You are on page 1of 2

Pangalan: Carlyn Joyce D.

Argana
Seksiyon: BSED-FILIPINO 1A
Guro: Ma’am Monina Romero

ARALIN 3: SCHOOL OF THOUGHTS AT PAGLINANG NG KURIKULUM SA


PILIPINAS
(SINTESIS)

ANG PROCEED AT ANG BAGONG KURIKULUM SA PAARALANG


ELEMENTARYA (NESC)
Dr. Minda C. Saturia (Direktor ng Kawanian ng Edukasyong Pang-elementarya) - Iminungkahi
ang pagbabago ng kurikulum sa elementarya upang matugunan ang suliranin nito. Ito'y 10 taong
programa para sa Komprehensibong Edukasyon Pang-elementarya (Program for a
Comprehensive Elementary Education o PROCEED)

ANG PROCEED AT ANG BAGONG KURIKULUM SA PAARALANG


ELEMENTARYA (NESC)
Sa ilalim ng nabanggit na programang pang-edukasyon, naghain ng isang bagong
kurikulum para sa Paaralang Elementarya na tinawag naman na New Elementary School
Curriculum (NESC). Ang mungkahing kurikulum na nabanggit ay naglayong gampanan ng
paaralan ang ilang misyon mabigyang- tuon ang paglinang sa kaisipang Makabayan
Ang bunga ay itinuturing na higit na mahalaga kaysa aralin. Ang pokus nito ay 4Hs sa
Ingles (Head, Heart, Hands and Health). Ang kurikulum ay binuo rin ng tatlong (3) Sab-Siklo:
Sab-Siklong Batayan (Baitang I at II); Sab-siklo sa pagsasanay at pagpapsidhi (Baitang III at
IV); at Sab-siklo sa pagsasanay, pagpapasidhi at pagsasagawa (Baitang V at VI).

Upang matugunan ang pangangailangan na maipagpatuloy ang pagkalinang ng mga mag-aaral:

✓ Secondary Education Development Program (SEPD) - may apat na pung (40) minutong
inilaan maliban nalang sa Science and Technology at Home Economics na may isang oras.
ANG MGA KOMPONENTS AT KATANGIAN NG ASIGNATURANG FILIPINO SA
KURIKULUM NG 1989
Natatalakay nang mahusay ang mga pamantayan, patakaran, kalakaran at mga prosesong
pinag-ugatan ng kurikulum.Natatalakay nang matalino sa malikhaing paraan ang katayuan ng
asignaturang Filipino sa mga nabuong kurikulum sa edukasyon ng Pilipinas. Nagagamit nang
mahusay ang wikang Filipino sa pagtalakay ng kahulugan at katangian ng kurikulum. Nagagamit
nang mahusay ang wikang Filipino sa pagtalakay ng mga ugat at kasaysayan ng kurikulum.
Nalilinang ang kakayahan sa paglinang at pagtaya ng kurikulum salig sa makabagong teorya at
praktika ng Edukasyon.

ANG MOTHER TONGUE BASED MULTILINGUAL EDUCATION


CURRICULUM(2012)
Ang Mother Tongue-based Multilingual Education o MTB-MLE ay isang programa ng
Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas. Ito'y naglalayong gamitin ang local na wika sa isang
lugar bilang wika sa pagtuturo upang mapadali ang pag-aaral para sa mga katutubo at para
makabuo ng pagmamahal mula sa mga katutubo sa sarili nilang wika at kultura. Mas nagiging
madali para sa lahat dahil dito sa MTB-MLE, dahil hindi na nila kinakailangan pang mahirapan
sa paggamit ng wikang hindi nila kinalakhan.

K-12 CURRICULUM
Ang K–12 ay isang katawagan para sa kabuuang edukasyong elementarya at mataas na
paaralan. Sa Pilipinas, ipinatupad ni dating pangulong Benigno Aquino III ang K-12 Education
Program. Ayon sa mga opisyal at mga tao na pabor dito ay makakatulong daw upang malinang
ang kakayahan at magkaroon ng karagdagang kaalaman ang mga mag-aaral sa ating bansa. Ito
ang dalawang taon sa pag-aaral na kaiba sa apat na taon sa dyunyor hayskul, nakasaad rin dito na
maaari ng magtrabaho sa oras na matapos ninyo ang dalawang dagdag na taon sa hayskul.

You might also like