You are on page 1of 4

FA 6 Sec.

2: Panayam Ukol sa Rehiyonal na Wika At Kultura


Miyembro:
Agurilla, Angelica – Interviewer
Agosto, Richelle Erica - Papel
Antonio, John Gabriel – Papel
Badillo, Jeriza May – Editor
Daseco, Jed Amiel – Papel
De Guzman, Honey – Script
Delmundo, Jonah – Editor at Papel
Hernandez, Dyan – Papel

1. Paksa (Ano ang katangi-tangi dito?)


Marami nang pamamaraang nabanggit sa mga nakaraang diskurso kung papaano
pa mapapalawig ang kahalagahan ng wika at kultura ng isang lugar. Ang mga
pamamaraang nabanggit ay tulad na lamang ng paggamit sa edukasyon bilang isang
importanteng kasangkapan upang mapalawak pa ito lalo na sa mga kabataan, ang
pagtanggap, pag-tangkilik, pag-kilala, at hindi pag-etsapwera sa mga etno-liggwistikong
grupo upang maisalba at ma-preserba ang mga orihinal na wika at kultura ng Pilipinas, at
marami pang iba. Kung kaya naman, ang paksa ay naging katangi-tangi sapagkat
nakapaglatag ito ng panibagong ideya, o leksiyon sa kung papaano pa mapapalawig ang
wika at kultura gamit ang pang-sariling interes at hilig; yun ay ang impluwensiyang
teatro.
Ang kinapanayam ng grupo ay isang mantatanghal sa isang teatrong umiinog sa
kultura at lliteratura ng Batangas at pati na din sa buong Pilipinas. Ayon sa nakapanayam
na si Bb. Sophia Lualhati, isa sa mga pinaka naging malaki at matagumpay niyang
pagtatanghal ay noong siya ay nasa ika-10 baitang pa lamang. Ika niya, nang matapos ang
pagtatanghal, naliwanagan natuwa, at naimpluwensyahan ang mga tagapanuod sapagkat
kanilang nadama na parang ba ay nabuhay muli si Marcela Agoncillo na kanilang
inilarawan, ini-arte, at isinakwento ang talambuhay, at naisalat din ng mga manunuod ang
iilang kaakibat nitong kultura. Dahil dito, ipinahihiwatig nito na ang layunin at intension
ng mga lokal na teatro ay hindi lamang magbigay aliw o katuwaan, ngunit makapagbigay
kaalaman at mapalawig ang mga kultura ng nakaraan gamit ang napakatanyag at makulay
na kasaysayan.
Samakatuwid, naging katangi-tangi ang paksang napili sapagkat ang
pagpapalawig ng wika at kultura pang-lokal o pang-isang bansa ay naka-sentro sa
dalawang aspeto. Una ay ang pagtatanghal ng isang produksyong kaakit-akit sa mga
manunuod na binubusog ang palabas ng impormasyong patungkol sa kultura at literatura
ng bansa. At pangalawa, ay ang paggamit sa makulay na kasaysayan upang maging
kaabikat ng mga nakaraang kultura, para mas maging kaaliw-aliw at mapatayog pa ang
pagpapakilala sa wika at kultura ng Pilipinas. Kung kaya’t naging kakaiba dahil
gumagamit ito ng isang mas epektibong pamamaraan upang mapalawig ang mensahe
nang hindi gumagamit ng tradisyonal na pagtuturo sa importansya ng wika at kultura.

2. Anggulo (Ano ang kaugnayan nito sa wika at kultura?)


Pinatutunayan ng panayam na mayroong kalakasan at potensyal ang ating wika at
kultura na makisabay sa buong mundo partikular na sa industriya ng sining. Hindi
maikakaila na mayaman ang ating kultura at wika na marapat lamang na paunlarin
sapagkat sumisimbolo ito sa kaluluwa at kagandahan ng bansa. Lumalaki ang
impluwensya ng sining, wika, at kultura dahil sa pagpalabas ng mga obrang Pilipino.
3. Imporsasyon ng panayam (Sino at bakit siya ang napili?
Isang theater play actress na si Sophia Lorraine Lualhati ang napili naming kunan
ng pahayag. Sapagkat naniniwala kami na bilang isang indibidwal na ipinamamalas ang
talento sa sining na kagaya ng teatro, kung saan patuloy na naipakikita ang wika at
kultura nating mga Pilipino, sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi ng mga karanasan
at panig, mas magkakaroon kami ng konkretong pagkaunawa sa paksang aming napili.
4. Mga ideya, reaksyon at kamalayan sa panayam (Bakit ito ang pumukaw sa grupo?
Paano ito nakaapekto sa mga estudyante? Ano ang kaugnayan nito sa kurso?
Ayon sa kinapanayam na si Bb. Sophia Lualhati may dalawang pamamaraan
upang mahikayat ang mga kabataan sa pagpapayabong ng wika at kultura; una ay ang
pakikilahok sa mga tanghalang sumasalamin dito, at panunuod ng mga pagtatanghal
patungkol dito.
Bilang isang mag-aaral ng Far Eastern University sumasang-ayon ako sa unang
suhestiyon. Para sa amin, mahirap aralin ang mga lekturang laboratoryo kung walang
praktikal na gawain sapagkat mas naaalala at para bang isinasakatawanan namin ang
tungkulin at gampanin ng isang estudyante na nagiging daan upang tumatak ang mga
inaaral. Tulad na lamang ng sinabi ni Bb. Lualhati, importante na maisakatawan ng mga
kabataan kung ano ang wika at kultura, dahil ayon nga sa pag-aaral ni Patil (2002),
maiintindihan lamang ang wika at kultura kung maitatak sa atin, at mararanasan ng
personal ang mga ito. Dagdag pa niya, importante ito sapagkat parang sibuyas ang wika
at kultura na kailangang tanggalin ang patong-patong na balat nito upang maarok ang
pinaka loob nito na sumisimbolo sa pagkaintindi sa wika at kultura hindi lamang pang-
pisikal na kaanyuaan nito, kundi pati na din sa pagkakaroon ng emosyonal na koneksyon
dito. Samakatuwid, kung personal na mararanasan ng mga indibiduwal ang wika at
kultura, ito ay maiintindihan nila sa emosyonal na lebel at tatagos sa kanilang puso at
isipan. Dahil dito, mas mapapahalgahan nila ang wika at kultura sapagkat meron
nagbunga na ito ng matinding koneksyon na nagbibigay ng malalim na pagkaunawa sa
importnasya nito.
Sa isang suhestiyon naman nabanggit na ang panunuod ng mga teatrong
tumatalakay sa wika at kultura ay isa ding magandang pamamaraan kung ayaw lumahok
sa pagtatanghal. Ito ay isang magandang pamamaraan, sapagkat ang bisuwal na
presentasyon ay may kaakibat na mabilis na pagkaunawa at paghinuha ng mga
impormasyong nakikita. Sa katunayan, sa palautatan Blanco (2020), ang mga teatrong
pagtatanghal ay isang epektibong pamamaraan upang makapagpalawig ng impormasyon
sapagkat madali nitong dinadakpin ang atensyon ng mga manunuod, at mabilis itong
nakapagbibigay ng koneksyon. Kung susuriin, ang pangalawang suhestiyon ay isang
magandang pamamaraan para mapalawig ang kaalaman sa wika at kultura. Ang teatro at
paggamit ng mga teknolohiya upang mapanuod ito ay isang magandang pamamaraan sa
paggamit ng mga aplikasyon tulad ng youtube, at iba pa, para mapalawig ang kaalaman
sa wika at kultura.
Isa sa mga sinabi ni Bb. sophia ay ang pag-gamit ng social media platforms upang
mas mapalaganap ang wika at kultura, lalo na sa ating sitwasyon ngayon na kung saan
limitado lamang ang pagbabahagi ng impormasyon sa mga eskwelahan dulot ng
pandemic, marami sa mga ideya at impormasyon sa wika ay naipapaliwanag sa mga
platform ng social media tulad ng Youtube at tiktok, hindi lamang mga impormasyon
ngunit ang mga pagtatanghal na tumatalakay sa wika at kultura ay libreng maibabahagi
ng sinuman sa mga platform na ito, ngunit sa panahon ngayon dapat tayo ay maging
mapanuri sa mga impormasyong makikita natin sa mga platform ng social media at
ugaliing magsiyasat  kung ang impormasyong nakasaad ay makatotohanan.

5. Sintesis, bagong ideya, nabuong plano o aksyon (Ano ang inyong natutunan? Ano
ang nabuong ideya, nais ipagawa at ipasaisip sa mambabasa?)
Matapos ang naging panayam at pagproseso ng kaniyang mga kasagutan at mga
ibinalangkas naming katanungan patungkol sa wika at kultura, aming napagtanto ang
kahalagahan ng theater arts sa pagpapalawig ng ating yaman. Kakaunti na lamang ang
mga institusyon, mga programa at mga bagay na patuloy na pinagyayaman ang ating
wika at kultura, kung mawawalan ng saysay at hindi tatangkilikin ito, mas lalong
malilimot ng henerasyong ito ang kagandahan at kahalagahan ng tradisyonal at natural
nating pag-aari. Tunay na mataas din ang kanilang pagkakilala bilang mga aktor at
tagapagtangghal sa entablado, sa pagbuhay sa ating wika at kultura. Sa labis nilang
pagmamahal rito ay hindi nila ibinababa ang pagkakilala sa sariling atin. Marahil hindi na
uso ang mga makalumang tradisyon, ngunit ang natatanging pagtatangghal na katulad ng
kanilang ginagawa ay makabuluhang parte sa ating bansa.
Tunay na malaki ang ambag ng mga pelikula at pagtatanghal sa pagpapahayag ng
ating sariling wika at kultura. Marami ang naabot ng mga produksiyon na ito lalo na sa
ngayon kung saan mabilis ang paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo.
Pinananatiling buhay ng sining ang ating wika at kultura sapagkat sa pamamagitan nito
ay nagiging tulay ito upang maibahagi ng mga Pilipino ang kanilang mga talento, ideya,
at kaisipan hindi lamang sa kapwa Pilipino kundi sa buong mundo. Nais naming itatak sa
mga mambabasa na sana ay suportahan nila ang mga sining na likhang Pilipino dahil sa
simpleng pamamaraan na ito ay mas napalalawig pa ang kaalaman ng bawat isa sa atin
tungkol sa ating sariling wika at kultura. Gayundin na hikayatin sila na ilabas ang
kanilaang mga kagalingan at kahiligan sa sining nangsagayon at maging kasangkapan rin
sila sa paglinang ng ating wika at kultura.

Sanggunian:
Blanco F. (2020) A Case Study on the Use of Theater as a Tool in Promoting Positive Discipline
for Children in Ozamis City. The Southeast Asian Conference on Education 2020: Official
Conference Proceedings.  https://doi.org/10.22492/issn.2435-5240.2020.38
Patil, Z. N. (2002). ‘India and Vietnam’, in Vietnamese Studies, 2, pp 101-108.

You might also like