You are on page 1of 1

TALAMBUHAY NI FRANCISCO BALTAZAR

Si Francisco Balagtas Baltazar ay isang kilalang Pilipinong makata at may akda.


Siya ay kinikilala bilang "Prinsipe ng Manunulang Tagalog" o Ama ng Balagtasan Ang
kanyang palayaw ay Kiko Isinilang ang makatang si Francisco Balagtas noong ika 2 ng
Abril taong 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Itinuturing na William Shakespeare ng
Pilipinas para sa kanyang kontribusyon at impluwensya sa panitikang Pilipino.
Si Kiko, bunso sa apat na anak nina Juana dela Cruz isang maybahay, at Juan
Baltazar isang panday. Ang kanyang mga kapatid ay sina Nicolasa, Felipe at Concha.
Noong siya ay nasa edad na upang mag - aral, ipinadala siya ng ina sa isang kamag
anak sa Tondo, Maynila.
Labing isang taon si Kiko nang lumuwas upang mamasu-kan bilang utusan kay
Doña Trinidad, dahil sa kasipagan at mabuting paglilingkod kaya pinag-aral siya sa
Colegio de San Jose. Ang mga asignaturang pinag-aral ay Gramatika, Latin, Kastila,
Doctrina Christiana at Batas sa Canones.
Nagtapos ng pag-aaral sa Colegio de San Juan de Letran. Ang kanyang mga
asignaturang pinag-aralan ay Teolohiya, Humanidades at Pilosopiya, naging guro niya si
Padre Mariano Pilapil.
Si Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) ay isang bantog na makata at mandudulang
Tagalog sa Tondo. Natuto si Balagtas na sumulat at bumigkas ng tula sa kanya, ngunit
nagsilbing hamon kay Balagtas da-hil hindi tumulong si Jode dela Cruz sa pag-aayos ng
tula sa kadahi-lanang wala siyang dalang sisiw na ipambabayad. Namayagpag sa
larangan ng panulaan si Balagtas.
Mula sa Tondo ay lumipat sa Pandacan, Manila. Dito niya nakilala si Selya o
Maria Asuncion Rivera. Naging magkasintahan sila subalit karibal niya sa pag-ibig si
Mariano “Nanong” Capule, isang mayaman at makapangyarihang pamilya. Ipinabilanggo
niya si Balagtas upang hindi siya makahadlang sa panunuyo sa dalaga. Pin-
aniniwalaang dahil sa kabiguan ay naisulat niya sa loob ng bilangguan ang obrang
Florante at Laura.
Sa Udyong, Bataan nanirahan si Balagtas tapos makalaya. Dito niya nakilala si
Juana Tiambeng. Ikinasal siya sa edad na 54. Nagkaroon sila ng 11 anak.
Dahil sa may mataas na pinag aralan si Balagtas ay humawak siya ng matataas
na tungkulin sa Bataan tulad ng: Tagapagsalin at Tenyente Mayor.
Sa lalawigan ng Bataan, muli siyang bumalik sa bilangguan dahil sa paratang na
pinutulan niya ng buhok ang isang babaeng utusan. Lumaban siya sa kaso at naubos
ang kanyang kayamanan sa pag apela. Paglabas niya sa bilangguan, ipinagpatuloy pa
rin niya ang pagsulat hanggang bawian siya ng buhay noong Ika 20 ng Pebrero taong
1860 sa gulang na 74
Ilan sa mga akda ni Francisco Balagtas:
 Orosman at Zafira (1860) (komedya na may apat na bahagi)
 Hatol Hari Kaya (kundiman)
 Parangal sa Isang Binibining Ikakasal (tula)
 Paalam sa Iyo (awit)
 Rodolfo at Rosamunda (komedya)
 Pagpupuri kay Isabel II, Reyna sa España (tula)

You might also like