You are on page 1of 1

172 - Sabi ni Florante kay Aladin - hindi lamang dahilan ng sakit ng aking damdamin, kundi

pinagmumulan ng buhay ko mismo (tinutukoy ni Florante si Laura).

173 - Naupo yung dalawa sa ilalim ng puno. Ikinuwento ni Florante kay Aladin ang kanyang
buhay, mula umpisa hanggang sa punto na naging masama ang kanyang kapalaran (naparool).

174 - Sinabi ni Florante na ipinanganak siya sa Albanya, sa isang dukado (dukedom) o pamilya
ng duke. Si Duke Briseo ang ama ni Florante.

175 - Ang ina ni Florante ay si Prinsesa Floresca.

176 - Pakiramdam ni Florante na kung ipinanganak siya sa Krotona (siyudad ng kanyang ina),
imbes na sa Albanya (bayan ng kanyang ama), sana ay naging mas masaya si Florante.

177 - Ikinuwento ni Florante na ang kanyang ama na si Duke Briseo ay naging tagapag-payo
kay Haring Linceo, sa lahat ng bagay. Pangalawa siya. Siya rin ang nagbibigay ng direksyon
para sa bayan.

178 - Si Duke Briseo ay parang perpektong bersyon ng kabaitan sa Albanya. PInakamatalino.


Pinakamagiting. Pinakamapagmahal sa anak. Pinakamarunong mag-guide at magturo ng anak.

179 - Naalala ni Florante kung paano siya tawagin nuon (nung munting bata pa siya) ni Duke
Briseo: Floranteng bulaklak kong natatangi o nag-iisa. (My one and only special flower.)

You might also like