You are on page 1of 3

TEORETRIKAL NA BALANGKAS

Sa pag-aaral na ito ay ginawang batayan ang teorya ng sikolohiyang Filipino kung saan ito ay
tumatalakay sa pagkatuto ng mga tao ng wika na ginagamit sa pang-araw araw, Ito ay binuo ni Virgilio
Enriquez noong 1985. Ang Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology) ay tumutukoy sa sikolohiyang
nabuo mula sa karanasan, kaisipan, at oryentasyon ng mga Pilipino. Ayon kay Enriquez (1985) ito ang
pag-aaral ng diwa na tumutukoy sa malawak na kaalaman na tinukoy ng konseptong pilosopikal na
“kahalagahan” at ang kabuuang sinasaklaw ng konseptong sikolohikal mula kamalayan hanggang mga
motibo hanggang ugali.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang teoryang ito ay makatutulong sa maayos na pag-aaral at
pagkuha ng datos. Ito ay magbibigay halaga sa lebel ng interaksyon o relasyong namamagitan sa
mananaliksik at respondante ang siyang tumutukoy sa kalidad ng datos na makukuha sa proseso ng pag-
aaral. Inirerekomenda na ang pakikipagpalagayang-loob ay makuha ng mananaliksik sa kanyang
respondante para magkaroon ng maganda at dekalidad na datos. Ibilang na pantay o mas mataas ang
mga respondent/kalahok sa pag-aaral. Sa prinsipyong ito, anumang pag-uugali ng mananaliksik ay dapat
na isantabi. Kinakailangang unahin pa rin ang kapakanan ng respondent o kalahok sa pananaliksik kaysa
sa mga datos na makukuha mula sa kanila. Layunin ng pananaliksik ang kaalaman, ngunit hindi dapat
naisasakripisyo ang kapakanan ng iba. Ang metodong gagamitin sa isang pananaliksik ay piliin batay sa
gamit nito sa populasyon at dapat itong gawin batay sa kasalukuyang umiiral na pamantayan. Huwag
aasahan ng mananaliksik na iangkop sa mga tao.- Ang wika ng mga tao ang dapat na wika ng
pananaliksik sa lahat ng oras. Mas madali niyang masabi ang kanyangsaloobin, ideya, persepsyon, at
pag-uugali kapag gamit ang sariling wika.

KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang konsepto ng balangkas na ito ay nagpapahiwatig sa daloy ng pag-aaral na gagawin. Inilalarawan


dito kung paano mangalap ng impormasyon na gagamitin sa pag-aaral. Ang konseptong ito ay naaayon
sa pananaliksik na gagawin.
Kahalagahan Ng Pag-aaral

Ang bawat pananaliksik na pag-aaral ay may kahalagahan sa mga tao, lipunan, bansa at mundo. Ang
paglalahat ng kasalukuyan ay magiging isang malaking kontribusyon sa malawak na kaalaman kaugnay
sa nakalap na datos na ng mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay naglalayun na makapagbigay ng
kaalaman sa mga mambabasa. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong sa lipunan sa
pagpapakita ng impluwensya ng wikang ingles sa edukasyon ng isang mag-aaral sa wikang Filipino. Ito ay
inaasahang lubos na sapat at kapaki-pakinabang sa mambabasa at sa lipunan. Ang mahahalagang resulta
ng pagsisiyasat na ito ay maging makabuluhan at tunay na kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral - Sa pag-aaral na ito ay lalong mapapalawak ang kanilang mga kaalaman kung paano
maging isang mahusay na mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa silid-aralan. Nagsisilbing gabay ito
upang malinang ang kanilang kaisipan at kakayanan sa kanilang pag-aaral at pagkatuto. Inaasahan na
ang pag-aaral na ito ay makakatulong ng malaki para sa epektibong pagkatuto ng wikang filipino sa pag-
aaral at magamit ng wasto ito sa tamang pamamaraan.

Sa mga guro - Bilang mga guro, lalo na sa asignaturang Filipino ay mahihimok nila ang kanilang sarili na
gamitin ang wikang Filipino ng madalas upang ang mga mag-aaral ay matuto nito at magamit sa araw-
araw na diskusyon. Sila ay magkakaroon ng kaalaman sa mga posibleng epekto ng wikang ingles sa
kanilang estudyante nang sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga mag-aaral sa tamang
pamamaraan ng kanilang pag-aaral. Magiging isang malaking karangalan at tagumpay sa isang guro na
naging matagumpay ang kanilang mga estudyante sa hinaharap.

Sa mga magulang - Mahalagang bilang mga magulang, na sanayin ang kanilang anak na gamitin ang
sariling wika imbes na ang wikang banyaga. Ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak,
ay makakapag-isip-isip ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa kanilang anak, kasabay ng
paggabay tungo sa maayos at magandang pamamaraan ng kanilang pag aaral.

Sa administrasyon - Ang pananaliksik na ito ay maaaring makapagbigay ideya o suwesyon sa


pagpapahalaga ng wikang filipino bioang wikang panturo. Ang hindi pagkakaila na epekto ng wikang
ingles sa pagkatuto ng mga estudyante sa wikang Filipino ay makapagbigay ng hugyat upang magtatag
ng mga aktibidadis o programa hinggil sa suliranin. Makakatulong ang pananaliksik na ito upang
magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang maari nilang ibahagi sa guro, maguoang at mag-aaral tungo
sa epektibong pagkatuto sa wikang filipino at mahikayat ang mga estudyante na mag aral ng mabuti at
pahalagahan ito.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa impliwensya ng wikang ingles sa pagkatuto sa wikang filipino ng mag-
aaral sa wmsu-ipil campus. Sa pag-aaral na ito ay inaasahan na ang mga respondente ay mula sa BSED-
FIL 2. Ang pag-aaral ay magkakaroon lamang ng 20 ng mga respondente, 10 sa lalaki at at gayundin sa
babae. Ang pagkalap ng mga impormasyon ay magsisimula sa buwan ng agosto hanggang sa unang
linggo ng setyembre sa susunod na school year 2022-2023

You might also like