You are on page 1of 3

“Document3”

Personal na Sanaysay ni Mark Andrei P. Pagana

Alam kong babalik-balikan mo ako, Mark Andrei Panotes Pagana. Taguring Marquee.

Ako lang naman ang word file na isinulat mo ilang taon na ang nakalilipas. Natural, hinding-hindi mo
makakalimutang sa isang pagkakataon sa buhay mo bilang isang manunulat, naisulat mo ako. Sa palagay ko
nga, baka ako pa ang paborito mong katha, kahit na bunga lang naman ako ng pagka-cram mo sa PerDev
noong Grade 12.

Alam mong puro panunuya lang ang babanggitin ko rito. Na ibubuking kita sa lahat ng mga makababasa
nito. Pero malamang sa malamang, bibisitahin mo ako sa pagkakataong lunong-luno ka. Hindi ko alam kung
bakit. Siguro, dahil hindi ka nakapasa sa UP. O kaya sa PUP. Hindi mo nakuha ‘yung gusto mong kurso –
BS Stats. Baka dahil naiisip mo na nag-fail ka bilang bunso. O kaya sa college, hindi ka na magaling. Hindi ka
na honors. Hindi na ikaw ‘yung dating sarili mo. Surface Pressure.

Kung ano man ang nangyari sa iyo, okay lang ‘yan.

Biro lang. Hindi ‘yun okay. Pero haha, deserve.

Ang taas ng expectations na ini-set mo para sa sarili mo. Kasalanan mo ‘yan.

Grabe ‘yung ambisyon mong mangolekta ng multiple intelligence pati careers, as if gusto mong kumpletuhin
‘yung mga Pokemon sa Kanto, Johto, at Hoenn Region. ‘Yung ambisyon mong maging data scientist, pero
at the same time, ine-expect mo na kaya mo ring mag-engineering, mag-chef, maging music producer, maging
manunulat, at maging mapagmahal na anak. Hindi mo kaya ‘yun all at once. Sana namili ka. Face it: hindi ka
Jack of all trades.

Ayaw mong dumating ka sa puntong maging unemployed ka sa hinaharap. O maging katulad ng isang
kabubukas na notepad—“untitled”. O kaya unsupported file format na walang name extension. Inamin mo
sanang vulnerable ka. Na, nang isinulat mo ‘to, ang tanging tumatakbo sa isip mo, “hindi ko na alam, anong
gagawin ko?” Kasi hindi mo na-orchestrate. At basically, ‘yun lagi ‘yung struggle mo. Hindi mo nasunod ‘yung
plano, parang ‘yung parents mo nang mabuo ka.

Naaalala mo n’ung isinulat mo ako? Hindi mo naman talaga balak magpasa ng personal na sanaysay kay Sir.
Ang balak mo, magpasa ng disenteng tula na somehow, ipinapakita ‘yung sarili mo ngayon at sa future. Pero,
na-realize mong hindi ganoon ka-ganda ‘yung tula. Heto ‘yung tula mo eh:

Kinukulbit ako ng panaká-nakáng tingin


ng pusang napatila lang sa bakuran
Sumilay siya sa bintana, waring
natatakam sa lansa ng isdang nahihimlay
sa plato; hatid sa bibig ng kutsara ang
lulang pasahero at magiting na kakaway
ang kamay kong idiniboto sa trabaho

Alang-alang sa nilalang,
ibubukas ko ang bintanang
sinarado. Sasalubong sa kaniya
Ang sinop ng salansanang
tinahanan ng kubyertos,
ng bigat ng pinggan,
at ng babasagíng baso
Ang lawak at kapayakan
nitong silid-kainán
Ang halimuyak ng santáng
sinisinta kailanman

Liligid siya sa nagsasangang pasilyo


titingalain niya ang taas-noong
aparador, ang nangsisilaw na aranya,
mga dingding na ang tingi’y laging diretso,
at ang pintong maginoo.

Sa gitna ng tinuturing kong Paraiso


naluluklok ang bungangkahoy
ng pinunla kong sibol ng pangarap
Kahit tigmak ang dalita at lipulin man
ng sigwâ, may sumisinag na pag-asa
sa lupa; at ang dumidilig na luha
ang nagsilbing pataba sa nagsisikap
kong usbong. Unti-unting napayapa
ang alapaap nang tumila
ang ulan sa talambuhay ng makata.

‘Yan ‘yung Document2. ‘Yung Document1, ‘yun ‘yung word file kung saan mo inilatag ‘yung plano mo sa tula.
Maikli lang ‘yung plano mo, tapos hindi mo pa nasunod. Humahanap ka ng excuses para lang mapadali ‘yung
ginagawa mo. Sa huli, hindi mo nasunod ‘yung plano.

Hindi mo naman kasi nasusunod lahat ng plano.

‘Yung plano mong sinigang, nagiging tinola (kasi walang lasa). ‘Yung plano mong portrait, nagiginig abstract.
Hindi na rin ako magugulat kung hindi mo masunod ‘yung career plans na isinulat mo no’ng Grade 11.
Indecisiveness. Sakit mo ‘yan na hinding-hindi mo magamot.

So “what gives” kung mag-career planning ka? Hindi mo naman pala masusunod.

Ganitong-ganito ‘yung thought process mo nang isinusulat mo ako. Pessimistic ka. Ganito mo nakikita ‘yung
sarili mo sa future? Siguro mostly, pero may part ka pa rin na umaasang magtatagumpay ka. Kasi inaalala
mong sa dinami-rami ng pagkakataong hindi mo nasusunod ‘yung plano, natututo kang mag-improvise.
Kita mo ako. I’m a fruit of your improvisation.

So what kung naging tinola ‘yung sinigang mo? Edible pa rin naman.

So what kung naging abstract ‘yung portrait na ipinipinta mo? Art pa rin ‘yan.

So what kung hindi mo nasusunod ang Document1?

At the end of the day, nasa Document2 ka pa lang naman. Hindi naman ibig sabihin noon, wala ka nang
maipapasang maayos sa PerDev. Pindutin mo lang ‘yung “Ctrl + N”, gawa ka ng panibagong document. Mag-
type-type ka lang. Ipakita mo ‘yung natural mong pagkatao, ‘yung personality mo. Sa huli, hindi naman
mahalaga kung Document2 ba, Document3, o Document128 ‘yung maipasa mo. ‘Yung nilalaman naman kasi
ang tinitignan.

Gamit ‘tong thinking na ‘to, hindi naman din mahalaga kung inabot ka ng ilang taon bago maging Statistician
o Data Scientist, o Chef, o Laureate. Kaya mo pa rin namang abutin ‘yung mga pangarap mo kahit na halos
all else fails. Makikita mo pa rin ang sarili mo in the near future na may dalang suitcase, nagtatrabaho sa isang
firm, nag-aanalyze ng data, o kaya nakasuot ng apron at headwear. Makakapagsulat ka pa rin. May chance ka
pa ring maging isang songwriter. Makakapagpatayo ka pa rin ng simpleng bahay. Makakapagpundar ka pa rin
ng mga appliance. May chance ka pang bumawi sa pamilya mo. ‘Yun ay kung determinado ka pa rin.

Marami-rami kang planong babaliin. Marami-rami kang drafts na hindi mo susundin kasi magpi-freestyle ka.
At oo, marami-rami kang pagkakataong sasayangin.

Itong document na isinulat mo, malamang sa malamang, babagsak ‘to. Sayang. Pero alam mong worth it. Kasi
alam kapag dumating ‘yung isang araw na na-disappoint ka kasi hindi mo na naman nasunod ang plano, may
“comforting” piece kang mababasa na isinulat mo para sa sarili mo. Siguro kukupas kung gaano mo ‘to maa-
appreciate. Sana, though, hindi mo makakaligtaan na you can always start anew and create a
Document3.

You might also like