You are on page 1of 3

KOMUNIKASYON

AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT
KULTURANG
PILIPINO

IPINASA NINA:
THALIA LUCEŇO
CHARIES JENIFER M. CANJA
DANNA CORVERA

IPINASA KAY:
MRS. ANNECASIA S. MACAVINTA
PAGSUSURI NG KULTURANG
LINGGWISTIKO AT KULTURAL NA
STWASYON SA PROBINSIYA NG ANTIQUE

PAGSUSURING LINGGWISTIK
Ang Antique ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa
rehiyon ng Kanlurang Visayas. San Jose de Buenavista ang kabisera nito.
Matatagpuan ang lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Panay.
Umaabot sa mga lalawigan ng Aklan, Capiz, at Iloilo ang hangganan nito
sa silangan. Nakahara pang Antique sa Dagat ng Sulu sa kanluran.
Kinaray-a ang tawag sa kanilang lengguwahe at Antiqueño ang tawag sa
mga taong nakatira sa Antique. Ang salitang kinaray-a ay hango sa
salitang katutubo na raya o iraya na ang ibig sabihin aybundok. Ang
wikang panlalawigan nito ay ginagamit ding wika sa kanlurang kalahati
ng Iloilo, bulubunduking bahagi ng Capiz, ilang bayan sa Aklan at
Guimaras, isla ng Ilin sa occidental Mindoro at maging sa ilang bahagi ng
Timog Mindanao.
Sa pagsusuring ito, napag alaman naming na ang mga salitang
“rigya”, “danay lang”, “karun”, “wara” ay isa sa mga halimbawa ng mga
salitang ginagamit nila sa pang araw-araw na pamumuhay. Kumpara sa
dayalekto ng mga taga Iloilo, ang tono ng lenggwahe ng mga Antiquño ay
mas matigas kaysa sa mga Ilonggo. Ang mga kahulugan ng mga ito ay
simple lamang, ngunit kung ito ay ipapagamit sa mga taong hindi sanay sa
dayalektong kinaray-a, tiyak na sila ay mahihirapan. Ang mga salitang ito
ay ang mg salitang ginagamit sa di-pormal na pamamaraan at matatawag
na mga salitang kalya o balbal.

PAGSUSURING KULTURAL
Ayon sa aking pagsusuri, ang Antique ay malapit sa
tabing-dagat kaya ang pangnahing pamumuhay nila ay ang
pangingisda. Nakagawian na ng mga tao rito ang pag-abang sa
mga mangingisda kapag sila ay pumapalaot na. Sa pagdating ng
mga mangingisda, nagtitipon ang mga tao sa Bangka at tulong-
tulong sa paghatak ng bangka papunta sa dalampasigan. Kapag
marami ang huli ng mangingisda, bilang kapalit sa pagtulong sa
kaniya sa paghatak ng kaniyang bangka, ito ay kaniyang
ipinamamahagi sa mga taong tumulong sa kaniya.
Ang kaugalian na ipinakita ng mga Antiqueño ay ang
pagiging matulungin at mapagbigay sa kaniyang kapwa, ang
kaugaliang ito ng mga Antiqueño ay minana nila sa kanilang mga
ninuno at hanggang ngayon ito ay kanilang ginagawa pa rin para
makatulong sa kanilang kapwa. Ang mga ito ay simpleng
kagawian lamang, ngunit malaking bagay na ito sa mga
Antiqueño, ang pagiging manampalataya sa Diyos ay isa na rin
sa kultural na kaugalian ng mga taga Antique.
Ang pagsusuring linggwistiko at kultural na sitwasyon na
nakasulat sa itaas ay maaari nating magamit sa oakikipagkapwa
at maaari din silang maimpluwensiyahan ng mga mabubuting
kaugalian na nakasanayan ng mga mamamayan sa Antique,
tulad naming.

You might also like