You are on page 1of 5

HR DEPARTMENT

1022 Bldg, NSD Compound, Argonaut Hi-way


Subic bay Freeport Zone.
MARCH 4, 2022

Sagot sa : PAGLIBAN NG WALANG PAALAM SA OPISINA / AWOL

Magandang araw po sa pamunuan ng Mega Subic Terminal Services, INC. ako po ay humihing ng
tawad sa mga araw na ako po ay di nakapasok with info po sa HR at sa akin Supervisor.

November 25, 2021 – ako po ay nag file ng Leave para sa araw ng December 26, 2021 – January 4,
2022
Ito po ay pinasa ko sa ating HR Dept. with approval po ng aming
Supervisor

December 24, 2021 – (half day base sa Memo from 0700H to 1200H) – ito po ay di ko naifile dahil ang
plano po naming pamilya ay uuwi po kami ng December 25, 2021 ng Madaling araw, tumawag po ang
aking mga kapatid na isurprise daw po naming ang aming ina na dun kami lahat mag medya Noche, at
agad po ako nag info sa ating HR Dept. Mam Grace at sa Aming Supervisor ng 0508H na di na po ako
makakapasok dahil uuwi na po kami ng umaga.

January 5-6, 2022 – ito po ang araw nang aking pag balik trabaho ngunit ako po ay di nakabalik dahil
ito po ang C.I ng Lending Company na uutangan ko po sana para gamitin sa pag pagamot sa aking na
Mild Stroke na Ina noong January 2, 2022 at muling dinala ulit sa hospital noong January 7, 2022. Ako po
ay nag info din agad sa Aming HR at Supervisor.
January 7-9, 2022 – nag Advised po ang HR at Nurse Dept na kailngan ko po magsagawa ng Rapid
Antigen test na nagkakahalaga ng 1600.00 at Medical Certificate bago ako makabalik ng trabaho. Ako po
ay wala pang pera nung time na ito at ininform ko po ang HR dito na hintayin ko lang po yung pera
hihiramin ko para makapag sagawa po ako ng rapid antigen at MC, dahil di po na approved ang
inapplyan kung Loan para sana pang pagamot sa aking ina.
At nung dumating na po ang pera na aking hiniram ay Agad po ako nagpa Rapid Antigen Test at MC
upang makabalik po ako agad sa aking trabaho.

January 10, 2022 – ako po ay nagpa Rapid Antigen test at agad na inasikaso ang MC upang makapag Fit
to work sa Company. Ito po ay sinend ko po agad sa Messenger ng aming HR at Nurse On Duty na si Sir
Arbie. Upang makabalik na ako sa trabaho.

Ako po ay nag info sa aming HR Dept at sa aming Supervisor sa mga araw po na di ako nakapasok, ako
po ay humihingi ng paumanhin kung ako po ay may nalabag na polisiya ng ating kompanya, naway
maging patas at makatarungan po sana ang maging hatol nyo sa akin, ako lamang po ang tumutulong sa
aking ina sa kanya gastusan at itinataguyod ko ang aking 2 anak at aking pamilya sa aking pag tratrabaho
sa inyo pong kompanya, ako po ay walang Bad Records at ginagawa ko ng tapa tang aking trabaho bilang
isang Truck Driver at utility sa ating kompanya, naway patuloy pa po ako makapag trabaho upang
mabigyan ko ng magandang buhay ang aking pamilya at matustusan ko ang aking ina para sa kanyang
mga kakailngan gamutan.

MARAMING SALAMAT PO!

Lubos na Gumagalang,

Jayson Chan
Truck Driver/Utility
Bemasi Dept.

You might also like