(Isang Kolaborasyong Gawain ng mga Guro sa FBHS) PROPONENT CHERRY ROSE POLERO MT-I/ Coordinator, English Dept DELIA T. SANCHO T-III/Coordinator, Filipino Dept. OBJECTIVES Napahahalagahan ang pagbasa bilang isa sa pinagmumulan ng karunungan Makabasa nang may pang-unawa ang mga mag-aaral Natitimo sa mga mag-aaral ang pagmamahal sa pagbasa TIME FRAME Setyembre 2-3, 2021 Buong Taong Pampanuruan ng 2021- 2022 45 minuto hanggang 1 oras ang bawat session Dalawang ulit bawat markahan PERSONS INVOLVED Mga mag-aaral mula sa Grado 7-10 SSG Mga magulang Mga guro ng FBHS Mga Head Teacher at Coordinator
MATERIALS Mga reading material na angkop sa
grado ng mga mag-aaral at sa araling itinuturo ng mga guro laptop Internet FB Messanger Gmeet Links Liham pahintulot/pagpapabatid mula sa mga magulang PROSESO 1. Paghingi ng pahintulot sa mga head teacher at coordinator na magpadala ng kinatawan para sa gagawing pagpapabasa 2. Itinakda ang unang pagpupulong ng mga lalahok sa proyekto nang Agosto 28, 2021 sa ganap ng 1 n. h. 3. Ang mga gurong kalahok ang maghahanda ng mga reading material na kanilang gagamitin ayon sa asignaturang kanilang itinuturo. Ang midyum ng pagtuturo ay nakabatay rin sa kung ano ang kanilang ginagamit sa kanilang regular na klase. 4. Ipamimigay ng mga guro sa mga magulang ang liham paanyaya para sa mga mag-aaral na kanilang napili 5. Maaring isang guro lamang ang humawak ng dalawang sesyon na ito o maari ring magkaibang guro sa unang araw at ikalawang araw. 6. Magkakaroon ng pasalitang ebalwasyon bago, habang at pagkatapos ng bawat aralin upang matasa kung naunawaan ng mga mag-aaral ang ginawang pagpapabasa. 7. Maaring gamitin ang estratehiyang interactive reading o anumang estratehiyang nakita ng guro na akma sa kanyang ipagagawa. 8. Ang pagpapabasa ay gagawin sa gmeet kaya’t walang dapat alalahanin sa health protocol ng IATF.
Inihanda nina:
DELIA T. SANCHO CHERRY ROSE P. CREENCIA
T-III/ Koordineytor, Kag. ng Filipino MT -I /Coordinator, English Dept