You are on page 1of 1

Ikatlo, kung hindi taglay ng ating iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu, dapat

tayong magkaroon ng mga panalangin ng paghahangad.


Alam nating lahat, sa dakong huli ng Kapanahunan ng Kautusan, ang tao ay lalo pang
mas pinasama ni Satanas. Ang tao ay nabuhay sa gitna ng kasalanan at hinarap niya
ang panganib ng pagiging hinatulan ng kautusan at papatayin. Pagkatapos, ang Diyos,
sa ilalim ng pangalan ni Jesus, tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan, sinimulan ang
Kapanahunan ng Biyaya at ginawa ang gawaing pagtubos sa sangkatauhan. Mula noon,
ganap na nawala ng Judaismo ang maluwalhating presensya ng Diyos. Para sa lahat ng
mga hindi tumanggap sa pangalan at gawain ng Panginoong Jesus, maging anumang mga
pangyayari ang kanilang nasagupa at kahit paano man sila nanalangin at nakiusap sa
Diyos na si Jehovah, hindi sa kanila makikinig ang Diyos at hindi nila matatamo ang
gawain ng Banal na Espiritu. Gayunpaman, tatamasahin ng lahat ng mga tumanggap sa
bagong gawain ni Jesus at nananalangin sa pangalan ni Jesus ang panustos ng bukal
ng tubig ng buhay ng Diyos. Kapag sila ay tumawag sa Panginoon makikita nila ang
mga gawa ng Diyos at tataglayin nila ang pakikisama ng gawain ng Banal na Espiritu.

Sa kasalukuyan, paano man tayo manalangin sa pangalan ng Panginoon, hindi natin


nadarama ang gawain ng Banal na Espiritu, at hindi natin mararamdaman ang Kanyang
presensya. Hindi tayo makapagtatamo ng panustos para sa ating mga buhay at
magkakasala tayo ngunit hindi tumatanggap ng pagdidisiplina. Lubos na posible na
ang gawain ng Banal na Espiritu ay muling lumihis. Sinasabi ng Biblia, “At kung ang
sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko
siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi
upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa
aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking
sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48). “Sapagka’t
dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).
Makikita natin mula sa mga talatang ito na, sa mga huling araw, ang Diyos ay muling
babalik upang gawin ang yugto ng gawaing paghatol. Ang Diyos ay tapat. Ang Kanyang
sinasabi ay mangyayari, magkakatotoo. Para sa atin naman, dapat tayong maghangad at
manalangin, hilingin sa Diyos na gabayan tayo sa bukal ng buhay upang matamo natin
ang pagdidilig at panustos at sundin ang mga yapak ng ating Panginoon. Naniniwala
ako na hangga’t mayroon tayong puso na nauuhaw at naghahangad, matatamo natin ang
paggabay ng Diyos. Ito ay dahil sa nangako ang Diyos sa atin, “Magsihingi kayo, at
kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at
kayo’y bubuksan” (Mateo 7:7).

Magpapasalamat sa Panginoon sa Kanyang paggabay. Umaasa ako na ang nilalaman ng


ibinahagi sa araw na ito tungkol sa kung paano manalangin ay pakikinabangan ng
lahat. Ang panalangin ay isang mahalagang hakbang sa pagtatatag ng isang normal na
kaugnayan sa Diyos. Isa din itong mahalagang landas kung saan ay matatamo natin ang
gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nauunawaan natin kung paanong manalangin upang
tamuhin ang pagtugon ng Panginoon at magkaroon ng isang landas na susundin at kapag
isinasagawa natin ito nang madalas, saka lamang makikinig ang Diyos sa ating mga
panalangin. Nawa ang ating mga panalangin sa kalaunan ay maging

You might also like