You are on page 1of 10

AKALA

Sabi nila ang pagmamahal ay pagsasakripisiyo. Sinasakripisiyo mo ang sarili


mong kaligayahan at gagawin mo ang lahat ng mga imposibleng bagay para lang
makita mong masaya ang iyong minamahal.
Sa paaralan ng St. Claire, may isang lalaking sobrang nakakaayang tignan.
Unang kita mo pa lang sa kanya ay mapapanganga ka na lang bigla. Siya ay
matangkad, may matangos na ilong at mamulamula pa ang kanyang mga labi. Ang
kulay ng kanyang mga mata ay nakaugnay sa kanyang pangalan. Siya si Grey Juarez,
pangalan pa lang, alam mo ng gwapo ang may-ari nito. Hindi mo maikakailang
madaming nagkakagusto sa kanya sapagkat hindi siya gwapo ngunit siya din ay
matalino. Sila rin ay mayaman sapagkat sila ang may-ari ng St. Claire na kaniyang
pinapasukan.
Sa kabilang banda, merong isang babaeng hindi kagandahan at hindi kapansin-
pansin. Siya ay simple at hindi masyadong umiimik. Hindi siya yung tipong mapapansin
mo kapag siya ay dadaan sa iyong harapan. Mas gusto niyang mapag-isa kaysa sa
makipag-usap sa iba. Siya si Scarlett Fernandez, isang babaeng nagpapanggap bilang
isang nerd sa kanilang paaralan dahil gusto niya na walang makakapansin sa kanya.
Ayaw niya kasing madaming papansin at makikipagkaibigan dito. Sila ay mayaman
pero hindi ito halata sa kaniya at hindi iyon alam ng nakakarami.
Isang araw, papasok si Scarlett sa kanyang unang klase ng biglang may
tumatakbong lalaking nakabangga sa kanya. Nahulog ang kanyang mga libro at ang
kanyang salamin.
“Ano bayan! Hindi nag-iingat.” sambit ni Scarlett.
Hindi man lang tinulungan ng lalake si Scarlett at binigyan niya na lang ito ng
malamig na tingin. Iniwan ng lalake si Scarlett doon ngunit bago pa ito makalayo ay
binato niya ito ng kanyang sapatos.
“Hoy! Tulungan mo ako! Ang kapal naman ng mukha mo. Akala mo naman kung
sinong gwapo.” sabay irap nito sa kanya.
Galit na galit na bumalik ang lalake kay Scarlett. Nakakunot ang kanyang noo at
ito ay nakangisi.
“Ano bang problema mo, Binibini?!” malamig na sabi ni Grey.
Hindi alam ni Scarlett na ang lalaking ito pala ay anak ng may-ari ng paaralang
kanyang pinapasukan.
“Ikaw ang problema ko. Nakakainis ka hindi mo man lang titinignan yang
dinaraanan mo.” sabi nito.
Lumapit si Grey kay Scarlett, sobrang lapit na para bang hahalikan na niya ito.
Napapikit si Scarlet at hinihintay niya ang kanyang halik pero makalipas ang ilang
segundo ay wala pa din.
“Anong pinipikit-pikit mo jan?” sabay pinitik ni Grey ang noo nito at saka niya ito
tinawanan.
Natauhan si Scarlet at dali-daling pinulot niya ang kanyang mga gamit at
tumakbo ng sobrang bilis papunta sa kanyang klase. Kung gaano kabilis ang kanyang
pagtakbo ganun din kabilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi siya nakikinig sa kanyang
guro sapagkat siya ay tulala at iniisip niya ang nangyari kanina. Yung mga mapupulang
labi ni Grey at yung mga mata niyang kumukislap.
Nagising si Scarlet sa kanyang imahinasyon ng biglang tumunog ang kanilang
bell. Ito ay oras na ng recess. Hindi siya pumupunta sa kantina sapagkat madami
masyadong tao doon kaya sa silid-aklatan lagi ang diretso nito.
Nang papasok si Grey sa silid-aklatan nakita niya si Scarlet doon. Umupo siya
malapit dito upang mapagmasdan ang dalaga habang tinatanggal ni Scarlet ang
kanyang salamin at inaayos nito ang kanyang buhok.
“Ang ganda.” sambit nito. Napatunganga siya ng ilang segundo bago niya ito
nilapitan.
Gulat na gulat si Scarlett ng makita si Grey sa harapan niya. Tumutibok na
naman ng napakabilis ang kanyang puso lalo na nung ngumiti ang binata dito.
“Sorry nga pala kanina. Ako nga pala si Grey Juarez mukhang hindi mo ako
kilala.” sabi ni Grey.
“Sige okay lang. Scarlett Fernandez nga pala ang pangalan ko.” sabay ngiti nito.
Ito ang unang pagkakataon na nakipag-usap si Scarlet sa isang taong hindi pa
niya lubos na kilala ngunit magaan na agad ang loob niya dito. Ito din ang unang
pagkakataon na nakipag-usap si Grey sa isang babaeng hindi siya kilala at hindi ito
patay na patay sa kanya.
“Tara meryenda tayo. Libre ko.” sabi ni Grey. Pumayag agad si Scarlett dahil
minsan na lang na may kumausap dito at ililibre pa.
Para silang aso’t pusa kung saan sila kakain pero nakapili din sa huli. Hindi alam
ni Scarlett na si Grey ay sikat sa kanilang paaralan. Hindi niya alam na madaming
matatalim na mga mata ang nakatitig sa kanila habang sila ay kumakain. Ramdam niya
na may mga matang nakatingin sa kanila ngunit akala niya ay guni-guni niya lang kaya
binalewala niya na lang ito.
Pabalik na sila sapagkat meron pa silang klase at hindi sila magkaklase sa oras
na ito. Nang naghiwalay na sila ng dadaanan merong humila sa kamay ni Scarlett at
hinila niya ito sa isang abandonadong silid aralan.
“Ano ba bitawan niyo ako!” sabi nito at nagpupumiglas siyang kumawala ngunit
hindi niya kaya sapagkat wala siyang sapat na lakas upang makawala siya.
Meron siyang kasamang tatlong babae sa loob na sobrang talim ng tingin nila sa
kanya. Ngunit natatawa siya dito sapagkat mukha silang clown dahil sa kapal ng make-
up nila.
“Ako nga pala si Stella Trinidad. Ako ang leader ng FANS CLUB ni Grey. Sino ka
para lapit-lapitan ang Honey namin? Bakit kasama mo siyang kumakain? Hindi ka
naman maganda kagaya namin! Nerd!” sabi nito.
“Ano bang pake mo? At malay ko ba sa inyo eh siya naman ang nag-aya sa akin
na kumain. Hindi ko kasalanan na hindi kayo yung kasabay niya!” sagot niya.
“Ang kapal mo talagang babae ka!” sabay sampal nito sa kanya.
Hindi makaganti si Scarlett sapagkat hawak ni Chloe at Chelsea ang
magkabilang kamay nito.
“Malandi ka!” sabi ni Chloe sabay sampal nito.
“Tigilan niyo na ako. Hindi ko nilalandi si Grey!” pagmamakaawa nito.
Parang wala silang narinig at pinagtutulungan na nila ito. Sinasabunutan at
tinatadyakan nila si Scarlett at wala siyang nagawa kundi umiyak at magdasal na sana
merong tumulong sa kanya.
“G-grey.” nauutal na sabi nito.
Nang biglang bumukas ang pinto at merong lalaking nakatayo dito ngunit hindi
niya makita ang mukha nito sapagkat nahihilo na ito.
“Grey.” ang huling nasabi nito bago siya mawalan ng malay.
Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay may naaaninag siyang lalake na
nakatingin sa kanya. Nang makita niya ito akala niya ay si Grey.
“Grey.” sabi niya,
Tinitigan niya ito sa mata at napansin niyang kulay asul ang mga mata nito.
Magkahawig na magkahawig sila ni Grey ngunit ang kulay lang ng mata nila ang hindi
magkapareho.
“Sino ka?” tanong nito.
“Blue Mendoza.” sagot niya.
“Ikaw ba yung tumulong sa akin dun sa tatlong clowns nayun?” tanong nito.
“Oo” natatawang sagot ni Blue.
Madaming tinatanong si Blue kung bakit siya naroon kasama ang mga tatlong
clowns at pinagtutulungan siya. Hindi sinagot ni Scarlett ang kanyang tanong sapagkat
nanghihinayang siya na hindi si Grey ang sumagip sa kanya. Akala niya si Grey iyon
pero kamukla lang pala niya.
“Salamat nga pala sa pagtulong mo sa akin kung hindi ka dumating baka kung
ano nanangyari sa akin.” pagpapasalamat niya.
“Sige, walang anuman.” sagot nito.
May mga konting sugat siyang natamo dahil sa pagbugbog sa kanya ng tatlong
clowns. Si Blue ang tumulong kay Scarlett dahil saktong dadaan siya sa silid aralan na
iyon at may narinig siyang kalabog kaya naisip niyang tignan kung ano iyon at doon
nakita niya ang pagbugbog nila kay Scarlett. Kinukuwento ni Blue ang nangyari at
saktong paglabas nila sa clinic ay papalapit si Grey.
“Anong nangyari sayo okay ka lang? Meron bang masakit sayo? Saan? Sabihin mo sa
akin.” Alalang-alala tanong nito kay Scarlett at kitang kita mo ito sa kanyang mga mata.
Dahil dito sumagi sa isipan ni Grey na dapat niyang alagaan si Scarlett at ayaw niyang
nasasaktan ito.
“Okay lang ako konting sugat lang ‘to. Salamat kay Blue tinulungan niya ako.” sabay
ngiti nito sa kanya. At sabay na silang tatlong umuwi.
Sa pagdaan ng mga araw lagi ng magkasama si Scarlett at Grey at lalong
lumalalim ang pagtingin nila sa isa’t isa. Lagi nilang inaalagaan ang bawat isa ngunit sa
bawat pagtawa nila ay ang pagpatak ng mga luha ng isang taong nagmamahal din sa
kanya. Nakamasid ang taong ito sa malayo. Iniinda ang bawat sakit dahil sa kanyang
mga nakikita. Gusto ni Blue si Scarlett matagal na. bata pa lang sila ay kilala na niya ito
at alam niya na nagpapanggap siya bilang isang nerd. Hindi nga lang niya maamin ang
nararamdaman niya dahil wala siyang lakas ng loob na sabihin ito. Madaming alam si
Blue sa buhay ng dalawa kaya palagi niya itong pinagmamasdan sa malayo. Baka kasi
may kung anong mangyaring masama dahil nararamdaman niya na parang may mali.
Tatlong linggo na ang nakalipas ngunit hindi pa din nagpaparamdam si Grey.
Alalang-alala si Scarlett sa kanya dahil ni hindi siya nirereplyan nito o tinatawagan.
“Ano ba Grey. Magparamdam ka naman.” naiiyak na sabi nito.
Ngunit sa tatlong linggo na iyon si Blue ang nakakasama niya. Si Blue ang
pumupunas sa mga luhang pumapatak galing sa mga mata ni Scarlett ngunit mas doble
ang sakit na nararamdaman ni Blue dahil sa kanyang nakikita. Alam ni Blue kung anong
nangyayari kay Grey pero ayaw niyang sabihin kay Scarlett ang mga ito sapagkat ito
ang bilin ni Grey. Nagpapagaling si Grey sa sakit niya ngunit ayaw niyang sabihin kay
Scarlett dahil ayaw niyang mag-alala ito. Matalik na magkaibigan sina Blue at Grey
simula pa nung bata pa sila at alam niya kung anong sakit mayroon si Grey dati pa.
Naglalakad si Scarlet pauwi ng parang nakita niya si Grey at nung tinitigan niya
ito ay siya nga. Labis na tuwa ang nadarama ng dalawa nang makita nila ang isa’t isa.
Tumakbo papalapit si Grey kay Scarlett ngunit kasabay nito ang malakas na pagbusina
ng isang kotse.
“Greyyyyyyyyyyyyy!” sigaw nito.
Hindi makagalaw si Scarlett sa kanyang nakita. Sobrang daming dugo. Hindi ito
makapaniwala sa kanyang nakikita. Ang taong pinakamamahal niya ay naliligo sa sarili
niyang dugo.

Makalipas ang limang taon, dinalaw ulit nila ang puntod niya. Akala ni Scarlet ay
maaari pa nilang ipagpatuloy ang kanilang nasimulan. Akala niya ay pwede pa niyang
makasama ang kanyang minamahal. Akala niya ay makakagawa pa sila ng
masasayang ala-ala kasama ang isa’t isa. Akala niya ay maaabot nilang dalawa ang
kanilang mga pangarap ng magkasama.
Bumalik na naman ang ala-alang hindi niya makakalimutan.
“Greyyyyyyyyyyyyy!” sigaw nito.
Nabangga si Grey ng isang kotse at buti na lang andoon si Blue dali-dali siyang
tumawag ng ambulansya at pinuntahan si Scarlett dahil sobrang nanginginig na ito dahil
sa kanyang nakikita.
At kinuha na nga ng ambulansya si Grey at dinala sa hospital. Pagkadating nila
doon ay sinabi ng doktor na kailangan ng operahan si Grey sapagkat sobrang hina na
ng kanyang puso dahil nga din na may sakit ito dito.
Iniwan muna ni Blue si Scarlett doon at sinabi niya na magpapahangin lang ito.
Kasama ni Scarlett ang pamilya ni Grey sa labas at sinimulan na ng doktor ang
operasyon. Taimtim na nananalangin si Scarlett na sana maging matagumpay ang
operasyon niya.
Pagkatapos ng limang oras ay lumabas na ang doctor at sinabing naging
maayos naman ang operasyon nito. Pero hanggang ngayon ay nagtataka ni Scarlett
kung bakit wala pa siya. At may biglang inabot ang Mama ni Grey kay Scarlett.
“Pinapabigay pala ni Blue. Sabi ibigay ko da pagkatapos ng operasyon.”
Nakaramdam ng kaba si Scarlett at napaiyak na lang siya nang nabasa ang sulat
nito sa kanya.

Mahal kong Scarlet,


Hello, gusto ko lang sabihin na maraming salamat. Salamat dahil isa ka sa mga
magandang nangyari sa buhay ko. Alam mo ba na matagal na kitang gusto? Ngunit
wala akong lakas ng loob para sabihin sayo yun. Pero nakita ko kung gaano ka kasaya
nung mga panahong kasama mo si Grey at gusto ko ulit na makita ang mga ngiti sa
iyong mga labi kaya alam ko sa mga oras na nababasa mo to, wala na ako. Pero, yung
puso ko nasa taong pinakamamahal mo. Mula noon hanggang sa kahuli-huliang pitik
ng puso ko, mamahalin kita Scarlett Fernandez.”
Lahat ng akala ni Scarlett ay nagbago dahil sa kanya. Lahat ng mga akala niya
ay kanyang natamo dahil sa sakripisyong ginawa ni Blue. Mga akalang hindi na puwede
ngunit pwede pa pala.
*WAKAS*
Ang buhay natin ang isa sa mga pinakamagandang regalo na natanggap natin
sa Poong Maykapal kung kayat dapat natin itong pahalagahan. Ang mga karanasan
natin dito ay dapat nating pahalagahan dahil isa ito sa mga batayan kung gaano natin
pinapahalagan ang ating buhay.
Abril 08, 2002, isang napakagandang babae ang ipinanganak sa
napakagandang mundo. Pinangalan ako ng magulang ko ng “April Jessa Mae S.
Aguigam”, sapagkat ako nga ay ipinangak sa Abril kaya kasama iyon, JESSA, ito ay
galing sa pangalan ng aking mga magulang J, ay Joji, E, ay Elbert, at sa apelyido nila
S, Sibucao at A, Aguigam tapos yung Mae daw ay isang disenyo. Kami ay
kasalukuyang nakatira sa Parangopong, Siyudad ng Batac. May simpleng buhay pero
masaya.
Matalino at mabait na bata ang pagkakakilala sa akin ng mas nakakarami
sapagkat mula kinder hanggang sa kasalukuyan ay isa ako sa mga estudyanteng may
karangalan. Bata pa lang ako ay gustong gusto ko na makilahok sa mga iba’t ibang
kompetisyon, mga quiz bee, pamamahayag, spelling bee at ipa ba. Masaya ako na
napapasaya ko ang aking mga magulang dahil sa mga nakakamit ko.
Noong ako’y nasa elementarya, nag-aral ako sa mababang paaralan ng
Parangopong. Noong ako ay nasa ikalabing anim na baitang naranasan kong nakilahok
sa pamamahayag hanggang Regionals bilang editorial writer. Noong una ayoko sana
sapagkat malayo iyon dahil sa Pangasinan pa. Yun ang unang beses na nahiwalay ako
sa aking mga magulang ngunit ayun ang isa sa mga napakagandang karanasan sa
buhay ko dahil andami kong natutunan at marami din akong nakilalang mga bagong
kaibigan.
Secondarya, nag-aral naman ako sa Batac Junior Colege, ito ang isa sa
nakapahalagang parte ng buhay so sapagkat dito ko nakilala ang mga kaibigan kong
nasa tabi ko sa tagumpay at kabiguan. Napakatibay ng relasyon naming
magkakaibigan. Madami din kaming mga timpalak na sinalihan hanggang sa dumating
sa punto na hindi na nila gusto yung seksyon namin marahil kami daw ay masyadong
palaban. Ngunit dahil dito, natutunan namin maging mapagpakumbaba at dapat ay
ibigay namin ang lahat ng makakaya namin upang makamit namin ang aming mga
kagustuhan.
Senior High School, sa Batac Junior College pa din ako nag-aral, dito mga
bagong tao na naman ang aking nakilala. Ang hirap, sapagkat kailangan mo ulit
makiramdam upang makilala sila ng mabuti. Mahirap at masakit ang huling taon namin
dito sapagkat noong nasa ikalawang baitang na kami, kung kalian ay mag mamartsa na
sana, doon naman pumasok ang COVID 19. Akala namin dalawang linggo lang yung
walang pasok ngunit naging buwan hanggang sa naging taon na. Nag martsa naman
kami ngunit hindi na kagaya ng mga dati pero naging masaya pa din naman dahil kahit
papaano nakuha naming ang mga medalyang pinaghirapan namin. Sulit pa din ang
mga puyat at pagod.
Kolehiyo, nag-aral ako sa Divine Word College of Laoag sapagkat hindi ako
nakapasok sa gusto kong unibersidad ngunit kalaunan ay hindi ako nagsisi na dito
nagaral sapagkat dito ko naranasan ang salitang “pag-ibig”. Isa siya sa mga kaklase ko
ngunit hindi kami masyadong nagtagal sapagkat mahirap pala ito. Madaming mga
kailangan na ikonsidera, basta mahirap. Ngunit hindi ko hinayaan na mamatay ako sa
lungkot. Bumangon ako ulit at sinabi ko sa sarili ko na magtatapos muna ako bago ako
ulit pumasok sa isang relasyon. Kaya ngayon ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko
upang mapabilang ulit sa mga estudyanteng may karangalan at upang maipagmalaki
ako ng aking mga magulang.
Ang buhay ko ay simple lamang, ngunit alam ko na masaya ako. May mga
panahon na gusto ko nang sumuko ako pero hindi ako nagpatinag at patuloy akong
lumalaban. Kuntento ako sa kung anong meron ako ngayon at balang araw makakamit
ko din ang aking mga pangarap kasama ang aking mga magulang.

You might also like