At ayaw niyang
maungkat ang pagiging playboy nito.

May inis pa rin sa puso ni Hailey. Pero masaya pa rin siya. Hindi niya maitanggi
ang kilig niya kapag nasa tabi niya ang lalaki.

Nagulat si Hailey nang akbayan siya ni Jayden. Tinignan niya ito. "B-bakit?"

"From now on, hindi na ako sasama kay Mommy na mag-shopping at mag-grocery,"

"Ha? Bakit naman?"

"Dahil ikaw na ang sasamahan ko palagi," Kinindatan pa siya nito.

Tinanggal ni Hailey ang kamay ni Jayden. "Wala naman tayo. Isa pa, kung mayroon
man, hindi naman kita pagbabawalan na sumama sa Mommy mo. After all, she is your
family. Hindi dapat kita ilayo sa kanya,"

"Still, hindi ko na gusto ang mga dati naming gimik. Ayaw ko ng kumuha pa ng
atensyon ng iba pang babae. I want my attention only on you. From today until
forever,"

Sinalubong ni Hailey ang tingin ni Jayden. Napahawak rin tuloy siya sa push cart.
Parang nanghina kasi siya sa klase ng tingin nito. It was soothing it made every
part of her body melt. Parang totoong-totoo ang sinabi nito.

"Naloloko ka na," Napailing-iling si Hailey. Sinubukan niyang huwag ipakitang


apektado na naman siya.

"Naloloko na sa 'yo," Nakakaloko rin ang ngiti ni Jayden. Kinuha nito ang kamay
niya. Pagkatapos ay tumingin ito sa paligid. "Sa totoo lang, natatakot rin ako na
sumama na mag-grocery kasama ang ibang tao. Because this work, it feels like only
for families. At aminado naman ako na playboy ako. Hindi ko makita ang sarili ko na
lumalagay sa tahimik. Hindi ko makitang bumubuo ng pamilya. But now that I am with
you, all of my before thoughts were gone. Ready na akong magkapamilya...basta ikaw
ang kasama..."

Tinitigan naman siya ni Jayden. Again, he looked very serious. Natulala na lang si
Hailey. Parang natunaw na talaga ang lahat sa kanya. She felt speechless. She was
so overwhelmed.

Hindi na talaga maikakaila ni Hailey---she is spellbound. Galit siya kay Jayden.


Ayaw na niya rito. Pero hindi na nga lang siguro niya gusto ang lalaki. Mahal na
niya ito. Dahil ang taong nagmamahal, marunong magpatawad. At hindi pa man
nakakapag-effort na mag-sorry si Jayden sa kanya ay napatawad na niya ito.

Hailey's love already forgiven Jayden...


29
NAGULAT si Hailey nang dumating ang Linggo ay dumating rin ang pamilya ni Jayden.
Present ang Mommy, si Jaxon at ang isa pang kapatid ni Jayden na si Sid. Kasama rin
ni Sid ang girlfriend raw nito na si Jillian.

"Pasensya ka na, Hija, ha. Biglaan ang pagpunta namin. Na-miss ko na kasi itong isa
sa kambal ko..." Kinurot ng Ginang ang pisngi ni Jayden. "Kumusta ka na ba? Hindi
mo ako ni-replyan sa text ko sa 'yo kahapon,"

Napakamot ng ulo si Jayden. "Sorry, Mom. Nawala sa isip ko. Pero nandito na naman
kayo. You can see me now..."

"Okay ka na ba talaga?"

Tumango si Jayden. Kinumusta nito ang mga kapatid nito. Tinaasan nito ng isang
kilay si Sid. "Himala at sumama ka,"

"Hindi naman ako introvert 'no. Isa pa, may pakay rin ako kaya pumunta ako rito,"
Ngingisi-ngising wika ni Sid. May ibinigay itong envelope kay Jayden. "Next week na
'yan,"

"Next week?" takang tanong ni Jayden. Binuksan nito ang envelope. Nanlaki ang mata
nito nang makitang wedding invitation iyon.

Gulong-gulo na napatingin si Jayden kay Sid at Jillian. "Ikakasal na kayo next


week? Teka, ni hindi ko nga alam na nagpropose ka sa kanya!"

Ngumisi si Sid. "Matagal ko na siyang kinukulit. Pero alam mo naman na bread winner
itong pinakamamahal ko. Ang tagal bago um-oo. Pero dahil noong isang araw ay
napikot ko na rin, ayaw ko ng patagalin pa. We will have a simple wedding next
week. Abay ka," Kinindatan ni Sid si Jayden. Tumingin ito sa kanya. "You're
invited, too, okay?"

Nagulat si Hailey. "I-I'll see..."

"What I'll see?" sabat ng Mommy ni Jayden. "You will go. We won't accept no for an
answer..."

Gustong mapangiwi ni Hailey. Bakit siya invited? Ito nga ang first time na makita
niya ang magkarelasyon. Pero kung ituring siya ng mga ito ay parang pamilya na.
Ganoon pa man, nakaka-amuse rin iyon. Napaka-welcoming sa kanya ng pamilya ni
Jayden.

Mukhang naramdaman ng Ginang ang nararamdaman ni Hailey. Hinawakan nito ang balikat
niya. "Hindi na sikreto sa pamilya namin na gusto ka ng anak ko. Kaya naman kino-
consider ka namin na pamilya na. You are welcome to join family events from now
on..."

Nanuyo ang lalamunan ni Hailey. Na-touch siya sa narinig. "T-thank you po,"

Niyakap siya ng Ginang. "You're always welcome, Anak..."

Doon gustong maiyak ni Hailey. Bakit parang napakabait yata sa kanya ng mundo
ngayon? Kamamatay lang ng Daddy niya. When it happened, she felt she had no family
anymore. Pero ngayon ay nabigyan siya ng bago---mabait at tanggap na tanggap pa
siya.

Palaisipan pa rin kay Hailey kung bakit siya ipinagkatiwala ng Daddy niya kay
Jaxon. Walang naiwang sulat ang Daddy niya. Lalong hindi na rin niya malalaman iyon
sa mismong bibig ng ama. Pero kahit na ba hindi mismo ang lalaki ang nag-alaga sa
kanya ay parang nagkaroon na rin siya ng kasagutan. Mabait ang mga ito. Siguro rin
ay dahil sa Doctor---iniisip ng Daddy niya na magaling mag-alaga ang mga ito. Pero
kung anuman, mukhang alam talaga ng magulang ang makakabuti para sa anak. Ang
makasalamuha ang pamilya Harris ay isang malaking blessing. Tinanggap siya ng mga
ito at welcome sa pamilya.

Mas lalong naramdaman ni Hailey na may bago na nga siyang pamilya nang i-welcome
niya sa bahay ang pamilya ni Jayden. Lugar niya ang pinuntahan ng mga ito pero
halos ang mga ito ang kumilos. May dalang lulutuin ang mga ito para sa tanghalian.
Ang mga ito rin ang naging abala sa pagluluto ng mga iyon. Pagkatapos maluto ay
dinala nila ang mga pagkain sa ilog. Doon sila kumain. Naligo rin ang mga ito sa
ilog.

Jayden's family made her feel welcome. Kaya naman masaya siya na na-welcome niya
rin ang mga ito sa lugar nila. It looks like they enjoyed so much. Ang ganda ng
ngiti ng mga ito nang oras na para magpaalam.

"We had a great time. Sa uulitin," wika ng Mommy ni Jayden. Bineso pa siya nito.

"Opo naman. You're always welcome to come back,"

Nagpaalam rin at nakipag-beso si Jillian kay Hailey. Ganoon rin naman si Sid.
Nakipagkamay ito sa kanya at bahagyang niyakap rin siya.

Si Jaxon lang ang hindi kaagad nagpaalam sa kanya. Gusto raw kasi muna nitong
kausapin ang kapatid ng ito lang dalawa. Sandaling nagpaalam ang kambal sa kanila.

Habang hinihintay ang pagbabalik ng kambal ay may naalala si Hailey. May bagong
pitas na saging nga pala sila sa isa sa mga puno sa farm. Naisip niyang ipadala ang
mga iyon sa pamilya para maiuwi sa Maynila. Nagpaalam rin siya muna sa mga ito para
kuhanin ang saging.

Habang inaayos ang pagpapa-pack ng saging ay natigilan si Hailey nang marinig ang
boses ng kambal. Hindi naman niya intensyon na makinig. Pero may kalakasan rin ang
boses ng mga ito. Nasa labas lang rin ang mga ito ng kusina.

"Okay ka na ba talaga?" Sa tingin ni Hailey ay si Jaxon ang nagtanong. Medyo magka-


boses kasi rin ang mga ito kaya mahirap i-distinguish.

"Oo naman. Okay naman talaga ako,"

"Nag-aalala ako sa 'yo. Nagpa-confine ka pa kasi sa ospital. Pagkatapos ay hindi mo


man lang kami pinadalaw sa 'yo,"

Medyo tumawa si Jayden. "Hindi pa pala sa 'yo nakukuwento ni Mommy ang kalokohang
ginawa ko?"

"Kalokohan?"

"It's just a trick. Doctor ako. Alam ko ang nangyayari sa sarili ko. It's just a
very minor accident. I'm just silly to have myself confined that night. Pero
siyempre, gusto kong mapalapit ulit sa akin si Hailey. Nag-inarte ako. At kahit
nang nakalabas na ako ng ospital, I acted like I'm still sick. Para makonsensya
siya. Para alagaan niya ako..."

Nag-inarte ako...

Para makonsensya siya...

Muntik nang mabitawan ni Hailey ang hawak na saging sa mga narinig. Nanghina siya.
Niloko na naman siya ni Jayden. He tried to pretend again.

At nagpaloko na naman siya.

May hinala na dapat si Hailey na baka nga nag-iinarte lang si Jayden. Ilang beses
na naman siyang sinabihan ng Doctor na hindi naman dapat ikabahala ang lagay nito.
Na okay lang ito. Pero pinaparamdam sa kanya ni Jayden na hindi. At dahil
nakokonsensya siya sa ginawa, nag-alala siya. Naniwala siya sa mga sinabi nito.

Hailey became weak. Nagpabulag rin siya sa kanyang emosyon. And so Jayden tricked
her. Again.

Lumayo na si Hailey. Hindi na niya kaya pa na pakinggan ang usapan ng magkapatid.


Pakiramdam niya ay ang tanga-tanga niya para maloko pa ulit.

Fool me once, shame on you. Fool me twice, shame on me. The popular saying bothered
Hailey's mind.

Mapapatawad pa ba niya si Jayden?


30
EVERYTHING is so fine, nasa isip ni Jayden habang pinapanood ang pag-alis ng
sasakyan kung saang sakay ang pamilya niya. Gustong-gusto talaga ng mga ito si
Hailey. And Hailey looks like she had a great time with them. Masaya siya na nasi-
share niya rito ang mga mahahalagang tao sa kanya.

Na-miss rin ni Jayden ang kakambal niya. Masaya siyang nagkita at nagkausap rin
sila kahit na papaano. Halatang nag-alala rin talaga ang kapatid niya sa kanya.
Ilang beses siya nitong kinamusta at nanghingi pa ng pribadong oras para makapag-
usap sila.

Iyon nga lang, medyo napangaralan siya ng kapatid niya.

"It's really not good that you tricked her like that..." wika nito nang mapag-
usapan ang pag-iinarte niya para maalagaan siya ni Hailey. "Hailey is a good girl.
She's the type that shouldn't be fooled..."

"I know. Pero ginawa ko lang naman iyon dahil nahihirapan na akong humanap ng
paraan para mapalapit sa kanya," Napabuntong-hininga si Jayden. "Hailey is special.
Ayaw ko ng nag-aaway kami. Ayaw ko ng magkalayo kami. I think I am falling for
her...

"Dapat ay tinutulungan ko lang si Hailey para sa 'yo. Hindi ko naman talaga siya
type. Pero sa pagdaan ng mga araw, nakikita ko na lang ang sarili ko na palaging
gusto siyang makita araw-araw. At ngayon, parang gusto ko na siyang makasama habang
buhay..."

Napailing-iling si Jaxon. "You're doomed,"

"Maybe. But I am happy. Very happy..." ngiting-ngiti lang si Jayden.

Masarap sa pakiramdam na aminin ni Jayden ang totoong nararamdaman niya kay Hailey
sa ibang tao. He cannot believe it was really happening to him. Pero pakiramdam
niya ay in love na in love na talaga siya.

Kaya naman hindi mawala-wala ang ngiti ni Jayden. Well, hanggang sa maging sila na
lang ni Hailey sa lugar. Nang malayo na ang sasakyan ay tumalikod na ito. Tinawag
naman niya ito.

"Hey,"
Hindi lumingon si Hailey. Sinabayan niya ito ng paglalakad. "Did you have a good
time?"

Tumango lang ito, hindi siya nililingon. Napakunot ang noo niya. Nawala na ang
liwanag sa mukha ni Hailey na buong araw niya yatang nakita. "Okay ka lang ba?"

Tumango lang ito at binilisan ang lakad. Napatigil naman si Jayden. Parang nag-iba
bigla si Hailey. Hindi ba siya nito gustong makausap? Nagiging suplada na naman
ito.

And Jayden feels something fishy is going on...


31
PAUWI na si Jayden. Pero kahit na maituturing na sobra-sobra na ang binigay sa
kanya na leave ng ospital ay gusto pa rin niyang mag-extend. Sure, he had a
wonderful time at Hailey's farm. Pero ilang araw lang iyon. Dalawang araw bago niya
umalis ay talagang nagbago ang babae. She seems like she doesn't care for him.
Kapag tinatanong niya ito kung bakit nanlamig ito ay hindi naman siya nito
sinasagot.

Nagbago talaga si Hailey pagkatapos bumisita ng pamilya niya sa farm.

"Puwede mo ba akong tulungan na mag-pack?" tanong niya rito dalawang oras bago ang
takdang pag-alis niya.

Nilingon siya ni Hailey. Blangko ang mukha nito. "Bakit pa? Wala ka na namang
sakit. Kayang-kaya mo na 'yan..."

"Yeah. Pero parang nahihilo yata ulit ako," Hinawakan ni Jayden ang ulo niya. Nag-
iinarte na naman siya. But he just tries to do the trick. Kaya lang, mas na-
disappoint pa siya ng wala man lang siyang reaksyong nakita mula sa mukha nito.

"Wala ka ng maloloko rito," mukhang nahalata naman ni Hailey ang pag-iinarte niya.

Huminga nang malalim si Jayden. "I'm sorry. Sinubukan ko lang naman mag-inarte para
pansinin mo ako. Baka kausapin mo ako,"

"Like you did for the past week? Jerk!" Inirapan pa siya ni Hailey. Iniwan na siya
nito pagkatapos.

Napakunot-noo si Jayden. Alam niyang galit sa kanya si Hailey. Pero hindi naman
ganoon ang pakikitungo nito sa kanya noon. He is sure now that there is really
something wrong...

Hinabol ni Jayden si Hailey. Lumabas na ito ng bahay. Umuulan pa kaya lalo siyang
nag-alala. Wala itong payong. Mukhang hindi rin nito alam ang pupuntahan nito.

Hinawakan ni Jayden si Hailey sa braso. Pinaharap niya ito sa kanya. Dahil umuulan
ay normal na mababasa ang mukha nito. Pero ngayon ay sigurado siyang hindi lang
basta patak ng ulan ang dahilan kung bakit basa ang mukha nito. Namumula rin iyon.
Surely, she is crying...

"A-anong nangyari? May naggawa ba ako?"

Nagulat si Jayden nang suntukin ni Hailey ang dibdib niya. Pero tinanggap niya
iyon. "Manloloko ka! Niloko mo ako! Mapagpanggap ka!"

"Can you please explain to me all of this?"


"Ako pa ang mag-e-explain?" Naningkit ang mga mata ni Hailey. "Alam mo na dapat ang
lahat ng iyon! After all, pinag-usapan niyo na iyon ng kakambal mo!"

"Kami ni Jaxon? Anong---" Natigilan si Jayden nang maalala ang pinag-usapan nila ng
kakambal bago ito umalis. "So narinig mo..."

"Masamang makinig ng usapan ng iba. But I'm glad that I did..." May tumulong luha
sa mata ni Hailey.

Jayden's heart felt pricked. Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili.
Pero hindi pa rin iyon sapat. It hurt him that he made Hailey cry. "Did you hear
all of it?"

Hindi sumagot si Hailey. Napabuntong-hininga si Jayden.

"Puwede mo ba akong bigyan ng pagkakataon para magpaliwanag?"

"It is clear. Niloko mo ako. At hindi na dapat kita patawarin pa,"

"Alam ko naman na mali ako. But I hope you find it in your heart to hear me out..."

Sinalubong ni Jayden ang tingin ni Hailey. Hinawakan rin niya ang mukha nito.
Humikbi ito pero hindi naman siya pinagtabuyan.

Hindi na siya nagsayang pa ng oras. "I'm sorry. Alam kong mali ako. Nagpanggap ako
noong una. But that's just a favour that I am doing for Jaxon. Gusto niyang tuparin
ang gusto ng Daddy mo. But he can't. Kaya pinalitan ko siya.

"Noong una ay gusto ko lang talaga na tumulong. Wala sa plano na mapalapit ako sa
'yo, ang mahulog ako. Kaya naman hindi ko na ginawang big deal na ang akala mo nga
pala ay ako si Jaxon. After all, it's just a name.

"Nagpanggap man ako sa personalidad ng iba. Pero pinapangako ko na hindi


pagpapanggap ang mga ginawa ko sa 'yo, ang lahat ng magandang ginawa ko sa 'yo.
It's all true. At hanggang ngayon ay ganoon pa rin iyon. Gusto kita. Nahuhulog na
ang loob ko sa 'yo. And I guess, mahal na rin kita. Dahil gagawin ko ba ang lahat
ng kabaliwan na ito kung hindi? Love is crazy. And you made me feel that. You made
me do crazy things.

"Nagkamali ako ng ginawa. Mas lalong sa pangalawang pagkakataon ay ginawa ko pa


rin. Pero sana ay maintindihan mo na ginawa ko lang naman iyon dahil natatakot ako.
Kung hindi ako nagpanggap, lalapit ka ba sa akin? I might just freak you out. Kung
hindi rin ako nag-inarte noong nagkaroon tayo ng maliit na aksidente, I'm pretty
sure you will push me away. At ayaw ko noon. Gusto kita, eh. Kaya lang, hindi na
kita madaan sa santong dasalan. So I did the easy and luckily, an effective way.

"Pero effective man, mali pa rin. Niloko pa rin kita. And now, I am suffering the
consequences. Pero sino lang ba ang dapat ang sisihin? Ako.

"I'm sorry, Hailey. Mali ako. Pero sana, maintindihan mo rin ako. Maiintindihan ko
rin naman na hindi magiging madali. At siguro nga, baka hindi na. Dalawang beses na
kasi, eh. Sobra na ako. Kota na. At siguro, kulang pa ang sorry. Pero 'wag kang
mag-alala. Sisiguraduhin ko na hindi na kita guguluhin pa...

"Masakit para sa akin na gawin ito. Pero nagkamali ako. Kailangan kong magbayad 'di
ba? Kaya sige na. Lalayo na lang ako. Even if it will hurt as hell. Dahil ang
paglayo ko, ang tigilan ang pangungulit sa 'yo ay ang magbibigay lang ng kapayapaan
para sa 'yo. Nasaktan kita. At ngayon ay ako naman ang dapat na magdusa...sa
pamamagitan ng pag-alis sa piling mo..."
Mabigat ang dibdib ni Jayden. Hindi niya gustong iwan si Hailey. Pero tama na lang
siguro iyon. Wala na siyang ginawang tama rito. Palagi na lang siyang nagkakamali.
Isa pa, sa dami na niyang ginawang mali, kailangan naman niyang gumawa minsan ng
tama. Masaklap lang ay napakasakit naman para sa kanya ng "tama" na gawain na
iyon...
32
HINDI mapakali si Hailey. Hindi rin tuloy siya makapagtrabaho. Ilang araw na ang
nakalilipas ay binabagabag pa rin siya nang ginawa niya kay Jayden. Nagalit siya
rito. Pero sa paglipas naman ng araw ay parang mas nagalit siya sa sarili niya.

A part of Hailey is saying that she should not asked Jayden to stay away from her.
Sana ay hindi siya pumayag sa pangako nito na lalayuan siya. Tinotoo iyon ng
lalaki...at parang mas siya pa ang nasaktan.

Para sa ikabubuti kaya lumayo si Jayden. Pero sa halip, nagulo si Hailey. Nalungkot
siya. Na-miss niya si Jayden. Hinahanap-hanap niya ito. Nagsisisi siya na nagalit
siya rito.

Hailey realized Jayden has a point.

Kung tutuusin, maraming naggawa sa kanya ang lalaki. Hindi niya hiningi ng kahit
sino rito pero binantayan siya nito. He was there when he needed company. He took
care of her. At higit sa lahat, nang nahuhulog rin siya rito ay sinalo siya nito.
Gusto siya nito. Pero dahil mas inisip niya ang "panloloko" nito kaysa sa mga
kabutihang naggawa ay nainis siya. Nagalit siya.

Normal na naman siguro na makaramdam ng ganoon. Pero kung hahayaan niyang ang galit
ang dahilan para malungkot siya habang buhay, mali iyon. Kailangan niyang matutong
magpatawad.

Walang kasalanan si Hailey. Pero may bahagi niya ang nahihiya rin na mag-reach out
rin kay Jayden. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya makapag-reach out rito. Ni-
reject niya ito. Pagkatapos ngayon ay lalapit siya ulit? She feels awkward.

Araw-araw ay nakatingin lang si Hailey sa cell phone niya. Nag-aabang siya ng tawag
ni Jayden. But it is always to no avail.

Huminga nang malalim si Hailey. Wala naman sigurong masama kung siya ang magri-
reach out? Nahihiya lang siya. Pero kaya pa ba niyang ma-contain ang masamang
pakiramdam sa puso niya sa isipin na tuluyan na talaga silang magkakalayo?

Hinawakan ni Hailey ang cell phone. She decided to finally call Jayden. Pero bago
pa man niya maggawa ay may narinig siyang ingay sa labas. Ibinaba niya muna ang
cell phone niya. Tumingin siya sa bintana at nakitang may tumigil na sasakyan sa
harap ng bahay.

Pamilyar ang kotse. Pero hindi gustong isipin ni Hailey kung kanino ba iyon...

Bakit siya nagbalik? Kumabog ang puso ni Hailey. Natakot siya. Pero ganoon pa man,
lumabas pa rin siya ng bahay para salubungin ang dumating. Pagkatapos ng lahat, may
kasalanan ito sa kanya. Marami silang kailangang pag-usapan.

"Lucio," bati ni Hailey sa lalaki nang makababa ito. She tried to be cold. Pero
nang matitigan ang lalaki ay nagulo ang puso niya.

Something is wrong...

"A-anong nangyari?" Hindi napigilan ni Hailey ang pag-aalala sa kanyang boses.


"Puwede bang mag-usap tayo sa loob?"

Alam ni Hailey na kailangan nilang mag-usap. Pero hindi sa loob ng bahay. Bakit
kailangan pang magpapasok siya ng ahas roon? But with Lucio's condition, it seems
like it's much needed to.

Pinapasok ni Hailey si Lucio. At nagulat siya sa kanyang naramdaman habang


nagkukuwento ito...

33
PAGKATAPOS ng board exam ay ang tinatawag na residency. It was a three year or more
program. Sa ngayon ay halos nasa pangalawang taong na siya ng residency program.

Ngayong taon ay naka-focus na lang si Jayden sa specialty na pinili niya---ang


pagiging isang pediatrician. Maaga pa lang ay nasa ospital na siya para mag-rounds.
Kailangan niyang malaman ang resulta ng mga test at lagay ng pasyente. Sa isang
maliit na ospital lang niya piniling mag-residency program. Ganoon pa man, may mga
araw na marami rin silang pasyente, may mga maseselan pang kaso. Kaya naman may mga
araw na late na siyang nakakauwi. Madalas rin ay pagod siya.

Isa sa mga araw na iyon ang "toxic" na araw ni Jayden. Good thing naman dapat iyon
dahil kapag busy siya, nakakalimutan niya ang mga dinadala sa buhay. Pero masama
rin dahil pagkatapos naman ng trabaho niya ay wala naman siyang mapagsabihan man
lang ng araw niya. Wala siyang stress reliever. Well, meron naman. Nandiyan ang
pamilya niya. Pero isa lang ang gusto niya---si Hailey. Kaya lang, hindi na dapat
siya umasa pa.

Ganoon pa man, may bahagi rin niya ang nagsasabing huwag siyang sumuko. Palagi
niyang nasa isip si Hailey. It's so hard to stay away from her. She's always on his
mind, on his dreams. Hindi niya kayang mawala ito. Nagsisisi siya sa kanyang
desisyon, kahit na ba iyon ang tama.

Pero may tama ba talagang sinasaktan ka? Pinahihirapan ka? Siguro kailangan lang
niyang matutong manuyo. May kasalanan siya.

Jayden wanted to take chances again. At pinapangako niyang ngayon ay gagawin na


niya ang tama. Hindi na siya gagamit pa ng dahas o kalokohan para lang mapalapit
siya kay Hailey.

Pagod at medyo malalim na ang gabi ay nagdesisyon si Jayden na pumunta pa rin ng


Batangas. Missed na talaga niya si Hailey. Magiging masaya na siya basta makita
niya ito kahit na ba ipagtabuyan pa siya nito. Kailangan lang niyang maging
determinado at magiging maayos rin siguro ang lahat.

Alas nuwebe na ng gabi nang makarating si Jayden sa farm. May ilaw pa sa bahay nina
Hailey. Bumaba siya ng kotse at kumatok. Mabilis naman siyang napagbuksan.

"Jayden, ano ang ginagawa mo rito?" Nakakunot noo si Hailey. Mukhang nagtataka ito,
pero mukhang hindi naman galit.

Napangiti si Jayden. Nabuhay ang pag-asa sa puso niya. Napa-cross fingers pa siya
na sana nga ay hindi ito galit. Sana ay maging maayos na ulit sila.

"Nami-miss---" Natigilan si Jayden sa pagsasalita nang may sumilip sa pinto. Lalaki


iyon na sa tantiya niya ay kasing edad niya lang. Napatingin siya kay Hailey.
Mukhang nahalata naman nito ang pagtataka niya.
"Sino siya, Hailey?" Bago pa man makapagsalita si Hailey ay nagtanong na ang
lalaki.

"Oh, si Jayden..."

"Jayden? Paano mo siya nakilala?" Nagtataka rin ang lalaki.

"Hindi na importante, Lucio..."

Napakurap si Jayden. He felt strucked by a thunder when he realized the name. Lucio
ang pangalan ng kababata ni Hailey at ang nanloko rito at sa business. Pero higit
sa lahat, ito rin ang first love ni Hailey.

Nagbalik ang lalaki. Bakit? Pero bakit mas hinayaan ni Hailey na makapasok ang
lalaki sa bahay?

Bumigat lalo ang pakiramdam ni Jayden. Mas masakit pa kaysa sa ipagtabuyan ang
nararamdaman niya sa ngayon. Sa dinami-rami ng pangyayari, ito pa talaga ang
aabutan niya---ang babaeng mahal niya ay nasa piling ng unang minahal nito. O baka
nga minamahal pa. Napakabilis naman kasi na mapatawad ni Hailey ang lalaking iyon
kung hindi na.

Napatalikod si Jayden. Sa dami ng babaeng pinaglaruan niya, si Hailey ang karma


niya. Ang sakit pala.
34
"HINDI mo na dapat ako pinuntahan rito," wika ni Lucio nang makita siya nitong
dumating sa ospital. Naabutan niya pa ito habang naghihintay para sa session nito
ngayong araw.

"Bakit? Ayaw mo bang ipakita sa akin na kinakabahan ka?"

Umiling ito. "Hindi na naman ito ang unang session ko. Okay lang ako. Ayaw ko lang
na maabala ka. Lumuwas ka pa ng Maynila para rito,"

"Gusto kong samahan ka. Mahirap ang pinagdaanan mo. You need someone,"

"Kaya ko," matigas pa rin si Lucio.

Napabuntong-hininga si Hailey. "Bata pa lang tayo ay magkakilala na tayo, Lucio.


Hindi ka na dapat pa nahihiya sa akin. You don't have to act to me like it's really
okay..."

"Pero nakakahiya ang mga naggawa ko. Sa 'yo. Sa pamilya mo..." Bumuntong-hininga si
Lucio pagkatapos ay sinalubong ang tingin niya. "I don't even know how can you
stand seeing me..."

Hinawakan niya ang balikat nito. "Kaibigan kita."

"Or maybe it's more than that?" Tinitigan siya nito.

Kiming ngumiti si Hailey. "Siguro. Pero dati iyon. Na-realize ko na iba ang
nararamdaman ko sa 'yo. Kaya siguro akala ko mahal talaga kita nang higit sa isang
kaibigan ay dahil palagi lang nakatuon sa 'yo ang isip ko. Malapit tayo sa isa't
isa kaya komportable ako sa 'yo. At akala ko, ganoon ang pagmamahal..."

Napakurap si Lucio. Nagpatuloy naman siya. She felt light while explaining.

"Pero marami pala na klase ng pagmamahal. Mahal kita dahil nasanay ako sa 'yo. In
most of my life, I look up to you. Hindi ako tumingin sa iba. Hindi ko pinili na
ilagay ang atensyon sa iba. Naniwala kasi ako na baka mahal mo rin ako. Mabait ka
sa akin. At akala ko, hindi mo ako sasaktan. Akala ko, mahal mo rin ako..."

"I-I'm sorry if I made you feel that way..."

"It's okay. Tanggap ko na naman."

"Dahil naka-move on ka na?"

Naglihis ng tingin si Hailey. "'Wag na muna nating pag-usapan ang love life ko,"

"Hmmm..."

"Basta ang gusto ko ay magpagaling ka," Hinawakan niya ang ulo nito.

"Ang suwerte ko na nandito ka pa rin sa kabila ng lahat. Minahal rin naman siguro
kita. Pero sa tingin ko, pagmamahal lang talaga iyon ng isang kaibigan. After all,
nakaya kong lumayo sa 'yo. Niloko kita. Sinaktan..."

"Naiintindihan ko naman ang dalawang huli. Well, halos naiintindihan ko naman ang
lahat. Medyo na-hurt lang ako nang malaman ko kung bakit mo nga ba totoong naggawa
iyon. Kung bakit kailangan mo pang lumayo..."

Pumikit si Lucio. Tumingin ito sa nakalagay na pangalan sa kuwarto na papasukin


nito maya-maya lang. "H-hindi ko naman ito gusto. I don't want to drag you on
these..."

"Kaibigan mo ako. Tutulungan kita,"

"Napakarami mo ng naitulong sa akin. Hindi lang nga ikaw. Ang pamilya mo rin. Gusto
ko namang tumayo ng mag-isa. Kaya lang, maling paraan rin ang naggawa ko..."

"Bumawi ka naman. Ibinalik mo na ang pera. At nanghingi ka ng tawad. Isa pa, may
maayos rin naman na rason kung bakit naggawa mo iyon..."

May bahagi ni Hailey ang nagsasabing masyado siyang mapagtiwala para tanggapin at
ngayon ay tulungan pa si Lucio sa pinagdadaanan nito. Pero sa halip na pairalin ang
galit, mas pinili niya na intindihin ito...

"May thyroid cancer ako, Hailey..." Sagot ni Lucio sa kanya nang tanungin niya ito
kung bakit nakakalbo ito. Iba rin ang aura ng mukha nito---parang maputla. Pero
kahit may hinala ng may sakit ito nang araw na dumating sa farm ay nagulat pa rin
siya sa pagtatapat nito.

"I-I'm sorry. Pero bakit? Kailan mo pa nalaman?"

"Matagal na. Hindi ko lang kaagad sinabi sa 'yo dahil hindi ko matanggap. Ilang
buwan rin pagkatapos kong malaman ay sumabay sa problema ng Daddy mo. Ayaw kong
mamroblema ka o intindihin mo rin ako. Kaya nagdahilan na lang ako na umalis ng
farm at pati na rin ng business niyo. Nagpagamot ako sa Maynila. At iyon rin ang
dahilan kung bakit kinailangan kong kumuha ng pera sa business..."

"Hindi ko alam ang sasabihin ko. Masyado akong nagulat..."

"Wala ka namang dapat sabihin. After all, ang pakay ko lang naman ngayon ay ang
ibalik ang perang kinuha ko..." Ibinigay sa kanya ni Lucio ang envelope. "H-hindi
ko alam kung paano ko ipapagamot ang sarili ko. Bata pa ako. Siyempre, gusto ko
pang mabuhay. At hindi birong sakit ang cancer. Kailangan ko ng maraming pera kaya
unti-unti ay nagnakaw ako sa kompanya. Pero nakonsensya ako. Sabi ko sa sarili ko,
kailangan kong ibalik iyon. So I took a risk. I gamble the money. Sinuwerte naman
ako. Nadoble ko siya kaya naman maibabalik ko na ang pera sa 'yo. Humihingi ako ng
patawad..."

"'Wag na nating pag-usapan sa ngayon ang pera. Kumusta ka na? How is your
prognosis?" Sa halip ay naging tanong ni Hailey.

Awa. Iyon ang gustong isipin ni Hailey kung bakit napatawad niya kaagad ang
kaibigan. Pero ano pa ba ang silbi kung magagalit siya rito? Pahihirapan lang niya
ang buhay nilang dalawa. Sa lagay ni Lucio, hindi na dapat niya pahirapan pa ito.
Pagkatapos ng lahat, ibinalik na naman nito ang pera. Umamin na ito sa pagkakasala
nito at bumawi.

Ang dapat na lang gawin ni Hailey ngayon ay ang tumulong. Kaya naman pumunta siya
sa ospital para samahan si Lucio para sa chemotheraphy session nito ngayong araw.

"Nagi-guilty pa rin ako..."

Napangiwi si Hailey. "Ilang okay pa ba ang kailangan mong marinig sa akin para
mawala na 'yang guilt mo?"

"Napakabait mo sa akin. Napakabait mong tao..."

"Wala na rin naman na magagawa ang galit 'di ba? Pahihirapan ko lang ang sarili ko
kung magagalit pa ako. Pahihirapan lang kita. At hindi maganda iyon,"

Naiyak si Lucio. Niyakap siya nito. It was too tight she can't almost breathe. But
inside her, she feels light. Alam niyang nakagawa siya ng tama.

Natuto siyang magpatawad.

Napangiti si Hailey. Forgiveness is the answer. Forgiveness will make everything


okay...

Maya-maya ay tinawag na si Lucio para sa chemotheraphy session nito. Nanatili


siyang kasama ito hanggang matapos iyon.

"How about some merienda?" yaya ni Lucio nang matapos ang session.

Umiling si Hailey sa pagyaya ng lalaki. "May pupuntahan pa ako,"

"Saan?"

Ngumiti si Hailey. Hinawakan niya ang balikat nito. "Sa taong noon ko pa dapat na
puntahan,"

Tinaasan siya ng isang kilay ni Lucio. Hindi na nagpaliwanag pa si Hailey. After


all, wala siyang dapat ipaliwanag sa lalaki. Kay Jayden lang dapat siya
magpaliwanag. At ngayon ang tamang oras para roon.
35
KAHIT nakapagdesisyon na ay parang nawawalan pa rin ng lakas ng loob si Hailey na
puntahan si Jayden. Alam naman niyang ito na ang tamang oras. Isa pa, iyon naman
talaga ang dahilan kung bakit napaluwas pa siya ng Maynila. Ngayong araw ang kasal
ni Sid. Kagabi ay tinawagan pa siya nito para mag-follow up kung pupunta siya.

Tamang desisyon naman ang pagpunta ni Hailey sa kasal. After all, na-miss na niya
ang pamilya. Mas missed rin niya si Jayden. Kaya nga lang, may feeling of
awkwardness siya. Paano niya pakikiharapan ang lalaki pagkatapos ng mga nangyari?
Isa pa, hindi niya rin alam kung ano ang iniisip ngayon ni Jayden pagkatapos na
lang siya nitong basta talikuran sa bahay niya. Subukan man kasi niya na tawagan
ito ay hindi nito sinasagot iyon. Hindi nito pinakinggan ang mga paliwanag niya.

Kaya ka nga nandito para linawin rin sa kanya ang lahat. Mas maganda kung sa
personal ka magpapaliwanag, nasa isip ni Hailey.

Huminga nang malalim si Hailey. Kinalma niya ang sarili bago magdesisyon na pumasok
sa simbahan. Late na siya. Naririnig na kasi niyang nasa kalagitnaan na ng misa ang
kasal.

Pero bago pa man makapasok si Hailey sa simbahan ay may nagsalita sa likod niya.

"Wala kang makikitang magaganap na kasal kung nandito ka lang sa labas ng


simbahan,"

Napalingon si Hailey. "Jayden..."

Tumango ito. "You are good. Kaya mo akong i-distinguish sa kakambal ko,"

"Err... Hindi noon,"

Tumango ulit si Jayden. "Dahil hindi mo alam na may kakambal pala ako,"

"Pero wala ka na namang tinatago 'di ba?"

"Gugustuhin ko pa bang may masaktan ulit kung may tinatago o nagpapanggap na naman
ako?" Umiling si Jayden. "I don't like looking like a mess..."

Napatitig si Hailey kay Jayden. Mukhang groggy nga ang itsura nito. Malalim ang
itim sa mga mata at hindi pa nagsusuklay. He is a perfect example of a mess. Kahit
ang suot rin nito ngayon---gusot ang kulay blue na polo shirt nito na tinernuhan ng
kulay dilaw na pantalon. Ang baduy tignan ng outfit nito.

Napalunok si Hailey. Mukhang hindi nga maayos si Jayden. Napabayaan nito ang
sarili. At mukhang kasalanan niya iyon...

"Teka, bakit ka nga pala narito? Akala ko ay abay ka sa kasal? Mukhang nagsisimula
na, ah."

"Tumanggi na ako. Kapag umabay ako, for sure may partner ako. Wala ako sa mood na
lumapit sa ibang babae."

"Hmmm..."

"Maliban sa 'yo, siyempre..." wika ni Jayden at hinapit ang baywang niya. "P-puwede
pa ba?"

Napalabi si Hailey. "Ikaw naman yata ang may ayaw, eh. Hindi mo sinasagot ang mga
tawag ko,"

Huminga nang malalim si Jayden. "Yeah. Dahil nasasaktan ako. May bahagi ko rin ang
nagsasabi na baka ka tumatawag ay para sabihin na layuan na kita. After all,
mukhang nakahanap ka na ng iba..."

"Kung ganoon ang pag-iisip mo, bakit kinakausap mo ako ngayon?"

"Gusto kong umasa. Hindi ka naman mag-e-effort na magpunta rito kung hindi
importante ang sasabihin mo 'di ba?" Tinitigan siya ni Jayden. Mas pinalapit pa
niya siya rito. "Tama ba na umasa pa ako?"
"I don't push you away..."

Nagliwanag ang mukha ni Jayden. "Well, I assume now that it's a yes..." wika ni
Jayden at ninakawan siya ng halik. "I missed you..."

Gustong mapaiyak ni Hailey. Napayakap siya sa lalaki. "Nagpunta ako rito para
makipag-ayos at mag-explain na rin,"

"I'm longing to hear that," wika ni Jayden, yakap-yakap pa rin siya.

Nagsimulang mag-explain si Hailey. "Walang kami ni Lucio. Nasa bahay lang siya para
magpaliwanag sa kasalanang naggawa niya,"

"Pinatawad mo agad siya,"

"Naramdaman ko na may sakit siya. At tama naman ako," Tinuloy ni Hailey ang
pagkukuwento sa sakit ni Lucio at ang dahilan kung bakit niloko siya nito, ang
pamilya at ang business.

"Tama ka. Pinatawad ko kaagad siya. Pero noong oras na iyon, na-realized ko na wala
na rin naman mangyayari kung patuloy pa rin akong magagalit. May sakit siya.
Makokonsensya lang ako kung pahihirapan ko siya. After all, anger just made people
suffer. Kagaya na lang noong unang pinili kong maramdaman sa 'yo. Pinahirapan ko
lang ang sarili ko nang piliin kong hindi pakinggan ang point mo. Pinahihirapan ko
lang ang sarili ko kapag hindi ko inamin na na-overpower pa rin ng pagmamahal ko sa
'yo ang galit ko..."

"Naiintindihan ko naman na nagalit ka,"

"Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko nang hindi kita inintindi. May point ka
naman," Huminga nang malalim si Hailey. "Mapapatawad mo ba ako?"

"Kapag nagmamahal, nagpapatawad 'di ba?"

Ngumiti si Hailey. "Kaya napatawad kita,"

"At si Lucio?"

This time, napangisi si Hailey. "Nagseselos ka na ba agad?"

Umungol si Jayden. "I want to know. Nagselos talaga ako nang makita ko kayong
dalawa,"

"I'm sorry with that. It's not my intention to hurt you. I'm sorry if I made you
feel that way. Mahal rin kita. Pero kailangan mo na maniwala na kaibigan ko lang si
Lucio. Yeah, maybe I thought he is my first love. Pero na-realized ko na more on
brotherly and friendly feling lang pala iyon. Isa pa, naawa rin ako sa kanya. Wala
na siyang pamilya.

"Pero maniwala ka man sa hindi, mas mahal kita, Jayden. My feeling for you is more
intense. You're always on my mind. You made me complete. I can't live without you.
I love you,"

"So mahal mo talaga ako?" Napakurap si Jayden pero pagkatapos ay ngiting-ngiti na


ito.

"Kailangan ko pa bang magpaulit-ulit?"


"Yeah. I want to know and hear that you love me forever," niyakap siya nang
pagkakahigpit ni Jayden. "You already became a big part of my life. Ang isiping
mawawala ka na naman sa akin ay parang ikababaliw ko na. I promise I won't mess up
again. My mind is a mess when I am not with you. Hindi na ako magpapanggap pa,"

Ngumiti si Hailey. Pinahid niya ang luha ng lalaki. "Tumahan ka na. We are okay
now. Simula ngayon, wala ng maglokohan at tampuhan, ha? Pareho lang tayong
nahihirapan. From now on, we will start a new..."

"We will not start a new. We will continue," Hinalikan siya ni Jayden. "We will
continue to grow our love for each other, for everyday, for always..."

Ngiting-ngiti si Hailey. Her heart feels alive and in so much joy. Ah, ano ngang
sabi sa kanya ni Jayden kanina? Na mas masaya pa yata ito kaysa sa kinakasal
ngayon?

Well, in Hailey's case, she is definitely happier than the bride. Dahil ang
malamang mahal at maayos na rin ang relasyon nila ng lalaking natutunang mahalin ay
parang pakiramdam na ikinasal na rin siya.
Thank You!
Dear Reader,

Thank you for reading International Playboys Book 5: Jayden, The Pretentious
Playboy. How was it? Sana nagustuhan niyo ❤

Next and last playboy natin is Jaxon. Excited na ba kayo sa story niya? Haha! Sana
magpatuloy pa rin kayo sa pagbabasa at sa pagsupport. I'll try to upload his story
as soon as possible.

Thank you ulit sa pagbasa at suporta. Mwah!

Love,

Cady Lorenzana

Download by wDownloaderPro
topvl.net

You might also like