You are on page 1of 1

Tema: “ANG MGA KATUTUBONG WIKA SA MAKA-FILIPINONG

BAYANIHAN KONTRA PANDEMYA”

Sa panahon ngayon ay maraming kinakaharap na pagsubok ang ating bansa, tulad


na lang ng krisis na bunga ng pandemya. Ngayong buwan ng wika, aking
inihahandog ang likhang sining upang bigyan linaw ang kahalagahan ng
pagkakaisa ng mga Filipino sa panahon ng pandemya. Sa tulong ng paghahatid ng
tamang impormasyon sa ating kababayan gamit ang naaayon at mas
komportableng wika, mas maiintindihan ng bawat Filipino ang sitwasyon at
malalaman ng bawat isa ang mga nararapat gawin. Bukod dito ay mababawasan
ang takot ng ating kababayan sapagkat magsisilbing tulay ang wika upang
magkaunawaan.

Sa tulong ng ating frontliners at simpleng pagsunod sa alituntunin, kahit gaano


man kalakas ang alon na dumating sa ating buhay basta't sama-sama tayong
magsasagwan. Kahit gaano kabigat ang buhat o pasanin basta't tayo'y mag
babayanihan at magbubuklod na parang laso. Hindi magtatagal ang ating makulay
na kultura, sari-saring wika, magkakapit bisig, aalsa't titindig. Bansang nagkakaisa,
magwawagi sa pandemya.

You might also like