You are on page 1of 1

Ampoloquio, Julie Anne L.

Etika
ABF 1-2N Prof. Jalaine Joyce Malabanan

Trolley Problem:
Bago ko po sagutin ang tanong, gusto ko lamang pong sabihin na lubos po akong nahirapan sa pagpili
sa dalawa at sinubukang magtanong tanong upang manghingi ng opinyon ng iba. Kung ang emosyon po
ang aking pagaganahin ay tunay na mas matimbang para sa akin ang aking mga mahal sa buhay dahil
sila ang kasa-kasama ko mula pa noon. Kung ang pagiging lohikal at makatwiran naman na pag-iisip ay
paniguradong ang limang hindi ko kilala ang aking ililigtas.

Sa pagtitimbang ng sitwasyong ito, nilagay ko ang aking sarili sa sitwasyon. Paano kung sa totoong
buhay ko ito mangyari ? Mas pipiliin ko bang maging bayani dahil sa pagliligtas ko sa lima o mas pipiliin
kong maging masaya kasama ang aking mahal sa buhay. Alinman sa dalawa ay maaari akong habulin ng
aking konsensya. Ngunit sa aking palagay hindi ko kakayaning mawala ang aking mga mahal sa buhay,
kung kaya naman ay mas uunahin ko silang iligtas kaysa sa lima.

Sa kaso naman po ng doktor na may solusyon o gamot para sa cancer, narito po ang aking take. Una
po sa lahat, lubos na maalam ang doktor at rasyonal, maaaring hindi lamang s'ya ang nakakaalam ukol
dito o kung hindi naman ay mayroon s'yang mga notes sa pagbuo ng kaniyang eksperimento upang
makaimbento ng gamot para sa cancer. Ikalawa, hindi lamang po siya ang doktor na mayroon tayo,
marami pa pong mga doktor ang maaaring magsagawa ng napakaraming eksperimento para sa paggawa
ng gamot.

Opo, mas pinili ko pong paganahin ang aking emosyon sa pagdedesisyon sa sitwasyong ito. Sa pagbuo
ko po ng imahe sa aking isipan kung ano po ang maaaring kaganapan matapos ang insidente nakikita ko
pong hindi magiging panatag ang aking sarili at paniguradong trauma para sa akin ang senaryong ito.
Ngunit, nakikita ko pong mas lubos na masasaktan at maaapektuhan ang Julie-ng pumili sa lima kaysa sa
kaniyang mahal sa buhay. Lahat po ay may karapatang mabuhay, ngunit sa ganito pong sitwasyon ay
hindi ko po kakayaning isakripisyo ang buhay ng aking mga mahal upang mailigtas ang lima na hindi
naging konektado sa akin. Hindi ko din naman po intensyong pabayaan na mabawian ng buhay ang lima.
Kung mayroon naman pong ibang paraan ay bakit hindi po gawin para maligtas po ang dalawang panig,
pero kung ganito nga po ang sitwasyon ay pipiliin ko po ang malapit sa akin at ang mas matimbang at
iyon po ay ang aking mahal sa buhay.

You might also like