You are on page 1of 1

Una, nananalangin ba tayo sa Diyos na may tapat na puso?

Sinabi ng Panginoong Jesus: “Na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa
espiritu at sa katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang gayon na maging
mananamba sa kaniya” (Juan 4:23). Ipinakita sa atin ng mga salita ng Diyos kung
paano tayo dapat manalangin upang sambahin ang Diyos alinsunod sa Kanyang mga
layunin. Ang lubos na pinagtutuunan ng pansin ng Diyos ay ang kung mayroon tayong
tapat na puso kapag tayo ay nasa harap Niya. Hangga’t mayroon tayong pusong
gumagalang sa Diyos at mayroong isang puso na tapat kapag tayo ay nananalangin sa
Diyos, ituturing ng Diyos na katanggap-tanggap ang ating mga panalangin.
Gayunpaman, kapag tayo ay nananalangin sa Diyos, madalas nating hindi nagagawang
maging payapa sa harap ng Diyos at hindi ginagamit ang isang tunay na puso upang
manalangin sa Diyos. Ang ating mga labi ay gumagalaw ngunit iniisip ng ating puso
ang tungkol sa ating pamilya o sa trabaho at puno ng balisang mga saloobin. Minsan,
ang ating mga labi ay gumagalaw ngunit ang ating mga puso ay hindi gumagalaw. Wala
tayong isang tapat na pag-uugali, at basta na lamang tayo nagpapatianod at
pabalikbalik sa dati, basta na lamang ito ginagawa. Madalas pa tayong nagsasabi ng
ilang mga salitang marangal, marangya at hungkag, mga salita na maganda lamang
pakinggan, ilang mga salitang pinalabnaw upang dayain ang Diyos. Halimbawa, mahal
natin ang ating mga magulang nang higit sa pagmamahal natin sa Panginoon o mahal
natin ang ating karera nang higit sa pagmamahal natin sa Panginoon, gayunman kapag
tayo ay nananalangin, sinasabi natin, “O Panginoon, iniibig kita! Nakahanda akong
talikuran ang lahat at gumugol para sa iyo nang buong puso!” Kapag nakasasagupa ang
ating mga pamilya ng hindi masayang mga pangyayari, ang ating mga puso ay nagiging
negatibo at nagrereklamo tayo sa Panginoon. Gayunman, kapag tayo ay nananalangin,
nagpapasalamat tayo sa Panginoon at nagsasabi ng mga salitang papuri sa Panginoon….
Kaya naman, sa mga pananalangin, kung ang isang tao ay hindi tapat at sumasabay
lamang sa agos, ginagamit ang malaki at walang lamang mga salita, mga huwad na
salita o kung nagpapanggap ang isang tao sa harap ng Diyos at sinasabi lamang ang
mga salita na magandang pakinggan, dinadaya niya ang Diyos. Hindi makikinig ang
Diyos sa mga panalangin na hindi tapat.

You might also like