You are on page 1of 3

SELF-LEARNING HOME TASK (SLHT)

Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Taon: 11 Kwarter: Ikatlo Linggo: 5
MELC: Kowd:
Naibabahagi ang katagian at kalikasan tekstong naratibo F11PS-IIIB-91
Nakasusulat ng isang halimbawang tekstong naratibo F11PU-IIIb-89
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang F11PB-IIId-99
teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig
Pangalan ______________________ Seksyon: _________ Petsa _________
Paaralan _______________________ Distrito __________________________

I. Paglalahad ng Aralin/ Mga Nilalaman

Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring


piksiyon (nobela, maikling kwento, tula) o di-piksyon (memoir,, biograpiya, balita, mailikhaing
sanaysay). Kapwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang maging
malikhain ang katha.
Ang mga pangyayari sa tekstong naratibo ay may pagkakasunod-sunod. Pinadadaloy
ang mga pangyayari ayon sa nais ng manunulat. Dahil pagsasalaysay ang pangunahing
ginagawa ng tekstong naratibo, nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na makabuo ng
imahe sa kaniyang isip. Sa tekstong ito, binibigyang-diin nito ang takbo ng mga pangyayari
lalo na ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga ito.
Layunin ng tekstong naratibo ang magsalaysay o magkwento batay sa isang tiyak na
pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personal na naranasan ng
nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang. Maaari ding ang paksa
ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya lamang.
Ang pagsasalaysay ay maaaring magamit para sa iba-ibang paksa o layunin ng
teksto. Ilan sa mga uri ng tekstong naratibo ang sumusunod:
 salaysay na nagpapaliwanag
 salaysay ng mga pangyayari
 salaysay na pangkasaysayan
 likhang katha batay sa kasaysayan
salaysay na pantalambuhay
 salaysay ng nakaraan
 salaysay ng pakikipagsapalaran

Ilan sa mga halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong naratibo ang
 maikling kuwento, nobela, mito
 kuwentong-bayan, alamat, at parabula
 anekdota
 talambuhay
 paglalakbay

1
 balita
 report tungkol sa nabasng libro/ nebela
 rebyu ng pelikula, aklat, o palabas
 buod ng kuwento

Mga Elemento ng Isang Tekstong Naratibo


Mayroon itong banghay, tauhan, tagpuan, at suliranin o tunggalian. Kung kuwento ang
isinusulat, dapat lamang na kompleto ang lahat ng elementong ito sa teksto at organisado
ang paraan ng pagsasalaysay (Atanacio 2016).

Banghay
Binubuo ang banghay ng mga kawil-kawil na pangyayari. Inaayos ang mga pangyayari upang
makabuo ng isang estruktura o porma. Ang isang kuwento na walang banghay ay sinsabing
isa lamang pagsasalaysay ng mga pangyayari. Ang banghay ay tumutukoy sa pagkakayos
ng mga pangyayari habang isinasalaysay ito; pinag-isipan kung paano ilalahad at pinipili kung
alin ang mga iatatampok na pangyayari. Karaniwan sinusunod na banghay ang pagkakaayos
ng mga pangyayari ayon sa Freytag’s Pyramid na nagsisimula sa ekposisyon, patungong
komplikasyon, kasukdulan, pababa sa kakalasan, at tungong wakas. Maaari ding simulan
ang kuwento sa kalagitnaan ng mga pangyayari (in medias res) at balikan ang simula
hanggang umabot muli sa gitna ang salaysay at ituloy hanggang wakas.

Tagpuan
Walang pagsasalaysay o naratibo na mabubuo kung walang lugar na pinangyarihan ng
kwento at panahon kung kailan ito maganap. May mga pangyayaring nagsimula at natapos
lamang sa iisang lugar at mayroon ding nag-iiba-iba ng lugar dahil hinihingi ng sitwasyon.

Tauhan
Ang nagdadala at nagpapaikot ng mga pangyayari sa isang salaysay. Sila ang kumikilos sa
mga pangyayari at karaniwang nagpapausad nito. Maaaring manggaling sa kanila ang
dahilan ng pagbabago-bago ng mga pangyayari.

Suliranin o Tunggalian
Ang bahaging nagpapakita ng suliranin at tunggalian sa isang kuwento ang
pinakamadramang tagpo ng kuwentob at inaasahang may maidudulot na mahalagang
pagbabago patungo sa pagtatapos.Wala yatang kuwento na hindi nagtataglay ng suliranin.
Kung magkakagayon, walang hamong ihaharap sa mambabasa.

Diyalogo
Ginagamit ang diyalogo upang gawing makatotohanan ang mga pangyayari sa pamamagitan
ng pag-uusap ng mga tauhan. Hindi lahat ng mga nabanggit na elemento ay palaging
tinataglay ng isang tekstong naratibo. Depende sa uri ng salaysay at layunin nito, maaaring
wala itong diyalogo o hindi sumusunod sa nakasanayang estrukturang Freytag’s Pyramid.Sa
isang mahusay na tekstong naratibo, nararamdaman ng mambabasa ang mga pangyayaring
isinasalaysay nang parang siya’y nakapaloob at kasangkot sa mga pangyayari.

2
Gabay sa Pagbasa ng Tekstong Naratibo
Narito ang ilang mahahalagang tanong na maaaring gamiting gabay sa pagbabasa ng
tekstong naratibo.
Layunin ng may-akda
 Anong uri ng pagsasalaysay ang ginamit sa teksto?
 Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?
 Mabisa ba ang ginamit na uri ng pagsasalaysay upang maisakatuparan ang layunin
ng may-akda?
 Malinaw bang naipakita sa teksto ang naging layunin ng may-akda na magsalaysay
ng magkakaugnay na pangyayari?

Mga ginamit na elemento ng naratibo


 Ano ang ayos ng mga pangyayari ayon sa lohikal na sanhi at bunga nito?
 Anong teknik sa pagsasalaysay ang ginamit upang ilahad ang mga pangyayari?
 Mabisa ba ang ginamit na teknik sa pagsasalaysay?
 Saan at kailan naganap ang salaysay? Ano ang kaugnayan ng tagpuan sa
pangayayari?
 Sino-sinong tauhan ang kasama sa pangyayari? Kanino nakasentro ang salaysay?
 Malinaw ba ang perspektibang ginamit sa pagsasalaysay? Kung hindi, bakit?
 Ano ang tampok na bahagi ng salaysay?
 Nakatulong ba ang salaysay upang maabot ang layunin ng teksto?

You might also like