You are on page 1of 1

Sanaysay Tungkol Sa Karapatang Pantao

At bawat isa sa atin ay isinilang sa mundo upang gampanan ang mahahalagang bagay na inihanda ng
diyos para sa atin. Kasama sa pagsilang ng bawat isa sa atin ang obligasyon at Karapatan para masiguro
ang pagiging produktibo natin bilang indibidwal sa lipunan at pagtulong upang masiguro na ang pagiging
maganda at ligtas ang ating mundo.Isa sa mga mahahalaga nating karapatan ay ang mabuhay ng
tahimik at payapa.ang pamahalaan ay nagsisikap sa mundo na mapanitili ang kaayusan at
kapayapaan nating lahat sa mundong ito. Isa sa mga nais nila ay ang mailayo tayo sa
kapahamakan at sa mga kriminalidad na nagdudulot ng kaguluhan sa mundo.
Upang magampanan natin ng tama ang ating Karapatan isa sa kinakailangan nating simulant ay
ang makapag aral at makahanap ng trabaho. Kilangan nating lahat na matutu sa loob ng paaralan
para mahubog tayo sa mga mabubuting ugali at hindi tayo maging walang alam sa ating
pamumuhay dito tayo magsisimulang lumawak ang pagiisip at makatulong sa atin g komunidad.
Ang pagaaral ang unang baiting para makamit natin ang magandang trabaho ata magawa ang
nais natin sa mundo.

Isa sa mahalaga nating Karapatan ang pumili ng lider ng bansa na makakatulong upang maging
maganda at maayos ang mga taong naninirahan sa isang bansa. Hindi dapat ito ipagkait para
pumili ng nais niyang iboto kung nasa wastong gulang na dahil isa itong Karapatan ng bawat isa
sa atin. Isa din sa Karapatan ng bawat isa sa atin ang ipagtanggol ang saarili sa anumang parusa
at paratang n asana ay nabibigyan ng hustisya kung ano ang tama. Hindi patas na patawan ng
parusa ang mag inosenteng tao na nagging biktima ng kawalang dinig ng kaso laban sa
kaniya.Lahat tayo ay may halaga gamitin natin ang tama para sa ating ikabubuti. Ang Karapatan
natin ang isang malaking susi upang maging masaya at normal ang paggalaw natin sa mundong
ito.

You might also like