You are on page 1of 7

Ikatlong Linggo:

Ikalawang Gawain

Pagbasa
Ikaapat na Markahan

Rischa Janeale De Leon ng STEM 11 - Curie


LAYUNIN NG PANANALIKSIK
1. Matukoy o malaman ang kahalagahan ng tamang
pag-unawa at pagmamatnubay sa stress at sa mga
epektong dala nito.
2. Maipahayag ang pananaw ng mga mag-aaral
tungkol sa stress at iba pang mental illnesses sa
pagsagawa ng mga pang-akademikong gawain.
3. Matukoy ang mga solusyon upang makaiwas at
mapatnubay ang stress sa mga pang-akademikong
gawain.
Kaugnay sa gawain sa itaas lapatan ng proseso o pamamaraan ng pananaliksik o
metodolohiya base sa sinulat mong suliranin o layunin ng pag-aaral.(Pabalangkas)
''Mga Dahilan ng Stress at
Epekto sa Pang-akademikong
Gawain ng mga Mag-aaral sa
STEM G11 at 12 ng Cagayan
National High School."
DISENYO NG PAG-AARAL
Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng
deskriptibong pananaliksik kung saan ito magagamit
upang matukoy ang mga karanasan ng mga mag-aaral
ng STEM 11 at 12 ng Cagayan National High School
patungkol sa stress. Dahil ang deskriptibong
pananaliksik ay ang paglalarawan ng isang penomenong
nagaganap kaugnay sa paksa, mailalahad at maitatala
ng mananaliksik ang mga sagot ng mga kalaho. Ito ay
gagamitan din ng survey questionnaires o talatanungan
upang mapunan ng mga respondent ang kailangang
impormasyon.
KALAHOK AT SAMPLING
Ang mga kabilang upang tumugon sa nasabing
pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa STEM G11
at 12 ng Cagayan National High School. Gagamit ng
random sampling ang mga mananaliksik upang
maiwasan ang partyalidad at magkaroon ng
pagkakapantay-pantay na oportunidad upang gumawa
ng mga sample at upang magkaroon ng pagkakapantay-
pantay na representasyonng datos.
INSTRUMENTO AT DATOS
Nagsagawa ang mga mananaliksik ng talatanungan na
sasagutan ng mga respondent upang makakuha ng datos
tungkol sa paksang pananaliksik na ito.
Naglalaman ang talatanungan ng mga tanong na hindi
bababa sa 15 na sasagutin ng mga respondent. Ang
talatanungan ay nahahati sa 2 bahagi, kung saan ang unang
bahagi ay lalagyan lamang ng check mark kung gaano
nakaaapekto ang isang sitwasyon sa paggawa ng mga pang-
akademikong gawain sa kanila. Ang pangalawa naman ay
isang open-ended na talatanungan kung saan malaya ang
mga respondent na sumagot sa ilang mga katanungan
patungkol sa paksa.
PARAAN AT PAGSUSURI
Limitado ang pagkuha o pagpili ng mga kalahok na mula
lamang sa mga mag-aaral sa STEM G11 at G12 ng Cagayan
National High School.
Mula sa napiling kalahok ay magsasagawa ng pananaliksik
at pagunawa sa mga resulta ng survey. Ang mga sagot ng
kalahok ay irerecord at ita-tally batay sa kanilang
pagkakapareho at pagkakaiba ng kanilang mga naging
sagot. Ang mga sagot naman sa open-ended na
talatanungan ay magagamit sa deskriptibong pamamaraan
upang mas lumawak ang sakop ng pananaliksik na ito at
hindi lamang nababatay sa paksa ng stress.

You might also like