You are on page 1of 4

PACIFIC SOUTHBAY COLLEGE, INC.

PurokCarmenville, Brgy. Calumpang General Santos City

HUMSS
(Humanities and Social Sciences)

MODULE 1
2nd SEMESTER S.Y. 2021-2022

NAME: _______________________________________________
GRADE & SECTION: 11-Newton
SUBJECT: Filipino sa Piling Kaunlaran
SUBJECT TEACHER: Aron Adarson Bago
PACIFIC SOUTHBAY COLLEGE, INC
Purok Carmenville, Calumpang, General Santos City
HUMSS 11-Newton
MODULE NO. 1
2nd Term, 2nd Semester, SY 2021-2022

Descriptive Title : FILIPINO SA PILING KAUNLARAN

Course Credit : 4 units
Class Schedule : Monday-Friday (Online and Modular)
Room : Google Classroom
Instructor : ARON ADARSON J. BAGO
Contact Details : arkaye1220@gmail.com

WEEK 1 – AKADEMIKONG PAGSULAT

ARALIN 1

Ano ang Akademikong Sulatin?

Ayon kina Mangahas et. al, (2017) ang akademikong pagsulat ay may tonong
pormal o impersonal. At ang awtor ay may posisyong obhetibo na tinatawag ding
iskolarling pagsulat sapagkat ito’y nakadisenyo para basahin o pag- aralan sa loob ng
akademikong institusyon.

Ayon naman kina Alejo et al. (2005) sa aklat nina Julian at Lontoc (2007) na ang
akademikong pasulat ay may sinusunod na kumbensiyo gaya ng pagbibigay ng suporta
sa mga ideya na pinapangatwiran. At layunin nito na maipakkita ang resulta ng mga
ginawang pananaliksik.

Tatlong Larangan

Ang Akademikong Pagsulat ay may kaugnayan sa tatlong larangan, ito ang

humanidades, agham panlipunan, siyensiyang natural at negosyo o kalakalan. Sa
humanidades kabilang dito ang literatura, sining pagganap, fine arts o bellasartes,
kasaysayan, linggwistika, aralingpangkultura at iba pa. Sa agham panlipunan naman
ang siyensiyang pampolitika sosyolohiya, sikolohiya, antropolohiya at ekonomiks;
Sa siyensiyang natural naman ay kimika, pisika, inhenyeriya, heolohiya, biolohiya, at iba
pa.
Nariyan naman sa Negosyo o kalakalan ang business management, studies in
accounting at administration studies. Tandaan na ang akademikong pagsulat ay may
mataas na pamantayan tulad ng tamang gramatika, ortograpiya at mga bantas dahil
ang mga target na mambabasa nito ay mga mag-aaral sa kolehiyo at unibersidad
gayundin ang mga institusyon at organisasyong interesado sa particular na paksa.

Ilan sa mga halimbawa ng akademikong sulatin ay sanaysay na iskolarli, book

review, dula, pelikula, introduksyon sa proyekto, aklat, critical essay, ulat sa
pananaliksik, tesis at disertasyon, research proposal,abstrak at case studies.

Akademikong Sulatin Di-Akademikong Sulatin

Layunin: Layunin:

 Magbigay ng ideya at  Magbigay ng sariling opinyon

impormasyon  Paraan o batayan ng datos:
 Paraan o batayan ng datos: Sariling karanasan, pamilya at
Obserbasyon, pananaliksik at komunidad
pagbabasa  Awdyens: iba’t ibang publiko
 Awdyens: iskolar, mag- aaral,  Organisasyon ng ideya: Hindi
guro(akademikong komunidad) malinaw ang estruktura Hindi
 Organisasyon ng ideya: Planado kailangang magkaugnay ang mga
ang ideya, may pagkakasunod- ideya.
sunod ng estruktura ng mga pahayag  Pananaw: Subhetibo, Sariling

 Pananaw: Obhetibo hindi direktang opinyon, pamilya, komunidad ang

tumutukoy sa tao at damdamin kundi pagtukoy tao at damdamin ang

sa mga bagay, ideya at facts. Nasa tinutukoy. Nasa una at pangalawang

pangatlong panauhan ang panauhan ang pagkakasulat.

pagkakasulat

Activity 1. IBIGAY ANG MGA HINIHINGI SA BAWAT NUMERO

Ekonomiks sa Diwang Pilipino:
Halo-Halo, Tingi-Tingi at Sari-Sari
Tereso S. Tullao, Jr.

Intensyon ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng wikang

Filipino upang lalong mapabilis ang intelektwalisasyon nito. Marapat lamang sundin,
hamak man, ang mga katangi-tanging sulatin na pinasimulan ng mga Pilipinong
propesor tulad nina Nicanor Tiongson, Virgilio Enriquez, Emerita Quito, Wilfrido
Villacorta at Isagani Cruz na gumamit ng wikang Filipino bilang instrumento sa
pagsusuri, paglilinaw at pagsasaayos ng mga konseptong naglalarawan ng ating
katauhan, buhay at lipunan.

Sa sanaysay na ito, tinalakay at sinuri ang limang pangunahing konsepto sa

ekonomiks sa diwang Pilipino. Ang layunin ay hindi lamang upang makapagbigay ng
panimulang introduksyon sa isang mahalagang sangay ng agham panlipunan kung
hindi gamitin ang kaalamang ito sa paglutas ng pangunahing problemang
pangkabuhayan at pangkaunlaran. Mga Susing Salita: pagpapaunlad ng wika,
intelektwalisasyon, konsepto sa ekonomiks, diwang Pilipino, problemang
pangkabuhayan at pangkaunlaran.

1.PAKSA:
_____________________________________________________________________________________

________________________________________
2.LAYUNIN:

3.KAHALAGAHAN NG AKADEMIKONG SULATIN:

You might also like