Professional Documents
Culture Documents
FA5: S (Suliranin - Solusyon)
FA5: S (Suliranin - Solusyon)
Napiling Suliranin
Problem of Man: Hindi na talamak ang pagkakaroon ng interes o pagtangkilik
sa mga katutubong panitikan o lokal na literatura sapagkat mas bumabaling
ang atensyon ng mga Pilipino sa pag-aaral ng mga dayuhang panitikan o
literatura.
Pinakamatimbang na Solusyon
Edukasyon. Mas bigyang-pansin o pagtibayin ang pag-aaral at pagtuturo ng mga asignatura
patungkol sa katutubong panitikan o literatura, wikang Filipino, at iba pa na mayroong kinalaman sa
kultura at wika ng bansang Pilipinas. Sa pamamagitan ng mga programa at aktibidad sa mga
asignaturang nabanggit, mapupukaw ang interes ng mga mag-aaral sa pagbabasa at pagsusulat ng
mga sariling akda. Dagdag pa rito, ito rin ang magbibigay-daan upang mas maging mayaman ang
kaalaman patungkol sa panitikan ng bansa.
Kalakasan at Kahinaan
Hindi maikakailang mahaba ang proseso ng pagaaral, ngunit sa katagalang taglay nito
paniguradong lalabas na may natutunan at nakuhang mahalagang impormasyon ang mga taong
naturuan nito, at ito ang magiging dahilan upang maiwasan ang kamang-mangan sa mga
katutubong panitikan o lokal na literatura
Mga Sanggunian:
Lumbera, B. (1997.) The rugged terrain of vernacular literature. In Revaluation: Essays on Philippine
Literature, Cinema and Popular Culture, UST Publishing House, 1997, pp. 87-93.
TVUP. (2017, January 4). Kung paano iniligaw ako ng wikang Ingles | Dr. Bienvenido Lumbera [Video].
YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=n3hMcGgUUCw