You are on page 1of 3

Bayani

Isinulat ni Bethuel Fresnido

Sa ano nasusukat ang isang bayani?


Sa dami ba ng kalaban
Na napapatay sa digmaan?
Sa bawat rebolusyon na pinangungunahan?
Sa pag-aalsa, pagsigaw,
pagpunit ng sedula,
sa bawat buhay na isina-sanla
Sa pagpapalaya ng kanyang bansa?

Sa ano ba nasusukat ang isang bayani?


Sa kanya bang bawat salita
Na ipinipinta na pumupukaw
sa damdamin ng madla?
O sa bawat katagang binuburda
pilit na itinatahi sa damit na susuutin
kung siya'y tunay na
malaya na.

Ano ba ang bayani sa iyo?


Ito'y nakadepende sa kung ano ang
ipinaglalaban mo.
Tapos na ang digmaan
Tapos na ang rebolusyon
Tapos na ang mga taon ng pang-aapi
ng iba't- ibang nasyon
Pero natapos ba ang pagkakataon?
May mga bagong bayani pa ring ipinaglalaban tayo ngayon.

Ipinaglalaban tayo sa kaaway


na hinugis ng panahon
Makabagong mga sakit
na pumapatay ng milyon- milyon

Sila'y mga doctor, mga nurse,


mga professional health workers,
mga guro, mga janitor, mga pulis
at lahat ng frontliners.

Sila ang nasa unahan ng bakbakan


Ika nga. Araw-araw nakikipagsapalaran
Doble, triple ang pagiingat na di mahawaan.
Sapagkat may pamilyang uuwian.

At ina-antay sila.
Sa paguwi ng bahay bawat gabi,
"Nay, nandito kana pala",
Masayang bungad ng bunso nila.
At ito'y gumuguhit ng ngiti
sa pagod niyang mga labi't
mga mata.
Sapagkat alam na alam niya
ang araw-araw na giyerang
tinatamasa
Kitang-kita niya sa balita
ang mga nasawi, ang pagtaas at pagbaba ng mga tala.
Ang bawat rekord na ginuhit ng pandemya.

At kahit sa musmos na isipan ni bunso,


Ay hindi niya ito maitatago
Bagkus ay ipaliliwanag
baka sakaling pagdating ng panahon
ay kanyang maipagtatanto:
Bago paman niya makilala si Lapu-lapu
At ang kanyang itak.
Bago paman mapag-aralan si Bonifacio
At ang katipunang itinatag.
Bago pa man kay Rizal at ang kanyang tinta,
Una na niyang nakilala ang kanyang Doctor na ina.
Na hindi lang binuhay ang sariling pamilya
Kundi'y nagsakripisyo para
sa kapakanan ng marami pang iba.
Ipinaglaban sila sa mga panahong
Mahirap ipaglaban kahit ang sarili
Hindi maipagkakaila,
Tunay na mga bayani.

You might also like