You are on page 1of 1

MARIA VENUS MONTOLO

BEED-2C

Tipo ng Pasulit: Reaksyong Papel

Panuto: Pakinggan ang kantang pinamagatang “Masdan mo ang Kapaligiran”. Gumawa ng isang reaksyong papel batay sa rubriks sa
ibaba:

Ang Kantang ” Masdan Mo Ang Kapaligiran” ay orihinal na likha ng Asin. Ito’y patungkol sa ating kapaligiran na Ngayoy patuloy at kasalukuyang
nag bababago.

Ika nga, Ang Kalikasan ay parte ng ating buhay. Ngunit kadalasan, ang ating mga ginagawa ay sumasalungat rito. Kahit na dito galing ang ating
pinang aaraw araw ay patuloy parin ang pagsira natin dito. Kahit ito ang ating sandigan, lubos pa rin ang pag aabuso natin dito. Kahit ito ang
buhay natin, Animo’y walang pakundangan ang pag kuha at pag angkin ng yaman nito na pan sarili lamang. Masdan mo ang iyong/ating
kapaligiran sa kasalukuyan. Ano ang iyong nakikita? ..

Ayon sa kanta, at sa mismong ating nakikita, Marami na nga ang mga nagbago at nagbabago sa ating kapaligiran

Narito ang piling linya ng kantang Masdan mo ang Kapaligiran na alam naman ng lahat na totoong nangyayari :

“Kay dumi na ng hangin, pati na ang mga ilog natin.”

“Masdan mo ang tubig sa dagat dati’y kulay asul ngayo’y naging itim”

“bakit di natin pagisipan ang nangyayari sa ating kapaligiran hindi na masama ang pag-unlad kung hindi nakakasira ng kalikasan darating ang
panahon mga ibong gala ay wala nang madadapuan. Masdan mo ang mga punong dati ay kay tatag ngayo’y namamatay dahil sa ‘ting kalokohan”

..Tayo rinang nag bubuhat ng sarili nating bangko. Darating ang panahon na wala ng matitira sa kalikasan kung patuloy ang paggawa natin ng
hindi karapat dapat dito. Di malayong mangyaring mawalan tayo ng tirahan kunng di tayo magh tutulungan sa pg pigil nito. Masdan mo ang
kapaligiran.

You might also like