You are on page 1of 1

Chealsy Liane Boco : 8-SSC-GrahamBell

“Pagsasawalang bahala sa Kalikasan para lamang sa Negosyo”

Ano nga ba ang dapat isipin sa pag Nenegosyo?

Bukod sa mga nais ibenta, isipin din natin ang kapakanan ng inang kalikasan. Sapagkat ang inang kalikasan
ng kailangan ng lahat, mapa-tao man o hayop. Hindi dapat binabaliwala ang kaligtasan ng kalikasan. Aanhin
mo ang pera kung nauubos na ang mga halaman, puno, hayop, tubig, ect.? Paano ka gagawa ng panibago
mong produkto kung ang mga kagamitan na iyong gagamitin ay unti-unti nang nauubos? Hindi tayo o ikaw
mismo, mabubuhay kung iyong binabaliwala ang kaligtasan ng kalikasan bago ka mag negosyo. Mga
polusyong ating ngagawa ay dapat nang bawasan. Masyado nang nahihirapan ang inang kalikasan. Kung
kaya’t huwag nang dagdagan.

Ngunit paano nga mo o natin ba maliligtas ang kalikasan sa pag nenegosyo o sa mga polusyon?

Tignan ang iyong paligid, tignan ang kalikasan, isiping mabuti paano mababawasan ang mga polusyong
bumabalot rito. Simpleng gawain minsan ay ating iwinawaglit gawin. Pag tapon ng basura, dapat itapon sa
naayon na basurahan, hindi sa mga anyong tubig, kun’di sa tamang basurahan. Pag puputol ng puno, dapat
ay may kapalit. Mag tanim ng mga panibagong puno tatlo o lima kung maaari, sapagkat hindi natin alam
kung lahat ito ay tutubo. Mga plastik ay huwag sunugin, ito’y magagamit muli. Gawin natin ang 3R’s o ang
Reuse, Reduce, Recycle. Walang masama kung atin itong gagawin, lalo pa itong makakabuti para matulungan
ang inang kalikasan na ito’y luminis. Sa pag nenegosyo ay walang masama hanggat walang nakakasama sa
mga tao, hayop, o sa kalikasan. Sa Pag Nenegosyo maaari tayo o ikaw mismo, mag benta ng mga produktong
mula sa kalikasan, sapagkat lahat ng ating ginagamit ay mula sa inang kalikasan. Ngunit, iyong palitan ang
iyong mga gagamitin mula sa kalikasan at huwag nang dagdagan ang dahilan kung bakit ang kalikasan ay
unti-unti nang nasisira. Tulad nang mga halaman, kapag may nais kang putulin o kuhain para gawing
produkto ang isang halaman, maaari kang mag tanim ng panibagong halaman at ito’y palaguin. Sa simpleng
paraan, ikaw ay nakatulong na sa inang kalikasan. Maging masinop at maparaan sa ating mga gagawin.

Kung maparaan at bukas ang isipin at puso ng mga tao, sa tingin ko, ang kalikasan ay napaka aliwalas. Ang
mga tao lang naman ang sumisira dito. Sapagkat ang mga tao lamang ang may kakayahang isipin ang
nagiging kalagayan ng inang kalikasan. Ang mga hayop, lupa, tubig, puno, at halaman, sila ang ating
kailangang mabuhay kung kaya’t kailangan natin silang isipin at alagaan. Huwag kakalimutan, ang inang
kalikasan ay tinawag na “ina” sapagkat sa kaniya tayo kumukha at gumgamit ng lahat ng ating
kinakailangan. Na parang isang ina sa pamilya, kung walang ina sa pamilya, walang magiging ilaw para tayo
ay mabuhay.

Tayo ay dapat maging alerto sa mga gagawin. Isiping mabuti kung ito ay makakasama o makakabuti para sa
inang kalikasan. Sapagkat kung ito ay makakabuti o makakasama para sa kanya, mas malaki ang magiging
apekto nito sayo, sa ating lahat. Kaya buksan ang iyong isipan at puso para sa ating inang kalikasan. Isipin at
unawain ang kaniyang kalagayan na ngayon ay madaming polusyon bumabalot sa kaniya. Hindi b’at mas
masayang mag tayo ng negosyo kung hindi nakakasa sa kapaligiran? Kung kaya’t simulang mag tayo ng
negosyong bukas ang isip at puso para sa kapakanan ng inang kalikasan.

You might also like