You are on page 1of 1

Bansa

Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.

MGA ELEMENTO NG BANSA


Tao
Ang tao ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon
ng bansa

Teritoryo
Ang teritoryo naman ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan.

Pamahalaan
Ang pamahalaan ay isang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga grupo ng tao na
naglalayong magtatag ng kaayusan at mapanatili ang kapayapaan ng ating lipunan.

Soberanya o Ganap na Kalayaan


Ang soberanya o Ganap na Kalayaan ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaan na pamunuan
ang kanyang nasasakupan.
Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa at alituntunin ng pamahalaan nang hindi
pinakikialaman ng ibang bansa.

Dalawang Uri ng Soberanya

1. Panloob na Soberanya ay ang pangangalaga ng sariling kalayaan.


2. Panlabas na Soberanya ay ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito.

Ihanay sa OO kung ito ay tumutukoy sa isang bansa at ihanay sa HINDI kung hindi ito tumutukoy sa isang
bansa.

1. Ang isang bansa ay binubuo ng tao, 4. Ang Pilipinas ay hindi maaaring


pamahalaan, at teritoryo lamang. pakialaman ng ibang bansa.

2. May pamahalaan ang Pilipinas na 5. May mahigit 100 na milyong tao ang
tumutugon sa pangangailangan ng mga naninirahan sa Pilipinas.
mamamayan.
3. Hindi lalagpas sa 200 na bansa ang
nagtataglay ng apat na elemento na
pagiging ganap na bansa.

Iguhit ang bandila sa isang buong papel. Bumuo ng sariling kahulugan ng isang bansa sa itaas na bahagi.
Sa ibabang bahagi naman bumuo ng pangungusap na nagsasabi kung bakit masasabing bansa ang
Pilipinas.

Takdang Aralin
Sumulat ng isang talata na nagsasabi ng kahalagahan ng pagkakaroon ng mga katangian o
elemento ng isang bansa.

You might also like