You are on page 1of 2

GEDD117_BANAAG AT SIKAT

1. May kinalaman ba ang pananakop ng mga Amerikano sa pagsigla ng nobelang

sentimental bago sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Pangatwiranan.

- Noong panahon o pananakop ng mga Amerikano, kapansin-pansin ang mga


pagbabagong naganap mula ng makalaya ang mga Pilipinong manunulat sa kamay ng
mga kastila. Ang pantikan ay lubusang nagbago kung saan hindi na ito gaya noon na
kadalasan ang mga aklat o kahit ano mang babasahin ay patungkol lamang sa relihiyon
at katolisismo. Ang nobelang sentimental ay isang maituturing na resulta ng pagbabago
sa kamalayan ng bawat Pilipino, isang manunulat man o hindi. Mas lumawak ang
imahinasyon ng mga manunulat sa iba't-ibang aspekto ng buhay kung saan nila mas
maihahantulad ang mga ganap na pangyayari sa mas malikhaing panunulat. Simula
palang ng pananakop ng mga Amerikano, tila mas lumaganap ang pag gawa ng mga
nobela ng ilang mga Pilipinong manunulat, kung saan ginagamit nila itong daan upang
magsilbing pagpapahayag ng kanilang mga kaisipan o propaganda patungkol na rin sa
mga gawain o pamamalakad ng mga opisyal na Amerikano kung saan maituturing parin
na hindi kanais-nais para sa kalagayan ng lahat ng Pilipino. Sa pagpasok ng nasabing
nobelang sentimental, mayroon paring ilang naitatag na layunin ang mga manunulat sa
pag gawa ng nobelang ito, gaya na lamang ng pagpapanatili ng kaayusan, at pagbigay
ng maihahantulad na ilusyon ang mga tao patungkol sa realidad at totoong mga
kaganapan ng panahon na iyon at panghuli, pagyamanin pa lalo ang paggamit ng ating
sariling wika upang mas marami pang mambabasa ang makaalam sa halaga at
importansya nito sa ating sariling bayan at pagkatao. Bago pa man mangyari o
sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig, patuloy ang mga manunulat na Pilipino
sa pag paparating ng kanilang mga nais na iparating mensahe sa kanilang mga
mambabasa, at naging isang malaking epektibong pamamaraan ang nobelang
sentimental lalo na sa pagpaparating ng mga tunay na emosyon sa likod ng mga
tauhan o kaganapan sa mga nobela.

This study source was downloaded by 100000847541284 from CourseHero.com on 06-09-2022 09:47:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/77420158/GED117-2020-OL161docx/
2. Bakit nauntol ang pagdami ng mambabasa ng nakaaklat na nobela sa unang mga
dekada ng siglo 20?

- Bahagyang nauntol ang pagdami ng mga mambabasa ng nakaaklat na nobela sa


dekada ng siglo 20 dahil dito na nagsimulang maging laganap ang maituturing na
modernisasyon sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng mga tao. Tila nawawala na
ang interes ng mga tao sa pagbasa ng mga naka-aklat dahil ito'y nalalamangan o
nauungusan na ng mga adbentahe na dulot ng makabagong pamamaraan ng
pagbabasa at libangan ng mga tao sa kasulukuyang panahon na iyon. Nagsimula rin
noon ang malawakang paggamit ng internet kung saan mas napapadali ang
paghahanap ng mga tao ng kanilang mga kailangan sa pang araw araw tulad na
lamang ng pag hahanap ng mga informasyon at babasahin. Simula noong ika-siglo 20,
maituturing na isang makalumang pamamaraan na ang pagbasa o paggamit ng mga
aklat na nobela, at kadalasang mas pinipili na mga tao ang mga napapanahon na
kagamitan lalo na ang mga henerasyon ng mga kabataan.

3. Maituturing bang pagsulong ang popularidad ngayon ng romance novels?


Pangatwiranan.

- Totoong maituturing na bahagi ng pagsulong ang patuloy na pagsikat ng romance


novels sa kadahilanang mas marami pang tao ang nahihikayat na maging isang
mambabasa at sumuporta sa pagyaman at pagsigla ng mga nobelang patungkol sa
romansa. Ang mga nobelang ito ay madalas na sumisimbulo sa lubhang pagpapahayag
ng emosyon, iba't ibang moralistiko at madalas na nagpapakita ng kagandahan at
kapangyarihan ng pagmamahalan at iba pang uri ng emosyon na madalas
maramdaman ng isang tao. Sa panahon ngayon, kapansin-pansin na mas kaunti na
lamang ang mga tao na nahihilig o tumatangkilik sa mga pagbasa ng nobela dahil mas
maraming tao na ang mas pinipili ang pagbabasa sa internet o kaya naman ang
panonood sa telebisyon. Ngunit sa patuloy na paglawak ng imahinasyon at pag iisip ng
ilang mga manunulat patungok sa romansa, napapanatili nila ang yaman at halaga nito
dahil sa kagandahan ng buong takbo ng kwento at ang pagkakagawa ng mga tauhan
na siyang susubaybayan ng mga mambabasa lalo na't sa kasalukuyang henerasyon.
Naniniwala ako na lubos itong nakakatulong sa pagpapanatili ng buhay o diwa ng mga
nobela sa puso ng mga mambabasa kung saan maari pang mapasa at maituro sa mga
susunod pa na henerasyon ng mga mambabasa.

This study source was downloaded by 100000847541284 from CourseHero.com on 06-09-2022 09:47:55 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/77420158/GED117-2020-OL161docx/

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like