You are on page 1of 8

INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Tema 1: Gadgets na madalas gamitin ng mga mag-aaral ng SNC

Ang gadgets ay isa sa pinakamahalagang bagay sa modernong panahon


ngayon. Ang mga gadgets ay nakakatulong sa atin dahil napapabilis nito ang iba’t-
ibang gawain ng mga tao sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ang mga
halimbawa nito ay ang cellphone, laptop, computer, tablet at marami pang-iba. Sa
panahon ngayon, napakaimportante ang mga gadgets na ito dahil sa maraming
benepisyo ang pwedi mo makuhanan dito.

Sinabi ng mga mag-aaral ng snc kung ano ang madalas nilang gamitin na gadgets.

Batay sa pahayag ni (K1,2022) “cellphone ang madalas na gamitin na


gadgets ngayon.” gayundin ang sinagot ni (K2,2022), (K4,2022), (K5,2022),
(K7,2022), (K8,2022), (K9,2022), (K10,2022), (K12,2022), (K13,2022), (K14,2022),
(K18,2022), (K19,2022) at (K20,2022) Sa pahayag naman ni (K3,2022) “Ang madalas
kong gamitin na gadgets ay cellphone, tablet, laptop, computer at marami pang-
iba.” Gayundin ang sinagot ni (K11,2022) at (K16,2022). Ayon naman kay (K6,2022)
“cellphone at laptop ang madalas na ginagamit ko sa pag-aaral.” Gayundin ang
sinagot ni (K17,2022). Ayon naman kay (K15,2022) “Para saakin mas afford ang
cellphone kasi hindi naman lahat ng estudyante na nag-aaral ng SNC ay afford
ang pc o laptop.”

Sa tulong ng mga cellphone, laptop, computer at tablet mas napapadali at


napapabilis ang komunikasyon ng bawat isa. Mas napapabilis ang pag-bigay ng ating
mga mensahe lalong lalo na sa mga mahal natin sa buhay. Hindi tulad ng dati na
napakahirap mag bigay ng mga mensahe sa mga taong malalayo sa atin.
Tema 2: Epekto ng paggamit ng gadgets sa kanilang pag-aaral

Naging bahagi na ng ating buhay ngayon ang paggamit ng gadgets. Sa paglipas


ng mga taon ay patuloy itong lumalawak at nakita ang pagiging epektibo gayundin ang
pakinabang nito sa atin. Inilarawan ng mga kalahok ang kanilang karanasan sa buhay
kung paano nakakaapekto ang paggamit ng gadgets sa kanilang pag-aaral.

Pinaliwanag ng mga mag-aaral ng snc ang kanilang mga opinion tungkol sa epekto ng
paggamit ng gadgets sa kanilang pag-aaral.

Batay sa pahayag ni (K1, 2022) “Para saakin napapadali nito ang pag-aaral
tulad ng paggawa ng mga assignment, project at iba pa.” Ayon naman kay
(K2,2022) “Bilang mag-aaral ng SNC at base sa karanasan ko bilang isang mag-
aaral ay may mabuti at masamang epekto ito sa isang estudyante. Ang mabuting
epekto nito ay napapadali at napapabilis ang pagkuha sa mga sagot sa website
na hindi mo alam sa iyong pag-aaral.” Dagdag pa ni (K2,2022) “Ang masamang
epekto nito sa isang mag-aaral ang pagkahumaling sa mga gadgets ay maaaring
magdulot sakanila ang pagpupuyat.” Gayundin ang sagot ni (K19,2022). Ayon
naman kay (K3,2022) “Maaaring makatulong ito sa mga kabataan o mag-aaral
dahil napapadali ang paggawa ng kani-kanilang mga proyekto at maaari silang
maghanp ng ideya sa social media. Gayundin ang sagot ni (K7,2022), (K9,2022) at
(K20,2022). Paliwanag naman ni (K4,2022) “Ang epekto nito sa mga mag-aaral ay
magkaroon ng komunikasyon sa mga tao na nasa malayo at malaman ang iba’t-
ibang bagay sa paligid.” Gayundin ang pahayag ni (K16,2022). Ayon naman kay
(K5,2022) “Ang epekto ng gadgets maaaring hindi sila makapag focus sa kanilang
pag-aaral.” Paliwanag naman ni (K6,2022) “Ang madalas na paggamit ng gadgets
ay nakakalabo ng mata.” Gayundin ang pahayag ni (K11,2022). Samantala naman
kay (K8,2022) “Ang epekto nito ay pagkawalang bahala sa pag-aaral.” Dagdag pa
ni (K8,2022) “Maaari din magamit sa online-class sa panahon ng pandemya.”
Paliwanag naman ni (K10,2022) “Pwedi sila mahumaling sa online games at
pweding lumabo ang kanilang mga mata.” Ayon naman sa pahayag ni (K12,2022)
“Kadalasang epekto ng paggamit gadgets ay yung kawalan ng oras sa pag-aaral
at posibleng bumaba ang kanilang mga grado.” Paliwanag naman ni (K13,2022)
“Ang epekto ng gagdets ay para makatulong sa mga activity ng mga estudyante
lalo na ngayon ay online class madalas gamitin ang mga cellphone.” Gayundin
ang sagot ni (K14,2022). Ayon naman kay (K15,2022) “Napapadali ang pag-aaral
dahil sa gadgets” dagdag pa nito “Dahil sa gadgets ay pwedi na tayo mag-aral
kahit nasa bahay lang.” Ayon naman kay (K17,2022) “Malaki ang epekto ng
paggamit ng gadgets para sa pag-aaral dahil ito ang ginagamit natin tuwing
mayroon tayong virtual class.” Paliwanag naman ni (K18,2022) “Ang epekto nito ay
madalas nagpupuyat ang mga mag-aaral dahil nakatutok sila sa mga kani-
kanilang mga gadgets.”

Sa kasaysayan ng edukasyon ay malaki ang naiambag ng gadgets. Sa


katunayan, ito ay isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging
madali, at mabisa kung kung kaya naman napakaraming mga mag-aaral ang
gumagamit ng mga gadgets para sa kanilang pag-aaral. Sapagkat, mayroon din itong
epekto ito sa kanila tulad ng pagkalabo ng mata, nakakapagdala ng adiksyon, pagpuyat
at marami pang iba.

Tema 3: Mga dahilan kung bakit nahuhumaling ang isang tao sa paggamit ng
gadgets

Marami mga kabataan ang nahuhumaling sa paggmit ng gadgets. Iba’t ibang


dahilan kung bakit sila na-eengayo sa paggamit nito. Una maaari kang makipagkaibigan
gamit ang social media, pangalawa maaari ka makapaglaro ng online games gamit ang
gadgets, pangatlo maaari ka ring makapag-aral at pwedi ka ring makakuha ng mga
idea.

Dahil sa makabagong panahon ang gadgets ay nauso lalong lalo na sa mga


kabataan. Talaga nga naming nakakahumaling ang gadgets dahil sa napakarami mong
pweding gawin dito. Madalas ng dahil sa gadgets nakakalimutan ng mga tao ang
kanilang tungkulin sa bahay at sa paaralan.

Pinaliwanag ng mga mga-aaral ng snc ang kanilang opinyon kung bakit ang isang tao
ay nahuhumaling sa paggamit ng gadgets.
Ayon naman sa pahayag ni (K1,2022) “Ang mga tao ay nahuhumaling sa
paggamit ng mga gadgets dahil sa adiksyon na naidudulot nito sa kanila tulad na
lamang ng cellphone.” Paliwanag naman ni (K2,202) “Dahil sa mga libangan na
maaari mong gawin tulad na lamang ng paglalaro ng mga online games at
panonood ng k-drama.” Gayundin ang sagot ni (K3,2022), (K5,2022), (K10,2022) at
(K13,2022). Paliwanag naman ni (K4,2022) “Dahil sa dala nitong ligaya o aliw na
nag-aalis ng pagkainip sa pang araw-araw.” Ayon naman kay (K6,2022) “Siguro
kaya nahuhumaling sila sa paggamit ng gadgets dahil nakakapag laro sila ng
online games at nawawala ang kanilang mga stress gamit ang iba’t ibang mga
sites.” Paliwanag naman ni (K7,2022) “Ilan sa mga bagay na nakikita ko kung bakit
nahuhunaling ang mga tao sa paggamit ng gadgets ay dahil sa entertainment sa
pamamagitan ng mga social media.” Gayundin ang pahayag ni (K11,2022) at
(K19,2022). Ayon naman kay (K8,2022) “Maaaring makapag-bigay ito ng adiksyon
dahil sa mga apps na pwedi mong i-download tulad ng online games” dagdag pa
nito “Nahuhumaling ang mga tao dahil may nakakausap gamit ang messenger.”
Gayundin ang sagot ni (K13,2022). Ayon naman sa pahayag ni (K9,2022)
“Nahuhumaling ang isang tao sa paggamit ng mga gadgets dahil sa panahon
ngayon, nagiging entertainment ang mga gadgets at nagiging sandalan ng mga
tao sa tuwing nahihirapan sa mga bagay.” Dagdag pa ni (K9,2002) “Pinapabilis at
pinapadali ang mga gawain sa paralan, sa trabaho, at sa iba pa.” Ayon naman sa
paliwanag ni (K12,2022) “Nahuhumaling ang mga tao sa paggamit ng gadgets
dahil sa paglaro ng mobile games at paggamit ng social media platforms kagaya
na lamang ng facebook, instagram, twitter at iba pa.” Gayundin ang sagot ni
(K15,2022) at (K16,2022). Ayon naman kay (K14,2022) “Mas mabilis silang
makakuha ng impormasyon sa pag-aaral nila sa pamamagitan ng pag search sa
google gamit ang kanilang mga gadgets.” Ayon naman sa pahayaga ni (K17,2022)
“Para saakin kaya nahuhumaling ang mga tao sa paggamit ng mga gadgets kasi
nadoon na lahat tulad ng cellphone meron siyang camera” dagdag pa ni
(K17,2022) “Maaari karing makapag download ng mga social media platforms.”
Ayon naman sa paliwanag ni (K18,2022) “Nahuhumaling ang mga tao sa paggamit
ng mga gadgets dahil sa panahon ngayon hindi sila gaano nakakalabas ang mga
tao kaya ginawang libangan ang mga gadgets dahil maaari silang makapanood
ng tiktok, youtube at sa facebook.” Ayon naman sa pahayag ni (K20,2022) “Dahil
nag bibigay ito ng kasiyahan lalo na sa kabataan ito ang ginagamit nila upang
sila ay malibang pati narin sa mga mag-aaral.”
Tema 4: Makakatulong sa pag-aaral ng isang estudyante ang paggamit ng
gadgets

Nakakatulong ang gadgets sa mga mag-aaral, sa panahon ngayon sa


pamamagitan ng mga gadgets katulad na lamang ng mga cellphone, laptop, computer,
tablet ay makikita mo na ang hinahanap mong impormasyon hindi katulad noon na
kailangan pa ng mga libro upang makahanap na kakailangan na impormasyon. Sa
madaling sabi ang gadgets ay nakatutulong sa atin dahil napapabilis nito ang iba’t ibang
gawain ng mga tao.

Pinaliwanag ng mga mag-aaral ng snc kung paano nakakatulong sa pag-aaral ng isang


estudyante ang paggamit ng gadgets.

Ayon sa pahayag ni (K1,2022) “Napapadali nalang ang pag-aaral tulad ng


paghahanap ng mga sagot.” Ayon naman sa paliwanag ni (K2,2022) “Alam naman
natin sa panahon ngayon ang gadgets ay isang pangunahing kagamitan ng isang
mag-aaral at nakakatulong ito sa pag-aaral dahil hindi ito katulad ng libro na
kailangan mo pang magbasa ng mahabang teksto upang malaman ang mga
kasagutan.” Ayon sa pahayag ni (K3,2022) “Nakakatulong sa pag-aaral ang
paggamit ng gadgets dahil napapadali nito ang pakikipag komunikasyon ng mga
tao.” Ayon naman sa paliwanag ni (K4,2022) “Dahil sa mga gadgets magkakaroon
ng gagamitin ang isang estudyante upang makahanap ng impormasyon para sa
mga assignatura o proyekto na nagiging dahilan ng pagkadaliang pagtapos ng
gawain.” Gayundin ang sagot ni (K6,2022). Ayon naman sa pahayag ni (K5,2022)
“Makakatulong ito upang mapadali o mapabilis ang paggawa ng mga aktibidad”
dagdag pa ni (K5,2022) “Napapadali din ito ang pakikipag komunikasyon sa guro
at kaklase.” Gayundin ang pahayag ni (K7,2022) at (K12,2022). Ayon naman sa kay
(K8,2022) “Maraming naitutulong ang gadgets sa panahon ngayon tulad ng
paggamit ng mga apps na kakailanganin sa pag-aaral.” Gayundin ang pahayag ni
(K11,2022). Ayon naman sa pahayag ni (K9,2022) “Nakakatulong ang gadgets sa
mga pananaliksik or pagsusuri ng mga grammar na hindi natin masyadong alam
at kapag gumagawa tayo ng mga essay ito ay nagsisilbing source ng
impormasyon.” Gayundin ang sagot ni (K15,202), (K17,2022) at (K19,2022). Ayon
naman sa pahayag ni (10,2022) “Nakakatulong ito dahil ito ang ginagamit natin sa
pag-oonline class.” Gayundin ang sagot ni (K13,2022) Ayon naman kay (K14,2022)
“Napapadali ito dahil kapag nagugutom ang isang tao one click lang nakakapag-
order na sila ng pagkain.” Ayon naman sa paliwanag ni (K16,2022) “Sa
pamamagitan ng mga gadgets makakakuha ka ng mahalagang impormasyon
tungkol sa ating aralin.” Gayundin ang paliwanag ni (K18,2022). Ayon naman sa
paliwanag (K20,2022) “Ang mga gadgets ay nakakatulong sa atin upang mapabilis
nito ang mga iba’t ibang gawain natin bilang isang mga-aaral” dagdag pa ni
(K20,2022) “Sa tulong nito maaaring maghanap ang mga mag-aaral na
kakailangin nilang impormasyon.”
Tema 5: Napapadali ng mga gadgets ang komunikasyon sa pag-aaral ng mga
mag-aaral

Sa paggamit ng mga gadgets ay napapadali ang komunikasyon ng mga mag-


aaral dahil sa mga apps na pwedi mong i-download katulad na lamang ng mga
facebook, messenger, zoom, google meet, teams, at marami pang iba. Sa
pamamagitan ng mga ito napapadali at napapabilis ang komunikasyon ng mga mag-
aaral sa mga kaklasi, kaibigan, at pamilya nila. Ginagamit din ito upang makapamahagi
at makasagap ng iba’t-ibang mahahalagang impormasyon. Ito ang naging daan para
mas mapadali at mapabilis ang komunikasyon sa isa’t isa.

Pinaliwanag ng mga mag-aaral ng snc kung paano napapadali ng mga gadgets ang
komunikasyon sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ayon sa pahayag ni (K1,2022) “Dahil sa mga gadgets hindi na sila


mahihirapan na humanap ng kanilang mga sagot dahil ito yung malaking tulong
sa pag-aaral at hindi na masyadong mahirapan pa.” Ayon naman sa paliwanag ni
(K2,2022) “Sa pag-usbong ng teknolohiya lalo na sa panahon natin ngayon
madali nalang ang pakikipag komunikasyon sa ibang tao na nasa malayong lugar
sila hindi tulad noon na kailangan pang sumulat.” Gayundin ang sagot ni (K9,2022)
at (K19,2022). Ayon naman kay (K3,2022) “Napapadali ito ng mga bagay na
mahirap alamin gaya ng pagreresearch at pakikipag komunikasyon sa iba.” Ayon
naman sa paliwanag ni (K4,2022) “Sa pamamagitan ng gadgets mas napapadali
ang komunikasyon na kung saan kahit nasa malayong lugar nabibigay ang
impormasyon na kailangan at mas napapadali ang pagbabahagi ng mga opinion
o ideya dahil sa tulong ng mga gadgets sa buhay ng mga mag-aaral.” Ayon naman
sa pahayag ni (K5,2022) “Mas nadadalian ang mga estudyante sa kanilang gawain
at mas mapapabilis din ang pagpasa nito sa mga guro.” Gayundin ang sagot ni
(K6,2022) at (K8,2022). Ayon sa paliwanag ni (K7,2022) “Napapadali ng mga
gadgets ang komunikasyon sa pag-aaral dahil lalo na ngayon sa pandemya ay
hindi sila pwedi makapunta sa paaralan para hindi magkahawaan kaya sa tulong
ng mga gadgets ay meron parin silang matutunan at nakakapag-aral parin sila.”
Gayundin ang paliwanag ni (K10,2022), (K11,2022), (K14,2022) at (K16,2022). Ayon
naman kay (K12,2022) “Dahil sa paggamit natin ng mga gadgets napapabilis ang
pakikipag komunikasyon natin sa mga guro at kaklase.” Gayundin ang sagot ni
(K13,2022). Ayon naman sa pahayag ni (K15,2022) “Dahil sa mga gadgets pwedi
kana makapag internet at mas pinapadali ang pakikipag komunikasyon sa pag-
aaral ng mga mag-aaral.” Ayon sa paliwanag ni (K17,2022) “Para sa akin
napapadali ito dahil kung meron kang concerns hindi mo na kailangan pumunta
ng paaralan ng snc at sa mga guro dahil pwedi mo na itanong sa pamamagitan
ng chats.”Gayundin ang paliwanig ni (K18,2022). Ayon naman kay (K20,2022)
“Nung nagsimula ang pandemya lahat tayo ay nag oonline-class at ang gadgets
ay malaking bahagi sa ating pag-aaral dahil nakakatulong ito upang patuloy
padin tayo nagkikita sa pamamagitan ng virtual class.”

Tema 6: Ang masamang epekto ng paggmit ng gadgets

Ang paggamit ng gadgets ay mayroon masamang epekto din ito sa mga mag-
aaral, ito ang mga halimbawa ng masasamang epekto ng paggamit ng gadgets una,
adiksyon. sa sobrang gamit ay nakatutok na lamang sa screen ang iilang mga mag-
aaral. Pangalawa, nakakasira ng kalusugan at paningin. Maaaring maapektuhan ang
kalusugan at paningin sa sobrang paggamit ng gadgets. Pangatlo, laging napupuyat.
Maraming mga mag-aaral ang laging puyat at wala sa tamang oras ang pag-tulog dahil
sa adiksyon na naiidulot nito sa kanila.

Inilalarawan ng kalahok ang mga masasamang epekto sa kanilang mga


karanasan kung paano nakakaapekto sa kanila ang labis na paggamit ng mga gadgets
sa pisikal na kalusugan. Sa pisikal na kalusugan, karamihan sa mga kalahok ay
nagpahayag na dahil sa labis na paggamit ng gadgets ay kulang sila sa tulog na
nagiging sanhi ng kanilang pananakit ng ulo, at malabong mata.
Ayon sa pahayag ni (K1,2022) “Ang masamang epekto ng paggamit ng
gadgets ay nakakalimutan nilang kumain sa tamang oras at nababawas ang
kanilang timbang.” Ayon naman sa paliwanag ni (K2,2022) “Ang madalas na
paggamit ng gadgets ay maaaring magdudulot ng masamang epekto sa
kalusugan ng isang estudyante, maaaring magdulot ito ng kulang sa tulog at
paglabo ng mga mata.” Gayundin ang paliwanag ni (K5,2022), (K19,2022)
(K20,2022). Ayon naman kay (K3,2022) “Ang sobrang paggamit ng gadgets ay
hindi nila natatapos ang kanilang mga prokyekto dahil sa sakit ng ulo, ulser,
stress at iba pa.” Gayundin ang sagot ni (K15,2022). Ayon naman sa pahayag ni
(K4,2022) “Ang masamang epekto sa paggamit ng gadgets ay ang pagpula ng
mata at ang pagkawalan ng oras sa mga iba’t ibang bagay kagaya na lamang sa
pag-aaral.” Gayundin ang sagot ni (K6,2022), (K9,2022), (K10,2022) at (K12,2022).
Samanatala sa paliwanag ni (K7,022) “Ang masamang epekto ng paggamit ng
gadgets ay humahantong sa pagka addiction na nakaka-apekto sa pang araw-
araw na buhay ng isang tao at higit pa sa lahat ay makaka-apekto ito sa ibat
ibang aspeto sa buhay ng tao.” Gayundin ang sagot ni (K13,2022). Ayon naman sa
paliwanag ni (K8,2022) “Ang masamang epekto nito ay pagka adiksyon sa mobile
games.” Ayon naman sa paliwanag ni (K11,2022) “Nakakalimutan ang mga
responsibilidad at nakakalimutan ang tungkulin sa paaralan at gawaing bahay.”
Gayundin ang paliwanag ni (K14,2022). Ayon sa pahayag ni (K16,2022) “Sa sobrang
paggamit ng gadgets agad lalabo ang iyong mga mata dahil sa reflection nito.”
Ayon naman sa paliwanag ni (K17,2022) “Para saakin ang masamang epekto ng
paggamit ng gadgets ang pagiging adiksyon sa online games, panonood ng k-
drama dahil doon hindi kana nakakapag pokus sa iyong pag-aaral.” Ayon naman
sa pahayag ni (K18,2022) “Ang masamang epekto nito hindi nila alam limitahan
ang paggamit nilang gadgets” dagdag pa ni (K18,2022) “Maraming nalolokong
bata ngayon sa paglalaro ng mobile legends at naabot sila ng madaling araw
hanggang hindi na sila nakakain dahil nalilibang sila sa paglalaro.”

You might also like