You are on page 1of 2

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga isyu na tinalakay sa tula na kinakaharap ngayon ng

mga kapatid nating Lumad?
___Hindi maikokondena na humaharap ngayon ang mga kapatid nating Lumad sa
tahasang diskriminasyon, panggigipit sa kanila ng mga malalaking korporasyon pati
narin ang ibang sektor ng administrasyon at higit sa lahat ay ang paglabag sa
karapatang pantao ng mga Lumad. Base sa tula, ang pangunahing rason kung bakit
nagkaroon ng mga karahasan, pagpaslang at panggugulo dahil sa pansariling interes
ng mga malalaking investors at korporasyon sa mga likas na yaman ng sakop ng
lupain ng mga lumad, at ang panggigipit ng administrasyon sa kanila dahil sa maling
paratang na sila’y mga kumokontra sa gobyerno dahil sa kanilang katutubong
identidad. Ayon sa mga pag-aaral, bahagi ng mga lupain na kanilang tinitirhan ay may
malusog na mga kagubatan at maraming likas na yamang hindi pa nabubungkal at
napapakinabangan. Dahil dito, nagkaroon ng interes ang mga malalaking korporasyon
gaya na lamang ng mga nagmimina at mga logging companies. Dahil nga ang mga
lumad ay katutubong pangkat, sila ay may tungkulin na panaglagaan at protektahan
ang kanilang tahanang ipinamana pa sa kanila ng kanilang mga ninuno. Kung kaya’t
nagkaroon ng tunggalian laban sa mga lumad at sa mga korporasyong nagnanais dito.
Hindi lang iyan, dahil sa pagiging makaluma ng estilo ng kanilang pamumuhay, sila’y
inakusahang nagproprotekta sa mga rebelda kagaya na lamang ng mga NPA o kaya ay
ang kanilang mga paaralan sa nayon ang pinagbintangang nagtuturo sa mga kabataan
ng pag-aalsa laban sa gobyerno kung kaya’t pwersahang pinasara ito ng nasa
posisyon. Sa ngayon, ang panig ng mga lumad ay pinatahimik gamit ang puwersa at
dahas, hindi man lang sila nabigyan nang pagkakataong ipaglaban ang kanilang
karapatan sa patas na paraan at makapagsalita sila ng malaya. Ang ganitong kilos
laban sa mga inosenteng katutubo ay syang bumubuhay muli sa panahong ginagamit
ang pwersa militar upang kontrolin ang lipunan at estadong kanyang nasasakupan,
kahit pa man na buhay na ang syang
nakataya.__________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Ano ang maaaring gawing interbensyon ng pamahalaan/gobyerno upang
matulungan ang mga kapatid nating nasa Minorya katulad ng mga
Lumad?
___Kailangang tandaan ng pamahalaan na layunin nilang isaalang-alang ang kapakanan
ng mga tao na kanilang nasasakupan. Sa anumang sitwasyon kailangang bigyang
importansya ng gobyerno ang interes ng mga tao upang ito’y makabuo ng solidaridad ng
bawat isa.
____________________________________________________________________________

_____________

You might also like