You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF SILAY CITY
DON FELIX T. LACSON MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Kapt. Ramon, Silay City, Neg.occ.

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
SUMMATIVE TEST NO.2
(FIRST QUARTER, WEEK 3-4)

Name:__________________________________ Grade & Section:_________


I. Panuto: Basahin nang may pag-iingat ang mga katanungan sa ibaba at bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Kapag ikaw ay mahilig sa kahit na anong “ball games” at magaling din
sumayaw, anong talino ang nangingibabaw sa iyo?
a. Bodily/Kinesthetic c. Verbal/Linguistic
b. Intrapersonal d. Visual/ Spatial
2. Ang mga sumusunod ay pagkakaiba ng talento at kakayahan MALIBAN sa:
a. Ang talento ay isang pambihira at likas na kakayahan samantalang ang
kakayahan ay kalakasang intelektwal upang makagawa ng isang pambihirang
bagay.
b. Ang talento ay mula sa pambihirang katangian na minana sa magulang
samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng tao dahil sa kanyang kakayahang
mag-isip.
c. Ang talento ay mahirap sukatin samantalang ang kakayahan ay tinataglay ng
tao dahil sa kanyang kakayahang mag-isip.
d. Ang talento ay kusang lumalabas sa takdang panahon samantalang ang
kakayahan ay kailangang dumaan sa proseso ng pagsasanay.
3. Bakit mahalagang tuklasin at paunlarin ang mga angking talento at
kakayahan?
a. Upang makapaglingkod sa pamayanan
b. Upang maisakatuparan ang mga tungkulin sa sarili at sa lipunan
c. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili at malampasan ang mga kahinaan
d. Lahat ng nabanggit
4. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa late bloomer?
a. mga estudyante na laging huli sa klase
b. mga tao na laging nagbibitaw ng mga pangako
c. mga tao na matagal umusbong o natuklasan ang kanilang mga talento
d. lahat ng nabanggit
5. Sa murang edad ay dapat ng matuklasan ang talento at kakayahan upang mahaba
ang panahon ng pagpapaunlad nito. Ang pangungusap ay:
a. Tama, dahil ang patuloy at mahabang pagsasanay ang nagpapaperpekto sa
talento at kakayahan ng tao.
b. Tama, dahil mas mahabang panahon ang maitutuon sa mga pagsubok sa talento
katulad ng pagsali sa paligsahan at mga pagtatanghal.
c. Mali, dahil walang takdang panahon ang pag-usbong ng talento.
d. Mali, dahil maaring magbunga ito ng pagkabagot at pagkasawa.
6. Bakit may mga taong nagsasabi na sila ay ipinanganak na walang talento?
a. dahil hindi sila naglalaan ng panahon upang ito ay tuklasin
b. dahil mayroon talagang tao na ipinanganak na walang talento
c. dahil hindi pa panahon upang matuklasan nila ang kanilang talento
d. dahil hindi nila kinikilala ang kanilang mga kakayahan at talento dahil hindi
naman ito makaagaw ng atensyon
7. Alin sa mga sumusunod ang TAMA tungkol sa talinong Verbal/ Linguistic?
a. may mataas na tinatawag na muscle memory
b. Ito ay talino tungkol sa pagbigkas o pagsulat ng salita.
c. Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
d. Ito ay talino tungkol sa mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng
pangangatuwiran at paglutas ng suliranin (problem solving).
8. Sino sa mga sumusunod na personalidad ang maihahanay sa talinong Verbal /
Linguistic?
a. Angel Locsin c. June Mar Fajardo
b. Jessica Soho d. Vhong Navarro
Para sa bilang 9 at 10

Si Chris ay mahilig sa pagguhit buhat ng siya’y bata


pa. Sa kanyang pagpalista sa Grade 7, siya’y tumungo sa
Coordinator ng Special Program in the Arts (SPA) upang
mag-audition sa kanyang talento sa pagguhit. Gusto niya
na malinang pa ang angking talento na kanyang pinili.
9. Anong talino ang taglay ni Chris?
a. Bodily/Kinesthetic c. Verbal/Linguistic
b. Intrapersonal d. Visual/ Spatial
10. Anong larangan o trabaho ang maaaring pasukan ni Chris sa hinaharap?
a. accountant c. cartoonist
b. call center agent d. pulis

Para sa bilang 11 at 12
Maliit pa lang si Joanna nang siya ay matuklasan ng kanyang
mga magulang na magaling sa pag-awit. Sa edad na tatlo, nakasali na
siya sa mga patimpalak at siya ay nakikilala dahil sa kanyang
kahusayan sa kabila ng murang edad. Ngunit sa kanyang paglaki ay
naging mahiyain si Joanna at hindi na sumasali sa mga patimpalak
dahil ayaw niyang humarap sa maraming tao. Hindi alam ng kanyang
mga kamag-aral ang kanyang talento dahil hindi naman siya
nagpapakita nito kahit sa mga gawain sa klase o sa paaralan.
Palagi pa ring umaawit si Joanna ngunit ito ay sa kanilang bahay
lamang kasabay ang kanyang nakatatandang kapatid.

11. Ano ang pangunahing balakid sa pagtatagumpay ni Joanna?


a. Ang kawalan ng suporta ng kanyang mga magulang
b. Ang kawalan niya ng tiwala sa kanyang kakayahan
c. Ang kanyang paniniwala na nakakatakot humarap sa maraming tao
d. Ang kanyang mga kamag-aral dahil hindi siya hinihimok na sumali sa paligsahan
at magtanghal.
12. Ano ang nararapat na gawin ni Joanna?
a. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihing mas magaling siya sa
pag-awit sa sinuman na kanyang narinig sa paaralan.
b. Kailangan niyang humingi ng tulong sa kanyang kapatid upang palaging samahan
siya sa lahat ng kanyang paligsahan at pagtatanghal.
c. Kailangan niyang kausapin ang kanyang sarili at sabihin na kaya niyang harapin
ang anumang hamon at lagpasan ang kanyang mga kahinaan.
d. Kailangan niyang magsanay nang labis upang maperpekto niya ang kanyang
talento at hindi matakot na mapahiya sa harap ng maraming tao.
13. Si Cleo ay mahusay sa paglalaro ng basketball. Labis ang paghanga
sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa team. Sa tuwing maglalaro,
siya ang nakapagbibigay ng malaking puntos sa kanilang team. Makikitang
halos perpekto na niya ang kanyang kakayahan sa basketball. Ngunit sa labis
na kaabalahan sa pag-aaral, barkada at milya hindi na siya nakapagsasanay
nang mabuti. Ano ang maaaring maging kahihinatnan ng ganitong gawi ni Cleo?
a. Manghihina ang kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pagsasanay.
b. Hindi magkakaroon ng pagbabago sa kanyang paraan ng paglalaro dahil halos
naperpekto na niya ang kanyang kakayahan.
c. Makaaapekto ito sa kanyang laro dahil bukod sa pagkokondisyon ng katawan ay
mahalaga ang pagsasanay kasama ng kanyang team upang mahasa sa pagbuo
ng laro kasama ang mga ito.
d. Hindi ito makaaapekto dahil alam naman niyang laging nariyan ang kanyang mga
kasamahan na patuloy ang masugid na pagsasanay at nakahandang sumuporta
sa kanya sa laro.
14. Sa pagpasok ni Angeline sa high school ay naging kapansin-pansin ang
kanyang pagiging matangkad. Isang araw, nilapitan siya at inalok na sumali sa
volleyball team ng paaralan.
Nabuo ang interes sa kanyang isip na sumali dahil wala pa siyang
kinahihiligang isports. Hindi pa siya nagkapaglalaro ng volleyball minsan man sa
kanyang buhay ngunit nakahanda naman siyang magsanay. Sa kabila ng mga
agam-agam ay nagpasiya siyang sumali rito. Ano kaya ang magiging
kahihinatnan ng pasya ni Angeline?
a. Magiging mahusay siya sa paglalaro ng volleyball dahil sa kanyang interes at
kahandaan na dumaan sa pagsasanay.
b. Magiging mahusay siya sa paglalaro sa matagal na panahon dahil hindi siya
makasasabay sa kanyang mga kasama na matagal ng nagsasanay.
c. Magiging mahirap ang kanyang pagdaraanan dahil hindi sapat ang kanyang
pisikal na katangian lalo na at wala naman siyang talento sa paglalaro ng
volleyball.
d. Magiging mahirap lalo na sa kanyang pangangatawan dahil hindi siya sanay sa
paglahok sa anumang isports sa matagal na panahon.
15. Mababa ang marka ni Leo sa English dahil hirap siya sa asignaturang ito. Palaging
mababa ang kanyang marka sa mga pagsusulit at hindi siya magkaroon ng lakas ng
loob na magrecite sa klase dahil hirap siya sa pagsasalita ng Ingles. Ano ang maaaring
maging solusyon sa suliranin ni Leo?
a. tukuyin kung ano ang nais na matutuhan upang ito ay paunlarin
b. tayahin kung ano ang dahilan ng kanyang kahinaan sa asignatura
c. maglahad ng mga paraan kung paano isasagawa ang pagpapaunlad ng kanyang
kakayahan sa pagsasalita at pagsusulat sa Ingles
d. lahat ng nabanggit
16. Sa pagpapaunlad ng likas na talento at kakayahan kailangan ang ______.
a. masusi at tamang pagsasanay
b. katamtaman at napapanahong pagsasanay
c. mabagal at unti-unting pagsasanay
d. mabilis at napapanahong pagsasanay
17. Ang pagtatagumpay at kahusayan ay bunga ng ________.
a. mabagal at unti-unting pagsasanay
b. katamtaman at napapanahong pagsasanay
c. masusi at tamang pagsasanay
d. mabilis at napapanahong pagsasanay
18. Mahalaga na tayo ay may__________ sa larangang pinasok.
a. basbas ng magulang b. interes o hilig
c. kaalaman d. pera na pantustos
19. Kung nais mong makamit ang isang bagay, hindi sapat ang ___________.
a. paulit-ulit na pagsubok
b. minsanang pagsubok lamang
c. puhunan sa pagpapalago sa sariling kakayahan
d. pagpapaubaya sa panghuhusga ng ibang tao
20. Kung hindi nagtagumpay sa isang larangan ay__________.
a. ipagpatuloy ang iyong larangang pinili
b dapat na sumubok muli ng iba
c. huwag na lamang ipagpatuloy ang pagsubok sa larangang pinili
d. ipagpaliban na lamang ang pagsubok sa larangang pinili
21. Ang tiwala sa sarili o self-confidence ay ang ____________ sa sariling kakayahan na
matatapos ang isang gawain nang may kahusayan.
a. pagpapaubaya b. pagmamayabang
c. paniniwala d. paghahanap ng mungkahi ng iba

22. Ang tiwala sa sarili o self-confidence ay ___________.


a. namamana sa magulang at mga ninuno
b. nakabatay sa sinasabi ng iba
c. nababasa sa mga libro
d. natutunan at napapaunlad
23. Napag-aaralan ang tiwala sa sarili sa pamamagitan ng______.
a. iba’t ibang karanasan sa ating buhay
b. iba’t ibang karanasan sa buhay ng ibang tao
c. iba’t ibang natutunan sa paaralan
d. iba’t ibang karanasan galing sa ating magulang
24. Ang tiwala sa sarili ay tumitibay sa _______________.
a. pamamagitan ng mga sinasabi ng ibang tao
b. pamamagitan ng mga payo ng iyong magulang
c. mga natutunan sa paglipas ng panahon
d. pagpapaubaya sa mga pangyayari sa buhay
25. ___________ ang bumuo sa sarili mong katatagan.
a. Sila b. Tayo
c. Kayo d. Ikaw

II. Panuto: Punan ang talata na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

Ang aking kalakasan, katalinuhan, at kakayahan ay _________________.


Mapagyayaman ko ang mga ito sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Ang napapansin ko na kahinaan ay ang ___________________________.


Mapapaunlad ko ang aking kahinaan sa pamamagitan ng
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

Performance Task No. 2


Name: ____________________________ Grade & Section:__________
Panuto: Kopyahin at punan ang talata na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
may patlang.

Ang dapat kong gawin upang mapaunlad ang


aking angking talino at kakayahan ay ______________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
________________________________.

Rubric para sa Pagsusuri


5- Malinaw ang ipinarating na mensahe ng mga pangungusap sa
repleksiyon.
4- Maayos na naisulat ang repleksyon pero may isa hanggang
dalawang
pangungusap na hindi malinaw na naiparating,
3- Mayroong mahigit sa tatlong pangungusap na hindi malinaw
ang mensahe
at hindi maayos ang pagkakasulat.
2- Mayroong mahigit sa limang pangungusap na hindi maayos
ang
pagkakasulat at hindi malinaw ang mensahe.
1- Walang nagawang repleksiyon.

Answer key:
1. a 10. C
2. d 11. b
3. d 12. c
4. c 13. c
5. c 14. a
6. a 15. d
7. b
8. b
9. d

16. a
17. c
18. b
19. b
20. b
21. c
22. d
23. a
24. c
25. d

You might also like