You are on page 1of 9

Isang Linggong Karanasan sa Teknolohiya

Lambert, Trim, Tonyo – Mga magkakaibigan na nag obserba sa teknolohiya

Allan- Isang bata na naglalaro ng Mobile Legends

Troy- Batang pulubi sa bayan ng Elentear

Aling Lucia- isang matanda sa bayan ng Edolas

Kyrie- Isang foreigner na nanggaling sa America

May tatlong magkakaibigan na nanggaling sa Edolas, si Lambert, Trim at Tonyo.


Magkakaibigan na sa kalokohan ay magkakasama at mga kagaguhan. Kilala sila sa
kanilang barangay na Trio Loko na sa kalokohan ay popular sila. Minsan ay sa
tawag nilang ito, kahit maliliit na bagay ay ginagawan nila ng kalokohan. Pero sa
isang umaga, nag isip sila ng katuwaan o isang kabuluhan upang mapag usapan
ang teknolohiya sa ating bansa.

“Pare, parang nakapag isip ako ng bagong kabuluhan at kaaya ayang bagay na
tiyak babago sa ating ginagawa” ika nga ni Lambert na tumatayong lider ng tatlong
magkakaibigan.

“Ano naman yun? Tila ba may isip ka ngayun para mag isip ng ganyan” tinuran ni
Trim”

“Ibig ko sanang gumawa tayo ng isang eksperimento upang talakayin ang


pagbabago ng teknolohiya, obserbahin at kilalanin ang mga bagay kung saan
naiimpluwensiya ang mga tao gamit ang teknolohiya” sambit ni Lambert
“Pero hindi pa parang may kahirapan yan? Isipin mo na gumagawa lang tayo ng
kalokohan noon pero ngayun gumagawa na tayo ng isang bagay na babago sa ating
buhay” sabi ni Tonyo.

“Hindi ba kayo nahihirapan? Like we need a change, hindi pwede na gumagawa


lang tayo ng kalokohan habang buhay, kailangan din natin magsaliksik, mag
obserba, kumilatis at gumawa ng himala” pagmamagaling ni Lambert

Tila bang si Trim at Tonyo ay nagising at napaisip na talagang kailangan rin nilang
malaman kung bakit teknolohiya ang popular sa ating bansa ngayun, at ano ngaba
ang impluwensiya ng Teknolohiya sa kanila o sa mundo. Pinamagatan nila ang
kanilang pagsasaliksik na “Isang Linggong Karanasan sa Teknolohiya” na kung
saan babalakin nilang makita ang mga pagbabago, impluwensiya, katotohanan at
mga aral sa teknolohiya.

“Sige ba” ang sagot ni Trim at Tonyo, “Pero paano ba natin sisimulan ang pag
oobserba sa teknolohiya?” ika ni Lambert

Sisimulan natin ang “Isang Linggong Karanasan sa Teknolohiya sa Lunes


siyempre kase ito ang simula ng ating pag sasaliksik.”

Nang dumating na ang araw ng Lunes, ang tatlong magkakaibigan ay naglakad


lakad sa baryo ng Edolas kung saan nakakita sila ng batang naglalaro ng Online
Games. Hindi sila pamilyar sa larong Mobile Legends dahil nga sila ay gumagawa
lamang ng kalokohan at ang paggamit ng selpon ay di nila ginawa kaya sila ay
nanood at nanood sa mga batang naglalaro.

“Bata bata ano yang nilalaro ninyo” ang sambit ni Lambert na tila ba nag aaway
kung umasta
“ Mobile Legends po, di niyo po ba alam ito? Isa poi tong popular na laro sa buong
bansa na kung saan ay dito ka matututong makipag laban, magsakripisyo,
maglandian, maging popular kaya ito po ay sikat sa mundo” sinabi ni Allan na
isang bata pa lamang

“Bata ka palang at ang dami mo nang alam sa Online Games na iyan, Hindi kaba
naglalaro katulad ng mga ibang bata?” tinuran ni Tonyo

“Simula nang ako po ay nagkaselpon ay naging mulat na ako sa teknolohiya,


natuto na akong gumamit at maglaro ng mga bagay bagay, Ang paglalaro sa labas
ay hindi ko na ginagawa sapagkat ito ay nakakapagod” sambit ng bata habang
naglalaro ng Mobile Legends

“Hindi mo ba alam na ang paggamit ng selpon sa murang edad ay pwede ka nang


magkasakit? O pwede kanang mabulag sa pagiging adik mo sa selpon” pahayag ni
Trim na tila ba pinapangaralan ang bata.

Sa tinuran ng tatlo, tila ba ang bata ay naliwanagan kase sa di tugma ang paggamit
niya ng teknolohiya sapagkat ang bata bata palang nito. Maglaro at magsaya dapat
ang ginagawa ng mga bata sa murang edad hindi ang paghumaling sa teknolohiya
dahil ito ay nakakasira sa kanila.

Sa ginawa nilang maliit na bagay ay para bang binago nila ang isang bata na sa
teknolohiya ay naging adik ito. Nakipaglaro at nakisaya siya sa mga bata at ng
dahil ang tatlong magkakaibigan ay nahumaling, naglaro nadin sila. Tumbang
preso, Tagu Taguan, Chinese Garter at marami pang iba.

Sa sobrang pagod nila, hindi nila namalayan na gabi na silang umuwi ng bahay na
para bang kay saya ng buhay kapag sila at naglalaro. Naging buo ay kanilang
pagkatao, bumalik sa pagkabata na walang bahid ng teknolohiya.
At dumating ang Martes, pangalawang araw ng kanilang pag oobserba, Si Lambert
ay kumain na at naghintay siya sa gilid na Makopa. Sa sobrang tagal ng dalawa ay
naisip ni Lambert na subukan din ang mga Kabataan, mga kabataan na naging
isang produkto at naging sentro nang teknolohiya. Nang dumating si Trim at
Tonyo ay agad agad silang pumunta sa bayan ng Elentear kung saan ito ang parang
libangan, tagpuan, tambayan ng mga kabataan sa kanila.

Habang naglalakad, nakita nila ang mga uri ng kabataan sa Elentear, nakakita sila
ng mga uri nang komunikasyon sa teknolohiya, ang isa ay nakikipag usap sa
kanyang kasintahan sa pamamagitan ng Video Call na kung saan nakikita nila ang
isa’t isa na kung tawagin ng mga kabataan ay “LDR”. Isa ring uri ng
komunikasyon ay nag uusap ang magkasintahan harap harapan, walang kung ano
man ang humahadlang sa kaniya. Nakakita rin sila nang mga kabataan na nag
titiktok dahil nang tinanong nila ang mga kabataan kung bakit nila ginagawa ito ay
dahil ito ay popular at ginagawa ito ng maraming tao sa bansa.

“Tila ba kay dami nang mga kabataan na gumagamit ng teknolohiya sa ating


bansa” tinuran ni Tonyo

“Oo nga na para bang ito na ang kanilang buhay” sinambit naman ni Trim

“Nakakapanghinayang dahil sila ay nakatutok nalang sa teknolohiya” tahimik na


binanggit ni Lambert.

Pagsapit ng Miyerkules, nag isip ulit sila nang bagay na pwede nilang maobserba
habang sila ay nasa ilalim ng Makopa, di nila inaasahan na may biglang may
naglalakad na isang matanda na ang pangalan ay si Aling Lucia gamit gamit ang
kaniyang selpon sa kalagitnaan nang daan. Tila ba nahuhumaling sa kaniyang
minamasdan, hindi alintana ang mainit at papalapit na van buti nalang at amin
siyang pinayuhan.
“Inay wag kang gumagamit ng selpon sa kalagitnaan ng daan, baka ikaw ay
masagasa o mapuruhan” sambit ni Tonyo

“Patawad iho, nakakaaliw lang kase ang pinapanood kong ito, pinapanood kase ng
aking apo ito at gusto ko lang na siya rin ay masamahan at maranasan ang
paghumaling sa mga kaganapan sa social media” tinuran ni Aling Lucia

Ang pinapanood lang pala niya ay ang mga Kpop o inshort mga kinahuhumalingan
ng mga kabataan sa siglong ito na kung saan sila ay nagiging adik sa panonood at
pagtatangkilik sa kanila.

“Gusto ko din maranasang makipag usap sa aking apo ng mga ganyang bagay,
gusto ko din sumaya katulad niya, gusto ko siyang suportahan sa kaniyang hilig
hanggang nandito pa ako, gusto kong mayroon kaming pagsasamahan ng aking
apo dahil siya ay mag isa, gusto ko siya samahan at suportahan sa kaniyang
ginagawa” pahabol ni Aling Lucia

Tila ba ang tatlo ay napatulala, walang masabi at naiiyak sa mga tinuran ng


matanda, gusto niyang maranasan ang mga nararanasan ng kanyang apo sapagkat
ang ganitong saya ay di nila naranasan noon.

Sa kanilang pag uusap, ang oras ay tila ba maikli para sa kanila kaya umuwi na sila
at nag pahinga. Si Trim ay labis na natuwa sa kaniyang narinig sa matanda, tila
ba’t ang teknolohiya ay naging daan sa apo at matanda na maging konekta sa isa’t
isa, naging mabuti ang kanilang pagsasama at naging matiwasay ang kanilang
ugnayan na dalawa.

Sa pagsapit na Huwebes, ikaapat na paglalakbay nang magkakaibigan

“Pre balita ko nakatanggap ka ng 1k ah, libre mo naman kami” sabi ni Lambert kay
Trim
“Oo naman pre parang di kaibigan ah” pahabol ni Tonyo

“Tara sa bayan ng Fiore na kung saan madaming masasarap na pagkain dun


HAHA libre ko na” sagot ni Trim

Ang bayan ng Fiore ay kilala bilang sikat sa pagluluto ng mga uri ng mga lamang
dagat o mas tawagin na “Seafood Island”. Popular ito dahil sa magandang view,
presko ang hangin at magagandang ambiance ng restaurant kaya pati mag jowa o
mga pamilya ay kinagigiliwan nilang pumunta dito.

Kumain sila dito at sinulit ang magagandang view pati nadin ang masarap na
pagkain. Habang sila ay kumakain, napatanaw sila sa isang pamilya na para bang
malungkot, mayaman sila at kaya nilang bilhin ang mga gusto nila, pero sa likod
na mayamang salita, naging busy sila sa paggamit ng kanilang selpon, Apat sila sa
isang pamilya, ang isang anak ay nagpipicture sa kanyang pagkain at ipinost sa
kanyang IG account with #LunchisGood, ang isang anak naman ay naglalaro
habang ito ay kumakain ang Nanay naman nila ay may kausap sa selpon at ang
Tatay ay na I scroll lang sa Facebook. Wala na silang pag uusap, like Family talks
na ginagawa lang kapag sila ay nasa gitna ng kainan. Ito ay isang paraan upang
ipakita ang pagrespeto sa pagkain at pagiging daan upang maging mas maayos pa
ang samahan ng pamilya pero ng dahil sa teknolohiya, naging sanhi ito ng
kawalang komunikasyon ng isang pamilya kaya ito ay naging negatibong
impluwensiya ng teknolohiya.

Di nila inaasahan na ganun ang kanilang makikita sapagkat ang pamilya ay isang
sandigan upang ang mga tao ay maging masaya, sila ang tahanan at kasapi mo sa
lahat ng pagkakataon pero ang iba ay teknolohiya ang kanilang gusto, pananaw
nila ay nakakabuti sa kanila pero nagiging masama kapag ito ay nilubos.
Umuwi na sila sa kanilang tahanan at napag isip isip na ganun pala ang
impluwensiya ng teknolohiya sa isang pamilya. Hindi alintana ang masarap na
ulam sa pagiging busy nila sa kanilang mga kagamitan.

Sa pagsapit ng ikalimang paglalakbay ng magkakaibigan, pumunta sila sa Hargeon


Town na kung saan dito karamihan nagpupunta ang mga turista dahil sa
magandang view, magagandang tanim, maraming lumang mga bahay na pinatayo
pa nang mga ninuno natin na hanggang ngayun ay nananatiling sikat at dinadayo.
Sa kalagitnaan ng kanilang pag iikot, may isang babae na lumapit sa kanila,
maganda, sexy, matangkad at maputi, si Kyrie na isang foreigner na nanggaling sa
America, hinahanap niya kung saang banda makikita ang CR.

“Hello, excuse me do you know where is the restroom here?” sabi ni Kyrie

“Restroom? Ano yun pre?” sambit ni Trim

“May higaan ba dito? Pre kausapin mo English kase” tinuran ni Tonyo

“A toilet rather” sagot ni Kyrie

“You go go over there maam, you turn into the right then turn into the left and you
can see the rebulto of unggoy there and that that that you will find it” sinambit ni
Lambert na may halong kaba

At biglang inilabas ni Kyrie ang kanyang translator dahil hindi niya ito
maintindihan sa sobrang kaba ni Lambert

“May translator pala pre eh” sabi ni Trim

“deretso lang po kayo maam tapos punta po kayo sa kanan tas sa kaliwa ulit tapos
kapag nakita niyo po kung rebulto ng unggoy makikita niyo na po yung CR maam”
sagot ni Lambert
“Thank you so much” pasasalamat ni Kyrie

Naging solusyon ang translator na kagamitan ni Kyrie upang mas lalo pang
maintindihan ang mga lenggwahe na binabagkis ni Lambert. Ng dahil dito mas
napadaling makipag komunikasyon ang dalawa. Tuloyan silang naglibot libot sa
Hargeon Town at patuloy parin silang nakakakita ng mga turista doon. Di alintana
ang kanilang pagtatagalog dahil may translator naman ang mga turista.

Ikaanim na araw ng kanilang paglalakbay, sa sobrang dami na ng napuntahan nila


eh wala na silang maisip kung ano pa ang pwede nilang puntahan. Sa paglipas
nang oras bigla sila napalingon sa isang bata na ang pangalan ay si Troy na
namamalimos na para bang di pa ito kumakain, habang tinitignan ang nanlilimos,
nakikita mo na ang mga tao ay binabalewala nila ito, pilit na pinapaalis pero may
isang tumulong sa kanila, akala mo mabuti ang hangarin pero nung binigyan ito
nang pera ay bigla itong pinicturan at ipinost sa social media with
#HelpingthePulubi. Masakit sa kalooban na ganun ang ginagawa ng mga tao sa
isang pulubi na ang hangad lamang ay pagkain pero ang gusto ng mga tao ay
maipakita sa social media para sumikat at ang simpatya ng nakakarami.

“Di naman natin kailangan ng social media para sumikat” sinambit ni Lambert

“Tama bagkos kung tayo ay magpakatotoo sa ating ginagawa, dun tayo magiging
masaya” tinuran ni Trim

Sa Huling araw ng kanilang paglalakbay, hindi nila naghanap ng mga tao na kung
saan gumagamit sila ng teknolohiya bagkos pumunta sila sa simbahan upang
manalangin sa maykapal na sana gabayan ninyo ang mga kabataan, mga bata, mga
matanda at mga mamamayan na lulong sa droga at adik sa teknolohiya. Sila ang
mga mamamayan na nag aasam mapalitan ang kalungkutan nila sa kasiyahan. Sila
yung taong nagiging marahas upang makuha ang simpatya ng masa dahil ito yung
alam nilang nakakabuti sa kanila. Nagpapasalamat sila dahil ginawa nila itong
paglalakbay na ito, naging bukas ang isip at puso nilang kumilala ng mga
produkto, imbento at mga taong impluwensiya ng teknolohiya.

Nalaman nila na ang teknolohiya ay isang bagay na tila di na natin maaalis sa ating
bansa, kasa kasama na natin siya sa araw araw na pakikibaka sa buhay. Dapat
nating limitarin ang paggamit dahil mas iikli ang iyong buhay dito. Sabi nga nila sa
una lang masaya kase totoo, Ang saya na iyong madadama sa paggamit ng
teknolohiya ay nasa simula pero patagal ng patagal ay lalo kanang nagsasawa dahil
naadik kana, nakaka apekto na ito sa ating kalusugan kaya ating tandaan na sa
paggamit ay ating limitahan, wag abusuhin.

You might also like