Professional Documents
Culture Documents
Ekonomiks 9
Ekonomiks 9
36. Ang badyet ng bansa ay inihanda ayon sa mga prayoridad ng pamahalaan. Ang mga sumusunod ay mga
pangunahing pinaglalaanan ng pamahalaan ng pondo maliban sa isa.
A. Badyet ayon sa sektor
B. Badyet ayon sa expense class
C. Badyet ayon sa mga rehiyon
D. Badyet ayon sa mga maintenance and other operating expenses ng organisasyon.
37. Gumawa ng slogan para sa tema ng BIR 2018 tax campaign “I love Philippines, I pay taxes correctly”. Gawin sa loob
ng kahon.
38. Ano ang tawag sa kapangyarihan ng pamahalaan na magtakda ng mga regulasyon kaugnay sa pananalapi?
A. Patakarang Piskal C. Pagbabadyet B. Patakarang Pananalapi D. Patakarang
Panlipunan
39. Bakit itinatag ang Bangko Sentral ng Pilipinas?
A. upang mangasiwa at mamahala sa sistema ng pananalapi ng bansa
B. upang mangalaga sa pagpapasigla at pagpapatatag ng ekonomiya
C. upang maparami ang mayaman sa bansa
D. upang mahikayat ang mga dayuhan na mamuhunan sa bansa
40. Dahil sa digmaan sa Syria, maraming Overseas Filipino Workers (OFW) ang umuwing walang naipong pera. Anong
patakarang pananalapi ang kailangang ipatupad?
A. Expansionary Money Policy C. Insurance Claims
B. Contractionary Money Policy D. Bottom-up Budgeting
41. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangunguna sa pagpaplano ng taunang pambansang badyet?
A. Kagawaran ng Agrikultura C. Kagawaran ng Pagbabadyet at Pamamahala
B. Kagawaran ng Pananalapi D. Kagawaran ng Rentas Internas
42. Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat na gawin kung maliit lamang ang baon na ibinigay ng
iyong magulang?
A. Bilhin ang nararapat bilhin at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
B. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang mga bagay na hindi naman mahalaga.
C. Bilhin ang nararapat bilhin at tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
D. Bilhin ang nararapat bilhin at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan 43. Alin sa sumusunod ang
tungkulin ng bangkong rural?
A. Dahil sa malaking kapital, ang mga bangkong ito ay nagpapautang para sa ibang layunin tulad ng pabahay at iba
pa.
B. Itinatag ito upang mapabuti ang kalagayang pangkabuhayan sa kanayunan.
C. Pangunahing layunin ng mga bangkong ito na hikayatin ang mga tao na magtipid at mag-impok.
D. Pangunahing tungkulin nito na tustusan ng pondo ang programang pansakahan ng pamahalaan.
44. Bilang isang empleyado, bakit mahalagang maghulog ka sa SSS?
A. Para makapag-ipon C. Para makatulong sa ibang tao
B. Para makautang D. Para makatanggap ng benepisyo
45. Ang isang taong nagtratrabaho ay dapat tumanggap ng kabayaraan sa serbisyong kanyang ginagampanan. Paano
ginagamit ang salapi dito?
A. Paraan ng Pakikipagpalitan ( Medium of Exchange)
B. Pamantayan ng halaga
C. Pamantayan ng ipinagpalibang bayad
D. Taguan ng halaga
46.Sa panahon ngayon, ano ang mahalagang ginagawa ng mga institusyong pananalapi?
A. Nagpapautang
B. Tumutulong sa nangangailangan
C. Namamagitan sa mga nagpapautang at gumagamit ng salapi
D. May kapangyarihang maglipat ng pondo
47. Ang mga tao ay dumulog sa mga bahay-sanglaan sa kadahilanang?
A. Mababa ang interes ng pautang
B. Madali at mabilis ang paraan ng pag-utang
C. Pwedeng isangla ang mga gamit
D. Pwedeng umutang na maaring bayaran sa mahabang panahon
Panuto: Ang pigura sa ibaba ay nagpapakita ng ugnayan ng kita, pagkonsumo at pag-iimpok. Upang maunawaan nang
mabuti ang graph ay kailangan itong makumpleto at maidugtong ang palaso (arrow) ayon sa konseptong nais ipabatid
nito. Piliin ang mga datos mula sa kahon na nasa kanan ng pigura.
A. Naimpok
Commercial Banks
Savings and Loans (Savings)
Credit Unions Nangutang B. Kumikita
Finance Companies C. Pag-aari
Nag-iimpok
Life Insurance Companies (Assets)
Mutual Funds at Pension D. Financial
Intermediaries
Financial
Intermediaries
Interes at Dibidendo
(Interest and Dividends 50. _____________.