You are on page 1of 1

Ikalawa, dapat tayong tumayo sa lugar ng isang nilalang at huwag magkaroon ng mga

kahilingan para sa Diyos; dapat tayong manalangin gamit ang isang puso na
nagpapasakop sa Diyos.

Kapag tayo ay nananalangin, dapat na maging malinaw sa atin na tayo ay mga nilalang
at ang Diyos ay ang ating Maylalang. Hawak ng Diyos ang lahat ng mga bagay at mga
pangyayari sa Kanyang mga kamay. Ang lahat sa atin ay kontrolado ng Diyos. Anuman
ang ating masagupa sa araw-araw, maging ito man ay isang malaking bagay o isang
maliit na bagay, ang lahat ng ito ay dahil sa mga pagsasaayos ng Diyos. Kapag tayo
ay nananalangin sa Diyos, dapat tayong manindigan sa ating kalagayan bilang mga
nilalang, at hangarin ang kalooban ng Diyos gamit ang isang nakatalagang puso at
mapagpasakop na pag-uugali sa harap ng Diyos. Hindi tayo dapat magkaroon ng anumang
mga kahilingan para sa Diyos. Halimbawa, kapag nakasasagupa tayo ng mga kahirapan
at hindi natin alam kung ano ang gagawin, nananalangin tayo kagaya nito: “O Diyos!
Hindi ko nauunawaan ang katotohanan tungkol sa bagay na ito. Hindi ko alam kung
paano ko dapat gawin ang mga bagay alinsunod sa Iyong mga layunin. Gayunpaman,
nakahanda akong maghangad sa Iyong mga salita at gagawin ang mga bagay alinsunod sa
Iyong mga kahilingan at upang mapalugod ang Iyong mga layunin. Pakiusap liwanagan
at gabayan ako. Amen!” Kapag mayroong lugar ang Diyos sa ating mga puso at
makatatayo tayo sa lugar ng isang nilalang at nananalangin, nagpapatirapa,
sumasamba sa ating Maylalang, at kapag nasusunod natin ang Kanyang gawain at
isinasakatuparan ang Kanyang mga salita, saka lamang tayo makapagtatayo ng isang
normal na kaugnayan sa Diyos at matatamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Alam
nating lahat na si Job ay isang taong takot sa Diyos at nilayuan ang kasamaan. Nang
mawala niya ang lahat ng kanyang mga alagang hayop, mga anak, napuno ng mga sugat
mula ulo hanggang paa at nagdaranas ng matinding kapighatian, naniwala siya na ang
Diyos ang namamahala sa lahat ng bagay at na kung walang pahintulot ng Diyos, ang
mga bagay na ito ay hindi sasapit sa kanya. Dagdag pa rito, nalalaman din niya na
ang lahat ng mayroon siya kabilang ang kanyang buhay ay ibinigay sa kanya ng Diyos.
Anumang oras bawiin ng Diyos, ito ay likas at wasto. Kung gayon, hindi siya
nagreklamo sa Diyos ni nagkaroon siya ng mga kahilingan para sa Diyos. Bilang
resulta, siya ay yumukod at sumamba at gamit ang isang pusong nagpapasakop siya ay
nanalangin sa Diyos. Sinabi niya ang mga salitang ito: “Ang Panginoon ang nagbigay,
at ang Panginoon ang nagalis; purihin ang pangalan ng Panginoon” (Job 1:21).
“Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Dios, at hindi tayo tatanggap ng masama?”
(Job 2:10). Si Job ay nanindigan at sumaksi para sa Diyos. Ang kanyang diwa at ang
kanyang pagpapasakop sa Diyos ay nagtamo ng papuri ng Diyos. Kung nagagawa rin
nating tawagin ang Diyos sa paraang ginawa ni Job, kung mayroon tayong isang dako
para sa Diyos sa ating mga puso at kung nagagawa nating manalangin sa Diyos gamit
ang isang pusong nagpapasakop sa Diyos maging anumang pagsubok ang nasasagupa
natin, gagabayan at liliwanagan tayo ng Diyos upang maunawaan natin ang
katotohanan. Ang ating mga espiritu ay lalong mas magiging matalas at ang ating mga
saloobin ay lalong mas magiging malinaw. Kapag inihahayag natin ang ilang kasamaan
o taglay ang ilang masasamang sitwasyon, mas magiging madali pa sa atin na maging
mulat tungkol dito at lutasin ito sa oras. Kung gayon, ang ating kaugnayan sa Diyos
ay lalong magiging mas malapit at ang ating buhay ay uunlad nang mabilis na mabilis

You might also like