You are on page 1of 6

MODYUL BILANG 4

CHERRY ANN C. MADRIGAL


BSN-1A

B. Mga Kaugnay na Gawain


1. Sumulat ng isang replektibong sanaysay na tumatalakay sa mga epektong dulot ng midya sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay. Ang lilikhaing komposisyon ay kinakailangang buoin ng labinlima (15) hanggang dalawampu
(20) na pangungusap. Mangyaring bigyan ng karagdagang pansin ang kawastohan ng mga salita at bantas na
ggagamitin sa pagbuo ng bawat talata.

Ang Kapangyarihan ng Media

Sa sobrang dami ng epektong dulot ng media sa ating pang-araw-araw ay hindi ko alam kung
saan magsisimula. Ang mga positibong dulot ay kung minsan natatabunan na ng mga negatibong
dulot ng media lalo na sa panahon ngayon. Kahit saan ka tumingin mapa-fb o twitter ay nagkalat
ang “fake news”. Sa sobrang dali gumawa ng isang “post” at ikalat ng walang lehitimong batis
ay nagiging laganap din ang mga hindi tamang impormasyon na umaabot sa kung saan-saang
panig ng mundo at ito ay madali naman pinapaniwalaan ng mga taong hindi sumasangguni kung
totoo ba ito o hindi. Nito lamang panahon ng halalan ay sobrang dami ng mga kumakalat na
maling impormasyon at nakikita ko na kapag sinubukan mo na itong itama o bigyan sila ng
lehitimong batis ng impormasyon, karamihan sa mga tao ay hindi na maniniwala o
pinapanindigan na ang mali at nagiging instrumento pa sila para ikalat pa muli ang mga maling
impormasyon na ito sa pamamagitan ng simpleng pag "share". Ako ay nalulungkot sapagkat sa
panahon ng halalan kina-kailangan manaig ang katotohanan upang umunlad ang buhay nating
mga Pilipino, ngunit ang nangyari mas marami ang nalinlang sa pekeng mga balita at ito ay nag-
dulot ng mga hindi pagkakasundo at mga bangayan sa “social media”. Isa rin sa naging ugali ng
mga tao ay ang hindi pag tanggap sa katotohanan, karaniwan sa mga ito ay pinapanindigan na
lamang ang kanilang nakita, napanood o nabasa kahit na mali. Sa aking palagay ang ating
panahon lalo na ang pag laganap ng teknolohiya at “social media” ay isang madilim na yugto at
balang araw marami ang magsisisi dahil mas nangibabaw sa kanila ang "pride" kaysa itama ang
pag-ka-kamaling naipakalat.
Sa kabilang banda malaki rin naman ang mga positibong dulot ng media. Ang katotohanan ay
madali mong makumpirma kung magiging matalino ka lamang na indibidwal, maghanap lamang
ng isang “source” na may kredibilidad ay malalaman na agad kung ito ba ay haka-haka o
katotohanan. Ang media rin ay epektibong gamitin sa edukasyon at iba pang mga larangan.
Nawa'y balang araw magkaroon din ng linaw ang mga mali at mapalitan ng mga tama at pinag-
aralan mabuti na mga impormasyon upang ang mga hindi pagkakaintindihan ay mawakasan na.
2. Mag-browse sa facebook, youtube, text message blast o anomang pook-sapot sa internet sa loob ng isa (1)
hanggang dalawang (2) oras. Suriing mabuti ang mga impormasyong nakalathala sa mga pahinang bibisitahin mo at
pagkatapos ay tukuyin kung ang mga iyon ay halimbawa ng disinformation o fake news. I-screenshot o i-copy at i-
paste lamang ang buong mensahe o anunsyo at ipaskil sa loob ng unang kahon. Sa sumunod naman ay maglakip ng
artikulo o lathalain mula sa isang lehitimo at reliable na mapaghahanguan ng impormasyon na sasalungat o
magpapabulaan sa natukoy na fake news. Dalawang (2) halimbawa ang kinakailangang mailakip sa gawaing ito.
Tandaan, ang mga balita o impormasyong hahanapin ninyo ay hindi limitado sa isyu ng COVID-19, samakatwid
maaari mong gamiting salalayan ang iba’t ibang isyung panlipunan na nararanasan sa buong mundo. Huwag
kalilimutang itala ang mga link na paghahanguan mo ng naturang fake news at ng lehitimong batis ng
impormasyon.

Sanggunian: Brutus - Posts (facebook.com)


Sanggunian: HIGHER EDUCATION MUST BE RESPONSIVE TO THE NEEDS OF THE NATION, SAYS SOLON - The POST
Sanggunian: Dating kadre, ibinulgar ang dahilan bakit negatibong balita ang inilalabas ng US State Department sa
Duterte admin (smninewschannel.com)
Sanggunian: FALSE: CPP is source of US State Department’s report on human rights practices in the Philippines
(altermidya.net)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang artikulong nakalahad sa ibaba at pagkatapos ay punan ng angkop na
kaisipan ang balangkas ng pagsusuri. Isaalang-alang ang apat (4) na hakbang sa pagpoproseso ng impormasyon
para sa komunikasyon at pananaliksik.

Pamagat ng Artikulo
ANG MALAKING PAPEL NG KABATAAN SA #HALALAN2022

Awtor o May-akda
KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Oktubre 15, 2021 | 10:42am

Buod o Lagom
Ang artikulo ay tungkol sa limang milyong kabataan na first time voters na nasa 15-24 taong gulang. Tinalakay dito
ang mga maaaring mangyari sa halalan 2022, pati na rin ang magiging ambag ng Kabataang Pilipino sa botohan na
ito. Ang malaking ambag ng kabataan sa halalan 2022 ay ang pag boto ng tama lalo na sa panahon ng pandemya
dahil kinakailangan ng bansa ang isang matalino at madiskarteng lider, kailangan ng isang namumuno na may
plano para sa bayan at isang lider na may paninindigan.

Pagsusuring Pangnilalaman (Social Content ng Artikulo)


Ano ang ambag (bilang isang Pilipino at bilang Kabataang Pilipino) sa halalan 2022

Konklusyon
Ang mga kabataan ngayon ay matatalinong botante sapagkat sila ay babad sa iba't-ibang uri ng media, sila rin ay
mapagmatyag kung kaya bilang lamang sa daliri ang kabataang pinoy ang malilinlang ng maling impormasyon.
Rekomendasyon
Sa aking karanasan naman bilang kabilang sa limang milyon na first time voter, talagang mahirap mag desisyon
kung sino ang iboboto dahil para sa akin kailangan kilatisin at tignan ang track record ng isang kandidato, nararapat
din na ang mamumuno sa bansa ay walang bahid ng korupsyon at kasamaan dahil sa huli ang mga nasa laylayan
parin ang pinaka maaapektuhan kapag naluklok ang mga kandidato na may mga bahid ng pagnanakaw at mga
katiwalian. Sa kabilang banda nasa mga Pinoy parin ang desisyon dahil kung titignan ang mga kabataan ay
napakaunting porsiyento kumpara sa mga dati ng botante kung kaya sana ang mga matatanda ay matuto rin
kumilatis ng isang kandito hindi lamang base sa panlabas na anyo nito, estado sa buhay, kung ito ay sikat o kung
ano ang napanuod nila sa fb o tiktok dahil ang iluluklok mo ay hindi para mang-aliw kundi gumawa ng batas at
magpatupad ng maayos na programa para umunlad ang Pilipinas

You might also like