You are on page 1of 1

Ikalawa, nananalangin ba tayo sa Diyos na may pagkamaykatuwiran?

Kadalasan, kapag nananalangin tayo sa Diyos, basta na lang tayo humihiling ng mga
bagay sa Diyos o mayroong tayo ng lahat ng mga uri ng maluluhong kahilingan para sa
Diyos. Halimbawa: kung wala tayong trabaho, hinihiling natin sa Diyos na maglaan sa
atin ng trabaho. Kung wala tayong anak, hinihiling natin sa Diyos na pagkalooban
tayo ng anak. Kung may karamdaman tayo, hinihiling natin sa Diyos na lunasan ang
ating karamdaman. Kung ang ating mga pamilya ay nagdadanas ng mga kahirapan,
hinihiling natin sa Diyos na tulungan tayo. Ang mga negosyante ay nananalangin sa
Diyos at hinihiling sa kanya na pagpalain sila upang kumita sila ng napakaraming
salapi. Hinihiling ng mga mag-aaral sa Diyos na pagpalain sila ng talino at
karunungan. Hinihiling ng matatanda sa Diyos na ingatan sila mula sa karamdaman at
mga kalamidad upang magugol nila ang kanilang natitirang mga taon nang payapa. Sa
buhay, anumang mga kahirapan at mga pagsubok ang ating masagupa, hindi natin
kailanman nagagawang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Palagi tayong umaasa
na ililigtas tayo ng Diyos sa ating mga bagabag upang huwag na tayong magdusa.
Palagi nating hinihiling sa Diyos na ingatan tayo upang tayo ay maging masaya at
payapa. Ang ganitong uri ng panalangin ay hindi isang panalangin sa Diyos mula sa
isa sa mga nilalang ng Diyos. Sa halip, kinasasangkutan nito ang paghiling sa Diyos
para sa mga bagay at paghiling sa Kanya na gumawa ng mga bagay alinsunod sa ating
sariling mga saloobin. Kapag ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, umaasa sila na
mapalugod ng Diyos ang lahat ng kanilang mga kahilingan at pagnanais. Ito ay
pangunahin ng pagpasok sa isang pakikipagkalakalan sa Diyos at ang ganito ay wala
ni kapirasong konsensya o pagkamaykatwiran. Ang ganitong uri ng mga tao ay walang
tunay na pananampalataya at pag-ibig para sa Diyos ni tunay nilang sinsunod o
iginagalang ang Diyos. Ginagamit nila sa halip ang Diyos upang matamo ang kanilang
mga layunin. Katulad ito ng sinabi ng Diyos, “Ang bayang ito’y iginagalang ako ng
kanilang mga labi; Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin” (Mateo 15:8).
Kung gayon, ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga panalangin na ginagawa ng mga tao
na walang wastong mga layunin.

Ikatlo, taglay ba ng iglesia natin ang gawain ng Banal na Espiritu?

Muling balikan ang paunang yugto ng Kapanahunan ng Kautusan nang nilalaman ng


templo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nagkakasala ang mga tao, tinatanggap
nila ang pagdidisiplina ng Banal na Espiritu. Kapag nilabag ng mga pari na
naglilingkod sa Diyos ang kautusan, isang apoy ang bumababa mula sa langit at
susunugin sila hanggang sa mamatay. Takut na takot ang mga tao at mayroon silang
mga puso na gumagalang sa Diyos. Gayunpaman, sa huling yugto ng Kapanahunan ng
Kautusan nang si Jesus ay nagpakita at gumawa, hindi napanatili ng mga Hudyo ang
kautusan, ginamit ang templo bilang isang lugar ng palitan ng salapi at bentahan ng
mga baka. Ang templo ay ginawa nilang isang lungga ng mga magnanakaw. Hindi na nito
nilalaman ang pagdidisiplina ng Banal na Espiritu. Dahil iniwan na ng Banal na
Espiritu ang templo upang ipagsanggalang ang gawain ni Jesus, ang mga taong
namalagi sa templo na tumangging tanggapin ang pagliligtas ni Jesus ay inalis ng
gawain ng Diyos, nahulog sa kadiliman. Bagamat nanalangin sila sa pangalan ni
Jehovah, hindi nakinig ang Diyos. Lalo pang, hindi nila natamo ang gawain ng Banal
na Espiritu

You might also like