You are on page 1of 7

Mga Elemento /Rebyu ng isang pelikula

• Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga sa sining ng pelikula


kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at pagpapasiya sa katangian nito.

• Ang pagsusuri ay tumutukoy hindi lamang sa kahinaan at kakulangan kundi gayundin sa


mabubuting bagay na dapat isaalang-alang sa pagpapaganda ng pelikula.

     a. Kwento

• Ito ay tumutujoy sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula. Sa pagsusuri ng
pelikula pagtuonan ng pansin ang mga sumusunod na mga tanong:

1. Bago ba o luma ang istorya?

2. Ito ba ay ordinaryo o gasgas at naulit-ulit na rin sa ibang pelikula?

3. Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?

4. Bakapupukaw ba ito ng interes?

     b. Tema

• Ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.

1. Napapanahon ba ang paksa?

2. Malakas ba ang dating o impact sa manonood kung saan ito ay nakatitimo sa isip?

3. Akma ang mga tema sa panahon kung kailan ito nagawa o ak,a sa lahat ng panahon?

     c. Pamagat

• Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito. Ito ay nagsisilbi ring panghatak
ng pelikula.

1. Ito ba ay angkop sa pelikula?

2. Nakatatawag ba ito na pansin?

3. Mayroon ba itong simbolo o pahiwatig

     d. Tauhan

• Ang mga karakter na gumanap at nagbibigay-buhay sa kwento ng pelikula.

1. Malinaw ba ang kumbersasyon ng mga tauhan?

2. Makatotohanan ba ang mga ito?

3. Angkop ba ang pagganap ng artista sa pelikula?


     e. Diyalogo

• Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kwento.

1. Naisaalang-alang ba ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa kwento?

2. Matino ba, bulgar, o naaangkop ang mga ginamit na salita sa kabuoan ng pelikula?

3. Angkop ba saedad ang target na manonood ng pelikula ang diyalogong ginamit?

     f. Sinematograpiya

• Ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.

1. Mahusay ba ang mga anggulong kinunan?

2. Naipakita ba ng camera shots ang mga bagay o kaisiapang nais palutangin?

3. Ang lente ba ng kamera at na-adjust para sumunod sa galaw ng artista?

     g. Iba pang aspektong teknikal

• Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula, pagpapalit-palit ng eksena, special effects, at
editing.
MULANAY SA PUSOD NG PARAISO
Initial release: 1996
Director: Gil Portes
Music composed by: Joy Marfil
Screenplay: Clodualdo del Mundo Jr.
Producer: Gil Portes
Cinematography: George Tutanes
Genre: Drama

Mga Tauhan:

Ria Espinosa – main character

Lola Ella – cook, died

Ogot – baseball player, died

Norma – midwife, mother ni Ogot

Lino – asawa ni Norma

Dennis – guy friend ni Ria

Elvis - bangkerong may kabit

Cora – Ocw

Kwento:

Tema:

Isyung Diaspora/Migrasyon – ocw, dahil sa kahirapan pupunta pa ng ibang bansa para maghanapbuhay

Isyung pang-pamilya – may kabit

Isyung pang-Kapaligiran – madumi ang tubig, kung saan saan umiihi, ang mga baboy ay nagkalat

Isyung pang-Kalusugan – mas naniniwala sa albularyo at priest kesa sa doctor

Korapsyon – hindi mabigyan ng solusyon ang problema ng barrio gaya ng pagpapatayo ng deepwell
ORA PRO NOBIS (Fight for Us)
Release date: May 24, 1989 (France)
Director: Lino Brocka
Cinematography: Rody Lacap
Production company: The Cannon Group, Inc.
Producer: Salvatore Picciotto
Screenplay: Jose F. Lacaba, Pete Lacaba
Genre: Drama

Ang “Orapronobis” ay isang pelikula na sumasalamin sa pamumuhay ng mga tao sa ilalim ng


administrasyon ni Corazon Aquino. Sa panahong ito ang pamahalaan at Cardinal ay nagkaisa sa
pagnanais na hirangin ang isang vigilanteng grupo upang mamuno sa mga probinsiya. Sila ang naatasang
mangalaga sa kanilang mga nasasakupan ngunit sa kasamaang palad ay sila rin ang umabuso sa
kapangyarihang ibinigay sa kanila. Ang kanilang salita ang naging batas sa lugar at sinumang sumalungat
dito ay haharapin ang kamatayan. Ang paghusga sa mga tao na rebelde ang naging dahilan ng kanilang
lubos na pag-abuso sa karapatang pantao.
Ang pelikula ay umikot sa buhay ng isang dating pari at sa maliit na bayan na naging pugad niya noong
panahon ng martial law. Sa kaniyang pagbabalik sa lugar na ito mula sa pagkakabilanggo ay nasa ilalim
na ng pamumuno nang vigilanteng grupo na kilala sa tawag na Orapronobis confraternity. Matapos ang
karumaldumal na pagpatay ng mga tao ng Orapronobis ng mga residente sa bayang ito, ang pari kasama
ang mga taga-Human rights ay nagdesisyong itago ang mga mamamayan nang nasabing lugar sa isang
paaralan sa Maynila. Subalit di nagtagal ay natanto rin ng vigilanteng grupo ang kanilang kinaroroonan.
Muling ginamit nang Orapronobis ang kanilang kapangyarihan upang akusahan ang karamihan sa mga
mamamayan na rebelde. Sa isang ambush namatay ang bayaw ng dating pari matapos nilang
makipagtalakayan sa isang pangtelebisyong programa na tumatalakay sa mga katiwaliang at
kaumaldumal na pang-aabuso ng vigilanteng grupo.
Ang dating pari ay nagkaroon nang anak sa kanyang dating kasintahan. At ang pagpatay nang vigilanteng
grupo sa kanyang anak ang siyang nagtulak upang siya’y bumalik sa kilusan. Iniwan niya ang kanyang
asawa at sanggol upang makamit ang hustisya.

Mga Pangunahing Tauhan:

Phillip Salvador – Jimmy Cordero


Dating pari na sumapi sa kilusan laban sa pamahalaan. Nakulong sa panahon ng martial law at nakamtan
ang kalayaan sa pagwawakas ng rehimeng Marcos. Matinding tagapagtanggol ng hustisya at
pangunahing sumaungat sa baluktot na prinsipyo ng Orapronobis.
Gina Alajar – Esper
Dating kasintahan ni Jimmy. Ina nang isa sa mga anak ni Jimmy. Asawa nang isa sa mga taong pinatay ng
Orapronobis.
Dina Bonnevie – Trixie
Asawa ni Jimmy. Kawani ng karapatang pantao. Tumulong upang makalaya si Jimmy.
Bembol Roco – Major Kontra
Pinuno ng Orapronobis. Dating kasama ni Jimmy sa kilusan. Pumatay kay Esper at sa anak nina Esper at
Jimmy.
Ang Orapronobis ay galing sa salitang latin na nangangahulugang “Pray for Us”. Batay sa pelikula, ang
grupong ito ay nagnais na makilala bilang isang samahan na may matatag na paniniwala sa Diyos at
tagapagtaguyod ng Demokrasya. Subalit sa katotohanan, ang imaheng kanilang ipinapakita sa kamera ay
isa lamang pagbabalat-kayo upang pagtakpan ang tunay na objektibo ng grupo.

Maraming taon na ang nakakaraan mula nang naranasan nang mga Pilipino ang hagupit nang latigo ng
Orapronobis. Subalit totoo nga kayang “History repeats itself”? Ano nga ba ang Calibrated Preemtive
Response? Ayon sa pamahalaan, ang pagpapalabas ng Calibrated Preemtive Response o CPR ni Arroyo
ay isang legal na paraan nang pagtatanggol nang demokrasya. Ano nga ba ang ibig sabihin nang salitang
“legal” at “demokrasya”?
Ang Demokrasya ay galing sa salitang Griyego na demos, “the people”; kratein “to rule”. Ito ay isang uri
ng pamahalaan na kung saan ang mga kagustuhan ng mga mamamayan ang isinasaalang-alang. May
mga karapatan silang tinatamasa tulad nang malayang pamamahayag at Writ of Habeas Corpus.
Masasabi nating ang isang bagay ay legal, halimbawa na lamang ang Prokalamasyon nang 1017 na kilala
sa tawag na CPR kung ito ay nakapaloob sa ating saligang-batas. Totoong ang 1017 ay minsan nang
naging legal noong panahon nang rehimeng Marcos subalit ito’y pinawalan na nang bisa at hindi na
kasama sa ating Saligang-batas.
Nasa ilalim na tayo nang ibang administrasyon. Subalit tayo’y binabalot parin nang mga kasinungalingan
at huwad na kahulugan nang kalayaan. Una sa lahat, ang pagdedeklara nang CPR ay illegal at di na
angkop sa sitwasyon ngayon. Iba ang ibig ipakahulugan ni Arroyo sa salitang demokrasya sa tunay na
kahulugan nito. Sa kasalukuyan, masasabi kong ang ating pamahalaan ay masahol pa sa rehimeng
Marcos. Si Gloria ay handang gamitin ang lahat nang panloloko at pagmamanipula sa mga tao upang
manatili siya sa kapangyarihan. Mismong ang kinikilalang “Justice” Secretary ay nasa panig na niya.
Nasaan pa ang hustisya? Paano magkakaroon nang pagkakapantay-pantay?
“No Permit. No Rally.” Ito ang pinakilalang babala sa kasalukuyan. Ang mga salitang ito ang siyang
nagkakait sa mga taong maipahayag ang kanilang mga saloobin. Ito rin ang nagbibigay nang
kapangyairahan sa mga awtoridad na hulihin ang sinumang lumabag dito. At kung aanalisahin natin nang
mabuti, ito’y paraan lamang ng administrasyon upang pigilin ang rebolusyon o anumang banta sa
kanyang seguridad. Hindi nalalayo ang mga nangyayari sa kasalukuyan at sa mga naganap noong
panahon ng Orapronobis. Ang salita nila ang batas at ang ang sinumang lumabag dito ay may katumbas
na parusa. Marami silang nalalabag na batas at karapatang pantao. Halos lahat nang paglabag ay
nagaganap sa harap ng kamera. Subalit ang mga tao ay nagiging bulag, pipi at bingi dahil sa takot na
mabilanggo at dumanas nang hirap sa kamay ng mga tao na dapat sana ay siyang tagapangalaga nang
hustisya at katotohanan.
Ang “Militarisasyon” ay di sagot sa problema nang ating bansa. Ito ay isa lamang palabas na ginagamit
nang mga matataas na tao sa lipunan upang mapangalagaan ang kanilang personal na interes. Hindi
natin dapat hayaan na ang mga militanteng grupong ito ang maging makapangyarihan sa ating bansa.
Kailangan nating ipaglaban ang ating mga karapatan at ipagtanggol ang katotohanan.

Gringo Corpuz
Ang Orapronobis ay isang pelikula na nagpapakita ng hayagang paggamit ng gobyerno ng mga 'armas'
upang supilin ang mga mamamayang sumisigaw ng kanilang mga hinaing sa gpobywerno. Ang mga
napanood ko sa film na ito ay pawang mga manipistasyon ng paglabag ng gobyerno (Aquino Regime)ng
ilang mahahalagang karapatan ng mga tao, ito'y ang karapatang mabuhay ng matiwasay at mapayapa at
ang karapan sa pamamahayag. Masalamin sa kwento ang paggamit ng pamahalaan ng isang para
military group upang supilin ang mga taong kumukundena sa mga pagkukulang ng pamahalaan. ang mga
taong ito ay itinuring na mga kaaway ng pamahalaan kung kaya't bignigyan ng karapatan ang para
military group na ito na supilin ang mga ito sa kahit anung paraan, sa marahas na paraan.
S aking palagay, ang Orarponobis ay pawang salamin lamang ng mga nagaganbap sa kasalukuyang
administrasyon ni Gloria Arroyo. Ang pagkakaiba lkang ay sa film ginamit ang isang paramilitary upang
supilin ang mga mamamayang kumukundena sa mga kabuktutan ng gobyerno, samatalang ang c.p.r. o
ang calibrated pre -emptive response ang ginamit ng kasalukuyang administ rtrasyton upang supilin ang
mga mamamayang tumutuligsa sa pamahalaan na ang tanging hangad ay katiwasayan.
Pinapatunayan lang ng film na hanggang sa ngayon ay hindi pa talaga nakakamit ng bansa at ng mga
mamamayan ang tunay na demokrasya na siyang ipinaglaban ilang dekada na ang nakakalipas. Pa ra sa
akin ang tinatawag na demokrasyang umiiral sa ating bansa ngayon, base sa mga kasalukuyang mga
kaganapan, ay pawang huwad na demokrasya. Demokrasyang tumutugon lamang sa mga pansariling
kapakanan ng mga taong nasa kapangyarihan.

Maria Sofia Criselda A. Poblador

Dating pari subalit nakulong si Jimmy Cordero nang mapatunayang isa siya sa mga rebelde sa
pamahalaang diktaturya ni Marcos. Nang mapalayas sa posisyon ang nasabing pangulo sa pamamagitan
ng ipinakitang pagkakaisa ng mga Pilipino sa makasaysayang EDSA I, isa si Jimmy sa mga sibilyan na agad
ay pinagkalooban ng kalayaan. Sa kanyang muling pagharap sa mundo ay kasama na niya ngayon ang
kanyang kabiyak na si Trixie, isang Human Rights advocate. Hindi nakaligtas sa panunuri ni Jimmy ang
balitang nasagap sa media ukol sa lumalawak na pagpatay sa mga inosenteng sibilyan sa kanyang dating
lugar malayo sa siyudad. Sampu ng mga taong may matinding dedikasyon sa pagpapatupad ng mga
karapatang pantao ay tinungo ni Jimmy at ng kanyang bayaw ang naturang lugar at doon ay nagsagawa
ng maselang imbestigasyon. Bahagya nang itinuro ng mga residente roon ang grupo ng mga vigilante na
tinatawag na Ora Pro Nobis na siyang madalas na nananakot sa mga tao at walang kimi sa pagpatay.
Ipinursigi ng mga madre sa tulong nina Jimmy at ng kanyang bayaw ang paghahanap ng wastong
kasagutan sa mga kalituhang bumalot sa lahat ng mga tao na naging sanhi ng mas marami pang krimen.
Napatay ang bayaw ni Jimmy nang in-ambush sila sa mismong siyudad at gayundin ang nangyari sa
kanyang dating kasintahan matapos siyang gahasain ng kumander ng mga vigilante. May anak si Jimmy
sa kanyang dating kasintahan at maging ang batang lalaking ito na walang sapat na lakas upang
ipagtanggol ang ina sa kahayupan ng kumander ay tinadtad din ng bala. Bagaman maliwanag na
ipinakita ang kasamaan ng intensyon ng grupong Ora Pro Nobis ay nagmistulang bulag ang lokal at
nasyunal na pamahalaan sa paniniwalang ang mga vigilante ay tagapagtanggol ng mamamayan. Sa
ganang ito ay muling bumalik si Jimmy sa pamumundok upang sa paraan ng armadong rebolusyon
ipagpatuloy ang kanyang pakikibaka tungo sa tunay na kalayaan at katarungan.
Ginampanan ni Philip Salvador ang papel ni Jimmy Cordero bilang pangunahing tauhan sa pelikula. Isa
siyang dating pari subalit iniwan ang simbahan upang harapin ang mas makatotohanang paglaban sa
kasamaan. May magandang integridad at matibay na prinsipyo si Jimmy at hindi basta nagpapatalo sa
baluktot na katwiran. Si Trixie naman ay binigyang-buhay ni Dina Bonevie, isang mabuti at may
prinsipyong maybahay. May mapagbigay na kalooban bagaman hindi maiaalis ang panibugho sa dibdib.
Sa kabila ng kapahamakang nag-aabang sa uri ng kanyang trabaho ay matapang niyang hinaharap ang
bawat araw patungo sa pangarap na tunay na kalayaan. Si Gina Alajar naman ang gumanap bilang dating
kasintahan ni Jimmy. May malambot na damdamin tungo sa kapwang inaapi. Dala ng kanyang
masalimuot na karanasan bilang rebelde ay ang matibay na paniniwala sa prinsipyong ipinaglalaban.
Mahusay namang binigyang-karakter ni Bembol Roco ang kumander ng mga vigilanteng grupong Ora Pro
Nobis. May matibay na pangungunyapit sa paniniwala bagaman baluktot at hindi siya basta nagpapatalo
sa mga kaaway. Gagawin niya ang lahat ng bagay makuha lamang ang kagustuhan maski gawing
kasangkapan ang relihiyon at magpanggap na mabuti matupad lamang ang maitim na intensyon.

Malayo sa tunay na kahulugan ng Ora Pro Nobis ang mga katangiang ipinakita ng grupo ng mga vigilante
na gumamit nito bilang katawagan sa kanilang grupo. Nangangahulugang “pray for us” ang mga salitang
ito, na sumisimbolo sa laganap na paniniwala ng mga Pilipino sa relihiyong Katoliko at mga tradisyon
nito, na may malaking papel na ginampanan sa paglaya ng bansa sa ilalim ng pamahalaang diktaturya ni
Marcos.
Kung iuugnay sa kasalukuyang pamahalaan ang mga naganap sa naturang pelikula, hindi nalalayo ang
mga isyung nagbunsod noon ng himagsikan ng mga mamamayan sa mga usaping mainit sa media
ngayon. Ang kontrobersiyal na Calibrated Preemptive Response o CPR na mismong iniutos na ipatupad
ni GMA laban sa mga taong nagtitipon sa Mendiola upang magsagawa ng malawakang demonstrasyon
ay nagdulot ng matinding inis at galit ng mga mamamayan. Naging marahas ang sagupaan ng mga nagra-
rally at ng mga pulis. Umabot sa pang-aabuso ang karapatang ibinigay ni GMA sa mga pulis na i-disperse
ang anumang uri ng pagtitipon hanggang sa punto kung saan pati mga tao ng simbahan ay dinadahas ng
awtoridad. Walang kinikilalang sinuman ang mga pulis, maski si dating Bise-Presidente Teofisto
Guingona ay pinaulanan ng rumaragasang tubig mula sa isang higanteng hose ng tubig. Ginugulanit ang
mga damit ng mga nangangadapa, binibitibit na parang hayop, hinihipuan ang mga kababaihan at
kinakaladkad sa daan, may mga armas ding sakbot ang ilan. Kung tutuusi’y walang ipinagkaiba ang
karahasang ito sa karahasang ipinamalas ng grupong vigilante noong panahon ni Cory Aquino sapagkat
tahasan ang mga ginawang paglabag sa mga karapatang pantao. Walang paglabag sa karapatang pantao
na mas sasahol sa sapilitang pagbusal ng bibig ng mga taong nais magpahayag ng mga hinaing at
kagustuhan sa pamahalaan. Para ano pa at naging demokratikong bansa tayo kung ganito rin ang
malalasap ng pangkaraniwang mga mamamayan na naglalapit ng mga reklamo sa gobyerno? Isa lamang
ang pagtugis na ito sa napakaraming ginawang paglabag ng kasalukuyang pamahalaan sa mga
karapatang pantao at konstitusyon. Hindi sapat ang kaunting pag-aaral ukol sa mga isyung ito upang
lubos na maunawaan ang katotohanang mahusay na ikinubli ng matinding sabwatan sa palasyo ng
pangulo upang isakatuparan ang mga pansariling interes at pakinabang. Napakagandang medium ng
pelikulang ito upang maghatid ng mga maselang katotohanan na itinatago sa kaalaman ng publiko nang
sa gayon ay magsilbing tagapagmulat sa damdaming aktibo at idealistikong pananaw. Sa huli’t huli ay
nasa taumbayan pa rin ang kapangyarihan upang tuluyang mapagbago ang anumang sistemang
pumaimbulog na sa kultura ng mga Pilipino at sa ganang iyon ay makasisilip rin tayo ng liwanag ng
inaasam na pagbabago.

You might also like